Monday, December 11, 2023

Pasasalamat.

 Permission to post Admin

Ako po ay lubos lubos ang pasasalamat sa inyong lahat na tumulong at nagmalasakit sa aming pamilya. Nailipat ko na po ang pamilya ko. Dito muna po kami sa isang maliit na apartment sa Santa Rosa. Di ko po alam paano pagkakasyahin mga gamit namin kaya ang iba po binenta ko na sa mga magbobote mga lamesa upuan na plastik. 

Ngayon lamang po kami nakalipat nakahakot at araw araw pa din po ang gamot at oxygen refill ni Edward.

Napakabuti po ni Lord at hindi Niya kami pinabayaan sa tulong ninyo. 

Kayo pong ka Mapua namin ay milagro na sumagip sa aming buhay.

Hinding hindi po namin kayo malilimutan.

Sana po patuloy ninyo kami ipanalangin. At sa mga nais pa pong magpadala pa ng tulong sa amin pwede po ninyo ipadala dito. Tinaningan na po si Edward ng 1 to 3 months but we still believe in miracles. ang Diyos lang po ang tanging nakakaalam.

gcash/paymaya

09777650976 

Ma Christina Aidez delas Alas

BDO account: Edward B delas Alas 005440069446

City: Makati

Western Union

Ma. Christina Aidez D. delas Alas

Tagapo, Santa Rosa

Paypal

christinadelasalas@gmail.com


Mula po sa bwan bwan na pagkakaospital ni Edward hanggang sa napaalis kami sa tirahan, walang hanggang pasasalamat po sa inyong lahat na walang sawa na umalalay at sumuporta po sa amin.

Naipambili ko po ng food, medicines, oxygen refill ni Edward at naibayad sa lipat bahay at nakarelocate na po kami.

Ang Diyos po ang gumawa ng paraan para sa amin sa pamamagitan ninyong lahat.

Alam ko po na may kanya kanya po kayong pinagdadaanan emosyonal, pisikal, spiritual, health issues, financial problems, family problems bagkus pinili ninyo pa din ang dumulog at tumulong sa amin sa mga pagsusumamo ko at paghingi ng tulong ko sa inyo. Maraming maraming salamat po.

Tinupad ninyo na po ang isang pangarap ko na may masisilungan na kami sa darating na Pasko. At alam ko si Lord na ang tutupad ng isa pang hiling ko na makasama pa namin si Edward ngayong darating na Pasko.

Walang hanggang pasasalamat po sa inyong lahat na sumama, dumamay, nanalangin para sa amin, nagbigay ng mga salitang nagpalakas ng loob ko sa kasagsagan ng unos na hinaharap namin. Mula sa mga donasyon ninyo na anumang halaga, ito po ay sobrang laking tulong sa amin. Labis labis po ang pasasalamat namin. Kung wala po ang donasyon ninyo, financial man o panalangin, hindi po namin mapagtatagumpayan nag lahat ng ito. 

Mahal na mahal po namin kayong lahat.

Viva Mapua!


Edward delas Alas CoE Batch 94 A141

Myelofibrosis Bone Marrow Cancer Fighter

Christina Diaz CE Batch 94 A141

Isang ina at asawa na inyong natulungan na masagip ang aking pamilya 

Araw araw po na kayo ay aming ipapanalangin at pinagdarasal na ibabalik po ni Lord lahat sa inyo ang biyaya kalusugan, pagmamahal, kaligayahan at financial abundance siksik liglig at umaapaw.

Hinding hindi po namin kayo malilimutan sa pagsagip sa aming pamilya.

maraming maraming maraming salamat po 

❤️🙏🙏🙏❤️


sa mga students na pinadalan kami ng donation imbes ipang lunch ninyo o ipang milk tea, we are truly grateful sa tulong ninyo mga anak. bawat 30 pesos 20 pesos na padala ninyo, napagsama smaa makabili ng isang morphine at pagkain ni Edward.

Mag aral kayo ng mabuti at gaano man kahirap, kayang kaya ninyo yan. alagaan ninyo ang inyong mga sarili para hindi kayo magkakasakit.

Abutin ninyo ang inyong mga pangarap! Wag na wag kayo susuko. kahit di ko kayo kilala, damang dama ko ang mga pagmamahal ninyo at mahigpit na yakap ninyo sa amin.

Sa may mga magulang na may cancer din ., sila ay araw araw na nasa aming panalangin.

Merry Christmas and Happy New Year sa inyong lahat.

Piliin ninyo ang magpatawad at humingi ng tawad para magkaroon ng kapayapaan. Piliin ninyo ang maging mapagkumbaba at itinataas ng Diyos ang nagpapakababa.

Mahalin ninyo ang inyong pamilya. Sila ang karamay ninyo sa hirap at ginhawa.

Mahalin ninyo at yakapin ang inyong mga magulang, dahil sa kaibituran ng kanilang puso, gagawin nila ang lahat lahat para lang kayo ay maging masaya at mapaayos ang buhay ninyo.

Paka mahalin ninyo ang inyong asawa dahil sila ang inyong kabiyak na aalalay at gagawin ang lahat lahat para sabay ninyong languyin ang agos ng buhay.

Kapag nakatagpo kayo ng tunay na kaibigan, pakaingatan at sila ang magsisilbing lakas ninyo at ligaya para malampasan ang lahat ng trials.

Maligayang Pasko sa inyong Lahat at damang dama po namin ang diwa ng Pasko at kami ay may masisilungan na dahil sa Grasya ng Panginoon sa pamamagitan ninyo. Maraming maraming maraming salamat po.

Viva Mapua!

No comments: