Monday, November 02, 2026

NCSC

 Kung ikaw ay 60 years old pataas o may magulang na senior citizen, narito ang gabay kung paano magparehistro sa online database ng National Commission of Senior Citizens (NCSC).

📌 STEP-BY-STEP GUIDELINES SA NCSC ONLINE REGISTRATION
STEP 1: BISITAHIN ANG OFFICIAL WEBSITE
Siguraduhing official website ang binubuksan upang maiwasan ang mga pekeng registration links.
STEP 2: I-CLICK ANG REGISTER NOW
Hanapin ang "Register Now!" button sa homepage ng NCSC.
STEP 3: BASAHIN AT TANGGAPIN ANG MGA KUNDISYON
Lagyan ng check ang "I accept..." box at pindutin ang "Proceed" upang magpatuloy.
STEP 4: SAGUTAN ANG ONLINE SENIOR CITIZEN DATA FORM (SCDF)
Ilagay ang hinihinging impormasyon tungkol sa senior citizen, kabilang ang:
- Buong pangalan at personal information
- Petsa ng kapanganakan
- Tirahan at contact information
- Educational background
- Health information
- Economic profile at iba pang hinihinging detalye
STEP 5: I-UPLOAD ANG LARAWAN AT VALID ID
Maghanda ng malinaw na litrato at scanned o captured image ng iyong OSCA Senior Citizen ID.
Kung wala pang OSCA ID, maaaring gumamit ng ibang valid government ID na nagpapakita ng buong pangalan, address at birth date.
STEP 6: ILAGAY ANG PERSONAL KEY NUMBER (PKN)
Pumili ng iyong Personal Key Number (PKN). Itago ito dahil ginagamit sa pag-access at pag-verify ng iyong registration record.
STEP 7: I-REVIEW ANG LAHAT NG IMPORMASYON
Siguraduhing tama ang pangalan, birthday, address at iba pang detalye bago isumite.
STEP 8: I-CLICK ANG SUBMIT
Kapag kumpleto na ang form, pindutin ang Submit button at hintaying matagumpay na maipadala ang iyong registration.
STEP 9: ITAGO ANG REGISTRATION REFERENCE NUMBER (RRN)
Kapag successful ang online submission, bibigyan ka ng Registration Reference Number (RRN). I-save o isulat ito para magamit sa pag-verify ng iyong registration.
📌 MAHALAGANG PAALALA:
- Libre ang NCSC online registration.
- Hindi kailangang magbayad sa fixer o anumang tao para magparehistro.
- Kung may problema sa internet o transmission error, subukang isumite muli ang form.
- Kung walang internet access, maaaring magpatulong sa OSCA sa inyong lokal na pamahalaan.
TANDAAN: Ang NCSC online registration ay para sa pagbuo ng national database ng senior citizens. Hindi garantiya ang pagpaparehistro na awtomatikong makakatanggap ng pension o cash assistance.
I-SHARE ang gabay na ito upang makatulong sa ating mga senior citizens!
DISCLAIMER: This post is for educational and informational purposes only. We are not affiliated with or officially connected to the National Commission of Senior Citizens (NCSC) or any government agency. Please verify all registration procedures and requirements through the official NCSC website: https://www.ncsc.gov.ph/
●PAALALA SA MGA SENIOR CITIZENS:
Mag-ingat sa mga pekeng registration links at huwag basta magbigay ng personal information sa hindi beripikadong websites o Facebook accounts.

What's the point of working so hard for your family

 What's the point of working so hard for your family if your health ends up paying the price?

In his homily, Fr. Dave Concepcion gave a reminder we all need to hear.
“Hindi kayo habang buhay na malakas. Feeling niyo lang yun.”
We work long hours, skip meals, lose sleep, and ignore the pains we feel because there are bills to pay and people depending on us.
Until our bodies can no longer keep up.
And the money we've worked so hard to earn might end up going to hospital bills and medication.
There's nothing wrong with wanting to give our families a better life. But we also need to know when to slow down.
At the end of the day, our families need more than what we can provide.
They need us healthy and present, too.



Pantanggal ng plema

7 piraso dahon ng guyabano

7 piraso dahon ng bayabas

3 talbos ng oregano


Pakuluan sa 2 baso ng tubig.




