Sunday, April 27, 2025

Payong kaibigan

 PAYONG KAIBIGAN 💕👍💯

Kung ang lahat ng kinikita mo ay ginagastos sa pagkain, inumin, at mga party — you're not building a future, nabubuhay ka lang sayong pang araw-araw. 


Sabi ng iba, "Mamatay ka bukas, wala kang dadalhin." ang iba naman, "Nabuhay kami na wala at mamamatay kami na wala."


Oo tama naman. Ngunit hindi iyon nagbibigay-katwiran sa kawalang-ingat. Ang mga iresponsableng pagpili ngayon ay babayaran mo bukas. Tandaan ang kuwento ng langgam at tipaklong?


Ang langgam ay nagtatrabaho, naghahanda para sa taglamig. Ang tipaklong ay tumawa, nagsalu-salo, at tinuya siya: "Bakit kaba nagpapagod magtrabaho? Bukas naman ay mamatay ka!"

Ngunit pagdating ng taglamig, ang tipaklong ay walang pagkain, walang masisilungan.


Humingi siya ng tulong sa langgam. At sinabi ng langgam: "Di ba pinagtawanan mo ako kahapon? Diba sabi mo maikli lang ang buhay at hangal lang ang nagtratrabaho?"


Sa buhay, pipiliin mo: Maging tipaklong, nabubuhay pansamantala. O maging langgam, pagbuo ng isang bagay na tumatagal.


Isipin mo ang iyong kinabukasan. Isipin mo ang iyong pamilya. Hindi sa lahat ng oras magiging ganito ka kalakas. Hindi palaging magkakaroon ka ng mga pagkakataong ito. Paano mo gustong tumanda? Hindi ito tungkol sa swerte. Ito ay tungkol sa mga pagpipilian. Ang ginagawa mo ngayon ay humuhubog kung sino ka bukas.

No comments: