PCSO
By: Mark Lopez
Ok, tulungan po natin ang gobyerno magpaliwanag.
Ang PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office ay isang government owned corporation na attached po sa Office of the President. Ang pinaka layunin po ng ahensya na ito ay fundraising para sa mga social programs ng gobyerno lalu na patungkol sa health and charity.
Para makapag fundraising, ang PCSO ay nag mamanage ng mga palarong Lotto, Small Town Lottery, Online Keno, Scratch Cards at yung Sweepstakes.
Ang nalilikom po na fund ng PCSO ay direchong napupunta sa Presidential Social Fund.
Ang allocation ng PCSO fund ay meron pong ganitong hatian:
55% ay para sa mga prize money
30% ay para sa PSF
15% ay para sa OPEX ng ahensya
5% at ano pang balanse eh binabalik sa PSF kung wala na itong kailang pag gamitan o contigency.
So kung sa isang buwan ang PCSO ay makakolekta ng P5Billion -
2.75Billlion ay nakatabi para sa papremyo
1.5Billion ay pupunta sa charity o medical assistance via the PSF
750Million eh sa operating expense.
250Million eh contingency.
So lumabas po na kung sa P5Billion buwan buwan, meron ang gobyerno na P1.5 Billion buwan buwan o P18BILLION kada taon para pa ipang serbisyo sa mga mahihirap nating kababayan.
Napaka laking pera po ano?
Siguro ang mabigat na tanong ngayon eh pano na yang pera na yan para sa mahihirap eh pinahinto na ang mga laro ng PCSO?
Actually, yan din malamang ang hinahanap po ng ating Pangulo - kung bakit hindi ata naibibigay ang tamang allocation para sa social fund ng gobyerno.
Isipin nyo naman kung meron dapat P1.5Bilyon para sa social fund buwan buwan pero baka ay binibigay lang ay P500 million at hindi na alam kung san napupunta yung P1B a month!
At sa tono po ng pananalita nya kahapon, ramdam ko na hindi nya pinanghihinayangan na mawala ang pondo na yan dahil hindi din naman umaabot talaga ng buo para sa taumbayan.
Ang gusto ng ating presidente ay magastos ang pondo ng PCSO para sa mga beneficiary ng social programs ng gobyerno, hindi para gawing gatasan at alkansya ng mga corrupt na officials.
Ang masaklap, mukhang pati yung allocation sa prize money at sa operating expense at contigency eh mukhang niyayari din.
Tapos anjan pa yung brasuhan sa pag bigay ng mga gaming franchises at operators permit. Meron ding anomalya jan.
Sa aking palagay, mas gugustuhin po ni PRRD na mawala lahat yan at magkaron ng panibagong sistema kesa naman yung patuloy ang matinding corruption sa PCSO.
Alam ko kumpyansa ang ating pangulo na makakahanap ang gobyerno ng mga kapalit na revenue streams sa pansamantala para sa social fund.
Ang kagandahan po kasi sa ating gobyerno ngayon ay ang kaban ng bayan ay talagang ginagastos na para sa atin.
Madaming pera po talaga ang ating gobyerno, pero ngayon lang natin ito nakikita at nararamdaman na nilalaan talaga para sa atin.
Kaya malakas po ang loob ng ating presidente na pahintuin ang PCSO operations kahit po na alam nya na malaki ang fund na nakukuha dito.
Dahil din alam nya na dapat eh mas malaki pa sa na re remit ngayon ang dapat na naipapamahagi sa taumbayan.
And I am confident na meron kukuhanan ang ating gobyerno ng alternative source habang inaayos ang PCSO. In this case, PAGCOR should step up and fill in the void.
Tiwala lang peeps.
Maayos din po ito.
__________
Part 2: http://tiny.cc/cpgdaz
PCSO
Part 2
Kahapon po, nag post tayo ng isang simpleng paliwanag kung bakit pinahinto ni President Rody Duterte ang mga games sa PCSO.
Pinaliwanag po natin kung bakit po umabot na sa ganyan ang sitwasyon at bakit kailangan na ng kamay na bakal ng ating pangulo ang manaig.
Totoo po na madami po ang apektado sa desisyon na yan ng ating presidente.
Anjan po ang mga beneficiary ng PCSO via the Presidnt Social Fund. Sila po yung mga natutulungan sa kanilang medical o health needs, o yung mga charity institutions and activities na pinopondohan din.
Apektado din ang mga small to medium scale entrepreneurs na nag invest sa mga lotto outlet franchises. Nakakalungkot na nadamay sila even if ang hangad lang naman nila ay kumita ng konti.
Apektado din ang mga empleyado at mga allied business ng mga service providers ng PCSO. Sila po yung may kontrata para po tumulong sa ahensya na patakbuhin ung mga games. Sa ngayon po may dalawang major service providers ang PCSO - ang Pacific Online Systems Corp., at ang Philippine Gaming Management Corp o PGMC.
