Sunday, December 21, 2025

GL gurantee letter

Ako ay naninilbihan sa isang government hospital. Walang plantilla o item. Contractual lang ako dun. Which means kalahati ang sweldo na natatanggap ko kumpara sa empleyado na may item. Wala kaming PF kasi nga swelduhan kami ng gobyerno. Libre ang serbisyo namin sa public hospitals. 

Sa private hospital, naniningil ako. Bakit? Hindi naman ako binabayaran ng ospital e. Magtatrabaho ka at magbibigay ng serbisyo, edi siyempre karapatan mo maningil. 

Alam nyo ba, sa mga private hospitals, PINAKAHULING nababayaran ang mga doktor? Pwede nga mag promisory note e. Kung mabayaran kami, edi ok. Pag hindi na kami nabayaran, edi welcome na lang. 

Ang problema sa GUARANTEE LETTER, hindi siya GARANTISADO na magbabayad. Try mo magtrabaho tapos utang muna yung sweldo mo. Ilang buwan pa bago ka mabayaran? Or minsan pag wala ng pondo, hindi ka na mababayaran. Kaya mo? 

Magalit kayo sa sistema. Pare-pareho lang tayong biktima dito. P60k binabayad ko sa Philhealth taon-taon since 2018. Sa tingin mo hindi rin ako frustrated? Saka linisin mo muna bunganga mo. Umagang umaga apakabastos ng banat mo.



No comments:

Post a Comment