Basic Health Tips by Dr. Gary Sy
1. Uminum agad ng 1 - 2 glasses of lukewater with lemon (medyo sosyal) o kalamansi (medyo nagtitipid). Sundan ng isang baso kada 2 oras. (Minimum of 8 glasses of water daily)
2. Mga 5 to 10 minutes na continuous stationary bike/jogging/marching. Pwede rin sumba sumba ka dyan sa tabi o swadow boxing. (Kailangan medyo pawisan para ma-detox at umayos daloy ng dugo)
3. Mag apple/banana/papaya diet (walang maalat/mamantika/maanghang). Pwede rin wheat bread, soda cracker o oat bran.
4. Breathing exercises (slowly inhale sa ilong at exhale sa bibig mga 20x gawin).
5. Alisin ang mga bisyo tulad na panionigarilyo at pag-inum ng sobrang alak.
6. Bawasan ang stress sa buhay. Itapon mga buwisit sa paligid. Bahala na kayong umintindi.
7. No sex for 3 months (Biro lang yan syempre hehehe. Pinapatawa ko lang po kayo. Baka may sumagot na... 'Wala nga noh, years na!" ð Basta sex sex na lang kung meron pa. ð
MGA DAPAT GAWIN:
• Masakit ulo: cold compress for 15 to 20 minutes every 4 hours
• Nahihilo: umupo sa isang upuan at tumitig sa isang bagay ng mga 30 seconds to 1 minute. Uminum ng fresh pineapple juice o maski sa lata. Makatutulong po yan kung nahihilo dahil sa tumaas ang cholesterol/bp.
• Makirot kasukasuan at kalamnan: hot/warm compress for 15 to 20 minutes every 4 hours.
• Kinakabag at sinisikmura: uminum ng isang basong tubig na may 2 tsp na baking soda.
• Naduduwal/Nasusuka: wag muna kumain at magbabad ng maliit na pirasong luya sa bibig. Warm water lang muna at kung nangangasim subukin yung unang nabangit. (Magpa-pregnancy test din kayo lola para makasigurong hindi buntis) ð
• LBM: wag muna kumain ng mga 2 to 3 hours. Uminum ng madaling tubig na malinis. Gumawa ng sariling oral rehydration solution: sa 1 litro ng tubig ihalo ang 6 tsp sugar at 1/2 tsp of salt. Yan ang inumin buong araw o isang baso kada pagdumi.
• Umuugong ang tenga: Mag relax at bawasan ang stress/tension. Try Alexander technique. Paki google na lang po mahabang explanation po kasi yan. ð
• Masakit ang dibdib: kalma lang kasi kadalasan yung takot ang nagpapalala ng sakit. Rest rest rest muna. Humiga at pwedeng mag warm compress sa dibdib. Kung di nawala o nabawasan ang sakit in 15 minutes magpunta na agad sa pinakamalapit na ospital. Baka heartburn yan dahil sa hyperacidity at hindi chest pain. Magkaiba kasi gamutan nun.
• Syempre gabay lang ito at dahil hindi ko po kayo nakikita ng personal kaya di ko masabi dahilan ng mga nararamdaman niyo. Mas mabuti na makita kayo agad ng doktor bago lumala ang inyong kundisyon. (PLEASE READ AGAIN)
.
.
.
IMPORTANT NOTE:
Lahat po yan dahil sa wrong choices.
It's a lifestyles problem not a medical problem.
Wrong foods and drinks, smoking, lack of physical activities, no exercise, too much excitements and stresses and most of all --- tigas ulo. ðĻðĻðĻ
Hay buhay... just like a circle --- paulit-ulit. ðĪŠ
Happy Life GsKers! ð
GsKers = followers ng page na ito.
Disclaimer:
The information contained here at Gabay sa Kalusugan - Health Page is intended for educational purposes only and is not a substitute for advice, diagnosis or treatment by a licensed physician. You should seek prompt medical care for any health issues. Visit your doctor. Thank you.
CLICK SHARE BUTTON IF YOU LIKE THESE HELPFUL TIPS
https://www.facebook.com/pages/Gabay-sa-Kalusugan-Health-Page/201156890022811
No comments:
Post a Comment