WE ARE COVID-19 SURVIVORS.
Today marks the 40th day since we had the virus. This picture was taken when we received our certificate for completing of our 14 day home quarantine. Na extend pa lalo ang quarantine namin since biglang nag ECQ and MECQ.
With the continuous rise of covid cases here in our country I hope our experience will spread awareness to fight this pandemic.
Una sa lahat gusto kong magpasalamat sa mother, brother, and sister ko na buong pusong tumulong samin simula hangang makarecover kami sa Covid, Thank you Ina sa pagpapadala ng food at pagdadasal samin, Salamat Ran and Shine sa pag bili ng grocery at mga gamot namin. Salamat din Mama sa madalas na pag check sa amin. Thank you din sa mga relatives, friends, neighbors, and brand partners who extended their help, prayers, and medicines. We are very grateful to the Lord at binigyan nya kami ng mga taong katulad ninyo para malagpasan namin itong pagsubok na ito.
To the frontliners who are fighting to save our country, the people who lost their loved ones, and the individuals who are still recovering from the virus, I pray that God gives you strength, courage, wisdom, and peace in this trying time. Laban lang we will get through this!🙏
Since noong pumutok ang bulkang Taal at nagheadline na sa news si COVID19 noong January 2020 nagsimula na kaming maging maingat sa paglabas ng bahay at kahit pagbili ng pagkain sa mga restaurants. Ito din yung time na kahit na nasa loob kami ng aming bahay ay naka surgical or cloth mask kami dahil ang mom namin ay senior citizen na. Since January 2020 din hindi na namin nayakap at nakiss ang aming mother na lage namin itong ginagawa tuwing magkikita kami.
Nakatira kami sa isang compound at nagpaparent ang parents ko ng ilang apartments kaya noong kinasal kami ni Meanne nagdecide kami na i-rent ang isang apartment namin para kahit papano malapit lang kami sa parents ko na both senior citizen na.
Aaminin namin na sobrang paranoid kami sa COVID19 ni Meanne and we take it seriously because we know the severity of the virus. Kung kakilala mo kami at nakasama mo kami simula 2020, iisipin mong sobrang OA or sabihin na nating SOBRANG MAARTE AT MASELAN pag dating sa social distancing, health protocols at pag ddisinfect ng aming mga gamit sa loob at labas ng bahay. Naninita at nang-aaway ako ng mga taong nakikita ko sa daan na hindi nagsusuot ng face mask ng maayos at hindi nagsosocial distancing dahil sa isip ko 1 year na tayong ganito hindi ka pa din ba marunong magsuot ng mask at meron pa ding virus para dikit ka ng dikit sakin? Baka isa ka na sa mga nakasalubong ko at pinagalitan ko sa daan at pasensya na din.
Takot kaming lumabas ng bahay at kung lalabas man kami para sa essential things hindi kami nagtatangal ng face mask or face shield. Sa tuwing hahawak kami ng foreign objects like pera, handrail, or supermarket items nag aalcohol kami agad. Meron na nga kami practice ni Meanne na meron lang isa sa amin ang magrereceive or hahawak sa ibang bagay at ung isa nakahanda na para isprayan ng alcohol yung kamay ng isa. Kahit nasa loob ng bahay na kami bago kami humawak sa aming mukang naging mannerism na namin na mag alcohol at maghugas ng kamay muna.
Kapag nagvvlog ako sa labas tinatanggal ko lang ang akin mask for 30 sec just to deliver my script at kung walang malapit na tao. After ko ishoot ang script ko suot agad ng facemask and face shield. Kapag naka first person view naman ako lage akong naka mask. Dalawang sprayer ng alcohol ang dala ko palage dahil todo spray ako ng alcohol sa kamay at mga gears ko.
