Sunday, November 10, 2024

Balanse

 "We are raising children, not houses."


Nabasa ko lang somewhere in IG. Tama naman. Maganda na malinis at maayos ang bahay palagi pero, sa totoo lang, sobrang hirap panatilihin na malinis ang isang bahay sa buong araw. Sa paglilinis na lang mauubos ang oras mo kesa sa mga importanteng bagay. 


Magmula ng bumukod kaming mag-asawa, na-realized ko na "Sometimes, you can't win them all".

 

Malinis na bahay pero naubusan ka naman ng oras sa sarili o sa anak. 


Ang daming bonding with my kid pero parang dinaanan ng bagyo ang bahay. 


Malinis ang bahay at maayos ang anak pero nagkakasakit ka naman sa pagod kasi you want to do it all. 


Ultimately, it all boils down to priorities. Yes, dapat linisin ang bahay pero wag ubusin ang oras sa kakalinis to the point na nakakalimutan na ang mga kasamang nakatira sa tahanan.


Okay lang na gumala o matulog ng may mga kalat. 


Okay lang na makipagbonding sa anak kahit tambak ang hugasin at labahin. 


Hindi sayang ang oras mo kapag inuna mo ang pakikipaglaro sa anak mo. 

Again, we are raising children not houses. 


Ang hirap i-balanse ano? Pero basta ginagawa mo ang makakaya mo with good intentions, okay na okay na yan. 


You can still be a good mom kahit na makalat at hindi organized ang bahay. ❤


✍️mommyerikajane

No comments:

Post a Comment