Engr. Clynt Bulosan
University: Andres Bonifacio College - Dipolog City
Board Exam Rating: 94.80%
Ranking: 4th Placer
1. Ano ang naging reaction mo noong lumabas yung results ng board exam?
- Nung gabi nang dumating ang results wala talaga akong kaalam-alam kung ano ang nangyari sa social media. Tumawag yung kaibigan ko na EE at sabi niya 'Clynt, 94.8 ang rating mo. Top 4 ka!'.
Bigla akong natulala at nanginig yung katawan ko, parang hindi ko madescribe ang feeling nang tagumpay na aking nararamdaman. Sabay nagtalunan at yakap ko aking mama at papa sa bahay.
Hindi ko akalain na ganun pala kalaki ang aking rating kahit top 4 lang ako. Sumonod na ang mga balita sa social media at parang instant celebrity na ako sa aming Lungsod at sa College ko.
2. Bakit ENGINEERING ang napili mong kurso?
- Nuong high school pa ako, first choice ko ang Marine transportation na course kasi alam na man nang karamihan ay easy money, ikalawang choice ko ay criminology, at ikatlo ang English.
Malabo talaga ang choice ko na mag-engineering kasi may kabobohan ako nuon sa math, solve lang ako kung anong paraan ang alam ko, hindi ko kaya yung mga problem solving na situations. Hindi ko talaga gusto ang math.
Pero, isang araw sabi nang papa ko na "Subukan mo kaya gayahin yung kakilala kong mechanical engineer." at nung nakita ko yung ME na sabi nang papa ko ay nainspired ako mag-ME at sa wakas meron na akong napili na kurso.
Feel mo yung childish na desire na masarap pakinggan ang may engineer sa simula nang pangalan mo, pero nanduon din ang tanong kung makakaya ko bang kainin ang mga numero at formula na hindi talaga gusto nang utak at puso ko.
Isa na rin sa mga rason na napili ko ang mechanical engineering kasi nakuha ako sa scholarship nang Wilmar Edible Oils Phil.Inc. Na kung hindi sa program na ito ay nag-Electrical na yata ako kasi meron din akong pagtingin sa electromagnetics.
3. Ano yung pinakamahirap na situation o challenge ang na-experience mo noong college ka? at papano mo ito nalampasan?
- Unang challenge ko ay ang pag-tackle ko nang algebra at trigo. Nuon pa man ay hindi ko talaga love ang algebra at trigo. Nung ikalawang meeting namin sa college algebra feel ko parang lalabas na yata ako nang room kasi nagsiliparan na ang utak ko sa pag-intindi nang lesson sa blackboard, hanggang na realize ko na kailangan ko lang pala nang kaunting sipag para malampasan ang hirap nang lessons.
Pagdating nang trigo meyroong particular problem doon na nag-invovle ang Algebra at Pythagorean theorem; nasolve ko ita at narealize ko na meron pala akong kaya sa subject na ito at doon ako nainspire na mag-aral nang maigi sa lahat nang engineering subjects.
Pinag-aralan ko ang mga weaknesses ko hanggang nakita ko ang mga resulta na nagdominate na pala ako sa lahat nang kaklase ko, at duon ko na nagustohan ang mga pinakakatakutang subject nang puso ko.
Ikalawang pagsubok ay ang pag maintain nang dean's list status ko. Nang napusoan ko ang mga mahirap sa subjects ay nangarap na ako nag magtapos nang kahit Cum laude lang at hindi pala sing dali nang pag-adapt ko sa trigo at algebra. Andami pa lang mahirap na subject na kailangan I-maintain mo.
Kung dalawang subjects lang ang pinoproblema ko nuon ay ngayon marami na extra challenge pa yung mga minors kasi baka ito lang makapag-lalaglag sa iyo. At ganun lang din ang ginawa ko, focus lang sa mga mahirap na subjects pero hindi na man masyado na nawalan ka na nang kumpyansa sa mga easy subjects. Balanse lang at manage lang ang time sa studies at mga leisures.