Eto siguro ang bigyan natin ng pansin dahil dito ang sentro ng corruption.
Kahapon, pinaliwanag natin na ganito po ang hatian ng pondo ng PCSO:
55% ay allocated para sa prize money.
30% ay para sa Presidential Social Fund
15 % ay para sa operating expense ng ahensya.
Lagyan po natin ng specific na numero yan.
Sabihin na po natin na sa araw araw meron po 10 milyon na Pilipino (out of 110 Million Population) na tumataya sa lotto. Sabihin na natin na ang gastos sa taya ay P20 minimum (nung wala pa tax ha)
10,000,000 x 20 = P200,000,000.
So sa lotto, maari po makakuha ang PCSO ng P200Million every day.
P200Million every day x 30 days = P6BILLION A MONTH
P6B A MONTH!!!
(conservative estimate lng po yan)(5
Sa distribution po na pinakita natin, ganito ang magiging hatian:
55% ng 6B ay P3.3B na dapat mapunta sa prize pool fund o papremyo.
30% ng 6B ay P1.8B na dapat 5; sa President Social Fund. ITO YUNG DAPAT NA BINIBIGAY SA MGA MAHIHIRAP AT SA MGA MAY SAKIT.
15% ng 6B ay P900M para sa operating expense ng PCSO. Dapat po, dito din kinukuha yung mga fees na binabayad sa mga service providers.
Ang problema po ngayon jan sa PCSO ay halos walang pumapansin o nag momonitor sa ginagawang hatian.
So dun sa prize fund, possible po na nagagalaw ito.
Yung operating expense eh ganun din at hindi din malinaw kung pano nga nakakakolekta ang mga service providers katulad ng PGMC o Pacific Online ng fees na minsan ay nasa 8% hanggang 12%.
Ang PINAKAMASAKLAP, yung SOCIAL FUND na para sa mahihirap eh yun ang talagang kinakana o binabawasan ng malaki.
Papano nababawasan? Kakuntsaba ang mga service providers, ang pinaka simpleng modus ay ang pag under declare ng gross sales o yung taya per day. Kunwari ang totoong benta nga per day eh P200Million pero ang idedeklara lang ay P100 million. Eh di magiging maliit ang 30% share para sa social fund.
Ganyan practically ang ginagawa sa Lotto, sa Keno at lalung lalu na sa Small Town Lottery o STL.
Sa STL nga, ang nangyari ay para lang na legitimize ang jueteng dahil ang mga nabigyan ng prangkisa sa mga probinsya para mag operate ng STL eh yung mga dummy o front ng mga Jueteng Lords. Kaya lumalabas, ung mga kubrador ng mga Jueteng Lords eh naging legit at may ID pa ng PCSO habang nangongolekta ng taya. Pero yung taya, hindi na halos pumapasok sa PCSO STL at derecho na sa Illegal Jueteng fund.
Ang siste po, sa papel eh maliit lang ang gross sales kaya maliit lang din ang nagiging share ng prize fund, opex at ng social fund.
Kaya pansin nyo minsan, ang tagal bago lumaki ng jackpot ng lotto?
At dito nga galit na galit si Presidente - yung social fund na dapat naipamimigay sa mga mahihirap eh yun ang mas malakinang bawas.
At yung sobra po na aabot sa bilyon, yung ang mga pinag hahati hatian ng mg corrupt na opisyales ng PCSO.
At ang mga enablers nila ay ang mga service providers like PGMC and Pacific Online na hindi nanghihinayang na gastusan ang mga corrupt kapalit ng mga contract extension, no bid award at walang audit sa kanilang mga sales reports at mga internal controls.
Thank
Alam nyo po ba na ang isang nabalitaan ni President mismo eh yung isang GM na pagka appoint eh binigyan kagad ng P500M? Nung nalaman po ni PRRD yan, pinasoli ang pera at pinag resign ang GM at naglabas na lang ng ibang dahilan kung bakit nag resign.
Eh ang mahirap po, hindi lang ang GM o Geneal Manager ang kasabwat. Pati mga AGM and down the line po, at matindi jan yung Board of Directors na syang nag a aprove ng mga contracts.
Kaya po PIKON NA PIKON NA SI PRRD at nag desisyon na pahintuin ang mga games sa PCSO.
Madami nga po ang apektado pero kung hahayaan lang po yang corrupt at bulok na sistema, sa pagtagal eh wala na matutulungan na mga kababayan natin at ang mga corrupt lang ang makikinabang.
Siguro po ang isang suggestion natin eh ma privatize na lang ang PCSO at ang focus na lang gobyerno ay masiguro na yung 30% share eh maibigay ng tama. Pag tama at nababantayan yan, mas madami ang mag be benefit na Pilipino.
At yan po ang simpleng istorya ng PCSO.
No comments:
Post a Comment