Thursday, October 20, 2005

Magbago nang magtagumpay

by Bella Angeles Abangan


The winner—is part of the answer,

The loser— is always a part of the problem,

The winner—is always a programme,

The loser—always an excuse,

The winner says, "Let me do it for you,"

The loser says, "That’s not my job,"

The winner sees an answer in every problem,

The loser—sees a problem in every answer.

The loser—sees two or three sand traps near every green,

The winner—says, "It may be difficult but it’s possible,"

The loser—says, "It may be possible but it’s too difficult,"

Ang tula na pinamagatnag Winners and Losers ay may magandang payo sa mga laging nabibigo: Be Positive Thinker.

Iyong mga taong hindi makabangon sa pagkakadapa ay hindi matapang. Hindi sila marunong makipaglaban sa kabiguan. Habang tumatapang ay laban nang laban ng laban.

Narito ang istorya ng magkapatid na langit at lupa ang katulad. Ibinigay na ng ama bago ito namatay ang kanilang mga mana. Pinaghatian nila ang mga lupain, kiskisan ng palay at palaisdaan. Pareho sila may mga pamilya na.

Nagumon sa sugal si Fernando. May derby pa siya sa kanyang mga matitinik na sasabungin at may casino pa siya tuwing Sabado at Linggo.

Ang misis niya ay nagmana din sa casino at madyong. Ang apat nilang mga anak ay pawang drop-out. Wala silang patnubay ng magulang.

Sa dakong huli ay nangungupahan na lamang sila sa isang lumang apartment at pareho silang mag-asawa na walang trabaho.

Kabaligtaran ang naging kapalaran ni Armando. Inilagay niya sa mga bahay at lupa ang kanyang mga mana. Nagtayo silang mag-asawa ng grocery at gas station.

Sinubaybayan nang husto ang apat nilang mga anak. Hindi pinagtrabaho ni Armando si Alice. Siya ang namamahal ng pag-aaral ng mga bata. Mula sa elementarya ay hatid sundo ni Alice hanggang sa haiskul at kolehiyo.

Maganda ang naging banga nito. Nakatapos lahat sa kolehiyo ang apat na mga anak. Ang dalawang lalaking nakakatanda ay kumuha ng Business Management at ang dalawang babaing nakababata ay pagttro ang natapos.

Noon nakahinga ang mag-asawa sa kanilang obligasyon sa mga anak.

Pinangarap nang puspusan ng mag-asawa ang kanilang mga gawaing pansimbahan. Ang dalawang lalaki ay namahala ng kanilang mga negosyo.

Isang gabi ay dumalaw si Fernando sa kapatid. Umiiyak ito. Humihingi ito ng trabaho pagkat hirap na hirap na ang buong pamilya sa tinitiis nilang buhay. Marami silang utang.

Kumuha ng isang kuwaderno si Armando. Bawat mungkahi niya ay kanyang isinusulat.

Bakante noon ang isang town home ni Armando. Maaari na silang lumipat agad. Pinaaalis na sila ng may-ari. May limang buwan na silang hindi nakakabayad. Iyong tatlong anak ni Fernando ay pinatutulong ni Armando sa grocery at gas station.

Iyong babae ay pinatuutlong ni Armando sa Kinder School na tinayo ng dalawang maestra ni Armando.

At si Fernando ay pinamahala ng kapatid sa kanyang sampung taksi.

Niyakap nang mahigpit ni Fernando ang kapatid na nagbigay sigla at buhay sa kanya. Ito ang payo ni Sarmando sabay abot ng kuwaderno:

"Kumapit ka sa Panginoon, Fernando. Magbago ka upang ikaw ay magtagumpay. Ikaw ang huwaran ng iyong pamilya.


Do you know what your children are eating?

It’s Nutrition Month again and this time, the celebration focuses on the theme "Batang may kinabukasan, sa wastong nutrisyon simulan." Now, that’s quite a mouthful! It’s a follow-up to last year’s theme that zeroed in on the importance of breastfeeding and complementary feeding. Taking center stage this time are preschool children, less than six years old.

Nutrition experts can’t stress enough the crucial role nutrition plays during a child’s formative, preschool years. It is at this time when the child needs adequate food to grow, become healthy and bright – and, yes, have a brighter future.

Parents, do you know what your preschool children should be eating? Perhaps these FAQs, from the National Nutrition Council, the country’s policy-making and coordinating body on nutrition, could help:

What is a bright child?

A bright child is a well-nourished child. He is healthy, strong and alert, has a good disposition, and grows at a normal rate. His appetite, digestion, and elimination are regular.

How can parents ensure good nutrition for their preschool child?

A key to ensuring that your child achieves optimum nutritional well-being is giving him a variety of foods in the right amount every day. No single food can provide all the nutrients needed for an active child to achieve good health and normal growth. Some foods have more of certain nutrients than others. By eating a variety of foods, a growing child has better chances of getting all the nutrients he needs.

What are the important foods in the diet of a growing child?

Energy-giving, body-building, and body-regulating foods or, to put it pat, go, grow, and glow foods.

• Go or energy-giving foods. The main nutrients in this food group are carbohydrates and fats. They’re the chief sources of energy needed by active preschoolers. Samples: rice, corn, root crops, bread and bakery products, noodles, cooking oil, butter, margarine, and other fats and sugars. When buying these products, look for the Sangkap Pinoy seal or the Diamond seal, a sign that the product has been fortified with vitamin A, iron or iodine at levels approved by the Department of Health.

• Grow or body-building foods. These foods are high in protein and minerals needed for growth and repair of body tissues. Samples: meat, fish, poultry, eggs, organ meats, milk and milk products, and dried beans (like monggo and nuts).

• Glow or regulating foods. These are the green, leafy and yellow vegetables (like malunggay, kamote tops and squash, other vegetables, vitamin C-rich fruits like guava, mango and orange, and other fruits). Vitamins and minerals are essential for a child’s growth, healthy eyes, strong bones and teeth, and high resistance to infection. Fiber is important for regular bowel movement.

How do you know if your child is eating correctly?

Monitoring through the growth chart is a useful and important way to know if the child is growing as expected, and is healthy and fit. Ideally, height and weight measurements of children between the ages of one month and three years should be taken every month, the first three years being a period of rapid growth. Thereafter, these should be done at least once every three months.

Do preschool children need nutritional supplements?

Strictly speaking, nutritional supplementation is only necessary when deficiencies in vitamin A, iron, and iodine are prevalent. Specifically, high-dose vitamin A supplementation is given to children twice a year for protection against vitamin A deficiency disorders. Furthermore, children with food allergies or intolerances, or those following very strict diets may also need supplements. Remember though that supplements can be toxic to children if taken in excess and should be stored and used with caution.

What are the common feeding problems of preschool children?

• Food jags. At preschool age, children accept only very few foods and reject all others. It is likely that the child’s appetite is lost because of too much parental urging or the child has become tired of eating the same foods every day. Nothing for parents to worry about if the child’s accepted foods represent a nutritionally adequate diet and do not contain excess additives or salt. If not, parents should:

1) Offer a variety of foods, but start the meals with the foods the child likes best.

2) Serve small portion sizes with options for seconds. Praise the child for eating even a little.

3) Present foods attractively; observe some sense of order, that is, no mixed dishes.

4) Remember that a child is very keen on the taste, flavor, texture, and temperature of food.

Introduce one new food at a time.

• Dawdling. A dawdling child is one who lingers or dilly-dallies with his food at mealtime. The reason could be that the child is given portions that are too large, he may not be feeling well or may be trying to get attention. If this happens, parents should avoid fussing over the child and just let him enjoy his food.

• Gagging. A child sometimes feels like vomiting, especially when fed coarse foods. This can be remedied by feeding the child in a well-ventilated and clean place, letting him eat with other children, encouraging self-feeding, and using colorful and easy-to-handle utensils.

• Eating too much. Overeating is often a habit learned by a child who is encouraged by his parents to overeat because of the mistaken notion that a fat child is a healthy child. This attitude needs to be corrected as it may result in obesity and lead to physical and emotional problems in childhood and even in adulthood. Among others, a child should be restrained from eating too much energy-rich foods like cakes, pastries, candies, chocolates, and ice cream, as well as fatty foods.

• Aversion toward some foods. Moms often complain about their children’s dislike for vegetables (those strange-looking greens on their plate). In most instances, it’s because the vegetables are unpalatable. Mothers should prepare and serve vegetables in such a way that they are attractive to children. For instance, why not use colorful veggies like carrots, baguio beans, and squash, and cut them up in different shapes?

