BAKIT MAS MAGANDANG NAKABUKOD NG BAHAY ANG MAG-ASAWA.
1. Una, dapat iisang reyna at hari lang ang meron sa isang palasyo tama? Kapag nakabukod kayo either rent or sarili niyo ang bahay magkakaroon kayo ng tinatawag nating “privacy” which is very important sa mag-asawa. Lalo na kung introvert, so prefer talaga ang may sariling space. Hindi ka makakilos kapag may ibang tao kahit parents o kapatid mo pa.
2. Magagawa niyo lahat ng gusto niyo. Di bale na maghapon kayong nakahilata , hindi kayo maglinis o tanghali na kayo magising wala kang maririnig dahil your house your rules.
3. Matututo kayo maging independent in everything. Kung ano ang ihahain mo, ano iluluto mo, paano magbudget, paano mo ayusan ang bahay, anong gamit ang bibilhin, kulay ng pintura, etc., etc.
4. You have control over your child. Paano mo palakihin at disiplinahin, ano ipapakain o kung ano yung mga bagay na gusto mo i instill sa anak mo na walang kumukontra.
5. Walang mangingialam kapag may mga problema kayo mag-asawa/partner. Walang kampihan kasi dalawa lang kayo ang adult sa bahay, no one will interfere. Kasi sa buhay mag-asawa it’s not advisable na may nangingialam, minsan maliit na problema lumalaki dahil sa sulsol ng mga tao na kasama niyo sa bahay. (This will apply only kapag mga personal problem niyong dalawa not unless na life and death na ano?, you should seek help)
6. Financially responsible . Lahat ng finances niyo kayong dalawa lang ang may say kung paano niyo gagastusin. You’ll learn how to save. Matututo din kayo kumayod dahil wala kayong aasahan na magbabayad ng bills at expenses niyo sa bahay.
7. You’ll grow as husband and wife. Mas makikilala niyo ang isa’t isa.
8. You will have your own identity as a family. Pwede mo tanggalin ang ayaw mo sa nakalakihan mo, you can make your own family traditions.
9. Less stress. Hindi ka naka- tip toe, free ka kumilos na walang mga mata na nakatingin sayo.
10. Peace of mind. That is priceless. Di bale na mag-ulam kayo ng toyo basta walang nangingialam sa inyo.
Leaving your parents doesn’t mean na hindi mo sila mahal. Actually mas makakahinga din sila kasi need din naman nila ng quite space. Mababawasan din ang iisipin nila lalo na sa financial.
Goodvibes lang 🥰 #payonidee
#buhaymagasawa #family #bakitkailanganbumukodangmagasawa
No comments:
Post a Comment