Bahay Kuo by Jose and Elizabeth Cunanan.
Binabati natin ang mga Abante readers, Philippines-wide and Earth-wide mula Sitio Pantay, Tandang Kutyo, Tanay, Rizal sa malabunduking paanan ng Sierra Madre.
Sa paanyaya ni Daniel Frianeza, Chairman ng Maharlikans Center for Community Organization, Bobby Medaflor at Wilfredo Dado ay nagsagawa ng panimulang pag-aaral ng Bahay Kubo, ang Original Filipino Micro-Variety Gardening/Farming System noong Marso 6, 2013. Sinundo kami ni Emie Aquino sa Tanay patungong Sitio Pantay.
Kabilang sa mga dumalo ay sina: Bobby Medaflor, Wilfredo Dado, Dennis Castro, Baby Cely Castro, Efren Penana, Timotea Villagen, Roger Padilla, Ernesto Catambay, Mario Catambay Sr., Marina Catambay, Ernesto Lagunero, Loida Pelaez, Jayson Catambay, Maricel Catambay, Emil Catambay, Mario Catambay Jr., Abraham Catambay, Yolanda Catambay, Marchito Pelaez, Isidoro Quidlat, Geny Barrameda, Norma Padel, Jhonny Padel, Janet Dutlado, Luningning Pinto, Alicia Maglinti, Pia Chavez, Juanito Frias, Mabini Frias, Norberto Misa, Jimmy Levantino, Jose Torres, Donato Ulep, Eduardo Balocating, Myrna Galvan, Siony Polliarca, Susana Regalorio, Reynaldo Villegas, Gemino Aquino, Nelson Quitiong, Ma. Cristina Envidiado, Marites Jaucian, Rolando Arao, Leonardo Reyes, Ruben Gunay, Gaspar Narciso, Jaime Ubac, Arceli Ludovice, Lorna Royo, Cesar Diloy, Nida Borbe, Cesar Labalan, Emie Aquino.
Pinasimulan ang orientation sa pag-awit ng Bahay Kubo, kahit munti, ang halaman doon ay sari-sari... Singkamas at talong, sigarilyas at mani, sitaw, bataw, patani; kundol, patola, upo, kalabasa. At saka mayroon pa: Labanos, mustasa, sibuyas, kamatis, bawang at luya; sa paligid-ligid ay puno ng linga. Kanilang inawit ang 5 pang dagdag na stanzas ng Bahay Kubo.
Tungkol sa pag-awit, ang kanilang grado ay Excellent. At sa tanong kung sila ay kumakain ng gulay na binabanggit sa awit: Excellent. Ngunit sa tanong kung sila ay mayroong mga tanim ng 18 gulay... mababa ang kanilang score... At ito ay siyang karaniwang grado ng mga Pilipino, sa urban at rural settings sa Pilipinas. Alam natin ang awit at mahilig tayong kumain, ngunit nakaligtaan at napabayaan ang pagtatanim ng mga gulay sa mga bakuran at bukid para sa pagkain, kalusugan at kabuhayan. Maging ang talbos ng kamote, malunggay at dahon ng sili ay binibili pa sa palengke sa halip na anihin sa bakuran ng bawat bahay.
Ang panimulang mga gawain ay ang pagtitipon ng mga buto ng gulay at prutas: Kalabasa, ampalaya, kundol, patola, upo at langka, guyabano, at papaya. Ang ugaling TAPON ay dapat palitan ang letrang A ng I at gawing TIPON. At tungkol sa mga gamit na cups sa pag-inom ng kape o juice, maaari itong gamitin at pagtamnan ng mga buto o binhi. Ang kahulugan nito ay C.U.P.S. -- Collect & Use to Plant Seeds... At ang mga Seeds at Seedlings ay titipunin sa Nursery at maaaring pagkakitaan habang lumalaki.
At para sa Gulayan sa bawat bakuran, bukid, barangay at bayan ay magtayo ng Balag na gamit ang technology and management ng V5: Venture on Variety of Vertical Vine Vegetables at ang paggamit ng Arkong Balag na Bakal (Iron Arc Trellis) para sa strong, stable and sustainable food production.
Ang Maharlikans for Community Organizations ay pinamumunuan nina: Jesus T. Sanchez, President, Daniel B. Frianeza, Chairman. May opisina sila sa Unit D, Claveria Plaza, Circumferential Road, 1870, Antipolo City, Rizal. Layunin ng Maharlikans for Community Organizations ang patuloy na mabigyang tulong ang mga Pilipinong nahaharap sa usaping palupa lalo na ‘yung mga pinapaalis sa kanilang tinitirhan.
Kaalinsabay nito ang paglulunsad ng librong ginawa ni Daniel Frianeza na may pamagat na “Philippines Flooded by Fake Land Titles”. Si Maharlikans Office Administrator at Treasurer Sonia Lopez-Santos ang personal na kinaharap ang problema sa pagpapalayas sa kanilang kinatitirikang bahay ang nagtulak upang saliksikin at aralin mabuti ang mga batas tungkol sa lupa. Ayon kay Santos, layunin ng Maharlikans na isulong ang “Land for the Landless” at ang “Squatter Free Philippines”.
Ang kanilang layunin ay “Saving the Nation from the Flooding of Fake Land Titles” at tumutulong sa kanilang mga miyembro upang magkaroon ng sariling lupa at bahay. At ang Bahay Kubo bilang partner ay hikayatin ang mga kaanib na magkaroon ng “Gulayan sa Bawat Bakuran” para sa pagkain, kalusugan at kabuhayan.
For more information, contact: Daniel B. Frianeza mobile phone: 0916-3027906; email: daniel_frianeza@yahoo.comThis email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. ; Jesus T. Sanchez sanchezhesus@yahoo.comThis email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. ; Sonia A. Lopez 0915-4949008; Bobby Medaflor 0908-4793038; Dr. Jose Pepito Manansala Cunanan 0922-8830696, email: pepz2002@yahoo.comThis email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. ; Ms. Elizabeth Cunanan, email: pcunanan@gmail.comThis email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. ; Facebook: Jose Pepito Cunanan.
No comments:
Post a Comment