• Breakfast skipping. Children often skip breakfast because they don’t have the time, they’re not hungry in the morning or they don’t like breakfast food. Children who skip breakfast usually score lower in tests and have slower memory recall. So, here are some bright ideas on how to make your child eat breakfast:

1) Eat breakfast with your child.

2) Some preparation the night before may contribute to a more relaxed morning routine.

3) Offer two or three food choices, if possible.

4) Give your child time to wake up and settle down. Rushing puts pressure on breakfast eating.

5) Let your child help prepare breakfast.

What about feeding between meals? Should children be given snacks?

Yes, children should be given snacks. The habit of taking snacks should not be discouraged. Given the right kind of food at a reasonable time, snacks can contribute significantly to meeting the child’s nutritional needs.

Here are some mouthwatering suggestions:

1) Consider snacks as part of the child’s daily food intake, not something eaten in addition to regular meals. If the child eats many snacks a day, reduce the amount of food to be eaten at mealtimes.

2) Milk, fresh fruits, fruit juices instead of soft drinks together with small sandwiches, cookies or native delicacies like kutsinta, maja, halaya, and suman are appropriate choices for nutritious snacks.

3) Do not offer snacks too close to mealtime so as not to reduce the child’s appetite. An allowance of two hours before mealtime will not spoil the child’s appetite.

Till next.....

Wednesday, October 19, 2005

Hirap ng buhay

"Inayy! Tuloy na ‘yung EVAT simula sa November 1! Araw pa ng mga patay! Masamang senyales. Talagang papatayin tayo sa hirap."

"Oo nga, talagang grabe na. ‘Yung Gasul, P442 ang bili ko ngayon. Siguradong aakyat iyon sa P500."

"Alam mo, ang dami kong kaibigang naghihigpit na ng sinturon. Inilipat na nila sa public school ‘yung mga anak nila. Hindi na raw nila kayang ipasok sa private school ‘yung mga bata dahil sa taas ng tuition fees."

"E di pa’no pa kaya ‘yung iba? ‘Yung mga nagsasardinas lang araw-araw?

"No choice. Magtutuyô na lang sila. Otherwise, doble kayod dapat."

"Hay naku. Talagang ayoko na rito. Sasabihin ko kay Fred na madaliin na ‘yung pag-file ng mga papeles namin sa embassy. Sana matuloy na kaming mag-migrate sa Canada."
"Suwerte n’yo naman kung gan’on. Sana kami rin, makaalis."

Pahirap na talaga nang pahirap ang buhay sa Pilipinas. Magulo ang pulitika, bagsak ang ekonomiya, baón ang bansa sa utang-panlabas, taasan pa nang taasan ang mga presyo ng mga bilihin. Hindi na kataka-taka kung bakit daan-daang libong mga Pinoy ang nagsisikap araw-araw na makaalis ng bansa.

Para sa ating lahat na natutuksong mag-alalá tungkol sa kinabukasan, ituon natin ang ating pansin sa mga sinabi ng Panginoong Hesus sa Mateo 6:25-34:

"...Huwag kayong mabalisa sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin, o kung ano ang inyong iinumin, kahit sa inyong katawan, kung ano ang inyong isusuot. Hindi ba higit ang buhay kaysa pagkain, at ang katawan kaysa damit?

"Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid: hindi sila naghahasik, o gumagapas, o nag-iimbak man sa mga kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba higit na mahalaga kayo kaysa kanila?

"Sino sa inyo na dahil sa pagkabalisa ay mapapahaba ang kanyang buhay? At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Pansinin ninyo ang mga liryo sa parang, kung paano silang lumalaki; hindi sila gumagawa o humahabi man. Gayunma’y sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon sa buong kaluwalhatian niya ay hindi nakapagdamit nang tulad sa isa sa mga ito. At kung gayon binibihisan ng Diyos ang damo sa parang, na ngayon ay buháy, at sa kinabukasan ay itatapon sa kalan, hindi ba lalo Niya kayong bibihisan, O kayong maliliit ang pananampalataya?

"Kaya huwag kayong mabalisa, na magsasabing, ‘Ano ang aming kakainin?’ o, ‘Ano ang aming iinumin?’ o, ‘Ano ang aming isusuot?’ Sapagkat hinahanap ng mga Hentil ang lahat ng mga bagay na ito; at batid ng inyong Ama sa langit na kailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito.

"Ngunit hanapin muna ninyo ang Kanyang kaharian at ang Kanyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo. Kaya’t huwag ninyong alalahanin ang bukas, sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa kanyang sarili. Sapat na para ngayon ang kabalisahan sa araw na ito."

Ito ang sikreto ng pagkakaroon ng katiwasayan sa panahon ng kahirapan: ang sundin si Hesus at "hanapin ang Kanyang kaharian at katuwiran". Parang ganito ang gustong sabihin sa atin ng Panginoon: "Gusto mo ba ng saganang buhay? Kung gayon, unahin mo ang Aking kaharian. Ibigay mo ang sarili mo sa Akin, at ibibigay Ko naman sa iyo ang lahat ng kakailanganin mo para makapaglingkod ka sa Akin. Hindi ka magkukulang. Tapat at maaasahan ang pangako Kong ito."

Sa bandang huli, ang Diyos pa rin ang mapagkukunan natin ng pagpapala -- hindi ang ating mga sarili. Manalangin tayo: Panginoong Hesus, ayoko nang manatiling nakatali sa kahirapan. Ang kahirapang tinutukoy ko ay hindi lamang ang pagiging salat sa mga materyal na bagay, kundi pati sa mga bagay na espirituwal at pangkaharian. Nais kong unahin ang paghahanap sa kalooban Mo. Nais kong sa Iyo lamang umasa, at hindi sa aking kakayahan. Dalhin Mo ako sa isang ganap na pagkakakilala sa Iyo, at bigyan Mo ako ng sapat na pagtitiwalang tutuparin Mo nga ang mga ipinangako Mo sa akin. Amen.

Tuesday, October 18, 2005

Ang Aking Alay.

Ang Tanging Alay

Salamat sa Iyo
Aking Panginoong Hesus
Ako'y inibig Mo
At inangking lubos

Koro:

Ang tanging alay ko sa Iyo aking Ama
Ay buong buhay ko puso at kaluluwa
Di na makayanang maipagkaloob
Mamahaling hiyas O gintong sinukob
Ang tanging dalangin O Diyos ay tanggapin
Ang tanging alay ko nawa ay gamitin
Ito lamang Ama wala nang iba pa
Akong hinihiling

Di ko akalain
Na ako ay bigyang pansin
Ang taong tulad ko
Di dapat mahalin
(Koro)

Aking hinihintay
Ang Iyong pagbabalik, Hesus
Ang makapiling Ka'y
Kagalakang lubos
(Koro)

Sana Kahit Minsan

Bakit ikaw ang nais na matanaw nitong mga mata
Tunay kayang nabighani ako sa taglay mong ganda
Nais kong marinig malamyos mong tinig
Na sa akiy aliw at tila ba itoy hulog pa ng langit

Pag nakita ka nay ayaw nang kumurap o pumikit man lang
Dahil baka mawala kang bigla nang hindi ko alam
Minsay hinahagkan, yakap-yakap kita
Ngunit sa paggising ko ay tila ba tunay at
nanghihinayang na

Sana kahit minsan ay mapansin ako
Malaman kong ikay mahal at yan ang totoo
Huwag mong iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay sa yo

Pag nakita ka nay ayaw nang kumurap o pumikit man lang
Dahil baka mawala kang bigla nang hindi ko alam
Minsay hinahagkan, yakap-yakap kita
Ngunit sa paggising ko ay tila ba tunay at
nanghihinayang na

Sana kahit minsan ay mapansin ako
Malaman kong ikay mahal at yan ang totoo
Huwag mong iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay sa yo

Hanap ng puso ay laging ikaw
Tanging nais ko ang yong pagmamahal
Sana sabihing mahal mo rin ako
Ikaw ang nais ng damdamin ko

Sana ay mapansin ako, malaman mong kitay mahal at yan ang totoo
Huwag mong iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay
Ikaw ang nais sa habang buhay
Ang pag-ibig na alay ko sa yo tunay
Sa yoy tunay
Sa yoy tunay

Sana kahit minsan... minsan
Sana kahit minsan...
Sana kahit minsan...


Scarborough Fair?

