One cubic meter fertility bank/trench.
Paraan ng paggawa:
1. Humanap ng lugar na gagawing One cubic meter fertility bank/trench.
2. Gamit sa paghuhukay: Pala, Piko, Bareta at iba pa.
3. Humukay ng balon na may sukat na isang metro kuwadrado at lalim na isang metro.
4. Lagyan ng bato ang ilalim ng hukay na isang dangkal ang taas.
5. Tambakan ang hukay ng damo, dahon, ipa, kusot, dumi ng hayop (animal manure), basura sa kusina (kitchen waste)
6. Samahan ng buhaghag na lupa ang mga elementong nalulusaw (decompose) hanggang mapuno.
7. Itaas ang tambak na lupa ng isang talampakan mula sa level ng lupa.
8. Gamitin ang One cubic meter fertility bank/trench bilang taniman ng:
a. Root Crops: Kamote, Ube, Gabe, Singkamas, Luya atbp.
b. Ground Crops: Kamatis, Okra, Talong, Spinach, Sili, Malunggay atbp.
c. Crawler Crops: Kalabasa, Kundol, Kamote atbp.
d. Climber Crops: Sitaw, Bataw, Pepino, Ampalaya, Upo, Patola, atbp.
e. Fruit Trees: Sa gitna ng One cubic meter fertility bank/trench ay magtanim ng seedling ng papaya, guyabano, langka, rambutan, balimbing, kamias, sampalok, duhat at bp.
9. Maghukay ng panibago at dagdag ng Balon o Imbakan ng Pataba at isagawa ang karagdagang mga Balong ng Pataba.
Sa Micro Farm, hands-on, feet down. Kailangang gamitin ang mg kamay at isip, ang mga paa tungo sa sustainable production of food crops for health and livelihood.
No comments:
Post a Comment