Monday, May 19, 2014

Pwede Naman Pala.

Pwede naman palang gawing tahimik kesa maingay ang isang bagay. Pwede naman palang sabihing malumanay kesa marahas. Pwede naman palang gawin ng maayos ang isang bagay. Sa pagmuni muni natin pwede naman pala....

Tuesday, April 15, 2014

Napadaan lang.

Six am na pala. I need to go na. Dumaan muna sa kabila binigay ke Cris ang Php500.00 utang nya ka Mama Fel at Php50.00 bayad sa litrato ni Jp during his recognition. Paglabas ng gate. Me nakaabang na tricycle. Akala nya sasakay ako. Di nya alam walk lang ako. Bakit?? bukod sa tipid kana ng Php8.00 na exercise kapa. Habang naglalakad papunta sa kanto. Nakasalubong ko ang isang kaibigan. Binati ko sya. Nagtanong sya bakit di daw ako nagtricyle yayaman daw ako nyan. Tugon ko naman sa kanya " Mayaman na ako".. Sa kalsada makikita mo ang sasakyang nakaparada na wala namang garahe. Tanong ko sa sarili ko hanggang kelan ganito. Walang improvement sana me magbago naman. Ano ba ang kulang pagtuturo ng disiplina o di alam ang batas? Hay.... sabay butong hininga...... Pagdating sa kanto eto na naman yung asong pasaway sa kabila. Lahat ng dumadaan na naka bike hinahabol at tinatahulan. Awa ni Lord wala pa syang nakakagat. Aantayin pa ba natin yon.... Mag-isip isip naman. Hay eto talaga nag buhay...

Sunday, February 23, 2014

Paano Nga Ba?

Minsan naitanong ko sa aking katabi. 

Paanong ang mga halaman sa kabundukan ay nabubuhay. 

Napa isip ako ang kailangan ng halaman ay tubig. 

Mataas na lugar ang bundok ika nga above sea level aabot ba ang ugat nila. 

Nag muni muni ako sandali at aking naisip di ba pag umaga mapapansin natin na mahamog at basa sa umaga ang mga damo. 

Tumpak matalino talaga ang Diyos balanse ang kanyang paglikha.

Ika nga pag kailangan natin ng pagkain. Ito ay ibibigay nya ano pa mang paraan.


Monday, February 17, 2014

Sunday, February 16, 2014

Naisip mo bang masuwerte ka?

Kung paggising mo ngayong umaga ay.....

Kung nakatira sa isang lugar na .....

Kung pagbukas mo sa iyong refrigerator .....

Kung may regular kang kinikita tuwing kinsenas .....

Kung ang parents mo ay buhay pa at .....

Kung nakakalakad ka sa kalye nang may dangal .....

Kung nabasa mo ito ngayon .....

Kung pagkabasa mo ay nagdasal ka sa Diyos .....

.....mas lalong inuulan ng biyaya ang taong marunong

magpasalamat sa Dakilang Lumikha.

Saturday, February 15, 2014

One Cubic Meter Farming (OCMF)

One cubic meter fertility bank/trench.

Paraan ng paggawa:

1. Humanap ng lugar na gagawing One cubic meter fertility bank/trench.

2. Gamit sa paghuhukay: Pala, Piko, Bareta at iba pa.

3. Humukay ng balon na may sukat na isang metro kuwadrado at lalim na isang metro.

4. Lagyan ng bato ang ilalim ng hukay na isang dangkal ang taas.

5. Tambakan ang hukay ng damo, dahon, ipa, kusot, dumi ng hayop (animal manure), basura sa kusina (kitchen waste)

6. Samahan ng buhaghag na lupa ang mga elementong nalulusaw (decompose) hanggang mapuno.

7. Itaas ang tambak na lupa ng isang talampakan mula sa level ng lupa.

8. Gamitin ang One cubic meter fertility bank/trench bilang taniman ng:

    a. Root Crops: Kamote, Ube, Gabe, Singkamas, Luya atbp.

    b. Ground Crops: Kamatis, Okra, Talong, Spinach, Sili, Malunggay atbp.

    c. Crawler Crops: Kalabasa, Kundol, Kamote atbp.

    d. Climber Crops: Sitaw, Bataw, Pepino, Ampalaya, Upo, Patola, atbp.

    e. Fruit Trees: Sa gitna ng One cubic meter fertility bank/trench ay magtanim ng seedling ng papaya, guyabano, langka, rambutan, balimbing, kamias, sampalok, duhat at bp. 

9. Maghukay ng panibago at dagdag ng Balon o Imbakan ng Pataba at isagawa ang karagdagang mga Balong ng Pataba.

Sa Micro Farm, hands-on, feet down. Kailangang gamitin ang mg kamay at isip, ang mga paa tungo sa sustainable production of food crops for health and livelihood.