Thursday, April 03, 2025

Cellsite distance.

Gaano Kalayo Dapat ang mga Cell Sites sa Isa’t-isa?

Depende ito sa Coverage, Capacity, Quality, at syempre — Cost.

1. Coverage

Para makarating ang signal sa mga tao, kailangan ng cell site na kayang i-cover ang target area.

Dito, gamit ang low-frequency bands (like 700 MHz) kasi kaya nilang tumagos sa mga bahay, puno, at structures, at mag propagate ng mas malayo.

Pero kahit malakas ang signal, kung bundok, mataas na buildings, o makapal ang surroundings (tinatawag na “clutter”), pwedeng mahirapan pa rin ang signal. Kaya minsan kahit rural, kailangan pa ring magdagdag ng site.

Usually mga 2 to 5 kilometers in open areas,

Pero pwedeng mas malapit kapag maraming harang o mas mataas ang demand.

2. Capacity

Kapag dumami na ang tao, demand, at devices sa isang lugar, hindi na sapat ang isang cell site.

Kailangan dagdagan ang capacity — puwedeng magdagdag ng frequency (carrier), sectorization, o literal na bagong cell site.

Dito na pumapasok ang mid- to high-frequency bands (like 1800, 2100, 2600 MHz) na kaya ang maraming users, pero mas maikli ang abot.

Kaya sa city or crowded areas, kailangan ng mas maraming cell sites, usually every 500 meters to 2 kilometers, depende pa rin sa terrain at building clutter.

3. Quality

Kapag maraming cell sites at maraming frequency na ginagamit, may risk ng interference — magsasapawan ang signals.

Diyan na kailangan ng maayos na frequency planning, antenna, at parameter optimization para hindi magulo ang signal.

Minsan sobrang dami ng overlapping cells = poor quality kahit malapit ka na sa tower.

And finally — Cost.

Hindi puwedeng lagay lang ng lagay ng towers.

Mas maraming cell sites = mas mahal.

Kaya ang telcos ay nagde-design ng network na balanse sa tatlong pillars (coverage, capacity, quality) habang iniisip ang gastos.

Ang tawag dito: optimum design — sapat ang signal, kaya ang dami ng users, malinaw ang connection, at hindi sunog sa budget.

Bottom line:

Hindi lang ito basta distansya.

Cell site placement is a balance of:

• Gaano kalawak ang dapat abutin (Coverage)

• Gaano karaming users ang kayang sabay-sabay (Capacity)

• Gaano kalinaw at tuloy-tuloy ang connection (Quality)

• At gaano ito kakayanin ng budget (Cost)


Learn more about cell sites here 👇

https://www.terrahertz.net/ranacademylimitedaccess

No comments: