Saturday, September 21, 2024

Paano nagsimula.

 My Humble Beginning 🍀✨️✨️


Ganito ako nagsimula dati. Niremind ako ng fb today sa dati kong post.


1year and 4 months nagtrabaho muna ako sa Ukraine, tapos umalis ako sa work at nakitira sa isang Pinay na may apartment. Yan table na yan ang kanyang dining table, maliit lng good for 2-3 people people pag kumain, at the same time sabi ng mga Pinay opisina ko daw. 😃😅


Nagimprove na din ako dyan kasi nakabili na ko ng Apple Laptop (lenovo kasi yun una), 7 yrs na itong laptop sakin ngayon. Until now mabilis, walang hang, maayos pa din.


Pag marami kakain ililigpit ko yun nga gamit ko para may space, after kumain ibabalik ko mga gamit ko. Kasi pag dayoff ng mga Pinay madalas dito sa bahay na ito ang tambayan nila. Lahat ng mga umaalis sa work or nawawalan ng trabaho sa kanya natuloy. 💖✨️


Almost 2 yrs akong nakatira ng free sa apartment nya, bago ako kumuha ng sarili ko apartment. $500 a month yun nakuha ko, grabe yun pakiramdam nun afford ko na magbayad at magmaintain ng sariling apartment. Nakakatuwa lng makita at balikan kung paano yun naging simula. 💖✨️


Kung nasa panahon ka ngayon ng Humble beginning mo, take pictures of it. Feel mo lng lahat, mapa mahirap man yan or joyful moments. Balang araw magiging memories na lng ang lahat, ano yun memories na babalikan mo. Do not hate your struggles, your hardship, isa ito sa mga bagay na bubuo at maghahanda sayo. Gagawa ng magandang kwento mo. 🍀✨️


Goodluck at God bless sayo. Wag kang susuko, magpatuloy ka lng. Next time ikaw nman ang magrreminisce at magppost ng humble beginning mo ng may ngiti sa labi, habang sinasabi, 


I'm glad i didn't give up. Thank you God sa pagsama. 🙏🍀✨️

No comments:

Post a Comment