Kapag galing kami sa labas lahat ng gamit namin (cellphone, bag, groceries, deliveries, food delivery which napaka bihira namin gawin at lahat ng gamit na nanggaling sa labas) iniiwan namin sa receiving area namin para idisinfect ng UVC lamp. Yung mga sapatos namin na ginamit sa labas iniispray din muna ng alcohol bagay ipasok at iwan sa receiving area. Didiretso kami maghuhugas ng kamay at magpapainit ng tubig panligo. Iniiwasan namin dumikit sa ibang gamit sa bahay at babalik kami sa receiving area para umupo sa plastic chair habang hinihintay umiinit ung tubig namin. Kapag mainit na ung tubig i-On na namin ung UVC lamp sa receiving area para madisfinfect lahat ng gamit, pupunta ng storage room para hubarin lahat ng damit, tpos diretso na banyo para maligo. Pag katapos maligo at makapag bihis, ililipat namin yung UVC lamp sa storage room para idisinfect ito then iisprayan na namin lahat ng gamit namin na nasa receiving area ng disinfectant spray (same ng lysol).
Nagpashot din kami ng flu vaccine at pneumonia vaccine, everyday din kaming naka Vitamin D, B complex, Vitamin C, mouth wash gargle bago matulong, fruits, at veggies, 95% ng food lahat niluluto ni Meanne at ung remaining 5% yan ung mga junk foods na pang movie night namin. Simula ng January 2020 nagkaron kami ng 6 na galon ng alcohol, 2 galon ng hand sanitizer (hospital grade), 20 liters (1 pale) ng disinfectant spray (same ng lysol), 2 UVC lamp, at 2 air purifier (same brand ng mga ginagamit sa hospital). Yes, OA na kung OA but we take this COVID bitch seriously at ganyan kami ka praning!!!
Bakit ko nga sinasabi ito sa inyo? Kasi kahit na ganito kami ka OC at conscious maprevent yung virus ay nagkaron pa din kami!! What more pa kaya yung di tinitake seriously ung pandemic??
WHERE DID WE GET IT?
Sobrang hindi kami lumabas ng bahay and lagi kaming alert sa mga nararamdaman namin.
Sa loob ng 1 buwan ay 4-5 beses lang ako lumalabas para sa groceries, dentist, at very often na vlog.
Umatend kami ng isang gathering sa isang bahay at 7 kami lahat dito. Ito lang yung time na nagtanggal kami ng facemask, face shield at nagsalo salong kumain. Sa loob ng isang taon ng pandemic ito lang yung time na nagtanggal kami ng mask na lumagpas ng 10 minutes para kumain at makipag chikahan. Sa totoo lang hindi naman talaga ako nakipag chikahan at sa mga nakakakilala sakin tahimik lang akong tao. Nandoon lang ako nakikinig sa mga update nila sa buhay at nag momobile legend. hehe
After 3 days, nagkaroon ng flu like symptoms si Meanne at sumakit yung katawan nya. Unang naisip niya baka lang siguro naligo agad siya na hindi nagpapainit ng tubig after niyang mag zumba sa bahay. Then kinabukasan ako naman ang nakaramdam ng mejo masakit ang mga buto buto na para kang lalagnatin na para sakin parang normal lang dahil sa pagod ko sa paggawa ng videos noong araw na iyon. Kumati na yung lalamunan namin na may konting discomfort na parang napaos kaka- videoke. Mabilis din kaming mapagod and hingal is real. Meron pa din kaming panlasa pero naramdaman namin na parang pagod na pagod kami na parang lalagnatin. Sinipon na kami nung linggo na yun. Take note hindi kami nilagnat and normal ang temperature namin.
On the 10th day from our exposure sa virus, nasaktuhan na papunta kami ni Meann ng Cebu at need namin magpa RT-PCR para makalipad. Sad to say after 2 days nalaman namin positive kami sa COVID19. Dahil pareho kaming naka work from home ni Meann at hindi kami pala labas ng bahay madali kaming nakapag contract tracing. For the past 14 days from the time na may nararamdaman kaming symptoms ang naging close contact ko lang ay 3 grupo, family, dentist, at yung inatendad naming gathering. Lahat sila nag pa RT PCR test and thank God nag negative and mother, brother, sister, yung dentist ko at assistant nya. On the other hand yung gathering na pinuntahan namin ay nagpositive naman.
LESSON
1. Sa totoo lang masama ang loob ko noong dinapuan kami ng virus dahil alam namin na nagkulang kami sa pag-iingat. Masakit din sa bulsa kasi nawala yung project na dapat na pupuntahan ko sa Cebu, na forfeit yung plane ticket at hotel accommodation namin, at dagdag pa yung medicine na iniinom namin. Nakakainis lang yung isang pagkakataon na we let our guard down yun yung time na nagkaron kami ng Covid. Para sakin nasayang lahat ng effort namin ni Meanne sa lagpas na 1 taon na pagiging OC sa pag mamask at disinfect. Alam mo yung frustration na hindi ka nga lumalabas ng bahay tpos ung one time na lumabas ka eh nagkaron ka na. Bad trip di ba?
2. Don't let your guard down. Kahit na kakilala mo pa yan or hindi, never mong iaassume na negative sila sa Covid. Hindi mo alam ang habit ng bawat tao. Kung ikaw very sure ka sa sarili mo na sobrang ingat mo at OC mo this pandemic eh it does not mean na ganun ang lahat. Marami tao na hindi nila tinitake seriously itong pandemic and you should stay distant from these people because we need to protect ourselves and the people around us.
3. Don't get too cocky na wala kang virus para hindi ka mag suot ng mask habang nakikihalubilo ka sa ibang tao. And even you get negative result sa swab test mo it does not mean immune ka na sa virus. Negative result is just good for a day, kinabukasan paglabas mo ng bahay or magkaron ka ng close contact sa kahit sino man you can get the virus instantly. It's like going to war everyday, dapat lageng alisto dahil buhay mo ang nakataya dito.
4. The correct mindset here is to think that you are positive unless you will get a swab test everytime na lalabas ka ng bahay. Protektahan mo yung pamilya mo, wear that mask, take a bath when you go out of the house, and wash your fucking hands. Invisible yung kalaban natin kaya wag kang papakasiguro.
5. Educate yourself and practice your critical thinking skills. I know a lot of people knew a little to nothing about this virus. Lage kong naririnig sa ibang tao na "wala yang virus na yan", "okay lang yan wag ka na mag mask safe dito", or "wala ito sipon lang ito or ubo hindi ito covid" they completely ignored the virus and after they got tested, positive pala sila at madami na silang nahawaan. If you don't equip yourself with the proper knowledge then you will act as if we are still living the normal life and endanger the lives of many.
6. Be responsible. If you have the virus or considered a PUI don't shut the fuck up. Reach out to the people na naclose contact ninyo. Report it to your manager and barangay because it will save a lot of lives. Ikaw bata ka pa, walang gaanong effect sayo yung virus, pero kawawa naman yung katrabaho mo or yung ibang tao sa bahay mo na high risk pala. Isipin mo yung ibang tao, isipin mo buhay ang nakataya dito, wag kang pakasiguro na simpleng ubo at lagnat lang yan kasi pwedeng mas malala ang epekto nyan sa ibang tao.
And kung nasa labas ka naman ng bahay at may nakita kang hindi naka mask lakasan mo yung loob na sitahin sila. Hanggat walang naninita ay hindi natin maiitama ang isang tao. Kapag hindi natin naitama ang mali mas dadami yung mali at magiging normal yung mali.
Kung ikaw naman yung pinagsasabihan, be humble to accept your wrong doings. Hindi cool yung naka chin mask lang, hindi mo kinaganda yung hindi pag susuot ng mask, at nasa huli ang pagsisisi once you have the virus.
7. The last time I checked we have 8,571 new cases, 884,783 total cases, and 15,286 deaths. Wala pa dyan yung mga UNREPORTED cases na either walang pambayad sa swab test, or nag downplay at binaliwala yung mga nararamdaman nila (which I think mas marami pa sila). Sa 8,571 new cases expect bawat isa nagkaron ng close contact yan sa 5-14 people sa bahay nila, trabaho, at sa hindi nila kakilala sa labas ng bahay. Kaya kung lalabas ka ng bahay wag kang pakakasiguro na yung makakasalamuha mo is healthy at walang sakit. Siguro ako pag pwede na lumabas ulit pag may nakita akong walang mask lalapitan ko yun tao na yun tapos sasabihin ko boy mag mask ka kasi nag positive ako. Ewan ko nalang kung di matakot yung mga nasa labas. hehehe
8. Kung hindi ka rin natatakot at walang pake sa virus ay mas matakot ka sa bill sa hospital na pwede mong bayaran. Kung mayaman ka naman at milyon milyon ang pera mo ang tanong meron pa bang hospital na kayang tumanggap sa iyo?
Let's embrace for now the new normal, wear mask and wash your hands.
Keep safe everyone! ❤️