Thursday, April 17, 2025

Sabi nila

Sabi nila, “edad lang ‘yan.” Pero totoo ba?

Sa Pilipinas:

Ang mga batang 15 pababa ay hindi pwedeng panagutin sa krimen. Iniisip natin na wala pa silang kakayahang umintindi ng tama’t mali.

Pagdating ng 65, kailangan nang magretiro—kahit may lakas at pangangailangan pa.

Sabihin mo ‘yan sa mga magulang ng Grade 8 student na pinatay ng mga kaklaseng 14 anyos.

Sabihin mo ‘yan sa mga manggagawang minimum wage buong buhay na ngayon ay sapilitang magreretiro.

Madalas nating sabihin na “edad lang ‘yan”, pero mismong mga batas natin ang nagsasabing mahalaga ito.

Panahon na siguro para tanungin: Edad nga lang ba talaga ang basehan ng kakayahan at pananagutan?

No comments: