Wednesday, January 07, 2026

Requirements for Pagibig death claim (single).

Basic needs

1. Application for provident benefits death claim. APB CLAIM FORM
2. Death cert of member.
3. Proof of surviving legal heirs - to be signed by claimant
4. CRS Form No. 4) CENOMAR of member form NSO-PSA
5. Birth Certificate of Member's (NSO-PSA)
6. Marriage Certificate of Parent's (NSO-PSA)
7. Death Certificate of Mother/Father (NSO-PSA)
8. Certificate of Remittance/Certificate of Employment (If multiple records, SSS Employer static or employment history)
9. Any 2 valid ID's of member with signature (photocopy back to back and sign)
10. Funeral receipt/ SSS Funeral voucher.



Maynilad service application checklist for deceases sister

Maynilad Service Application Checklist

Php6000.00 fee for additional meter.

1. Application Form
2. TCT of deceases original and 1 photocopy
3. Valid ID with (3) specimen signature ng heirs.
4. Affidavit of surviving heirs consenting to the Maynilad installation (Certified True Copy)
5. Barangay Certificate/Clearance(Original) that will specify that the purpose is for Maynilad Installation.
6. Utility Bills




01082026 thu pagibig imus.

Php13 pamasahe panapaan kanto to imus robinson.

Php12+30 pamasahe pogi

Php200 lbc to lucy

6:10am dumating rob imus pag ibig.
7:10am pina akyat
7:55am nakaupo sa pila.

Pinapasok na sa pagibig officie.
8:14am may number na B3.
8:19am  tinawag na B3 to C15 chika chika
8:27am tapos na nagbigay ng requirements na dadalhin para ma claim ang death claim.

Php13.00 pamasahe rob imus to Maynilad

Inquire sa water service application.
Binigyan ng application at requirement list.
pwede na mag CI pag na fill up na ang application.
Php6k estimate para additional meter to existing.

9:11am pauwi na galing maynilad.
9:15am sa kanto na.
Naglakad pauwi para exercise.

Php10 bonete ni tomboy.

Nag reading na ang Maynilad.
Php100 pamasko.

Mama punta puregold bacoor LBC.

Bawas hangin lang.

NAGKAROON NG MATINDING TRAPIK DAHIL NA-STUCK ANG ISANG HIGANTENG TRUCK SA ILALIM NG TULAY. NAGKAKAGULO ANG MGA EXPERTO. ANG PLANO NILA AY GUMAMIT NG LAGARI PARA PUTULIN ANG BUBONG NG TRUCK O SIRAIN ANG BAHAGI NG TULAY, NA PAREHONG GASTOS AT ABALA. ​HABANG NAG-AAWAY ANG MGA "EXPERTO," MAY LUMAPIT NA BATANG NAGLALAKO NG TUBIG

Alas-dos ng hapon. Tirik na tirik ang araw sa EDSA.

Isang dambuhalang 18-wheeler container van ang nagdulot ng bangungot sa libo-libong motorista. Sa tangkang makatipid ng oras, sinubukan ng driver na si Mang Teban na dumaan sa isang lumang underpass.

Kampante si Mang Teban. Sabi sa sign, Vertical Clearance: 4.5 Meters. Ang sukat ng truck niya, 4.4 Meters. Kasya.

Pero hindi niya na-account ang bagong aspalto na ipinatong ng DPWH noong nakaraang linggo na nagpataas sa kalsada ng ilang pulgada.

KRRRRR-RAG!!!

Isang nakakangingilong tunog ng bakal na kumayod sa semento ang umalingawngaw.

Tumigil ang mundo ni Mang Teban.

Sumabit ang bubong ng container van sa sementadong biga ng tulay.

Naipit.

Hindi maka-atras. Hindi maka-abante.

Para itong bara sa lalamunan ng Metro Manila.

Sa loob ng tatlumpung minuto, humaba ang traffic ng limang kilometro. Walang galawan. Ang init ng makina at aspalto ay sumasabay sa init ng ulo ng mga driver.

Dumating ang Rescue Team. Dumating ang Police Traffic Group. At ang pinakahuli, dumating ang City Engineer na si Engr. Villareal, bitbit ang kanyang mga plano at gadgets.

Pinagpawisan nang malapot si Mang Teban. Umiiyak na siya sa tabi ng truck niya.

“Sir, pasensya na po… akala ko kasya…”

“Akala?!” bulyaw ni Engr. Villareal. “Tignan mo ang ginawa mo! Na-damage mo ang structural integrity ng tulay! At milyon ang nawawala sa ekonomiya dahil sa traffic na ’to!”

Nagtipon-tipon ang mga “Experto” sa gitna ng kalsada para mag-isip ng solusyon.

Seryoso ang mukha ni Engr. Villareal. “Masikip masyado. Wedged tight. Hindi kakayanin ng hila lang.”

“Gamitan natin ng heavy-duty chains at hilahin ng tow truck,” suhestiyon ng Police Chief.

“Hindi pwede!” tutol ng Engineer. “Kapag pinilit nating hilahin ’yan, baka madala ang pundasyon ng tulay at gumuho ang ibabaw! Mas malaking disgrasya ’yun!”

“Eh ano ang gagawin natin?” tanong ng Bumbero. “Gamitin namin ang hydraulic cutters? Putulin namin ang bubong ng container van?”

Nag-isip si Engr. Villareal. “Pwede. Pero aabutin ’yan ng tatlong oras. At masisira ang cargo sa loob. Mahal ang laman niyan.”

“Eh kung tibagin natin ang semento sa taas?” suhestiyon ng isa pa.

“Mas lalong hindi pwede!” sigaw ng Engineer. “Magko-collapse ang tulay! Delikado sa mga dumadaan sa ibabaw!”

Habang tumatagal, lalong nagiging komplikado ang usapan.

Kailangan daw ng industrial saw.
Kailangan daw ng crane.
Kailangan daw ng lubricant na pang-industriya.

Ang bawat solusyon ay nagkakahalaga ng libo-libo at aabutin ng siyam-siyam. Samantala, ang mga motorista ay busina nang busina. Ang init ay nakakasulasok.

Sa gilid ng kalsada, may isang 12-anyos na bata. Si Noynoy.

Payat, maitim, at may bitbit na styrofoam box. Naglalako siya ng mineral water sa mga na-stuck sa traffic.

“Tubig! Malamig na tubig!” sigaw ni Noynoy.

Lumapit siya sa grupo ng mga nag-aaway na opisyal. Uhaw na uhaw kasi ang mga ito kakansigaw.

“Tubig po, Sir?” alok ni Noynoy kay Engr. Villareal.

“Huwag muna ngayon, totoy! Busy kami!” taboy ng Engineer. “Nag-iisip kami ng solusyon sa pesteng truck na ’to!”

Hindi umalis si Noynoy.

Tinitigan niya ang truck.
Tinitigan niya ang bubong na sumabit.
Tinitigan niya ang semento.
At tinitigan niya ang malalaking gulong ng truck.

Nakita ni Noynoy na kulang na lang ng isang pulgada o one inch para makalusot ang truck. Dikit na dikit, pero kaunti lang ang kulang.

Narinig niya ang Engineer na kausap sa radyo ang headquarters.

“Yes, Sir. Magpapadala kami ng Acetylene torch. Puputulin namin ang top chassis. Opo, masisira ang truck pero wala tayong choice.”

Hindi nakatiis si Noynoy. Hinila niya ang laylayan ng polo ng Engineer.

“Sir…”

“Ano ba?!” inis na lingon ng Engineer. “Sabi nang umalis ka diyan eh! Delikado dito!”

“Sir, sayang naman po kung sisirain niyo yung truck,” inosenteng sabi ni Noynoy.

“Bata, hindi mo naiintindihan ’to,” paliwanag ng Engineer na parang kausap ay bobo. “Physics ito. Solid matter versus solid matter. Hindi kasya. Kailangan may magbawas. Either bawasan ang tulay o bawasan ang truck.”

“Eh Sir…” kamot-ulo na sabi ni Noynoy. “Bakit hindi niyo na lang po bawasan ang hangin sa gulong?”

Natahimik ang paligid.

Tumigil ang Bumbero sa pagkakasa ng gamit.
Tumigil ang Pulis sa pagsusulat ng ticket.

Si Engr. Villareal ay napanganga, nakatitig sa bata.

Dahan-dahan silang lumingon sa labing-walong gulong ng dambuhalang truck.

Ang mga gulong ay dambuhala, matataba, at puno ng hangin. Kung papasingawin nila ito, bababa ang height ng truck.

Hindi kailangang sirain ang bubong.
Hindi kailangang tibagin ang tulay.
Hindi kailangang gumastos ng milyon.

Hangin lang.

Namula ang mukha ni Engr. Villareal. Ang solusyon na hinahanap nila gamit ang calculus at engineering, nahanap ng isang batang nagbebenta ng tubig gamit ang common sense.

“Subukan niyo,” mahinang utos ng Engineer sa driver.

Agad na tumakbo si Mang Teban. Kumuha siya ng susi at isa-isang pinasingaw ang valve ng mga gulong.

PSSSSSSSSSHHHHHHH…

Malakas na sumingaw ang hangin.

Sa harap ng daan-daang tao, dahan-dahang bumaba ang higanteng truck.

Isang pulgada.
Dalawang pulgada.
Tatlong pulgada.

Bumaba ito nang sapat para magkaroon ng gap sa pagitan ng bubong at ng semento ng tulay.

“A-Atin na! Atin na!” sigaw ni Mang Teban.

Sumakay siya sa driver’s seat. Dahan-dahang umusad.

VROOOM.

Walang kayod. Walang sabit.

Malinis na nakalusot ang truck sa ilalim ng tulay.

Naghiyawan ang mga tao! Pumalakpak ang mga driver na kanina pa galit na galit.

Si Engr. Villareal, na kanina ay punong-puno ng yabang, ay lumapit kay Noynoy. Hiyang-hiya siya.

“Anong pangalan mo, iho?” tanong ng Engineer.

“Noynoy po.”

“Noynoy…” ngiti ng Engineer sabay dukot sa wallet. “Binilhan mo ako ng oras. Iniligtas mo ang trabaho ko, at iniligtas mo ang tulay na ’to.”

Inilabas ng Engineer ang isang libong piso at iniabot sa bata.

“Bilihin ko na lahat ng paninda mong tubig. At heto, sobra, consultancy fee mo.”

Nagtawanan ang mga bumbero at pulis.

Umuwi si Noynoy na masaya at ubos ang paninda. Samantala, ang mga “eksperto” ay naiwan sa kalsada na may bitbit na mahalagang leksyon.

Minsan, sa sobrang talino ng tao, nakakalimutan na nilang tumingin sa ibaba. Sa sobrang paghahanap ng kumplikadong sagot, nalalagpasan nila ang solusyon na nasa harap lang ng ilong nila.

Minsan, hindi mo kailangang maging Inhinyero para ayusin ang mundo. Minsan, kailangan mo lang maging tulad ni Noynoy—na marunong magbawas ng “hangin” para umusad ang lahat.

Tuesday, January 06, 2026

Basic list of requirements for sss death claim (single).


Basic needs:

1.



Budget grabe.

HOW MUCH BUDGET WAS OFFICIALLY ALLOCATED FOR OUR LEGISLATORS IN 2025 GAA?

Let’s do the math—using the official 2025 General Appropriations Act (GAA) figures alone.

SENATE (24 senators)
• Budget per senator (2025): ₱580,423,917 per year
• Multiply by 24 senators

₱580,423,917 × 24 = ₱13,930,174,008

Almost ₱14 BILLION for the Senate in one year!

That’s roughly:
• ₱48.37 million per senator per month
• ₱1.61 million per senator per day

HOUSE OF REPRESENTATIVES (316 congressmen)
• Budget per congressman (2025): ₱106,535,443 per year
• Multiply by 316 congressmen

₱106,535,443 × 316 = ₱33,670,000,000

That’s ₱33.67 BILLION for the House in one year.

That’s roughly:
• ₱8.88 million per congressman per month
• ₱292,598 per congressman per day

TOTAL LEGISLATIVE COST IN 2025 (SENATE + HOUSE):
 ₱47.6 BILLION

And this is just the official institutional budgets.

WHAT’S NOT YET INCLUDED HERE

“Commissions” or kickbacks tied to allocable projects

Shares from unprogrammed appropriations

Patronage funds coursed through ayuda programs
  – MAIFIP
  – TUPAD
  – AICS
  – AKAP
  – and similar schemes

These may not always come as direct cash—but they come as guaranteed votes.

THE UNCOMFORTABLE QUESTION

If assistant district engineer–underlings like Jaypee Mendoza and Brice Hernandez could amass hundreds of millions in kickbacks…
If a district engineer like Alcantara could earn even more…

How much went up the chain?
How much went to the Usecs? The Secretary?
How much went to the sponsoring congressmen and senators?

In a country where classrooms flood, hospitals lack beds, farmers drown in debt, and workers live paycheck to paycheck—
₱47.6 billion for legislators (before patronage and commissions) is not a small moral question.

It is a national one.

I have yet to see how much budget they allotted for themselves in the 2026 GAA.

LTMS unable to access.

Part 1. UNABLE TO ACCESS YOUR LTMS PORTAL?
HERE’S WHAT TO DO IF YOU CHANGED YOUR Email using / send E mail to clientcare@lto.gov.ph

Posted : January 6, 2026
Time : 11:39 AM

Original Content by : Rommel Garcia Poblador 

Step-by-Step: Pagpapalit ng Email sa LTMS Portal/ClientCare

Step 1: Ihanda ang mga kailangan
* Valid government-issued ID (Driver’s License, Passport, PRC ID, etc.) – siguraduhing malinaw ang scan o photo.
* Old email address na naka-register sa LTMS Portal.
* New email address na gusto mong gamitin.

LTMS account reference (hal. LTMS ID, Plate Number, o Registration Number).

Step 2: Gumawa ng formal email request
Buksan ang email client mo at i-compose ang email sa:

clientcare@lto.gov.ph

Subject line: Request to Change Registered Email – [Your Full Name]

Body ng email halimbawa:

Magandang araw po,

Ako po si [Buong Pangalan], may LTMS Portal account na naka-register sa email na [Old Email Address]. Nais ko pong palitan ang aking email sa bagong account na [New Email Address].

Mga detalye ng aking account:
- LTMS ID / Plate Number / Registration Number: [Ilagay dito]
- Valid ID attached: [I-attach ang scan/photo ng ID]

Hinihiling ko po ang inyong tulong na ma-update ang email ko sa inyong system.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,
[Buong Pangalan]
[Contact Number]

Step 3: I-attach ang ID
Siguraduhing malinaw ang front at back ng ID kung kinakailangan.
I-check na readable at walang nakatabing detalye.

Step 4: I-send ang email
Double-check ang lahat ng detalye bago i-send.
I-save ang copy ng email bilang record ng request.

Step 5: Hintayin ang confirmation
Karaniwang mag-reply ang ClientCare sa loob ng 3–5 business days (depende sa dami ng inquiries).
Makakatanggap ka ng verification email sa bagong email para tapusin ang update.

Step 6: I-verify ang bagong email
Buksan ang email at i-click ang verification link.
Pagkatapos nito, ang bagong email na ang gagamitin sa LTMS Portal.

Tips
- Huwag magbigay ng LTMS password sa kahit sino.

- Siguraduhin na ang bagong email ay secure at aktibo.

- Kung urgent, puwede rin personal visit sa LTO branch para mas mabilis.

DISCLAIMER:

Ang impormasyong ito ay ginawa para sa layuning pang-impormasyon at awareness lamang. Ang mga proseso, requirements, at oras ng pagproseso ay maaaring magbago anumang oras ayon sa patakaran ng Land Transportation Office (LTO). Para sa opisyal, kumpleto, at pinakabagong gabay, makipag-ugnayan pa rin nang direkta sa LTO ClientCare o bumisita sa pinakamalapit na LTO office. Ang may-ari ng LTMS account ang tanging may karapatang mag-request ng anumang pagbabago sa kanilang personal na detalye.


 Part 2 UNABLE TO ACCESS YOUR LTMS PORTAL?

HERE’S WHAT TO DO IF YOU CHANGED YOUR Email. 


Awareness post

Posted : January 5, 2026

Time : 8:00 PM


Original Content by : Rommel Garcia Poblador 


Maraming drivers ang hindi na ma-access ang kanilang LTMS Portal dahil sa pagpapalit ng email address. Mahalagang malinaw: hindi ito basta-basta mare-retrieve online kung wala ka nang access sa lumang email.


PROPER WAY TO RECOVER YOUR LTMS ACCOUNT:


1. Personally visit the nearest LTO Office

Seek assistance from the LTMS Help Desk / Client Support.


2. Prepare the following:


- Driver’s License / Student Permit / Conductor’s Permit

- One valid government-issued ID

- Old email address (if remembered, even if no longer accessible)

- New active and personal email address


3. At the LTO office, they will:


- Verify your identity

- Update your registered email address

- Reset your password or issue temporary access


IMPORTANT REMINDERS:


* The “Forgot Password” option will not work if the OTP is sent to your old email.


* Do NOT create a new LTMS account.

One driver = one LTMS account only.

Duplicate accounts may cause problems with records, renewals, or violation history.


PRACTICAL ADVICE FOR ALL DRIVERS:


Use a personal and long-term email address for your LTMS account.

Avoid using company or temporary emails.

Do not entrust your LTMS account to fixers or third parties.


DISCLAIMER:


This post is for information and public awareness only. Only the Land Transportation Office (LTO) has the authority to update and recover LTMS accounts.




01072026 wed

Php20 pandesal

Php30 eastwest bank pamasahe.
Php50 breakfast egg rice hotdog.

1:14pm tinawag na 6136
1:28pm done na. Need cld 1.3 at bank deposit slip. At E4 nag request pa.
Balik 1st week of february 2026

Naglakad papunta sa bpi at pauwi.
Punta bpi get bank deposit slip.
Php60 kwek kwek at kikyam


Monday, January 05, 2026

01062026 tue cedula

Php14 pandesal

Office pogi
Ganda wfh

Php12+30 pamasahe

Php110 8x3=24pcs  110/24=5 each photo copy ng ctc death cert. Sis, psa death cert nanay at tatay.

Php20 cedula sa barangay P F ESPIRITU 3. Thanks kay konsi ruel san miguel.

Libre barangay certificate ni mama.

Php50 balumbalunan at atay manok
Php60 atsara.

Php10 pandecoco
Php30 pamasahe

01052026 mon hatid

Php18 pandesal

Wfh ganda training.
Pogi office

Php230 jolibee
Php39+39 toll fee

Punta wilcon bacoor blvd. Bili tiles.
Php12085
Bd:
Php9240.00 14box*660 60x60cm tiles
Php2750.00 10bag* 275.00 abc adhesive cement tile bonding agent.
Php95 1bag 2kls mid brown with biotech.

Php413 450 lalamove delivery ng tiles

Php231 jolibee

Php30 pogi.

Absent

 ABSENCES, AWOL, AND DISMISSAL IN GOVERNMENT SERVICE — WHAT YOU NEED TO KNOW


Attendance is a basic duty in public service. In the Philippine Civil Service, absences become an issue only when they are unauthorized or when they show a clear pattern of neglect.


AUTHORIZED VS UNAUTHORIZED ABSENCE

Absences are allowed if they are filed, approved, and supported by valid reasons. They become unauthorized when an employee does not report for work without approved leave or leaves work without permission. Unauthorized absences may lead to administrative discipline.


WHEN IT BECOMES HABITUAL ABSENTEEISM

An employee may be considered habitually absent when unauthorized absences exceed allowable leave credits for:

- 3 months in a semester, or

- 3 consecutive months in a year

This is a grave offense that may result in suspension or, for serious or repeated cases, dismissal from service.


30 DAYS CONTINUOUS AWOL

If an employee is absent for 30 working days straight without approved leave, the person may be:

- considered AWOL, and

- dropped from the rolls or separated from service

This is treated as abandonment of work.


DUE PROCESS STILL APPLIES

For shorter or repeated unauthorized absences, the agency follows due process:

- Notice to explain

- Investigation

- Decision and appropriate penalty

No employee may be dismissed without proper procedure.


REMINDER

File leave properly, inform your office in emergencies, and maintain communication. Public service requires presence, accountability, and responsibility.


Visit us: https//taplink.cc/cesexamsreviewcenter




Saturday, January 03, 2026

01042025 sun

Online Lto

Mechanigo PH Logo
Get A Quote
 LTO Philippines Car Registration Renewal: Paano at Kailan ka Dapat Magrenew (Full Guide)
December, 2025 • Mechanigo.ph

LTO Philippines Car Registration Renewal: Paano at Kailan ka Dapat Magrenew (Full Guide)
Kung may kotse ka, isa sa mga pinakaimportanteng responsibilidad bilang motorista ay siguraduhing rehistrado at roadworthy ang iyong sasakyan.

Ang Land Transportation Office (LTO) ang ahensiyang nangangasiwa sa lahat ng vehicle registrations sa bansa—mula sa brand-new cars hanggang sa yearly renewals.

Para hindi ka maligaw o ma-stress sa proseso, narito ang updated and simplified version ng LTO registration guide na swak para sa lahat ng Pinoy drivers.

Bago Ka Pumunta sa LTO: Mga Dapat Mong Malaman
Ang LTO ay may maraming branches nationwide, pero tandaan:

✔️ Hindi lahat ng LTO offices ay nagpo-process ng vehicle registration.

✔️ Siguraduhing available ang service sa branch na target mo.

✔️ Sa mga major cities tulad ng Metro Manila, Cebu, at Davao, asahan ang mas mahahabang pila.

Tipid-tip: Pumunta nang maaga at siguraduhing kumpleto ang requirements para mabilis ang proseso.

💡Reminder: Iwasan ang mga fixer na nag-aalok ng “shortcut”— illegal ito at pwedeng magdulot ng scam o multa.
Kung nalilito ka, huwag mahiyang magtanong sa front desk, usually very accommodating ang staff.

Mga LTO Branches sa Metro Manila (with Contact Numbers)
● Makati – Butel Building

📞 895-8678 / 897-5198

● Diliman – East Avenue, QC

📞 723-7740 / 921-9017

● Pasay – Domestic Road

📞 834-2471

● Cubao – San Roque, QC

📞 440-6524 / 356-0708

● Navotas – Fishport Complex

📞 283-3510

● Mandaluyong – Shaw Blvd.

📞 523-2726

Mga Dokumentong Kailangan Ihanda
Para sa Brand-New Locally Manufactured Vehicles:
● Original Sales Invoice

● Certificate of Quality Control

● Certificate of Stock Report (CSR)

● PNP-HPG Motor Vehicle Clearance

● Approved Motor Vehicle Inspection Report (MVIR)

● Certificate of Cover (COC) Insurance

● TIN (Taxpayer Identification Number)

Para sa Imported Vehicles
● Bill of Lading

● Bureau of Customs Certificate of Payment

● CSR

● Sales Invoice

● MVIR

● COC Insurance

● TIN

Para sa Renewal ng Registration
● Photocopy ng CR at OR ng huling rehistro

● Updated COC Insurance

● Motor Vehicle Inspection Report (MVIR)

● Certificate of Emission Compliance (CEC)

● TIN

For Public Utility Vehicles (PUVs): LTFRB Franchise Confirmation

PMVIC Inspection: What to Expect
Bago ka makapag-renew, kailangan mong magpa-inspect sa Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC).

Layunin nito na siguraduhin na ligtas at maayos ang performance ng iyong sasakyan bago ito tuluyang irehistro.

Narito ang mga test na isinasagawa sa PMVIC:

Visual Inspection: Tinitingnan ang ilaw, wipers, gulong, body, at iba pa.

Sideslip Test: Checking kung pantay at maayos ang wheel alignment.

Suspension Test: Sinusuri kung epektibo pa ang shock absorbers.

Roller Brake Test: Tinitingnan kung pantay ang braking force ng bawat gulong.

Speedometer Test: Sinusuri ang accuracy ng speed reading.

Headlight Test: Tinitingnan kung tama ang brightness at alignment.

Emissions Test: Sinusukat ang usok at emissions ng sasakyan (CO, HC, o opacity for diesel).

Sound Test (Optional): Tine-test ang noise level ng tambutso.

LTO Renewal Schedule (Base sa Plate Number)
Para maiwasan ang late penalties, sundin ang registration schedule ng LTO:

Last Digit = Month of Renewal
1 – January

2 – February

3 – March

4– April

5 – May

6 – June

7 – July

8 – August

9 – September

0 – October

Second-to-Last Digit = Week of Renewal
Middle Digit Renewal Period

1, 2, 3 = 1st–7th working day

4, 5, 6 = 8th–14th working day

7, 8 = 15th–21st working day

9, 0 = 22nd–last working day

Example:

Plate number: ABC 123 → Renewal: March 1–7 Pwede ka ring mag-renew one month earlier para iwas penalty at iwas siksikan.

Step-by-Step: Registration and Renewal Process
A. Para sa Bagong Sasakyan
● Pumunta sa tamang counter at isumite ang lahat ng dokumento.

● Magpa-inspect ng vehicle sa LTO inspector.

● Ibigay ang accomplished MVIR para ma-review.

● Magbayad ng registration fees at kunin ang Official Receipt (OR).

● I-claim ang Certificate of Registration (CR), plate number, stickers, at tags.

B. Para sa Renewal ng Registration
Option 1: LTMS Online Renewal
1. Mag-log in o gumawa ng account sa LTO LTMS Portal.

2. Siguraduhing naka-link ang iyong vehicle sa account.

3. Kumuha ng CTPL Insurance (electronic transmission required).

4. Magpa-inspect sa PMVIC at hintayin ang electronic submission ng MVIR.

5. I-proceed ang renewal process online at magbayad via GCash o card.

6. I-download at i-print ang Official Receipt (OR).

Option 2: Walk-In sa LTO Office
1. Ihanda ang lahat ng requirements.

2. Magpa-inspect ng vehicle on-site.

3. Magbayad ng fees sa cashier.

4. Kunin ang updated CR at OR.

Before Going to PMVIC: Be Inspection-Ready
Bago ka magpa-inspect, siguraduhin muna na maayos ang kondisyon ng sasakyan mo.

Check mo na agad ang mga sumusunod:

● Oil level at fluid leaks

● Tire pressure at tread depth

● Brakes responsiveness

● Lights and signal functions

● Wipers and horn

Ang mga simpleng checks na ito ay pwedeng makaiwas sa “failed inspection” at dagdag gastos.

PMVIC- Ready with MechaniGo.ph
Kung gusto mong siguradong pasa agad sa PMVIC, ipa-check muna ang kotse mo sa MechaniGo.ph!

Magpa-Home Service PMS Oil Change para siguradong maayos ang lahat bago ka pumunta sa testing center.

👉 Book your Home Service PMS Oil Change with MechaniGo.ph today!

Hindi mo na kailangang bumiyahe o pumila sa casa. With MechaniGo.ph, We Go to You — Anytime, Anywhere!

📍 Serviceable Areas:

Metro Manila • Rizal • Cavite • Laguna • Bulacan • Pampanga

📩 Message us on Facebook or click the button below to schedule!

📞 Call or text us at 0908-868-8367 / 0949-886-5910

Friday, January 02, 2026

Mooe

Understanding MOOE in Congress (and Government Agencies)

Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ay hindi personal na pera ng senador o kongresista. Isa itong opisyal, legal, at matagal nang umiiral na budget item sa General Appropriations Act, malinaw ang saklaw, malinaw ang layunin, at malinaw ang pananagutan.

Sa pinakasimple at tamang paliwanag, ang MOOE ay pondo para patakbuhin ang opisina, hindi para sa luho ng politiko.

Ano ba talaga ang saklaw ng MOOE?

Ang MOOE ay ginagamit para sa pang-araw-araw na operasyon ng opisina ng isang mambabatas o ahensya ng gobyerno. Kabilang dito ang:

■ Sahod ng congressional staff
■ Upa ng opisina, kabilang ang satellite at district offices
■ Office supplies, equipment, at maintenance
■ Utilities tulad ng kuryente, tubig, internet, at telepono
■ Operational expenses sa Maynila para sa mga kinatawang galing probinsya
■ District office operations para sa serbisyo sa constituents

Mas malinaw pa, saklaw din ng MOOE ang mga legally mandated staff benefits, gaya ng:

● 13th month pay
● Mid-year at year-end bonuses
● Performance-based incentives
● Iba pang benepisyong itinatakda ng batas at DBM guidelines

Ibig sabihin, ang MOOE ay budget para sa TAO at OPISINA, hindi personal allowance, hindi discretionary cash, at lalong hindi kickback fund.

Context matters: maliit ba o malaki ang MOOE?

Kapag inilagay sa tamang konteksto, ang ₱2 milyon na MOOE ay napakaliit kung sasapat ito para sa:

☆ Sahod ng maraming staff sa loob ng isang taon
☆ 13th month pay at bonuses
☆ Utilities at office expenses
☆ Buong taong operasyon ng opisina sa Maynila at distrito

Kung susumahin ang lahat ng ito, malinaw na walang luho dito. Walang “extra.” Walang personal na pakinabang.

Kaya ang tanong na dapat itanong ay simple.

Saan banda ang corruption na ipinagsisigawan?

Pare-pareho ang patakaran, walang pinipili
Mas lalong bumabagsak ang argumento ng mga umaatake sa MOOE dahil lahat ng kongresista ay tumatanggap nito, walang exemption, walang espesyal na trato.
Kasama rito ang mga kaalyado at kamag-anak ng dating administrasyon, tulad 
nina:

■ Pulong Duterte, 1st District, Davao City
■ Omar Duterte, 2nd District, Davao City
■ Harold Duterte, PPP Party-list

Pare-pareho silang may monthly MOOE at may karagdagang allocation tuwing Disyembre para sa 13th month pay at bonuses ng kanilang congressional staff.
Kung corruption ang MOOE, lahat sila kasali.
Pero hindi nila ito tinatawag na corruption kapag sa kanila napupunta.

The real issue: ignorance or deception
Kaya malinaw ito.

Ang MOOE ay operational necessity, hindi anomalya.

Isa itong basic requirement para gumana ang isang opisina ng gobyerno at makapaghatid ng serbisyo sa publiko.

Ginagawa lang itong isyu ng mga:

● Walang alam sa budget process
● Ayaw umintindi ng basic public finance
● O sadyang nagpapanggap na tanga para manlinlang at maghasik ng galit

Sa tamang paliwanag, walang iskandalo rito.
May proseso. May rules. May audit. May accountability.

Tapos na ang usapan.

#MOOE
#StandardPractice 
#FactsNotDrama

Saan napupunta?

𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐏𝐀𝐑𝐄𝐍𝐂𝐘 𝐒𝐀 ₱𝟏𝟖.𝟓𝟖𝐁 𝐌𝐎𝐎𝐄 𝐀𝐓 ₱𝟐𝐌 "𝐂𝐇𝐑𝐈𝐒𝐓𝐌𝐀𝐒 𝐁𝐎𝐍𝐔𝐒"

Nagpapasalamat po ako kay Deputy Speaker Puno sa pagkumpirma na may ₱2M at paglilinaw na: “It’s not a Christmas bonus, it is an additional funding for your Christmas requirements in your district… Mag-Christmas party ka sa mga barangay captain mo, mag-health activity ka, you will do mga consultations, many things.”

Ganundin kay Cong Ridon sa pagkumpirma na: “Umabot ng 2 milyon iyun pong inilabas noong huling araw ng Kongreso galing sa MOOE...Lahat po iyan ay para sa mga opisina, sa mga pangangailangan ng mga distrito. Ang bonus lang diyan ay ang 13th atsaka 14th month bonus na ibinibigay para po sa mga Kongresista....In previous Congresses, meron pong ganyan mga kaperahan.”

Noong una, may mga nag-deny na may ₱2M, kaya mabuti ang naging paglilinaw nina DS Puno at Cong Ridon. May nagsasabi pa rin na ang ₱2M ay para sa office budget, ngunit malinaw po na on top ito ng ₱1M buwanang office budget. Sinabi na ni DS Puno mismo na ito ay para sa “Christmas requirements” ng ating constituents.

