Bato sa Apdo (Gallbladder Stone)
Ang kadalasang nagkakaroon ng sakit na bato sa apdo ay mga kababaihang edad 40 pataas, o di kaya’y mga babaeng malusog ang pangangatawan at mga mabilis magpapayat, at mga babaeng umiinom ng hormonal na gamot at mga kasalukuyang nasa reproductive age o yugto na maaari pang magdalantao. Subalit, maaari ring magkaroon ng bato sa apdo ang mga kalalakihan.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga palatandaan ng pagkakaroon ng sakit na ito:
i) matinding pananakit ng kanang bahagi ng tiyan at waring umaakyat sa kanang balikat, na malimit nararamdaman tuwing nakakakain ng pagkaing puno ng taba;
ii) ang sakit ng tiyan ay maisasalarawang pabugsu-bugso at humihilab.
iii) pakiramdam na laging busog o puno ng hangin ang tiyan.
No comments:
Post a Comment