Monday, December 15, 2025

Farm to..

Ano ang dapat bantayan?
Baka yung Farm to Market Road ang maging kasunod na Flood control scam…

Para maiwasan, kung pwede po lamang…

1. Conduct an inventory of existing FMRs.

Mahalaga po ang updated na listahan para malinawan kung saan ang pangangailangan.

Ano na ang kalagayan ng mga naipagawa?

Ilan ang nangangailangan ng repairs o maintenance.

2. Adopt a basic computation ng cost ng standard FMR. Magkano po ba ang ginagastos natin sa isang kilometrong haba? Baka pwedeng magkaroon ng transparency sa cost computation at sa stabdard contracts, awards sa mismong website ng ahensya.

3. Pag- aralan ang ibat-ibang modus ng pandadaya sa FMR. Marami ng audit na nagawa na syang nagbuking sa mga sumusunod:

Farm to cockpit road 😆

Farm to pocket road 

Farm to mistress road ( walang audit report ito )

Palakasin ang mga samahan, kooperatiba ng magsasaka upang sila ang magbantay ng pagpapagawa ng FMRs through Citizens Participatory Audit!

Lubhang kailangan ang FMRs pero kailangan ang tamang pagbabantay upsng wag maging flood control scam 2

PS
Di ko sinasadyang mukha nya ang nacapture sa aking panunuod ng news.

No comments:

Post a Comment