Nagpapasalamat din po ako kay Cong Tiangco sa paglilinaw na hindi lang sa Pasko may ₱2M at sa Undas may ₱1.5M, kundi pati sa Easter may karagdagang ₱1.5M na “break bonus”, at matagal na raw na may ganitong sistema. Nanawagan si Cong Tiangco na maging transparent tayo tungkol sa paggamit ng budget ng Kongreso.

Noong 2025, ang buwanang sweldo ng isang Congressman ay ₱334,059. Kapag isinama ang 13th at 14th month bonus, ₱1M buwanang office budget, at ₱2M para sa “Christmas requirements” umabot sa ₱4M ang sweldo at MOOE sa Disyembre. Ngayong 2026, tumaas na sa ₱342,310 ang buwanang sweldo, at kung isasama ang office budget, “break bonus”, at iba pang MOOE, umaabot sa ₱22M ang kabuuang sweldo at MOOE ng isang Congressman.

Hindi ko po kinukuha ang MOOE o sweldo ko, pero hindi ko sinabing iligal ito. Kinuwestiyon ko lang bakit hindi isinasapubliko ng Kongreso ang paggamit ng budget, bakit walang liquidation ng resibo ang aming MOOE, bakit tumaas ng ₱7.83B ang HOR MOOE mula sa NEP at umabot sa ₱18.58B sa 2026 budget, na wala sa committee report at bigla na lang lumabas sa substitute bill. Hindi malinaw kung saan eksaktong mapupunta ang ₱18.58B, na katumbas ng ₱58.42M kada Congressman.

Bahagi ng MOOE ay napupunta sa sahod, utilities, at pasilidad ng Kongreso, ngunit kinukwestiyon ko rin ito dahil may bahagi napupunta sa sahod ng mga “consultants”, kabilang ang mga “keyboard warriors” o “social media trolls”–na sila rin ngayong dumedepensa sa MOOE budget ng Kongreso.

Sa kabila ng lahat ng mga pahayag, ang tanong ko lang po ay, saan napupunta ang ₱18.58B MOOE?

01032026 sat gasul

Php20 pandesal
Php35 palabok
Php26 2x13 lumpia prito
Php100 pamasko kay abet r.

Pogi sundo Lowen
Php12+30+ 25 pitx to gil puyat

Php975 11kg gasul rogasco kay alex.

Received today 11:45am death certificate father and mother.

Punta moa pogi at lowen.

Php68 shopee 24cm spin/dryer tub cover

Thursday, January 01, 2026

Wagas na pagmamahal.

PUMASOK SA LOOB NG GRADE 1 CLASSROOM ANG ISANG 65-ANYOS NA LOLO AT UMUPO KASAMA ANG MGA BATA. PINAGTAWANAN SIYA NG IBANG MGA MAGULANG SA LABAS AT INAKALANG MAY SIRA ITO SA PAG-IISIP O NAKIKIGULO LANG. PERO NATAHIMIK ANG LAHAT NANG MAGTAAS ITO NG KAMAY

Hunyo. Unang araw ng klase sa Mababang Paaralan ng San Isidro.

Puno ang Grade 1 - Sampaguita classroom ng mga batang iyakin, makukulit, at excited.
Pero sa pinakahuling row, sa tabi ng bintana, may nakaupong naiiba sa lahat.

Si Lolo Enteng, 65-anyos. Puti na ang buhok, kulubot ang balat, at nanginginig ang mga kamay. Pilit niyang ipinagkakasya ang malaki niyang katawan sa maliit na armchair na pang-bata.

Sa labas ng classroom, nagbubulungan ang mga nanay at tatay na naghahatid sa mga anak nila.

"Huy, tignan niyo 'yung matanda sa likod," bulong ng isang nanay. "Bakit nandiyan 'yan? Ulyanin na ba? Baka akala niya Senior Citizen's Center 'to!"
"Baka nakikigulo lang," tawa ng isa pa. "Kawawa naman si Teacher, may pasaway na lolo sa klase."

Rinig ni Lolo Enteng ang mga tawanan. Yumuko siya. Hinawakan niya nang mahigpit ang kanyang Pad Paper at bagong Mongol Pencil. Gusto niyang umalis sa hiya, pero mas matimbang ang nasa puso niya.

Pumasok si Teacher Ana.

"Good Morning Class!" bati ni Teacher. "Ngayon, magsisimula tayo sa basic. Ang Alpabetong Filipino. Ang Abakada."

Isinulat ni Teacher Ana sa pisara ang malalaking letra: A, B, K, D, E...

"Sino ang gustong magbasa?" tanong ni Teacher.

Nagtaasan ng kamay ang mga bata. "Ako po Ma'am! Ako po!"
Pero napansin ni Teacher Ana ang isang kamay sa likod. Isang kamay na kulubot at may mga ugat na.

"Yes... Tatay Enteng?" tawag ng guro.

Nagulat ang mga magulang sa labas. Tumayo si Lolo Enteng. Nanginginig ang tuhod.
Inayos niya ang kanyang salamin. Tumingin siya sa pisara.

"A..." simula ni Lolo Enteng. Ang boses niya ay garalgal.
"Ba... Ka... Da..."

Dahan-dahan. Bawat letra, binibigkas niya nang may diin at hirap, parang isang batang ngayon pa lang natututo magsalita.

"E... Ga... Ha... I..."

Natahimik ang mga nagtatawanan sa labas. Natahimik ang mga kaklase niyang bata.

Nang matapos niya ang huling letra, napaluha si Lolo Enteng.

"Very good, Tatay Enteng!" palakpak ni Teacher Ana. "Pero Tay... pwede ko po bang itanong? Bakit po kayo nag-decide na pumasok sa Grade 1 sa edad niyo? Dapat po nagpapahinga na kayo sa bahay."

Pinunasan ni Lolo Enteng ang luha niya gamit ang likod ng palad niya. Humarap siya sa klase at sa mga magulang sa bintana.

"Dahil sa apo ko..." sagot ni Lolo Enteng.

"Nasa abroad ang anak ko at ang apo kong si Miko. Limang taong gulang na siya. Tuwing nag-uuwi sila ng story books galing America... lagi niyang pinapabasa sa akin."

Humikbi si Lolo Enteng.

"Pero wala akong pinag-aralan. Isang kahig, isang tuka lang ako noon. Hindi ako marunong bumasa. Kaya kapag nagpapakwento ang apo ko, tinitignan ko lang ang mga pictures sa libro at gumagawa ako ng sarili kong kwento."

Naramdaman ng lahat ang kirot sa puso ng matanda.

"Minsan, tinanong ako ng apo ko... 'Lolo, bakit iba yung kwento mo sa nakasulat dito?' Hindi ako makasagot. Nahihiya ako sa apo ko."

Itinaas ni Lolo Enteng ang kanyang notebook.

"Sa Pasko, uuwi sila. Gusto ko, sa pag-uwi nila... ako na ang magbabasa ng bedtime story sa kanya. Babasahin ko na ang totoong nakasulat. Ayoko nang mag-imbento. Gusto kong maramdaman ng apo ko na matalino ang Lolo niya, kahit matanda na."

Nag-iyakan ang mga nanay sa labas. Ang kaninang nangungutya ay napalitan ng paghanga at respeto.

Mula sa araw na iyon, si Lolo Enteng ang naging "Lolo Classmate" ng bayan. Tinutulungan siya ng mga batang kaklase niya sa Math, at siya naman ang nagtuturo sa kanila ng Values at Life Lessons.

At pagdating ng Pasko, natupad ang pangarap niya. Hawak ang librong "Si Pagong at si Matsing", binasa niya ito nang buong husay sa kanyang apo—hindi gawa-gawa, kundi salita-por-salita, dala ang karunungang bunga ng wagas na pagmamahal.

Ctto #viral #fypシ゚ #fyp #reels



Baha

Hindi man opisyal na naglabas ng press release si Boskalis tungkol sa eksaktong dahilan ng pag-atras, hindi rin natin puwedeng balewalain ang mga “on-the-ground evidence” na sabay-sabay lumabas habang at pagkatapos ng kanilang pag-scale back.

At dito pumapasok ang real-world proof, hindi opinion:

1️⃣ Live evidence from communities (hindi theory)

Simula 2022 onward, malinaw ang pattern:

95% ng palayan sa Bulakan (Bambang, San Nicolas, Pitpitan, Balubad, Perez) → nasira dahil sa alat

Mga sitio na dating seasonal lang ang baha, ngayon matagal o halos permanenteng lubog

High tide flooding kahit walang ulan — hindi ito normal noon

Ito ay documented ng LGUs, farmers, at residents, hindi gawa-gawa.
---

 2️⃣ Biglang pagdami ng flood control budgets

Kung “walang problema”:

Bakit Bulacan ang may pinakamalaking flood control allocation sa bansa sa loob lang ng ilang taon?

Bakit sunod-sunod ang emergency dredging, dike repair, at pump projects matapos magsimula ang reclamation?

👉 Flood control spending is a lagging indicator — ginagawa lang ‘yan kapag may new or worsened problem.
---

3️⃣ NLEX flooding (2023–2025)

Tatlong sunod-sunod na taon binaha ang NLEX

Dati, isolated at bihira — ngayon paulit-ulit

Expressways do not flood “by chance” — basin-scale hydraulic failure ang dahilan
---

4️⃣ Regional spread (hindi lang Bulakan)

Hindi lang Bulakan ang apektado:

Hagonoy, Calumpit – mas mahaba ang baha

Macabebe, Masantol – mas malalim at mas maalat

CAMANAVA (Malabon, Navotas, Valenzuela) – mas madalas ang high-tide flooding

👉 Iisang common factor: Manila Bay + altered coastal hydraulics
---

5️⃣ About “may experts naman si Ramon Ang”

Walang nagsasabing walang advisers si Ramon Ang.

Ang punto:

Advisers advise

Contractors execute

When the executing expert (Boskalis) steps back, that’s a red flag in engineering

Sa risk management:

> Kapag ang contractor na eksperto ang umatras at ang proponent ang nagpupumilit, hindi ito confidence — ito ay escalation of risk.
---

Hindi namin kailangang hulaan ang dahilan ng Boskalis.

The environment already answered for us.

Lumubog ang palayan

Tumaas ang alat

Bumagal ang pag-atras ng baha

Binaha ang NLEX

Lumaki ang flood control spending

Lumawak ang apektadong lugar

👉 Same storms. Same climate. Same bay. Different outcome after reclamation.

That’s not politics. That’s hydrology, timing, and lived reality.

Kung wala talagang problema, hindi sabay-sabay lalabas ang lahat ng ito.

01022025 fri

La germania junk
Php200.00 not bad

Naubos na ang gasul.
10/18/2025 - 01022025

Punta sm bacoor
Php24+26=50 pamasahe
Php530 marugame

Php745 pedicure
Php100 tip kay liza at joy liit
Php300 2x150 pop corn bbq
Php256+320+320 sine shake rattle and roll

Php115 jolibee.
Php39 3x13 jeep
Php50 tricycle.

B. Franklin.

Benjamin Franklin had a powerful New Year greeting: “Be at war with your vices, at peace with your neighbors, and let every new year find you a better man.” That’s not just a greeting. That’s a strategy.
Because the real win this year is not just a bigger calendar. It’s a better character. So here’s a suggested New Year mindset:
Be tougher on your bad habits than you are on other people. Be quick to forgive, slow to judge, and serious about growth.
Be hopeful. Be positive. Be excited. And don’t just wait for the best things to happen, work for it. Pray for it. Prepare for it. May this year find us stronger, wiser, and kinder with more purpose in our steps and more gratitude in our hearts. A Blessed New Year to you and your family. God bless you.
#PassionPurposeProductivity

Putik sa Kamay

 PINAGTAWANAN NG MGA KAPATID NA PROFESSIONAL ANG KUYA NILANG MAGSASAKA SA REUNION. "PURO PUTIK KA NAMAN KUYA, KAMI NAKA-KOTSE NA," KANTYAW NILA HABANG NAGYAYABANGAN NG MGA NAIPUNDAR NILA. PERO NATAHIMIK ANG LAHAT NANG DUMATING ANG MAYOR AT NAGMANO SA MAGSASAKA


Grand Family Reunion ng Pamilya Reyes.

Ginanap ito sa lumang ancestral house nila sa probinsya.


Dumating ang bunsong si Ricky, isang Engineer, sakay ng bagong Ford Everest.

Sumunod si Sheila, isang Doktor, sakay ng Fortuner.

At si Ben, isang Accountant, sakay ng Civic.


Nagyayabangan sila sa garahe.


"Grabe Ricky, bago na naman sasakyan mo ah!" bati ni Sheila.

"Syempre, Project Manager na ako eh. Ikaw din Doc, ang kinang ng kotse!"


