Saturday, July 20, 2024

Katotohanan.

 MASAKIT NA REALIDAD NG BUHAY 

Kapag buhay ka pa kakain ka ng simple lang.. Minsan masarap, Minsan naman hindi.

Pero pag Patay kana nagagawa kang ipagluto ng masasarap na pagkain kasi wala kana.

 

Kapag buhay kapa kailangan mo ng tulong pero walang magbibigay sa'yo Kasi daw walang maitutulong sayo kasi walang pera.

Pero kapag patay kana ang daming tutulong sa'yo, minsan pa nga mangutang lang para makapag abuloy lang kasi nakakahiya kapag walang maibigay.


Kapag buhay kapa hindi ka maalala ng pamilya mo.

Pero kapag patay kana kumpleto lahat sila parang Reunion pa, nagsama sama at ginawa pang pagkakataon para magsaya. 


Kapag buhay kapa walang magbibigay ng bulaklak sa'yo. Pero kapag patay kana bibilhan ka kahit mamahalin pa.


Kapag buhay kapa hindi hihingi ng tawad sa'yo

Pero kapag patay kana iiyak sa'yo at hihingi ng tawad.


Kapag buhay kapa hindi nila nakikita ang iyong halaga at magagandang ginagawa mo, Pero kapag patay kana ..Sasabihin nila sayang mabait, masipag at matulungin pa naman ang taong 'Yan.


In short, Mahal kalang ng tao kapag wala kana. Makikita lang ang halaga mo kapag Patay kana. Yan ang katotohanan. Ang reyalidad ng buhay. 😔😔😔

No comments:

Post a Comment