Mas masakit pa, taon-taon na lang tumataas ang binabayaran. Hindi naman lumalaki ang kita, hindi rin araw-araw malakas ang benta, pero ang singil pataas nang pataas.Bago lagi pa di kasama sa ayuda dahil may tindahan ,nakita lng nila malaki at maraming laman Yun tindahan kla nila mayaman na di nila alam puro utang ang puhunan Kya minsan nakakasama ng loob nagsusumikap ka para di ka na makadagdag sa pasanin ng gobyerno pero Yun mga taong tamad na walang ginawa kundi magparami ng anak at di marunong magtrabaho (di ko nilalahat ha) lagi na lng Sila ang priority.
At ngayong malapit nang matapos ang taon, papalapit na naman ang isang siguradong “nagpapabutas ng bulsa” naming mga tindera—ang pagbabayad ng business permit. Kahit hindi pa man bumabawi ang puhunan at pagod ,puyat sa pagtitinda kailangan nang maghanda, kailangan nang humanap ng pambayad.
Sa totoo lang, minsan mapapaisip ka kung para kanino ba talaga ang sistema. Hindi kami
tumatanggi sa obligasyon, pero sana naman ay may konsiderasyon—dahil ang bawat pisong kinikita namin, pinaghihirapan.
Dahil kaming may mga Tindahan maliit lng ang kita, malaki ang tiyaga. Sana balang araw, marinig din ang boses ng mga tulad naming Simpleng nagNenegosyo lang para mabuhay.
#AteMheanneAndKuyaJhunStoreJourney
#BusinessPermit
#BosesNgMgaTindera
#BusinessPermitRenewal
#buhaytindera

No comments:
Post a Comment