Are you going to Scarborough Fair?
Parsley, sage, rosemary & thyme
Remember me to one who lives there
She once was a true love of mine

Tell her to make me a cambric shirt

(On the side of a hill in the deep forest green)
Parsely, sage, rosemary & thyme
(Tracing a sparrow on snow-crested ground)
Without no seams nor needlework
(Blankets and bedclothes a child of the mountains)
Then she'll be a true love of mine
(Sleeps unaware of the clarion call)
Tell her to find me an acre of land

(On the side of a hill, a sprinkling of leaves)
Parsely, sage, rosemary, & thyme
(Washed is the ground with so many tears)
Between the salt water and the sea strand
(A soldier cleans and polishes a gun)
Then she'll be a true love of mine

Tell her to reap it in a sickle of leather

(War bellows, blazing in scarlet battalions)
Parsely, sage, rosemary & thyme
(Generals order their soldiers to kill)
And to gather it all in a bunch of heather
(And to fight for a cause they've long ago forgotten)
Then she'll be a true love of mine

Are you going to Scarborough Fair?
Parsley, sage, rosemary & thyme
Remember me to one who lives there
She once was a true love of mine.


Bridge Over Troubled Waters


When you're weary
Feeling small
When tears are in your eyes
I will dry them all

I'm on your side

When times get rough
And friends just can't be found
Like a bridge over troubled water
I will lay me down
Like a bridge over troubled water
I will lay me down

When you're down and out
When you're on the street
When evening falls so hard
I will comfort you

I'll take your part
When darkness comes
And pain is all around
Like a bridge over troubled water
I will lay me down
Like a bridge over troubled water
I will lay me down

Sail on Silver Girl,
Sail on by
Your time has come to shine
All your dreams are on their way

See how they shine
If you need a friend
I'm sailing right behind
Like a bridge over troubled water
I will ease your mind
Like a bridge over troubled water
I will ease your mind


Iwasan ang stress


"Stress can be a principal determinant in the development of various disabilities such as cancer and heart attacks."

Ang ipinagtapat na ito ni Dr. Ulla Kristina Laaks ay batay sa kanyang pag-aaral hinggil sa ibinubunga ng labis na damdaming negatibo at gayon din iyong mga problemang nakaaapekto ng ating kalusugan.

Kung tayo ay may sintomas ng cold, naapektu-han ang ating isip ng mga problema at tayo’y nininerbiyos – ang lahat ng mga ito ay bunga ng stress. Kung may mga sakit na bunga ng viruses, bacteria at toxin ay dapat din nating mabatid kung paano natin masusugpo ang stress sa ating buhay.

Ito ang ipinahayag ni Dr. Maxwell Maltz, sa kanyang artikulong "How to Stand Up Under Stress".

"All our disturb feelings – anger, hostility, fear, anxiety, insecurity – are caused by our own responses, not by any external stimuli. If we could learn to control these responses, wouldn’t we, in effect, be building our own ‘psychic screen’?"
Ang negatibong emosyong binanggit ni Dr. Maltz ay epekto ng masasamang pangyayari na makasasama sa ating kalusugan. Iyan ang stress na dapat iwasan.

Nang tanungin ang dating Pangulong Harry Truman noong mga huling araw ng World War II, kung paano niya nagagawang maging payapa ang kanyang sarili sa ganoong kahirap na mga pangyayari ay ito ang kanyang sinabi:

"I have a foxhole in my mind"

Kumalat sa buong daigdig ang sagot na ito ng Pangulong Truman. Ang ipinaliwanag niya na kung may "foxhole" na pinagtataguan ng sundalo sa sandali ng panganib ay gayon din siya. Kapag kailangang irelaks niya ang kanyang isip sa maseselang problema ay ipinahihinga niya ito sa kanyang "mental foxhole."

Ito ang sinulat ni Marcus Aurelius, isang bantog na philosopher:

"No where either with more quiet or more freedom from trouble, does a man retire than into his own soul."

Hahanap tayo ng ating sariling kapayapaan sa ating kaluluwa, iyan ang palagay ni Aurelius.

Narito ang ilang "tips" upang ating maiwasan o masugpo ang problemang stress sa ating buhay:

• Kalimutan ang mga di-magagandang pangyayari sa ating buhay. Iyung magaganda lamang ang ating gunitain;
• Iwasang magtanim ng galit o sama ng loob. Tayo rin ang biktima ng ating ginagawa. Tuwang-tuwa marahil ang ating kaaway ‘pagkat sila’y nagtagumpay;
• Alisin sa ating katauhan ang pagiging totoong maramot;
• Magkaroon ng magandang "mental room" na maaari nating pagpahingahan ng ating isip;
• Magbilang ng isa hanggang sampu bago magpasya sa isang maselang sitwasyon;
• Isaayos ang lahat ng iskedyul. Ayusin lahat ng mga gamit na mahahalaga. I-plano ang lahat ng gagawin sa araw-araw;
• Maglaaan ng panahon upang tumulong sa mga nangangailangan.


Magsimula sa maliit muna

Ang isang magbubukid, upang maging matagumpay na magbubukid, ay dapat munang tamnan ng tamang kaisipan ang kanyang sarili bago magtanim sa lupa.

Lagi kong sinasabi at isinusulat na hindi nakukuha sa laki o liit ng lupa ang tamang kita para sa isang magbubukid. Bagaman at may kabutihang dala ang isang malawak na bukirin, lalo na nga at ito ay bukiring komersiyal, maaari rin namang kumita ang isang magbubukid kahit na maliit ang kanyang lupa. Sabi ko nga, nasa tamang paggamit ng lupa, iyon bang walang nasasayang na bahagi nito, at ang uri ng mga itinatanim na binhi at halaman, at ang tiyempo ng pagtatanim ang kadalasan ay nagbibigay ng malaking kita para sa isang ordinaryong magbubukid.

Kadalasan, pagkatapos na umani ng palay ang isang magbubukid, ay iniiwanan na lamang na nakatiwangwang ang kanilang lupa. Partikular ito sa mga bukiring palay o mais ang itinatanim. Ang iba naman ay laging sinasabi na wala silang sapat na puhunan upang magtanim pa kaya hinahayaan na lamang na nakatiwangwang ang kanilang lupa. .

Ang isang magbubukid, upang maging matagumpay na magbubukid, ay dapat munang tamnan ng tamang kaisipan ang kanyang sarili bago magtanim sa lupa. Dapat ay hindi nakakulong sa problema ang kanyang isip, manapa, dapat na ito ay malaya at at mapangahas.

Halimbawa nga, tanungin ninyo ang inyo ang sarili: kundi puwede ito, bakit hindi ko subukan ito? May lupa ako ngunit wala akong sapat na puhunan, bakit hindi ako magsimula sa maliit na taniman ? Iyon bang ikaw lang ang magtatrabaho at ang itatanim mo ay mga binhi o pananim na hindi naman nangangailangan ng magastos na pangangalaga. O kaya naman ay iyong uri ng pananim na maagang maaani upang maging pera kaagad.

Noong araw na ang Valenzuela ay hindi pa siyudad, may isang bakanteng lote doon na may kalahating ektarya ang luwang. Sa harapan nito ay may kanal na inaagusan ng tubig. Ang lupa ay inarkila ng isang tsino at kumuha ito ng dalawang tao na katulong. Inasarol lang nila ang lupa, gumawa ng mga kama (plot) na ang luwang ay isang metro at ang haba ay sampung metro, nilagyan ito ng binulok na ipa na madaling nakukuha sa mga rice mill at dumi ng hayop. Ang tubig sa kanal na mayaman sa organikong bagay ay pinadaloy niya sa pagitan ng mga kama o plot na tinamnan niya ng kangkong.

Ang ibang plot o kama ay tinamnan ng petsay, sibuyas na mura, kintsay at siling panigang at siling baguio (iyong malalaki). May apat na plot o kama rin siya na tinamnan ng kamote na tuwing ikalawang araw ay tinatalbusan... Tinanong ko ang tsino kung magkano ang kanilang benta sa isang araw at ako ay nagulat. Nakapagbebenta sila ng halagang P500.00 isang araw sa gayong tanim lamang. At noong panahong iyon ay l979 na ang halaga ng piso ay napakalaki.

Bakit ko isinulat ito? Dahil maaari ring gayahin ito ng isang magbubukid. Para na lamang siyang naglilibang: tuwing umaga, gagawa siya ng isang kama o plot. Sa hapon, maaari niya itong durugin at pinuhin upang maging mahusay ang pagtatanim. Sabugan niya ito ng abo ng ipa o kusot o anumang nabubulok na bagay o dumi ng hayop. Kung sa isang araw ay nakagagawa siya ng isang plot o kama, mayroon siyang pitong kama o plot sa isang linggo. Kung dalawang linggo siyang gagawa ng plot, mayroon siyang labing-apat na plot. Maaari na siyang magsimula rito.