11032026 tue half day pogi

Php16 pandesal

Php13+30+13+35 pamasahe

Site Pogi wala masakyan kaya nag half day.
Ganda wfh

Pa reserve menudo Php1800 ti cora for Nov. 28 8am.

Php630 shopee pogi
Php501 rim set 20 wide front 20x2.125 wide 42.5cm/16.5 inches.
Php100 2x50 kitchen faucet sink faucet handle
Php40 shopee 20 pcs screw for ceramic disc faucet cartridge faucet handle replacement.

Php330 ipad cover.



Ang lesson ni ate Gay.

 Ang Lesson ni Ate Gay sa Atin:
Hindi na niya hinintay na mamatay siya para mahalin.
Last month, gumawa siya ng sarili niyang buhay na lamay.
Imbes na kabaong ang nasa harap, siya mismo ang nakaupo.
Imbes na iyakan, tawanan at pasasalamat.
Imbes na "rest in peace", narinig niya mismo habang buhay pa siya ang "thank you, we love you."
At ngayong wala na siya, panatag siya. Kasi alam niyang mahal siya.
Ano ang tinuturo niya sa atin?
Sabihin mo na ngayon.
Wag mo nang hintayin na magkasakit, lumayo, o mawala. Yung "Mahal kita, Nay, Tay" "Proud ako sayo" "Salamat" — sabihin mo na habang may oras pa.
Huwag tipirin ang pagmamahal.
Minsan ang dami nating pera pang-bulaklak sa patay, pero ang hirap magbigay ng oras sa buhay. Baliktarin natin.
Ang kamatayan, hindi nakakatakot kung naging totoo ka sa buhay.
Kahit bata, matanda, iba-iba ang kwento ng kamatayan. Pero ang kwento ng pagmamahal, ikaw ang gagawa habang buhay ka pa.
Kaya ang tanong ni Ate Gay sa atin ngayon:
"Sino yung gusto mong pasalamatan habang naririnig ka pa niya?"

Sunday, November 01, 2026

Nagagalit na walang kakwenta kwenta.

11022026 mon holiday

 Php260 30x itlog

OFF pogi
WFH ganda

Php2000 dapat 1.8k give to mama handa ni sister sa undas.

Punta sila sa urban


NAMAMATAY SYA DAHIL SA BULOK NA SISTEMA.

 HINDI NAMAMATAY ANG PILIPINO DAHIL SA SAKIT NIYA. NAMAMATAY SYA DAHIL SA BULOK NA SISTEMA.

Real talk.
Sa ibang bansa, pag inatake ka sa puso ambulance darating in 5 minutes.
Sa Pilipinas, pag inatake ka maghahanap ka muna ng tricycle, tapos pipila ka sa ER ng 4 na oras, tapos sasabihin "walang bakante, lipat kayo sa kabila."
Sa ibang bansa, pag na-diagnose ka ng cancer gagamutin ka agad.
Sa Pilipinas, pag na-diagnose ka tatanungin ka agad "may PhilHealth ba? may pang-deposit ba? may pang-CT scan ba?" Hindi gamot ang unang hanap, pera.
Sa ibang bansa, gamot ang binibigay sa ospital.
Sa Pinas, reseta ang binibigay tapos bibili ka sa labas. Tapos wala ka palang pambili kaya uuwi ka na lang na may sakit pa rin.
Sa ibang bansa, may sakit ka, pahinga ka.
Sa Pilipinas, may sakit ka, kailangan mo pa magtrabaho kasi pag hindi ka pumasok, walang sahod. Pag walang sahod, walang gamot.
Kaya yung nanay namatay hindi dahil malala sakit niya.
Namatay kasi walang pang-deposit na P20,000.
Yung tatay namatay hindi dahil wala nang lunas.
Namatay kasi walang ambulansya na dumating, at yung ospital 2 oras pa ang layo.
Yung bata namatay hindi dahil mahina katawan niya.
Namatay kasi walang bakuna sa center, at yung doktor wala kasi nasa private clinic.
Bulok ang sistema.
Yung budget ng DOH bilyon-bilyon, pero sa center walang paracetamol.
Yung PhilHealth may pondo, pero hindi mo maramdaman pag naka-confine ka na.
Yung ospital pinaganda sa picture, pero sa loob sira ang X-ray, sira ang elevator, kulang ang nurse.
Kaya wag nyo sabihin na "mahina kasi katawan."
Hindi mahina katawan ng Pilipino. Matibay nga eh. Nakakaya mabuhay sa baha, sa usok, sa pagod, sa puyat, sa kulang na sahod.
Ang mahina, yung sistema na dapat sumasalo sa kanya.
Sa Pilipinas, pag mahirap ka at nagkasakit ka, dalawa lang patutunguhan mo: mabaon sa utang o mamatay.
Walang middle.
At yun ang pinakabulok sa lahat.

Japanese people eat rice every day yet still slim.

 JAPANESE PEOPLE EAT RICE EVERY DAY. YET THEY STILL STAY SLIM, RARELY GET HEART DISEASE AND HAVE SOME OF THE BEST METABOLIC HEALTH IN THE WORLD. IT COMES DOWN TO ONE WEIRD HABIT THEY DO AFTER EATING. HERE'S WHAT IT IS:
In Japan, the obesity rate is only about 4%.
In Indonesia it is already over 10%, and that does not even count the people who are overweight.
Yet rice is on the Japanese table every day.
Studies from the WHO and The Lancet show what that looks like over a whole life.
People in Japan have the longest lifespan, living past 84 years on average
They also rarely get chronic diseases like heart disease, even though they eat rice and noodles every day.
The foods many diets blame are right there on their plates
And they stay active and fit even after 70 years old.
Their bodies keep working well at an age when many people start to slow down.
The reason starts right after they eat.
One small habit turns out to be very powerful: walking after eating.
In Japan, many homes are not very big.
But after dinner, people rarely sit down right away or lounge around
Instead, they take a short, easy stroll called "shinpai sanpo".
It can be a lap around the house or a walk to a neighbor's shop.
Nothing about it feels like a workout.
Research shows that light walking for just 2 to 5 minutes after a meal can:
Significantly lower blood sugar
Help stop sharp insulin spikes
Get small muscles burning glucose faster
Breaking up long periods of sitting with light walking helps too.
A 2022 review in the journal Sports Medicine found it improved both blood sugar and insulin after meals.
This is where most of us do it differently.
After eating, we usually sit right down on the couch or lounge around.
The short walk that people in Japan take never happens.
Walking after meals is not the only habit they keep around food.
They also:
• Eat slowly
Use small plates
Eat fewer processed foods
Take time to enjoy mealtime
Put together, these habits keep their metabolism active into old age, even at 60 to 80 years old.
And they don't need to bother counting calories to get there
Sometimes it is not the rice or noodles that make people gain weight.
It is the habits after eating, and how often people eat, that go against how the body works.
Working with your body after every meal, for decades, helps decide how long and how well you live
Makakita ng Kaunti

May point talaga.

 May point talaga. Noong 90s, maraming parents ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pero they knew how to raise children with respect, discipline, humility, and good manners.
Hindi man sila highly educated, they understood that raising a child isn't just about providing for their needs. It's also about teaching them how to treat other people.
These days, kahit highly educated ang parents, hindi guaranteed na well-raised din ang children.
Sometimes, too much focus goes into academic achievements, gadgets, and material things, while basic manners, accountability, and respect are overlooked.
Having everything a child wants doesn't necessarily mean they're getting everything they need.
Let's be honest, a diploma doesn't automatically make someone a good parent.
A child can be academically excellent but still lack respect, empathy, and self-discipline.
What's the point of being highly educated if you can't even show basic decency toward other people?
Intelligence is important, but character matters just as much.
At the end of the day, raising successful children is one thing, but raising decent human beings is another.
Parents shouldn't just prepare their children for a competitive world. They should also teach them how to live in it with respect and integrity.
Because good education may open doors, but good character determines how you treat people once you're through them.
Makakita ng Kaunti

Yan ang tranportasyon sa Pinas.

 PAG MAY OKASYON, ASAHAN MONG PAHIRAPAN BAGO KA MAKAUWI SA BAHAY
Hindi yan pila sa concert.
Pila yan ng Pilipinong gusto lang umuwi.
Undas. Pasko. New Year. Mahal na Araw.
Sa ibang bansa, pag may okasyon, mas dumadami tren, mas dumadami bus, may libreng sakay pa para lahat makauwi sa pamilya.
Sa Pilipinas, pag may okasyon, mas dumadami pasahero, mas kumokonti bus, mas nagtataas pa ng singil, mas siksikan pa.
Same bus. Same tren. Same terminal na luma. Pero x3 yung tao.
Kaya anong nangyayari?
Yung nanay may kargang bata, nakatayo ng 3 oras.
Yung tatay may dalang maleta at karton, pawis na pawis kakatakbo sa bus na paalis na.
Yung lola, hinihingal na sa tulakan.
Gusto lang naman umuwi sa probinsya. Gusto lang makasama pamilya.
Pero kailangan pa makipag-patayan.
Tapos makikita mo sa news: "Mahigit 300% increase sa pasahero sa bus terminal."
Hindi yan achievement.
Kabiguan yan ng sistema.
Kasi sa ibang bansa, pinaghandaan ang okasyon.
Dito, ginawang negosyo ang okasyon.
Colorum bus biglang sulpot, doble singil.
Tricycle na P20, gagawing P100 "holiday rate" daw.
Ticket scalper sa bus, bentahan ng pwesto.
Lahat kumikita sa paghihirap mong umuwi.
Real talk:
Sa ibang bansa, okasyon para makauwi ka.
Sa Pilipinas, okasyon para iparamdam sayo na mahirap ka.
Na kung wala kang kotse, magtiis ka sa pila.
Na kung wala kang pang-plane, magtiis ka sa 12 oras na byahe na sardinas.
Kaya yung iba, hindi na umuuwi.
Hindi dahil ayaw nila pamilya nila.
Dahil sa sobrang hirap ng byahe, parang hindi na worth it umuwi.
Isipin mo, umuwi ka para magpahinga, pero pagod na pagod ka na bago ka pa makarating sa bahay nyo.
Yan ang transportation sa Pilipinas.
Hindi ka pinapauwi.
Pinapahirapan ka bago ka pauwiin.
#hustleoverslavery
Makakita ng Kaunti


HANGGANG KAILAN NATIN I-NONORMALIZE YUNG SIKSIKAN SA PILIPINAS?
Real talk, hindi normal yung nararanasan mo araw-araw. Ginawa lang nilang mukhang normal.
Sa ibang bansa, pag siksikan sa train, NEWS yan. Investigation agad. "Bakit siksikan? Dagdagan ang tren."
Sa Pilipinas, pag siksikan sa MRT, LRT, bus, jeep
"Ganun talaga. Tiis lang. Masanay ka na. Maaga ka gumising."
Anyare?
SA JEEP: Dati 10 lang sakay. Ngayon 14, may 2 pa nakasabit, may bata pa sa bubong ng tuhod mo. Pag nahulog ka, kasalanan mo pa kasi sumabit ka.
SA BUS: Dati may pila. Ngayon agawan. Tulakan. Takbuhan. Kung sino malakas, siya may upuan. Kung babae ka, buntis ka, matanda ka bahala ka sa buhay mo.
SA MRT / LRT: Dati transport. Ngayon sardinas. Pila pa lang 1 oras. Pagdating ng tren, hindi ka pa makakasakay sa sobrang siksik. 2, 3 tren ang palalampasin mo bago ka makasingit. Pagpasok mo, mukha mo nasa kilikili na ng katabi mo. Pero bawal ka magreklamo kasi "rush hour eh."
SA PILAHAN NG JEEP SA KANTO: Walang maayos na terminal. Nasa kalsada ka naghihintay sa ilalim ng araw, walang bubong, walang upuan. Pag umulan, basang-basa ka bago ka pa makasakay.
At ang pinaka masakit sanay na tayo.
Sanay na tayong pagpawisan ng malagkit bago pumasok sa trabaho.
Sanay na tayong ma-late kasi siksikan.
Sanay na tayong mabastos sa siksikan pero hindi makapalag kasi siksikan nga.
Sanay na tayong sabihin na "tiis lang, Pilipino tayo, matiisin."
HINDI MATIISIN ANG TAWAG DUN. PINABAYAAN.
Sa ibang bansa, pinag-aaralan kung paano maging komportable commuter.
Sa Pinas, pinag-aaralan kung paano ka pa mas maisiksik.
Bakit sa Singapore, Japan, Korea — kahit rush hour, may linya, may aircon, may interval na 2 minuto lang may tren na ulit?
Bakit sa Pilipinas, 10 minuto bago dumating, tapos pag dumating punuan na?
Hindi dahil mahirap ang Pilipinas.
Dahil sanay ang sistema na mahirapan ka.
Kasi pag sanay ka nang mahirapan sa biyahe, hindi ka na magrereklamo. Papasok ka pa rin kahit pagod ka na bago pa magsimula araw mo.
Kaya tanong ulit:
Hanggang kailan natin i-normalize?
Hanggang kailan mo sasabihin sa sarili mo na "okay lang" yung hindi naman okay?
Hindi forever dapat ganito.
Pero magiging forever ito hanggat tinatanggap natin na "ganyan talaga sa Pinas."
Hindi ganyan sa Pinas. Ginawa lang nilang ganyan.
At kaya pa nating baguhin, kung hihinto tayong pumalakpak sa siksikan at magsimula tayong mag-demand ng maayos.

Saturday, October 31, 2026

11012026 sun undas

Php1000 palengke

Php1800 pancit
Php1800 menudo

Punta angelus dala pagkain
Meet uncle ogie, Ti lily uncle bhoy, ti soly, joan, andeng at emeryn.
With cris, miel, rheena, karen ganda at mama at me.

Php50 parking tip.

5pm punta sa angelus.
Php42+42+42+30

Friday, October 30, 2026

Kela kaya akoy di na...

PROBLEMA SA PINAS NA HINDI PROBLEMA SA IBANG BANSA

TRANSPORTATION

Tignan mo yang picture. Bus terminal yan sa Pilipinas.

Siksikan. Pawis. Tulakan. May bata. May matanda. May bitbit na maleta, karton, plastik.

Ganyan ka kasi pahirapan sumakay ng bus dito. Kailangan mo makipag-patayan sa pila.

Sa ibang bansa?

Sa Japan, may train every 3 minutes. May upuan lahat.
Sa Singapore, may bus na aircon, may app ka pa alam mo exact kung nasaan na bus.
Sa Thailand, may BTS at MRT na mura, malinis, on time.
Sa Dubai, kahit 50 degrees sa labas, malamig sa loob ng bus stop nila.

Sakay ka lang. Walang tulakan. Walang pawis. Walang stress.

Dito?

Undas pa lang yan ha. Wala pa Pasko. Wala pa New Year.
Pero ganyan na pila.

Bakit?

Kasi sa ibang bansa, transportation ay SERBISYO.

Sa Pilipinas, transportation ay NEGOSYO.

Serbisyo = pinapadali buhay mo.
Negosyo = pinagkakakitaan paghihirap mo.

Kaya tingnan mo:

Bus kulang kasi ayaw magdagdag ng unit ng operator, mas tipid pag siksikan.
Tren sira kasi maintenance tinipid.
Terminal luma kasi wala nag-iinvest, tutal no choice ka naman, sasakay ka pa rin.
Dagdag pa, 2027 ipi-privatize pa MRT. Asahan mo na, tataas pamasahe dyan.

Sa ibang bansa, yung gobyerno nagtatanong: "Paano namin pagagaanin byahe ng tao?"

Dito, yung sistema nagtatanong: "Paano pa namin pagkakakitaan pagod ng tao?"

Kaya yung Pilipino, bago pa makarating sa trabaho, pagod na.
Bago pa makauwi sa pamilya, ubos na.

4 na oras sa byahe. 8 oras sa trabaho. 4 na oras ulit sa byahe.
16 oras para sa ibang tao. 8 oras na lang tulog mo, kung makatulog ka pa.

Tapos magtataka sila bakit gusto ng Pilipino umalis ng Pilipinas?

Hindi dahil maarte.
Dahil pagod na.

Pagod na sa pila.
Pagod na sa siksikan.
Pagod na sa sistemang sinasadyang pahirapan ka.

Sa ibang bansa, byahe ka lang.
Dito, survival.

#hustleoverslavery