Monday, March 30, 2020

Alam kong may magagawa ang Dios.

🎢🎡Alam kong may magagawa ang Dios
Kung ako'y mag tatapat
At sa kanya'y mag lilingkod
Alam kong may magagawa ang Dios
🎡🎢
Alam kong diringin ng dios ang samo ko
Alam kong diringin ng dios ang samo ko
Kung ako'y mag tatapat
At sa kanya'y mag lilingkod
Alam kong diringin ng dios ang samop ko

Ang makasama ng Dios ay tunay
Ang makasama ng Dios ay tunay
Kung ika'y lalapit
Lalapitan ka niya
Ang makasama ng Dios ay tunay

Mayroong magandang
Mangyayari sayo
Kung lalapit ka kay Hesus

#Kanina habang pinakikinggan ko ang awit na ito hindi mapigil ang pagpatak ng aking mga luha.. Labis akong nalulungkot sa mga nangyayari  hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo, para sa mga biktima ng NCOV, mga taong naghihirap sa sakit na ito, mga frontliners higit lalo ang mga Doktor na namamatay sa sakit, mga taong nawalan ng hanapbuhay, mga mahihirap na walang makain. Tunay na nakakalungkot at nakakasakit ng dibdib...ngunit naniniwala ako na may magagawa ang Diyos, pakikinggan nya ang ating pagsamo at ang ating mga panalangin at higit sa lahat mayroong magandang mangyayari sa atin kung tayo ay lalapit sa kanya, magiging tapat at magkilingkod ng taos puso sa mga nangangailangan.. May magagawa ang Diyos!, manalig tayo na matatapos na ang_ epidemyang ito, manalig tayo na aalisin niya ang virus na kumikitil ng buhay at nagpapahirap sa marami.. MANALIG tayo sa kanya, lumapit tayo sa kanya!.. At hindi magtatagal may magandang mangyayari sa atin, sa ating bansa at sa buong mundo..
Panginoon nananalig kami sa iyo!! πŸ™πŸ™πŸ™

No comments:

Post a Comment