MAHALIN ANG ASAWA
"9 REASONS KUNG BAKIT MASARAP KATABI ANG IYONG ASAWA SA PAGTULOG"
Iba pa rin kapag katabi mo ang asawa mo sa pagtulog.
1. May tatapik sa likuran o kaya'y hihimas sa tiyan mo para lang makahanap ka ng masarap na tulog.
2. May kaagaw ka sa kumot kapag maginaw na ang gabi.
3. May papatay ng aircon/electric fan sa lamig o kaya'y magbubukas sa sobrang init.
4. May dadantay sa iyo, o mas tamang sabihing, may madadantayan ka 🙂
5. May gigising sa iyo kapag malakas ang hilik mo lalo na kapag umuungol ka na sa bangungot.
6. May magdadala sa iyo ng tubig kapag bigla kang sinumpong ng sakit mo.
7. May masasabihan ka ng kwento ng buhay mo sa maghapon kahit minsan ay nakakatulugan ka niya.
8. May mangangalabit sayo ng 3.AM ng madaling araw😅😅
9. May hahalik sayo paggising mo🥰
Iba pa rin kapag katabi ang asawa sa pagtulog. Mas payapa, panatag at secured ka dahil alam mong katabi mo ang taong nagmamahal sa iyo at minamahal mo. 👭💞
Mahalin ang asawa siya ay biyaya sa atin ng ating Diyos
No comments:
Post a Comment