Thursday, August 15, 2024

Trabaho ng guro.

“HINDI NIYO PALA KAYA, BAKIT NAG-TEACHER? KAKA-VIDEO NIYO YAN PANG-REELS AT TIKTOK๐Ÿคก” - Tito Mars


Ito ang pasaring ng content creator na si Tito Mars sa mga guro. Pinuna rin nito ang pag upload ng content ng ilang guro sa social media.


Bukod rito ay ikinumpara pa ng vlogger ang mga guro sa mga nurses.


“Hiyang hiya naman daw po sainyo yung mga

NURSES na nag du-duty ng 16 hours sa PGH”, saad nito.


Dahil dito rumesbak ang mga guro at sinabing hindi yata naiintindihan ng vlogger ang buong kontexto ng kanyang nirereklamo.


“I challenge you to make a content and go teach straight for 6 hours without break for a day! Sa 6 hours na iyan dapat ay may 8 sections kang tuturuan with 3-4 different subjects na ituturo. Dapat din sa klase mo may nakahanda kang powerpoint presentation in every subject na ituturo at test papers with tables of specification. At dapat matapos mong i check ang sandamakmak na test papers na yan in just a day para ma i-record mo sa class record. Tingnan natin kaya mo ba yan. Ang dali dali mong mang bash hindi ka naman ng research ng tama.” komento ng isang guro.


“Try mo maging teacher para alam mo ang hirap . Para alam mo din na hindi lang sa loob ng 4 corners ng classroom natatapos ang trabaho ng teacher, na hindi lang 6 hrs kami nagtatrabaho. Pag uwi ng bahay trabaho padin sa school ang ginagawa namin .  Wag kang puro kuda wala ka namang alam sa pagiging teacher.” komento ng isa pang guro. 


Inulan ng pambabatikos mula sa mga magulang at guro ang video reaction at mga facebook posts na ito ni Tito Mars.

No comments: