Monday, June 19, 2006

Is your school a Model of Bahay Kubo Food Production?

Greetings to the more than 20 million students and teachers who have trooped to their school: elementary, high school, college, university this June 2006 all over the Philippines in barangays, towns, cities and provinces in Mindanao, Visayas and Luzon.

Nais naming itanong: Is your school a Model of Bahay Kubo Food Production? Is your school engage in food production at all?


Sa panahon ng krisis sa Pilipinas ukol sa pagkain, kalusugan at kabuhayan, mahalagang ang mga paaralan ay maging sentro at laboratoryo ng food production. Ang mga estudyante ay kumakain ng 3 beses sa isang araw at idagdag natin ang merienda kung recess. Kung ang bawat isa ay Consumer, may napag-aaralan ba sila tungkol sa Food Production? Mahalagang maituro at matutuhan sa paaralan na ang mga estudyante ay maging Food Producers: magkaroon ng kasanayan sa pamamaraan ng food production. Isang simpleng gabay ang ibinibigay ng awit na "Bahay Kubo, kahit munti, ang halaman doon ay sari-sari...Singkamas, talong, sigarilyas at mani. Sitaw, bataw, patani.. Kundol, patola, upo't kalabasa at saka mayroon pa: labanos, mustasa, sibuyas, kamatis, bawang at luya. Sa paligid-ligid ay puno ng linga."


Ang modelo ng Bahay Kubo ay nagpapaalaala sa atin ng pagtatanim ng halamang sari-sari... Ngunit madalas ang ating pagtatanim sa kapaligiran ng ating mga bahay at paaralan ay mga halamang ornamental, bulaklakin.

At maganda sa paningin, nakabubusog ng mata, ngunit hindi naman pagkain at gamot na ating kailangan sa pang-araw-araw. Ang halamang kailangan ay yaong palagiang mapag-aanihan ng talbos, ugat, dahon, bulaklak, bunga, buto na mailuluto at makakain sa araw-araw at buong taon.


Isa sa magandang pamarisan natin ay ang binansagan naming "PINAKBET GARDENING" ng mga Ilokano. Magtatanim tayo na ang layunin ay maisama ito sa mga lulutuing ulam o pagkain. Magtala tayo ng mga sangkap na gulay na iluluto: talong, ampalaya, sitaw, kalabasa, malunggay, kamote, saluyot, sili, okra, sigarilyas, bunga ng singkamas, luya, bawang, sibuyas, kamatis...At ang kailangan na lamang natin ay ang bagoong isda na pampalasa, pampasarap. At kung mayroong karne o inihaw na isda, enjoy tayo sa masarap at masustansyang pagkain...At ito marahil ang sekreto ng mga Ilokano sa kanilang kalakasan, kalusugan, kasiglahan at mahabang buhay. At bukod sa may maipamimigay o mahihingi ang mga kapitbahay at kamag-anak, ito ay maibebenta sa palengke o talipapa.


Nais naming itanong sa ating mga kababayan kung may alam sila na pamamaraan ng pagtatanim na matatawag namang "Kapampangan Gardening". "Tagalog Gardening", "Bicol Gardening", "Ilongo Gardening", "Cebuano Gardening", "Visayan Gardening", "Mindanao Gardening"?
Kung ipadadala ninyo ito sa amin ay ating ilalathala ang mga ito upang mahikayat ang iba sa kanilang pagtatanim.

Ang pamamaraan na itinuro ng mga Chinese ay ang "Chop Suey Gardening" na nagtatanim ng iba't ibang gulay na pangsahog sa chopsuey: repolyo, bellpepper, pechay, lechugas, chicharo, baguio beans, carrots, atbp.


Maaari rin tayong magtanim na matatawag nating: "Kare-kare Gardening" o "Sinigang Gardening" o "Bicol Express Gardening" o "Tinola Gardening"...


Kung magbibigay ng halimbawa ang mga paaralan, guro at mga estudyante sa kanilang pagtatanim sa palibot ng eskuwela ng mga gulay na ito na kanilang mapipitas at magagamit sa pang-araw-araw na pagluluto at pagkain, malaki ang magiging pakinabang. At ito ay magiging halimbawa na maaring pamarisan ng bawat estudyante sa kanilang bahay at paligid. Makatitipid at bawas gastos at hindi na kailangang bumili sa palengke. At makatutulong ito sa pagkain, kalusugan at kabuhayan.

No comments: