Q - May pinsan po kaming mataas ang pinag-aralan at umasenso naman sa buhay. Nalalapitan naman po sa mga emergencies pero sa mga ibang bagay at okasyon, parang hindi na ma-reach??? Naging suplado yata at pa-importante?
A -
Pamangkin, DUKHA point of view and attitude yan, ha!
Wag mong sabihing suplado at di ma-reach!
Kaya sya "umasenso". likas sigurong maunlad at mataas ang isip nya noon pa ---bago pa sya nakarating sa mataas na pinag-aralan at bago umasenso. Kaya nga mataas pa ang pinag-aralan at kaya "umasenso" ay dahil likas nang iba ang level ng utak nya noon pa. At pag iba ang level ng isip, natural iba ang magiging ugali, asal at kilos.
Nalalapitan naman ka mo sa emergencies, so ipasalamat nyo na yun. Kung di man ma-reach sa sa mga ibang okasyon, HAYAE na. Bayaan nyo sya.
Ang problema sa maraming kamag-anak, gusto nila na ang relative nila ay mataas na ulap para sila ay maambunan, maulanan at manigyan ng lilim, pero gusto rin nila mababa yung ulap para puede nilang abut-abutin at ibulsa twing ibig nila.
Kung si ulap ay kayang-kayang abutin, ibig sabihin ka-level mo lang. At kung ka-level mo lang sya, wag mong asahang maging sapat ang taas at pagka-ulap nya para mo pakinabangang magbigay ng ulan o lilim --- sa emergencies mo. Kung gusto mong pakinabangan ang "taas" nya, huwag mo nang hangaring bumaba sya para mo laging "ma-reach". Ang dami-rami mo siguradong ka-level at kayang ma-reach na ibang relatives, pero napapakinabangan mo ba sila bilang "ulap"?
No comments:
Post a Comment