Monday, September 16, 2024

Totoo lang.

 "AYAW NIYA KAY JINKEE"


Mommy Dionesia, hindi pala sumipot sa kasal nila ni Jinkee kasi ayaw ni Mommy D si Jinkee. 


MANNY in his own words: 


"Nagpakasal kami ni Jinkee, wala yung magulang ko kasi ayaw niya kay Jinkee. Yung magulang lang ni Jinkee ang nandoon. Nandoon ang relatives niya. Ang kasama ko, yung kapatid kong isa. Wala na. Ayaw ng mama ko kay Jinkee noong araw pa, pero unti-unti na niyang naintindihan na kailangan palang suportahan ang anak para maging masaya at maging masaya din ang magiging lola. Nakita niya na masaya ang pamilya namin.


"Ta's tinutulungan namin siya—kahit na hindi niya kami sinipot, nagagalit siya sa amin, nagagalit siya kay Jinkee, sa akin.

E, we still love our mother and father.


"Later on, naintindihan naman nila na hindi naman sa habang buhay laging nandiyan sa poder nila ako nakatira, kami nakatira. Later on, naintindihan din.


"Huwag lang natin awayin yung magulang natin. Kasi sa ayaw at sa gusto natin, iisa lang ang magulang natin. Kapag sila nawala, mahirap yun.


"Hindi ko rin naman sinasabi na maka-Mama ako, na Mama's boy ako. That's our responsiblity. We should love our parents. Palagi ako nag-a-'I love you' sa mama ko, sa mga magulang ko, sa mga kapatid ko, sa asawa ko. Sa magandang sitwasyon man o hindi magandang sitwasyon, palagi akong nag-a-'I love you' sa kanila.


Kasi, hindi natin alam ang buhay, e. Mamaya wala na tayo, bukas wala na tayo..."


- Manny Pacquiao


#Reposted

No comments:

Post a Comment