4. Bilang isang INHINYERO, saan mo nakikita ang sarili mo sa susunod na dalawa o tatlong taon?
- Hindi pa ako masyadong certain sa kung saan ako papalarin sa aking profession parang maaga pa na sabihing struggle pa or success na ako sa career ko, pero certain ako na sa mga panahong ito ay may specialization na ako na pinapractice ko, baka nanduon lang sa Industrial plant or Designing na Field.
5. Anong ang message o mabibigay mong advice at study tips para sa mga engineering students na aspiring engineers at gusto ding maging topnotcher katulad mo?
- Ang engineering ay isang kurso na hindi talaga madali. Meron tayong subject na paborito, meron din tayong weakness. Improve niyo lang ang mga kalakasan niyo at double time lang sa mga kahinaan. Darating din ang oras na master mo ang mga kahinaan niyo.
Mga Tips.
IN GENERAL
A. Improve sa mga weaknesses hanggang master mo na ito.
B. Learn the basics. Lahat nang mastery ay nagsimula talaga sa basic. Level 1 muna bago level up.
C. Learn the concept. Kapag nag-aaral ng isang topic, kulang lang ang pagmemorize nang mga formulas, dapat kuha mo rin ang concept. Its only when you know the concept when the formulas make sense, it then becomes a powerful tool for you to formulate special formulas for a more efficient problem solving strategy.
D. Kahit na rin ang mga terms ay very dependent rin sa mga concept, kasi merong mga terms na situational rin hindi lamang descriptive. Kapag alam mo ang concept, kahit first look lang ang terms ay meron ka nang maisasagot.
FOR TOP
E. Read more. Mas-lamang kapag marami kang alam na terminologies at formulas.
F. Practice Solve. Dito mo magagamit ang mga formulas at concepts na pinag-aralan mo. Analysis ang pinakaimportante para magamit mo ang formulas. Kapag nasolve mo na ang problem balikan mo ulit mga ilang araw. Kahit master mo na ang problem ay posible rin itong lalabo sa isip mo dahil sa dami nang iyong pinagaralan.
G. Explore on other engineering disciplines. Kahit mechanical ka ay meron ding pang-civil at pang electrical na problems na lalabas. Just know their basic formulas and concepts.
H. Malaking tulong rin ang mga mnemonics sa pagaaral.
I. Gamitin mo rin ang ibang letters sa sa calculator sa pag-store nang mga given. Huwag lamang stick to letter A then letter B kung kailangan. Kapag Area ay store to A, kapag Volume o Velocity ay store to B, kapag spring indexes o coefficients ay store mo sa C, kapag Diameters ay store mo sa D, kapag energies ay store sa E, kapag Forces or friction factors ay sa F, kapag elevations o deformations store mo sa Y, kapag masses ay store mo sa M. Ikaw na bahala sa mga temperatures at iba pang mga givens. Sa ganitong paraan ay para ka lang nagsusulat lamang nang formulas sa Calculator mo.
I. Capitalize on time. Mag-aral kung may freetime.
J. Reward yourself after studying hard. Pwede itong mga pagkain, snacks, games o panonood nang mga videos sa YouTube. Hindi maganda sa utak ang overstudying, dapat relax ka din paminsan.
K. Pray. Ask for help from the Almighty God. Hard work and prayers sabi nga nang karamihan. Kahit alam mo na malaki na ang sipag na iyong nagawa pero hindi mo pa rin 100% kontrol ang mga pangyayari sa actual na laban. You may also want to pray for Mental alertness, emotional stability at physical health during sa exams.
6. Ano ang favorite mantra o quotation mo?
- "Hardwork and Prayers brings you closer to the favorable odds."
- "To invest in knowledge only needs time in studying and shear determination."
- "Dont just study to pass but also study to learn."