1. Kumuha ng BARANGAY CLEARANCE sa inyong barangay (Php20.00).
2. Mag pa photo copy ng barangay clearance.
3. Pumunta sa PNP Bacoor City Police station.
4. Humingi ng form sa kahera/ cashier sa may pnp bacoor station.
5. Sulatan o fill up an ang form.
6. Pumunta sa treasury para magbayad ng police clearance local ibigay ang fill up form, barangay clearance at magbayad ng Php 50.00. Bibigyan ka ng official receipt kasama ang fill up form at barangay clearance. ( Matatagpuan ang treasury sa city hall).
7. Bumalik sa kahera ng pnp ibigay ang form na sinulatan kasama ang photo copy ng barangay clearance at ang official receipt na binayaran sa treasury.
8. Magbayad ng Php200.00 sa kahera ng pnp para police clearance card. Pumirma sa logbook nila.
9. Mag antay ng inyong tawag picture taking sa window 1 or 2.
10. Pag tinawag magpapicture at pumirma.
11. Mag intay sa iyong tawag para sa release ng police clearance card.
12. With in 2 hours nakuha na namin ang police clearance card.
Good job PNP bacoor city police station.
12 comments:
kahit taga saan po ba pwede pumuha ng police clearance sa bacoor??halimbawa taga dasmarinas cavite ako..
salamat po sa sagot
Nope. Sa mismong municipal ka po dapat. Sa dasma ka lang kukuha since tagadun ka
Open din po kaya sila even weekends?
Need pa po ba mg online registration pag ung kkunin n police clearance ung purpose is abroad
Open po ba sila ng weekend?
Anong oras po available ang police clearance
Need paba ng cedula
Saan pong police station makakuha ng police clearance. Taga bacoor po ako. Ano po address ng police station? Thank you.
No need na po magpa online register po.. Pwede na po ba walk in po
Paanu po kung WlA police i.d sa kawit pde po kaya sa bcoor kumuha,if ever po Anu requirements
How to get police clearance
Pwede po ba livebirth lng saka brgy.id?
Post a Comment