Sunday, March 08, 2020

Make

Make A Change To Be Happy

Mula nung pumanaw si idol Kobe Bryant may nagbago sa pananaw ko sa buhay. Active physically, walang bisyo, maingat sa pagkain at bata pa kinuha na ni Lord. Kahit anong buti ng tao, maski lahat pa ng yaman at katanyangang meron ka hindi mo pa rin hawak ang buhay mo. Borrowed life kumbaga.

Kaya mula ngayon semi-buti na lang ako, gagastusin ko pera ko at bibilhin ano man magpapasaya sa akin at wala na akong pakialam sa tanyag-tangay na yan. Kakainin ko na lahat ng masasarap. Tara, sino gustong kumain ng crispy pata?  Libre ko!

Ayan tayo eh. May ako ako ako dyan. Nagwawala na naman. 🤣
Biro lang syempre. Be happy always. Mas lalong mang ingat, mahalin at sabihan ng “I LOVE YOU” lahat ng mga mahal sa buhay even mga kaibigan. Do it now, kasi pag it’s time, it’s time. Pass your papers finished or not finished. No extension.

I love you GsKers!


No comments: