Psoriasis : Ano Ang Dahilan
Payo ni Doc Willie Ong
Ang psoriasis ay isang sakit kung saan mabilis na mabuo ang mga cells sa ibabaw ng balat. Dahil dito, bumubuo at kumakapal ang balat na parang kaliskis, tuyong patse-patse, kulay pula at makati.
Ang mga kaliskis ng psoriasis ay gaya ng makakapal na balakubak at sumisingaw sa ibang parte ng iyong katawan tulad ng tuhod, siko, tadyang at anit.
Ang mild psoriasis ay maaaring hindi makaapekto sa iyo. Ngunit ang malubhang kaso ng psoriasis ay masakit, nakapipinsala at maaaring ika-baldado mo.
Karamihan sa mga uri ng psoriasis ay dumadaan sa mga cycle (pabago-bago). Naglalabasan ang patse-patse sa loob ng ilang linggo o buwan, at pagkatapos ay umiimpis at nababawasan naman.
Gayunpaman, karaniwan ang sakit na ito ay bumabalik.
Ang psoriasis ay hindi nakahahawa. Hindi mo ito maika-kalat sa ibang bahagi ng iyong katawan, o sa ibang tao sa pamamagitan ng paghawak at pagdikit sa iyong balat. Ang mga bagay na maaaring makapagpalala ng psoriasis ay ang impeksyon, pinsala sa balat, gaya ng nahiwa, nakagat ng insekto, stress, malamig na panahon at paninigarilyo. Iwasan ang mga ito.
Kung may senyales ka ng psoriasis, magpatingin sa doktor para sa kumpletong eksaminasyon. Kumonsulta rin sa doktor kung ang psoriasis ay:
1. Sobrang nakai-istorbo sa iyo.
2. Nahihirapan kang gawin ang mga pang araw-araw na gawain.
3. Masyado ng nakababahala ang itsura ng iyong balat.