Ti Emily
Ti ched, tess arnold at bunso nya.
Ti Ruby. Ti ruping ti lily ti ogie joan
Babes..
Hi I'm Ed Mat of the Philippines....
Ti Emily
Ti ched, tess arnold at bunso nya.
Ti Ruby. Ti ruping ti lily ti ogie joan
Babes..
Diabetis Huwag Pabayaan Dahil Nakamamatay
Payo Ni Doc Willie Ong
Kung ika’y may nararamdamang pamamanhid, laging uhaw, madalas umihi, o namamayat, magpa-check sa diabetis. Lalo na kung may lahi ka ng diabetis, dapat suriin ang iyong asukal sa dugo. Kapag ang blood sugar ay higit sa 105 mg/dl pagkatapos ng 10 oras na hindi pagkain (fasting blood sugar), nangangahulugang may diabetis ka na. Sorry po.
Ang ibig sabihin nito ay 20-50% ng iyong mga selula sa pancreas ay nasira na ng diabetis. Gagaling pa ba ito? Hindi ito mapapangako ng doktor, pero maaari pa nating maisalba ang mga gumaganang parte ng pancreas.
Simple lang ang gamutan sa diabetes. Una, mag-diyeta at mag-ehersisyo. Bawal ang matataba at matatamis. Umiwas sa soft drinks, iced tea at mga juice. Mag-tubig ka na lang. Mag-ehersisyo ng mas regular, iyung pinapawisan naman.
Pangalawa, kung mas mataas pa sa 125 mg/dl ang iyong fasting blood sugar ay puwede nang magsimula ng gamot. Marahil ay hindi na makukuha sa diyeta iyan.
May mga mura, mabisa at epektibong gamot sa diabetis. Ito ay ang (1) Metformin 500 mg na tableta, mula 1 hanggang 3 tableta sa maghapon; (2) Gliclazide 80 mg na tableta, mula 1 hanggang 3 tableta sa maghapon. Ang pag-inom ng gamot ay depende sa taas ng blood sugar. Mga 5 piso lang ang bawat isang tableta. Mas mura ang gamot sa Botika ng Bayan at Generics Pharmacy.
Sa pamamamagitan nitong 2 gamot, dapat ay mapababa na natin sa normal na lebel ang iyong blood sugar. Ang layunin natin ay mas bumaba pa sa 105 mg/dl ang iyong fasting blood sugar, at bumaba sa 140 mg/dl kung ika’y nakakakain na.
Kung hindi mo tututukan ang iyong blood sugar, ay mapapabilis ang pagdating ng komplikasyon nito. Mamamanhid ang paa at kamay. Lalabo ang mga mata. Hindi na kayang mag-sex. Masisira ang ugat ng puso. At sa huli, mapuputol ang paa at masisira ang mga bato. Puwedeng umabot sa dialysis at pagkamatay.
Hindi biro ang sakit na diabetis. Huwag maniwala agad sa mga advertisement at supplements sa diabetis. Ang dalawang binanggit kong mga gamot ang pinakamabisa at pinakasubok na gamot sa diabetes. Sigurado pong hahaba ang buhay niyo sa mga gamot na ito. Kumonsulta sa inyong doktor.
BATO (Kidney)
Ang mga senyales ng pinsala sa bato ay kinabibilangan ng pagkapagod, pananakit o pamamanas sa paa at bukung-bukong, pagduduwal, at pagkawala ng gana. Maaari ding magkaroon ng pagbabago sa pag-ihi, tulad ng mas madalas na pag-ihi (lalo na sa gabi), dugo sa ihi, o hirap sa pag-ihi.
Mga palatandaan at sintomas
• Pagbabago sa pag-ihi:
Mas madalas na pag-ihi, lalo na sa gabi.
• Madugong ihi o ihi na kulay kape.
Nahihirapan umihi o tila nahihinto ang daloy ng ihi.
• Pagkahapo at pamumutla:
Mabilis mapagod o panghihina ng katawan.
Pamumutla ng balat dahil sa anemia.
• Sakit at pamamanas:
Masakit na tagiliran o likod.
Pamamanas (edema) ng mga paa, bukung-bukong, o kamay.
• Pangkalahatang kondisyon:
Hindi makontrol na altapresyon.
Pagkawala ng gana at pagduduwal o pagsusuka.
Hirap makatulog.
Patuloy na pangangati.
Hinihingal o igsi ng hininga.
Masakit na pag-ihi.
• Kung may kidney stones:
Matinding sakit sa likod o tagiliran.
Dugo sa ihi.
Pagduduwal at pagsusuka.
Mahalagang paalala…
Hindi lahat ng may sakit sa bato ay makakaramdam agad ng mga sintomas, lalo na sa mga unang yugto.
Ang mga sintomas na ito ay maaari ding senyales ng ibang karamdaman.
TANDAAN:
Ang impormasyon na nakapaloob dito sa Gabay sa Kalusugan - Pahina ng Kalusugan ay para lamang sa mga layuning pang-edukasyon at hindi kapalit ng payo, diagnosis o paggamot ng isang lisensiyadong manggagamot. Dapat kang humingi ng mabilis na pangangalagang medikal para sa anumang mga isyu sa kalusugan. Bisitahin ang iyong doktor. Salamat po.
Umpisa na ang apat na oras na pandugtong sa buhay nya..
May nagtanong sa comment section sa isa kong post..
Ano daw ba ang ginagawa sa dialysis?
Sinasalinan daw ba ng dugo?
Ano nga ba ang dialysis❓️❓️❓️
Ang Dialysis ay isang medical treatment na tumutulong sa mga taong may sakit sa kidney na hindi na gumagana ng maayos. Kapag ang kidneys mo ay hindi na nakakapag-filter ng dumi at sobrang tubig sa dugo, ang dialysis ang tumutulong sa kanila.
May dalawang klase ng dialysis:
1. Hemodialysis: Ginagawa ito sa isang dialysis center o hospital, kung saan ang dugo mo ay nililinis sa pamamagitan ng isang makina.
2. Peritoneal dialysis: Ginagawa ito sa bahay, kung saan ang isang solusyon ay ipinapasok sa tiyan mo at sinasipsip ang dumi at sobrang tubig.
Ang dialysis ay nakakatulong sa mga taong may end-stage renal disease (ESRD) o acute kidney injury (AKI) na mabuhay ng mas matagal at mas komportable.
Nawa Makatulong❗️
MERON AKONG KWENTO! ☺️
Kahapon, nakasakay ako ng motortaxi papuntang QC. Pagdaan namin sa EDSA People Power Monument, biglang sabi ng rider,
“Magrarally na naman dito bukas mga NPA.”
Sabi ko,
“Hindi po NPA ’yon, kuya. Mga pari at obispo ang nananawagan niyan—para manindigan laban sa mga ninakaw sa bayan.”
(Mukhang di niya alam na pari ako. Hehe.)
Sagot agad niya,
“Bayaran lang naman yang mga pari na ’yan para pabagsakin si Sara.”
Sa loob-loob ko,
Grabe. Wala naman akong binanggit na pangalan.
Ganyan talaga kapag malalim ang kapit ng fake news—automatic ang script, kahit hindi tugma sa usapan.
Kaya pinaliwanag ko,
“Hindi gustong pabagsakin ng Simbahan ang gobyerno. Gusto lang naming panagutin ang dapat panagutin.”
Pero sagot ni kuya,
“Eh ayaw nilang paalisin si Bongbong. Kay Sara lang sila galit kasi di nila makontrol mga Duterte.”
Ayan na. Buong package ng disinformation—complete.
Sinabi ko ulit,
“Kuya, pare-pareho silang may mali.”
At doon siya biglang bumaba ng tono:
“Binoto ko si Bongbong noon… pero ngayon ayaw ko na. Adik daw. Yun lang naman ang magnanakaw tsaka mga alipores niya.”
Tinanong ko,
“Sino po nagsabi sa inyo na iboto siya noon?”
Doon na siya nawindang.
Kwento siya tungkol sa “term sharing daw” nila ni Sara.
Magulo.
Paikot-ikot.
At doon ko lalo siyang naintindihan:
Hindi naman siya masama.
Biktima siya.
Biktima ng mga makapangyarihang
minomolde ang “katotohanan”
para sa sariling interes.
Kaya sinabi ko sa kanya ng diretso:
“Kuya… pari po ako. Kung NPA kami, kung bayaran kami… sige. Kapag may tinanggap akong kahit piso bukas sa pagpunta ko sa rally—diretso ako sa impyerno.”
Handa akong itaya ang kaluluwa ko kasi alam kong totoo ang ipinaglalaban ko.
“‘Yung mga nagkakalat ng fake news… kaya rin ba nilang itaya ang kaluluwa nila?
At ’yung naniniwala agad sa kasinungalingan… handa rin ba nilang sabihin na kung mali sila, handa silang mamatay ngayon at humarap sa Diyos?”
Natawa siya at sinabi:
“Sir, wag naman ganyanan…
Parang nananakot kayo.”
Sabi ko,
“Hindi po ako nananakot.
Hindi lang kasi ako takot. Dahil ang ipinaglalaban namin, hindi para lang sa pamomulitika at hindi lang para sa sarili namin.
Para sa katotohanan. Para sa katarungan. Para sayo rin yun. Buhay ng mga Pilipinong matagal nang niloloko ng gobyerno na, di ba, sinasabi pa ngayon na sapat na daw ang 500 para sa katulad mong lumalaban ng patas habang sila, kasama yan si Sara, 500 million, kulang pa sa mga ginagastos nila.”
“Mas nakakatakot ang hayaan ko ang ibang tao na piliting mabuhay sa impyerno—yung impyerno ng kasinungalingan at manipulasyon, yung impyernong buhay kahit kaya namang makaahon sa buhay sana.”
Tahimik siya hanggang sa dulo ng biyahe.
At sa katahimikang iyon, feeling ko:
May nabasag sa paniniwalang liko.
At minsan… sapat na ang maliit na bitak para makasingit ang liwanag.
Sana magising…
Owkie. Punta na tayo sa EDSA! ☺️
#TrillionPesoMarch