Sa gitna ng kwentuhan, dumating ang panganay nilang kapatid na si Kuya Carding.


Sakay lang siya ng isang lumang kuliglig o hand tractor. Suot niya ay faded na polo shirt, sombrerong buri, at bota na puno ng putik.


Nandidiring tinignan ng magkakapatid si Carding.


"Jusko naman Kuya!" bulyaw ni Ricky.

"Reunion 'to! Hindi taniman! Bakit ganyan ang suot mo? Ang dumi-dumi mo, mapuputikan ang tiles ng bahay!"


"Pasensya na," ngiti ni Carding habang pinupunasan ang pawis.

"Galing kasi ako sa ani. Sayang naman ang oras kung uuwi pa ako para magbihis."


"Hay naku," irap ni Sheila.

"Buti na lang talaga nag-aral kaming mabuti. Buti na lang nakakuha kami ng Scholarship noon. Kung hindi, baka naging magsasaka lang din kami tulad mo, Kuya. Walang asenso."


"Oo nga," gatong ni Ben.

"Tignan mo kami, naka-kotse. Ikaw, amoy-lupa pa rin. Sayang ka Kuya, sana nag-sumikap ka rin."


Hindi sumagot si Carding. Tumulong lang siya sa Nanay nila sa paghahanda ng pagkain sa kusina. Hinayaan niya lang na insultuhin siya ng mga kapatid niyang matataas na ang lipad.


Habang kumakain, biglang may wang-wang ng pulis sa labas.


Huminto ang isang convoy ng mga black SUV.


Bumaba ang Mayor ng bayan kasama ang mga bodyguards at ilang konsehal.


Nataranta sina Ricky, Sheila, at Ben.


"Hala! Si Mayor!" sabi ni Ricky.

"Ayusin niyo sarili niyo! Magandang connections 'to para sa business ko!"


Lumapit ang magkakapatid sa Mayor na papasok ng gate.


"Good Morning Mayor!" bati ni Sheila, nakipagkamay agad.

"I'm Dr. Sheila Reyes po. Ito po ang card ko—"


Pero nilampasan lang sila ng Mayor. Ni hindi sila tinignan.


Dire-diretsong naglakad ang Mayor papunta sa kusina kung saan naghuhugas ng pinggan si Carding.


Nagulat ang lahat nang biglang yumuko ang Mayor at nagmano kay Carding.


"Ninong Carding!" bati ng Mayor nang may mataas na respeto.

"Pasensya na po at na-late ako. Galing pa ako sa meeting."


Nalaglag ang panga nina Ricky, Sheila, at Ben.


"Mayor..." singit ni Ricky.

"Kilala niyo po ang Kuya namin? Yung... magsasaka?"


Tumawa ang Mayor.


"Magsasaka?" tanong ng Mayor.

"Hindi niyo ba alam? Si Don Carding ang pinakamayamang Land Owner sa buong probinsya! Siya ang may-ari ng lupang kinatitirikan ng Mall, ng Subdivision, at ng University sa bayan! Siya ang top taxpayer namin!"


Namutla ang magkakapatid.


"At higit sa lahat," dagdag ng Mayor.

"Siya ang nag-donate ng pondo para sa mga scholar."


Lumapit ang Nanay nila na kanina pa tahimik.


"Mga anak..." sabi ng Nanay, naluluha.

"Naalala niyo yung 'Foundation Scholarship' na nagpaaral sa inyo noong college? Yung akala niyo galing sa gobyerno?"


Tumango ang tatlo, kabadong-kabado.


"Hindi galing sa gobyerno 'yun. Pera ng Kuya Carding niyo 'yun."


Natulala sila.


"Noong namatay ang Tatay niyo," paliwanag ng Nanay.

"Pinili ng Kuya niyo na huminto sa pag-aaral para sakahin ang lupa natin. Lahat ng kita niya, ibinibigay niya sa akin para ipangbayad sa tuition niyo. Sabi niya, 'Nay, sabihin mo scholarship para hindi sila mahiya, at para mag-aral sila nang mabuti.'"


Tumingin ang Nanay kay Carding na nakayuko lang.


"Yung kotseng ipinagyayabang niyo? Yung titulong ipinamumukha niyo sa Kuya niyo? Utang niyo lahat 'yan sa putik na nasa bota niya."


Binasag ng katahimikan ang yabang ng magkakapatid.


Hiyang-hiya sila. Ang taong kinutya nila... ang taong diring-diri sila... ay siya palang dahilan kung bakit sila nasa kinalalagyan nila ngayon.


Isa-isang lumapit ang magkakapatid kay Carding. Lumuhod si Ricky at niyakap ang tuhod ng Kuya niya.


"Kuya... sorry..." hagulgol ni Ricky.

"Sorry Kuya! Ang sama-sama namin! Wala kaming utang na loob!"


Umiyak din si Sheila at Ben.

"Patawarin mo kami Kuya... salamat sa lahat..."


Ngumiti si Carding at niyakap ang mga kapatid niya.


"Ayos lang," malumanay na sabi ni Carding.

"Ang mahalaga, nakapagtapos kayo. Ang tagumpay niyo, tagumpay ko na rin."


Sa araw na iyon, natutunan ng magkakapatid na hindi sukatan ang maruming damit sa halaga ng isang tao. Dahil minsan, ang kamay na puno ng putik ang siya ring kamay na nag-aahon sa iba paakyat sa tagumpay.




01012026 thu happy new year

Php100 pogi

Php260 food panda

Nagising 9am na.

Wednesday, December 31, 2025

Goodbye 2025 Welcome 2026

Will say goodbye 2025 for the suffering we encountered for the sudden death of my dear sister Janet T. Mateo.

We will welcome 2026 with positive enthusiasm.

12312025 wed

Php20 pandesal

Php450 lala move of handa.


Happy new year.

As the year comes to an end, I find myself reflecting, and these are the thoughts I’d like to share 💛

1. If something or someone is ruining your peace, you need to stay away from it. Choosing distance is an act of self-love.

2. Not everything has to last forever to be meaningful. Why? Because people grow, evolve and change. Letting go is an act of love.  

3. Give yourself grace for making it through the toughest times. Self-kindness is honoring yourself.  

4. Love doesn’t lose value just because it wasn’t reciprocated. Some feelings are meant to be felt, not returned.

5. Lastly, value the people who are always there for you. Cherish your friends, open yourself to new experiences. Live your life with your true emotions, and be free. 

Life... the pain and healing, the highs and lows, happiness and sorrows. 

I wish you all Happy and Blessed New Year ✨️ 🙏