Hatiin niya ang kanyang plot sa mga sumusunod na pananim: petsay (aanihin sa loob ng 30 araw); pipino, aanihin pagkatapos ng 45 araw; kamote na ang kukunin lang ay ang talbos,. Matatalbusan mo na ito sa loob ng 60 araw. Maaari ka ring magtanim ng kalabasa, talong o okra na maaani sa loob din ng 45 araw. Sa kalabasa, kapag namulaklak, maaari ka nang kumita dahil nabibili na kaagad ang bulaklak ng kalabasa. Pagkatapos maipagbibili mo na rin ang bunga.

Ang prinsipyo ay magtanim ng mga gulay o halaman na maagang aanihin o kaya ay tuluy-tuloy ang magiging ani mo. Kung umani ka na ng petsay, heto na ang pipino at aanihin mo na uli. Kung umaaani na ng pipino, makatatalbos ka na ng kamote at iba pa. Magiging tuluy-tuloy ang iyong ani at magiging tuluy-tuloy din ang iyong pagtatrabaho.

Kung labing apat na plot o kama lamang ang iyong gulayan, hindi magiging mabigat sa isang magbubukid ito. Maaari ring makatulong ang iyong maybahay o mga anak na para ba kayong naglalaro lamang. Libangan na ito, kumikita pa.

Ngayon, kung kayo naman ay may tamang kaalaman sa pagtatanim ng mga halamang tulad ng bawang, sibuyas, sibuyas na mura, litsugas, kintsay, kerot, repolyo bitsuwelas o mga katulad, subukin ninyong iyon ang itanim sa inyong mga plot o kama. Mas maganda ang presyo ng mga gulay na ito, bagama’t ang malalaking otel ay umaangkat na ng ganitong mga gulay na nagiging sanhi ng pagbagsak ng presyo ng mga gulay na ito..
Simulan ninyo sa maliit. Pagod at konting pera ang puhunan. May malaking pakinabang naman.


Organikong pamamaraan kontra peste


Dahil sa “shot gun” na pamamaraan ng paglutas ng problema sa pagsasaka, kahit na ang mabuting organismo at insekto ay napapatay

Tanungin ninyo ang mga organikong magbubukid kung problema nila ang peste sa kanilang bukirin, tiyak na sasabihin nilang problema rin, pero hindi naman masyado. Maaaring magtaka ang ibang magbubukid na nahirati o sinanay sa lasong kemikal. Kung sila nga naman na gumagamit na ng lasong kemikal ay problema ang peste, bakit hindi ang mga organiko o likas na magbubukid?

Una na rito, ang isang organikong magbubukid o likas na magsasaka, ay naniniwala na ang kalikasan mismo ay may kakayanang lutasin ang suliranin ng mundo ng kalikasan, huwag lamang itong pakikialaman ng tao. Pinakialaman kasi ng tao ang kalikasan. Partikular sa mga "makabagong magbubukid", gumamit sila ng mga pamatay na lasong kemikal at abonong kemikal. Resulta: winasak nito ang balanse ng "mabuti at masama" na buhay ng mga organismo sa lupa.

Dahil sa "shot gun" na pamamaraan ng paglutas ng problema sa pagsasaka, kahit na ang mabuting organismo at insekto ay napapatay. Nawalan nga ng balanse ang kalikasan kaya kailangang tulungan ng mga kemikal na sistema ang pagsasaka upang matugunan ang kailangan ng halaman at hayop. Nguni’t ang hindi alam ng mga “makabagong magbubukid”, patuloy silang natatali sa sistemang kemikal na pagsasaka hanggang sa dumating ang panahon na ang pinapatay mismo ng tao ay ang kanyang sarili. Ito ang nangyayari ngayon sa ating mundo.

Ayon sa mga mananaliksik, ang isang bukiring gumagamit ng sistemang organiko o likas na pamamaraan ng pagsasaka ay may balanseng sangkap ng mga mineral at maliliit na sangkap-mineral (micro-nutrient). Ang mga mineral na ito, bukod pa sa tatlong mahahalagang sangkap na kailangan ng halaman (npk), kasama na ang mga micro-nutrient ang kailangan ng halaman upang maging malusog at masigla. Ang isang halamang malusog, tulad din ng tao, ay bihirang kapitan ng sakit.

At ang pagpapalusog na iyon ng halaman na dulot ng balanseng mineral at mga micro-nutriet ay resulta ng patuloy na pagggamit ng mga likas na abono o kompost. Kaya dapat na maunawaan ng isang magbubukid na ang kanyang bukirin ay dapat na magkaroon ng mga likas na mineral at micronutrient. Ipunin niya ang mga dumi ng kanyang kalabaw, kambing, baka, manok at baboy at gawing kompost. Ipunin niya ang mga ginikan, ipa, dahon ng halaman, kusot at iba pang nabubulok na bagay at ibalik iyon sa kanyang bukid. Sa ganyang pamamaraan, nadadagdagan ng mga mineral at micro-nutrient ang kanyang lupa.

Bukod sa ganyang sistema, maaari ring gumawa at gamitin ng isang organikong magbubukid ang mga pangwisik na organikong abono. Sa isang sistema na ang organikong abono ay "papanisin" saka hahaluan ng mapulang asukal, magagamit niya ang mahusay na likidong abono na ito sa kanyang mga halaman, o diretsong idilig sa lupa upang yumaman sa likas na mga organismo ang inyong bukirin.

Sa aming karanasan ay gumagamit kami ng "pinanis" na guwano (taeng paniki). Maglagay sa sako ng tae ng paniki (maaari ring dumi ng baboy, manok, baka o compost) sa dram at lagyan ito ng tubig. Sa isang sakong guwano, nilalagyan ko ng kalahating dram na tubig. Papanisin ito ng dalawang lingo sa loob ng dram o platik na lalagyan. Maaari ring lagyan ng pulang asukal na limang kilo, maaari ring hindi lagyan. Kung gusto ng magbubukid, maaari rin niyang haluan ito ng katas ng madre kakaw o kakawate, dinikdik na bunga ng neem, bawang o sibuyas, bilang karagdagang pestesidyo sa inyong likidong abono.

Pagkatapos ng dalawang linggo, salain at ilagay sa boteng plastik at ilagay sa isang pook na hindi maaarawan. Mahalagang huwag maarawan o sa may madilim na lugar ito itago upang hindi mamatay ang mga microorganismong nabuhay sa panahon ng pagpanis ng likidong abono. Maaari na itong gamiting pangwisik sa inyong halaman o sa mga punong namumunga . Maaari rin itong iwisik sa inyong bukid sa panahong kayo ay nag-aararo at nagsusuyod. Nakapagpapayaman ito sa mga microorganismo, mineral at micro-nutrient na nasa inyong bukirin. Kung titingnan natin ang prinsipyong ito, makikita natin na pinayayaman natin ang mga mikrobyo, mineral at micro-nutrient sa ating bukirin, hindi binabawasan sa pamamagitan ng pagpatay sa mabubuting mikrobyo, amag at bacteria, mineral at micro-nutrient.

Ito ang tamang sistema na makakalikasan, at samakatwid, makasangkatauhan din.


Ampalaya: Mabisang Halamang Gamot
• Jyrvie J. Vargas •

Hango sa www.rain-tree.com/bitmelon.htm (Momordica_charantia_p.6.jpg)

Ang amplaya ay tinaguriang "himala ng kalikasan." Ito ay matapos na mapatunayan ng mga dalub-agham at manggagamot na nagtataglay ang halamang ito ng mga katangiang nakapagbibigay lunas sa sakit na diyabetes.

Makikilala ang ampalaya (Momordica charantia) bilang baging na namumulaklak at namumunga. Ang bunga at dahon ay kinakain na gulay. Ilan sa mga katawagan dito ay margoso, apalaya o ampalaya sa Tagalog; amargoso sa Kastila; palia sa Bisaya; bitter gourd, balsam apple, at balsam pear sa Inggles. Ito ay matatagpuan sa lahat ng bahagi ng bansa.

Hindi lamang ang pagiging halamang gamot nito ang pinahahalagahan ng marami kundi pati na rin ang pagiging masustansiya nito. Ang bunga at dahon ng uring ito ay mayaman sa bakal (iron), kalsiyo (calcium), phosphorus at mabuting tagapagbigay ng bitamina B. Isa sa mga lutong gulay na pangkaraniwang nilalangkapan ng bunga ng ampalaya ay ang pinakbet. Napaulat din na ang mga dahon nito ay ginagamit na panlinis ng mga metal.

Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa, ang bunga ng ampalaya na inihanda bilang tsaa ay epektibong dietary supplement na ginagamit na panggamot sa diyabetes. Isa ito sa sampung halamang gamot na dumaan sa siyentipikong pag-aaral at kinikilala ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) at Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care.

Napatunayan na ito ay nagtataglay ng phytochemicals. Ang phytochemicals ay nagpapataas ng produksiyon ng mga beta cell sa lapay (pancreas). Dahil dito, napapataas din ang kakayahan ng katawan na makagawa ng insulin (Polypeptide-p) na nakatutulong sa pagbaba ng asukal sa dugo.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang mga komersiyal na tsaa mula sa bunga at buto ng ampalaya na mabibili sa mga pamilihan. Hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo napatunayan ang kakayahang ito ng ampalaya.

Hindi lamang panlunas sa diyabetes ang kahalagahan nito. Ang bahaging baging nito ay ginagamit bilang pampurga, pampasuka at panlunas sa ulser. Ang ugat, kasama ng bunga o prutas at buto, ay ginagamit na panlunas sa duming lumalabas sa palaihian o urethral discharge.

Ang dahon din ay tinuturing na antipyretic o pampawala ng lagnat. Ang buong halaman na pinulbos ay mainam na panlunas sa ketong, malalang ulser at mga karamdaman sa balat. Ginagamit din ang dahon bilang panapal sa ulo kapag sumasakit.

Ang bunga na ibinabad at pinalambot sa asin ay ginagamit na panlunas sa ubo ng bata at pamamaga o implamasyon sa ilong o lalamunan na nagiging dahilan ng sipon.
Ilan lamang ito sa mga gamit-panlunas na naibibigay ng ampalaya.

Narito naman ang ilang alituntunin sa simpleng paghahanda at paggamit ng ampalaya bilang panlunas sa diabetes mellitus:

Hugasang mabuti ang mga dahon at tadtarin. Magsukat ng isang basong dahon at dalawang basong tubig. Pakuluan ito sa isang palayok sa loob ng 15 minuto sa lutuang may mahinang apoy. Huwag po nating takpan ang palayok. Pagkatapos maluto ay palamigin at salain. Uminom ng 1/3 baso tatlong beses maghapon, mga 30 minuto bago kumain. Ang murang dahon ay maaring pasingawan at kainin (kailangan ng kalahati o 1/2 baso dalawang beses maghapon).

Simple lamang ano po? Maaari tayong magtanim ng ampalaya sa ating mga bakuran upang makatipid. Ganito lamang po: Itanim ang mga magugulang na buto. Maaring alalayan sa pag-usbong ng mga tukod.

Itaguyod natin ang paggamit ng halamang gamot na ligtas at mabisa laban sa pangkaraniwang mga karamdaman.

Talasaligan:

Gabay sa Paggamit ng 10 Halamang Gamot (leaflet na inilathala ng Philippine Institute of Traditional and Applied Health Care) Medicinal Plants of the Philippines ni Dr. Eduardo Quisumbing. Katha Publishing Inc., 1978.
Plants of the Philippines. Second edition. Pundasyon sa Pagpapaunlad ng Kaalaman sa Pagtuturo ng Agham, Ink., 1996.

Paraan ng pagluluto ng mga sumusunod:

Pitse-pitse

Isang masarap na pagkain ang aming handog sa inyo na kapana-panabik maging pang agahan o minindal.

Mga sangkap:
1 pirasong niyog
1 kilong kamoteng kahoy
1 kilong asukal na pula
3 pirasong dahon ng pandan
1 1/2 tumbas ng baso tubig

Ang paraan ng pagluto:

Kudkurin ang kamoteng kahoy at niyog. Magpakulo ng tubig kasama ang dahon ng pandan. Pagkakulo, ibuhos ang kinudkod na kamoteng kahoy at asukal. Haluin mabuti hanggang lumapot na parang madikit na pandikit. Tanggalin sa init ang lutuan at palamigin. Buuin sa inyong nais na hugis ang pinaghalung kamote at asukal. Ilatag at ibabad ng pabali-baligtad hanggang tuluyang mabalutan ng kinudkod na niyog.

Ihain na sa hapag kainan at tiyak maiibigan ninuman. Huwag pabayaang nakatiwangwang. Iyong bantayan, kundi ikaw ay mauubusan.

Madali lamang di ba? Hala, tumigil na sa kabibili ng junk foods, mag pitse-pitse na lang. Bukod sa masustansya at mura na, ligtas ka pa.


Gulay na mais
ni Nancy Lopez

Mga sangkap:

Bawang, pinitpit
1 pirasong talong
4 pirasong mais,ginayat
3 tasang tubig
malunggay
asin

Paraan ng pagluluto:

1. Ilagay ang ginayat na mais, tubig at bawang sa kaldero.
2. Hintaying kumulo ang tubig bago ilagay ang talong.
3. Ilagay ang malunggay.
4. Timplahan ng asin.

Ang pagkaing ito ay puwedeng ihain sa 6 hanggang 8 katao.


Ang kahanga-hangang Malunggay
ni Ria L. Buenavista

Alam n'yo ba na ang malunggay ay nagtataglay ng samu't saring kapangyarihan? Na bukod sa paborito itong sangkap sa tinolang manok at ginisang munggo ay nakapagpapagaling ito ng halos 300 karamdaman?

Ewan ko na lamang kung hindi ito pipiliin ni Popeye kapag nalaman niyang tatlong beses na higit na maraming bakal (iron) ang malunggay kaysa spinach. Gayundin, pitong beses na higit na marami itong Bitamina C kaysa sa kahel (orange), apat na beses na higit na dami ng Bitamin A kaysa sa carrots, apat na beses na higit na dami ng Calcium kaysa sa gatas, tatlong beses na higit na dami ng potassium sa saging at mas maraming protina kumpara sa itlog.

Napakadaling patubuin ng punong ito. Kalimitan itong makikita sa tabi ng mga bahay, ginagawang pambakod bukod pa sa pinagkukunan ng pangsahog sa ulam. Subukan mong mamutol ng sanga, itanim ito sa lupa at diligan araw-araw, tiyak na magkakaroon ka na ng puno ng malunggay.

Ang malunggay (Moringa oleifera) ay kilala sa marunggay o balungai sa Ilokano, kamalogan o kalamungai sa Bisaya, dool at kalunggay sa Bikol, at horseradish tree naman sa Inggles. Tinatawag din itong Drumstick tree (United Kingdom), Ben aile (Pransiya), Sajna (Indiya), Murunkak-kai (Sri Lanka), Mlonge (Kenya), Nebeday (Senegal) and Benzolive (Haiti).

Ang halamang ito ay katutubo sa Kanlurang Indiya. Noon pa man, kilala na ito ng mga matatandang manunulat ng Sanskrit bilang halamang gamot. Ang kahalagahan ng malunggay ay kilala sa sibilisasyong Romano, Griyego at mga taga- Ehipto. Ito ay dahil sa masarap na lasa ng langis na kinatas mula sa buto ng malunggay. Naitala pa nga ang paggamit nito bilang pabango at pamprotekta sa balat.

Hanggang ngayon ang dahon, buto, bunga, bulaklak at ugat ng malunggay ay nakakain.

Ang talbos ng malunggay ay mahusay na galactogogue o pampalakas ng daloy ng gatas ng ina.

Hango sa National Movement for Civil Liberties, Bulletin Board 2001


Bola-bolang Malunggay

1 tasa ng dahon ng malunggay, tinadtad
1 tasa ng gabi, kinudkod
1 pirasong itlog
1 pirasong kamatis, tinadtad
1 kutsarang asin
1 pirasong sibuyas, tinadtad
1 pirasong carrots, tinadtad
2 tasa ng mantikang may pinalakas ng Bitamin A

Paraan ng pagluluto:

(1) Paghalu-haluin ang sangkap.
(2) Ihugis ito ng pabilog
(3) Iprito sa mainit na mantika hanggang maging tustado
(4) Ihanda ng may matamis at maasim na sarsa (sweet and sour sauce) o kaya ay catsup.


Guinumis

MGA SANGKAP

2 basong lutong sago
3 basong gata
2 basong gulaman, hiniwang pakuwadrado
kinaskas na yelo
kalahating basong tostadong pinipig

TINUNAW NA PANOCHA

1 pirasong panocha o 1 basong asukal na pula
2 basong tubig

PARAAN NG PAGGAWA

1. Ilagay ang 2 basong tubig sa maliit na kaldero at ilagay ang panocha o kaya ang isang basong asukal na pula.
2. Hintaying matunaw ang panocha o arnibal. Haluin nang haluin hanggang lumapot.
PAG-AAYOS NG MGA BAHAGI
1. Lagyan ang isang mataas na baso ng 2 kutsarang sago at gulaman at ng tinunaw na panocha o arnibal.
2. Idagdag ang kinaskas na yelo.
3. Lagyan ng gata.
4. Palamutian ng tostadong pinipig.


Sa Sakit ng Tiyan, Tsaang Gubat Ang Kailangan
ni Jyrvie J. Vargas

Kilalanin ang isang uri ng palumpong na mabisa at ligtas na panlunas sa sakit ng tiyan. Ito ay ang tsaang gubat na tinatawag ding tsaang bundok.

Ang tsaang gubat (Ehretia microphylla) ay isang palumpong na tumatas hanggang limang metro. Mayroon itong maliliit na dahong matingkad ang pagkaluntian. Matatagpuan ito sa Pilipinas at maging sa India, Timog Tsina, Formosa at Malaya. Sa Pilipinas, kilala ito bilang alibungog, kalabonog, taglokot, kalimunog at marami pang iba.
Napaparami ang uring ito sa pamamagitan ng mga buto. Maari ring itanim ang mga pinutol na sanga na may habang 20 sentimetro at may tatlong buko.

Sa ating bansa, ang tsaa mula sa tsaang gubat ay ginagawa mula sa mga dahon nito. Ang tsaa mula rito na ginagamit panlunas sa sakit ng tiyan ay kasintulad din ang kulay at amoy ng mga ordinaryong tsaa na iniinom natin.

Bilang paghahanda, narito ang paraang itinuturo ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITACH): Hugasang mabuti ang mga dahon at tadtarin; magtakal ng 2 basong tubig at dahon (Ang dami ng dahon ay ayon sa edad ng iinom: para sa matanda, 4 kutsara sariwang dahon at 3 kutsarang tuyong dahon. Para sa 7-12 taon, ang dami ay kalahati ng sa matanda,); pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto; huwag takpan ang palayok, palamigin at salain. Samantala, ito naman ang paraan ng paggamit: hatiin sa 2 bahagi ang pinaglagaan at inumin ang bawat bahagi tuwing ika-4 na oras. Madali lamang ano po?

May mga ulat din na ang ugat mula sa tsaang gubat ay ginagamit sa Timog India bilang panggamot sa sakit na sipilis. Isang pang kapakinabangan nito ay maari palang ipangmumog ang tsaa upang tumibay ang ngipin.

Hanggang ngayon ay marami pa rin ang gumagamit ng halamang gamot dahil sa bisang taglay. Ipagpatuloy natin ito, kaya't sa sakit ng tiyan, tsaang gubat ang asahan.


Dinengdeng

Mga Sangkap

1/2 kilong Agaya ( buto ng sitao )
bawang
sibuyas
hinimay na tinapa
bulaklak ng kalabasa
mantika

Paggawa

Lagain ang agaya hanggang lumambot. Itabi sandali. Gisahin ang bawang, sibuyas at tinapa. Ibuhos ang pinalambot na agaya sa iginisang bawang, sibuyas at tinapa. Timplahan ng asin. Hintayin kumulo, at ilagay ang bulaklak ng kalabasa.


Ginataang Ampalaya

Mga sangkap:

3-4 na kainamang laki ng ampalaya
3 butil ng bawang, dinikdik
1 na kainamang laki ng niyog, kinayod
asin (ayon sa panlasa)

Paraan ng Pagluluto:

Matapos hugasan, gayatin ang ampalaya na 3/4 na pulgadang parisukat. Huwag kalimutang alisin ang buto, hindi po ito kasama. Gatain ang kinayod na niyog sa 2 tasang tubig. Lutuin ang gata kasama ng dinikdik na bawang. Lagyan ng asin ayon sa panlasa. Isunod ang ampalaya kapag namuo na ang gata. Huwag lamang pong hahaluin, hintaying maluto. Kapag malambot na at naluto na ang ampalaya, hanguin at ihain.


Takot ka ba sa Bawang?

Ayon sa mga kuwentong bayan, ang bawang ay kinatatakutan daw ng mga nilalang na aswang.

Totoo man ito o sabi-sabi lang, mahalaga ang papel na ginagampanan ng bawang bilang halamang gamot at sangkap pampalasa sa ating mga lutuin.

Ang bawang (Alluvium sativum) o garlic sa Ingles ay kabilang sa pamilyang Liliaceae. Pinaniniwalaan na ito ay mula sa Gitnang Asya. May tala ring nagsasabi na ito ay katutubo naman ng Timog Asya. Ang panlunas na kapakinabangan nito ay mauugat limang libong taon na ang nakakaraan sa Asya. Ayon sa mga tala, ginagamit ito ng mga tribong palaboy bilang pantaboy ng masasamang espiritu at pati rin sa pagpapaunlad ng kanilang kalusugan.

Sa kasalukuyan, ito ay itinatanim sa ating bansa para sa komersiyal na gamit. Ang mga taniman ng bawang ay matatagpuan sa Batangas, Mindoro, Nueva Ecija, Ilocos Norte at Cotabato.

Maraming gamit ang bawang. Ang buong halaman ay maaaring kainin bilang gulay. Ang tuyong kabo (clove) ng bawang ay paboritong pampalasa sa mga lutuing Pilipino.

Pinaniniwalaan na mahusay itong magpababa ng presyon ng dugo at mahalagang kagamutan para sa sakit sa puso. Maraming kagamutan ang taglay ng uring ito nguni’t binibigyang pansin ngayon ang kakayahan ng bawang na magpababa ng kolesterol sa katawan.

Narito ang ligtas at mabisang paraan ng paggamit sa bawang na ipinapayo ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care. Maaaring igisa (may kaunti o walang mantika) ang butil, ihawin, ibabad sa suka sa loob ng 30 minuto, o kaya’y banlian ng pinakulong tubig hanggang limang minuto. Kumain lamang ng dalawang butil tatlong beses isang araw upang hindi magkasugat ang tiyan at bituka.

Samantala, narito ang isang alamat ukol sa pinagmulan ng bawang.

Noong unang panahon na kakaunti pa ang naninirahan sa Pilipinas ay may magandang babae na nagngangalang Kulala. Dahil sa kagandahang taglay, maraming anak ng datu ang nais na maging kabiyak si Kulala. Lingid sa dalaga, nakipagkasundo ang ina nitong si Uganda sa isang datu upang maging kabiyak ng anak ng huli ang dalaga. Antura ang pangalan ng anak ng mayamang datu. Ang pakikipagkasundo ay nabalitaan ni Madur, isang manliligaw ng dalaga. Dahil dito ay pinatay ni Madur si Antura. Nguni’t napatay naman ng alipin ni Antura si Madur bilang ganti.

Nang mabalitaan ito ni Kulala, isinumpa niya ang maganda niyang mukha na naging dahilan ng lahat. Tumakbo siya sa bundok at hiniling kay Bathala na kunin ang buhay niya. At ito’y natupad nga.

Inilibing ni Uganda ang dalaga sa kanyang hardin at hiniling kay Bathala na bigyan ng kapalit ang yumaong anak. Isang araw na lang ay nakita ni Uganda ang isang animo’y damong tumutubo sa ibabaw ng puntod ng anak. Nagulat pa siya dahil ang buto nito ay katulad ng ngipin ni Kulala. Isang tinig mula sa itaas ang nagsabi: "Iyan ang mga ngipin ng iyong anak." Bilang pag-alala sa anak, itinanim ni Uganda ang mga buto upang maparami.

( Talasaligan: Ang alamat ng pinagmulan ng bawang ay nilagom sa The First Garlic mula sa aklat na The Myths, Philippine Folk Literature Series: Vol. II ni Damiana L. Eugenio, UP Diliman Press. 1993)


Ang sukang maaasahan

Sa hapag-kainan ang suka ay kinagigiliwan. Paborito itong sawsawan maging panlahok sa ulam. Nguni't ang sukang maasim ay may iba pang kakayahan na tila kayo ay ‘di alam. Halina’t ngayon ating subukan ang galing ng suka kahit saang paraan. Tiyak kayo’y sasang-ayon, ang suka ay sadyang kapaki-pakinabang.

1. Upang hindi gaanong sumipsip ng mantika ang ipiniprito, lagyan ng isang kutsaritang suka ang langis na pamprito.
2. Upang hindi mangitim ang inilalagang patatas, lagyan ng ilang patak ng suka ang tubig na pinaglalagaan.
3. Kapag nagluluto ng itlog na wala sa balat, lagyan ng isang kutsaritang suka ang tubig sa pagluluto nito.
4. Upang manatiling buo ang butil ng bigas, lagyan ng isang kutsaritang suka ang tubig sa pagluluto nito.
5. Mapapadali ang pagpapalambot ng karne kung lalagyan ng isang kutsaritang suka ang pinakukulong karne.
6. Upang maalis ang amoy ng mga bote o garapon, banlawan ito ng tubig na may suka.
7. Kapag ibinabad ang damit sa mainit-init na suka, mawawala ang mantsa ng pawis dito.
8. Maaalis ang mantsa ng pagkasunog sa isang damit kung kukusutin ito nang may suka.
9. Isang kutsaritang suka na isinama sa pagbabanlaw ng medyas na nylon, ay makapagpapanatili ng pagka-elastik nito.
10. Isang kutsaritang suka sa dalawang tasa ng barnis ay makadadagdag sa kintab nito.
11. Maaalis ang amoy ng pintura sa kuwarto kung maglalagay ng suka sa isang platito sa kuwartong ito.

Halaw sa Agricultural and Industrial Life ng Department of Science and Technology.


Tayo nang mag-ehersisyo
ni Ria L. Buenavista

Para sa mga madalas nakaupo at walang mailaang panahon upang igalaw ang kanilang katawan, mistulang kay hirap ibanat ng kanilang buto at harapin ang araw na masigla at magaan.

Nguni’t di dapat isiping mahirap ang mag-ehersisyo. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang simpleng galaw lamang, ay makatutulong na upang maging masigla at aktibo ang ating pamumuhay. Kabilang sa mga payak na galaw na iminumungkahi ng WHO ay ang paglalakad ng 10 minuto sa patag na sahig, 10 minutong gawain sa bahay, at 10 minutong pagpipintura o paglalaro ng golf, o pagsasayaw araw-araw.

Matatandaang ang pangunahing sakit na kumikitil sa buhay ng mga Pilipino ay nauugnay sa kakulangan ng pisikal na gawain, labis na paninigarilyo at di-tamang pagkain. Mataas ang bilang ng mga taong may karamdaman sa puso. Ayon pa sa Kagawaran ng Kalusugan, 50 bahagdan ng ating populasyon ay hindi gaanong nagkikikilos at isa sa sampung Pilipino ang may labis na timbang. Gayundin sa buong mundo, isa sa sampung pangunahing sanhi ng kamatayan at pagkalumpo ay ang pagiging "sedentary" o ang ‘di pagkikilos.

Ang tamang pag-eehersisyo kasabay ng tamang pagkain at pag-iwas sa labis na paninigarilyo ay tumutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng kanser sa bituka, diabetis, pagkakaroon ng labis na timbang, sakit sa puso at osteoporosis o pagkarupok ng mga buto. Nakapagpapasigla rin ito ng katawan at nakawawala ng pagod.
Bukod sa pag-iwas sa mga sakit na nabanggit, ang pag-ehersisyo ay makatutulong pa upang gumanda ang hubog ng katawan. Pinanunumbalik nito ang tiwala sa sarili ng mga kabataan at pati na rin sa mga matatanda dahil sa pagpapaunlad nito ng kakayahang kumilos mag-isa.

Sa pagdiriwang ng World Health Day na may temang "Move for Health", nanawagan ang WHO sa lahat na mag-ehersisyo. Inirerekomenda ng WHO ang pagkakaroon ng gawaing pisikal kahit 20 hanggang 30 minuto lamang tatlong beses isang linggo. Ilang halimbawa ay ng paglalaro ng badminton, pagsasayaw, pagbibisikleta at mabilis na paglalakad sa patag na lugar, paghahalaman, paglalaro ng golf, volleyball, pagpupunas ng sahig, at iba pa.

Samantala, ang mabibigat namang ehersisyo na maaaring tumagal lamang ng kahit 10 minuto ay pagbabasketbol, pagbibisikleta sa pataas na lugar, paglangoy, pagbubuhat ng mabigat na kasangkapan, pagtakbo. Hinihikayat lamang na alamin ang bilis ng tibok ng puso lalo na sa mga taong may mataas na presyon ng dugo, sakit sa puso, hika, pagbubuntis, problema sa buto, paninikip ng dibdib at iba pang sakit upang malaman ang tamang ehersisyong nababagay sa kanila.

O, ano pang hinihintay ninyo, hataw na!


Pinaksiw na Laing

Mga sangkap:

12 pirasong dahon ng gabi
3 butil na bawang
1 maliit na sibuyas
5 gramo ng dilis
1 kutsaritang asin (o ayon sa inyong panlasa)
1/2 tasang suka
3 tasang tubig
Paraan ng pagluluto:
Hatiin ang 12 dahon ng gabi sa apat na bahagi (tig-tatlong dahon bawat bahagi). Lagyan ng dilis ang bawat bahagi at ibalot. Talian ng makapal na sinulid para di maghiwalay (Huwag gumamit ng panaling plastik). Ilagay sa isang kaserola at timplahan ng mga sangkap. Takpan at pakuluin hanggang sa maluto.

ambag ni Jose Cornel, Jr.
________________________________________


Kalabasang Ukoy
Mga sangkap:

1 tasang niyadyad na hilaw na kalabasa
3 kutsarang harina
asin (ayon sapanlasa)
1 itlog (batihin)
1 kutsarang ginayat na berdeng sibuyas
1 kutsarang siling pula (ginayat)
mantika (tantiyahin ang dami)

Paraan ng Pagluluto:

Paghaluing mabuti ang lahat ng sangkap sa isang lalagyan. Kumuha ng katamtamang dami, gawing bola-bola. Prituhin at dyaraaan, may masarap na tayong minindal.
ambag ni Mario Atienza


Bayabas
ni Jyrvie J. Vargas

Ang bayabas (Psidium guajava) ay isa sa pinakakilala at pinaka-karaniwang puno sa Pilipinas. Lahat halos ng bahagi ng puno nito ay may taglay na kapakinabangan.
Ang uring ito ay matatagpuan sa buong bahagi ng Pilipinas. Ang prutas na bigay nito ay paborito ng mga Pilipino at kalimitang ginagawang jellies o jam. Ang prutas na ito ay mayaman din sa bitamina C. Ginagamit din ang bungang magulang o hinog bilang panghalo sa sinigang.

Kilala sa ibang katawagan bilang kalimbahin, guyabas, bayawas, bayabo at marami pang iba, ang uring ito ay tumataas ng hanggang apat o limang metro at namumulaklak ng kulay puti. Ang bunga ay bilog na may maliliit na buto.

May mga tala na nagsasabi na ang balat ng puno (bark) at dahon nito ay astringent at pag pinakuluan ay mainam pangontra sa pagtatae o diarrhea. Ito ay nagpapabuti din sa maayos na pagdaloy ng dugo lalo sa buwanang dalaw ng mga kababaihan.
Sa bansang Costa Rica ay may ulat na ang pinakuluang bukong bulaklak o flower buds nito ay ginagamit ding lunas sa pagtatae. Maraming kagamutan ang uring ito at pinakakaraniwan na nga ay ginagamit para sa panlinis ng sugat, impeksiyon sa bibig, magang gilagid at bulok na ngipin.

Para sa karaniwang karamdamang nabanggit, narito ang paraan ng paghahanda na mungkahi ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care: Hugasang mabuti ang mga dahon gumamit ng mga murang dahon) at tadtarin; magpakulo ng 2 basong dahon sa 4 na basong tubig sa loob ng 15 minuto sa mahinang apoy; huwag takpan ang palayok. Paggamit: para sa sugat, ipanghugas ang pinaglagaang tubig 2 beses maghapon at bilang pangmumog naman gamitin ang maligamgam na pinaglagaan. Pinaalalahan lamang ng PITACH na 'yung mga katutubong (native) puno lamang ang gamitin, sapagka't ito lamang ang dumaan sa pananaliksik.


Paggawa ng Lomi

Sangkap:
bawang
sibuyas
miki
paminta
itlog
asin
cassava powder

Pagluluto ng Lomi

1. Ilagay ang kaldo o pinaglagaan ng karne.
2. Kapag kumulo na ay ilagay ang miki
3. Lagyan ng tinadtad na sibuyas, bawang at paminta
4. Kapag medyo luto na ang miki, ilagay ang tinunaw na cassava powder.
5. Lagyan ng binating itlog upang magkalasa.
6. Ilagay sa mangkok at idagdag ang bola-bola ( karne ng baboy), hiniwang karne at atay.
Upang mas masarap ito, lagyan ng toyong may kalamansi at sili, sahugan pa ng tinadtad na sibuyas na puti at tiyak, gaganahan na kayo sa pagkain ng lomi.


Si Buboy at ang Kastanyas

Isang batang nagngangalang Buboy ang minsang naglaro sa labas ng kanilang bahay.

Nakakita siya ng isang pitsel ng kastanyas na nakapatong sa isang mesa sa garahe. At dahil mahilig siya sa kastanyas, agad niya itong pinuntahan at inilagay niya ang kanyang kamay sa loob ng pitsel. Gusto niyang makakuha ng marami sa minsanang pagdukot kaya’t pinuno niya ng kastanyas ang kanyang kamay. Kaya lang, nang subukan na niyang tanggalin ang kamay niya mula sa pitsel, natuklasan niyang hindi pala puwede. Masikip ang leeg ng pitsel. Ayaw bitawan ni Buboy ang mga kastanyas pero hindi rin niya mahugot ang kamay niya mula sa pitsel.

"Ano na ngayon ang gagawin ko?" iyak ni Buboy. "Bakit ko ba naipasok ang kamay ko sa pitsel?"

Nagkataong dumaraan naman ang isang magbobote at nakita nito ang kalagayan ni Buboy.

Naawa ito at nilapitan ang bata para tumulong.

"Matatanggal mo ang kamay mo riyan kung babawasan mo ang hawak-hawak mo," sabi ng magbobote. "Sa halip na punuin mo ang iyong palad ng kastanyas, bawasan mo ng kalahati."

Sinunod ni Buboy ang payo ng magbobote at natanggal nga niya ang kanyang kamay mula sa pitsel. Nakahinga nang maluwag ang bata at ito’y nagpatuloy sa paglalaro.

Leksiyon ng kuwento: Huwag magtangkang pasukin ang masyadong maraming gawain nang minsanan.

Si Selwyn Hughes, ang Kristiyanong may-akda ng devotional na pinamagatang Everyday with Jesus, ay nagkomento nang ganito: Hindi maganda para sa isang tao ang mahulog sa bitag ng sobrang kaabalahan.

Ngayon kasi’y parang mas nagiging sikat ka kapag tinanong ka ng "Kumusta ka na?" at pagkatapos ang sagot mo ay "Naku, grabe. Sobrang busy ang schedule ko this week." At pagkatapos ay ililitanya mo na ang lahat ng mga bagay na pinasukan mo. Sunud-sunod na overtime sa opisina, outing ng mga kabarkada, picnic sa school ng mga anak mo, volunteer work sa isang institusyon para sa mga pipi at bingi, mga aktibidad sa simbahan, pag-aaral ng masters degree tuwing Sabado, badminton tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes para manatiling matipuno ang katawan, negosyong buy and sell ng mga damit para kumita ng extra, etsetera, etsetera. (Binabasa ko pa nga lang ang nakasulat e napapagod na ako.)

Maraming pag-aaral na ang lumabas tungkol sa sanhi ng mabibigat na mga sakit na tulad ng kanser. Isa sa mga natuklasan ay ito: Ang kakulangan sa pahinga ay nagpapababa ng resistensiya ng isang tao at nagpapahina ng kanyang immune system.

Mas madali kang tatamaan ng matitinding sakit kung ganu’n.

Kahit ang Panginoong Hesukristo ay hindi pumasok sa mga bagay na hindi Niya kailangang pasukan. Noon ay inaasahan ng mga Israelita na ang magiging Mesias nila ay isang rebolusyonaryong lider na mamumuno sa kanila sa paglaban sa imperyong Romano. At bagama’t sinabi ni Hesus na Siya nga ang Mesias, hindi Niya pinatulan ang gayong mga udyok sa Kanya. Klarung-klaro kay Hesus kung ano ang misyon Niya rito sa lupa. Dahil dito, buong kumpiyansa Niyang binigkas ang mga salitang ito sa Kanyang Ama:

"Inihayag Ko rito sa lupa ang Iyong karangalan; natapos Ko na ang ipinagagawa Mo sa Akin" (Juan 17:4).

Marami sa atin ang nag-aakalang mas matutuwa ang Diyos sa atin kung marami tayong pinagkakaabalahan para sa Kanya. Totoong natutuwa Siya kapag pinagsisilbihan natin Siya. Pero ang tanong ay ito: Sigurado ka ba na ang ginagawa mo ngayon ay yaong mga bagay na ipinagagawa nga Niya sa iyo?

Huwag tayong magpatihulog sa bitag ng sobrang kaabalahan. Tularan natin si Hesus. Naging mapili Siya sa Kanyang mga papasukang gawain, at sinigurado Niyang matatapos Niya ang ipinagagawa sa Kanya ng Kanyang Ama.

Manalangin tayo: Diyos Ama, ipakita N’yo po sa amin kung ano ang mga bagay na makakapagbigay-kasiyahan sa Inyo. Turuan N’yo po kaming bumitiw sa mga bagay na hindi naman namin kailangang gawin, nang sa gayon ay magkaroon kami ng mas maraming oras para makilala namin Kayo at ang Inyong Anak na si Hesus. Maraming salamat po sa gabay na ibinibigay Ninyo sa amin sa pamamagitan ng Inyong Banal na Espiritu. Amen.

***

In everything you do put God first.

Do it Right the First Time.

"In Everything give thanks; for this is the will of God in Christ Jesus concerning you." I Thessalonians 5:18

A good book are those book that teaches men how to live.

Monday, October 17, 2005

The beauty of the Philippines

Mayon Volcano is one of the beautiful scenery in the Philippines. You can see this perfect cone volcano at Bicol province.



2005 Ms International - THE WINNING ANSWER

Atin 'to! Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang mga Filipino!

Alam niyo na nanalo ang pinas sa Ms. International!

"MABUHAY! representing the democratic and freedom loving people of the pearl of the orient, I am Precious Lara Quigaman, from the beautiful country of THE PHILIPPINES"

Grabe nga ang tanong sa kanya.

Q: "What do you say to the people of the world who have typecasted
filipinos as nannies?" (means: housemaids, yaya, caregiver, etc..)

A: "I take no offence on being typecasted as a nanny. But i do take offence that the educated people of the world have somehow denegrated the true sense and meaning of what a nanny is. let me tell you what she is. she is someone who gives more than she takes. She is someone you
trust to look after the very people most precious to you - your child, the elderly, yourself. she is the one who has made a living out of caring and loving other people. so to those who have typecasted us as nannies, thank you. it is a testament to the loving and caring culture
of the Filipino people. and for that, i am forever proud and grateful of my roots and culture."

super lakas ng palakpakan! grabe!

Salamat sa kopya ng lakbay diwa ni Sister Bella Abangan............

Magagawa mong bahay o tahanan

by Bella Angeles Abangan

What is Home?

A world of trials shut out, a world of love shut in.

The only spot on earth were faults and failings

Of fallen humanity are hidden under the mantle of charity.

The father’s kingdom, the children paradise, the mother’s world,

Where you are treated the best

And grumble the most.

Hindi nagpakilala ang kumatha ng maikling tula. Ang tahanan ay kaharian ng isang ama at paraiso ng mga anak. Ito ang munting daigdig ng isang ina. Lahat ng negatibo ay ipinalalabas at ang tinatanggap ay pag-ibig. Lahat ng mga kamalian at kabiguan ay itinatago. Dito ay maganda ang trato sa iyo at sa tahanan ay maaari mong buksan ang iyong dibdib at ibuhos lahat ng sama ng loob.

Narito ang isang istorya tungkol sa dalawang pamilya na magkapitbahay.

Ang mga ina ng tahanan ay magkaibigan simula sa kanilang pagkabata.

Maliit pa si Dulce ay masinop na sa bahay. Hinu-bog siya sa buhay na umiikot ang mga katangiang sipag, kusa, unawa at buti. Pinagsama kay Dulce ang sipag sa trabaho at sipag sa pag-aaral.

Maliit ang bahay ni Dulce kaysa sa bahay ni Bren-da. Malaki ang bahay ni Brenda na may mahjungan sa loob. Walang kaayusan ang bahay ni Ma’am Betty dahil nakikipaglaro lagi siya ng mahjong. Dumarating isa-isa ang mga anak na hindi niya naaasikaso.

Maging ang kanyang mister na pagod sa trabaho ay dumarating na gutom na gutom.

Hindi man lamang tumitindig sa madyungan si Ma’am Betty upang asikasuhin si Sir Teddy.

Maghapon halos si Brenda sa bahay ni Dulce kung walang pasok sila. Si Dulce ang nagluluto ng tanghalian at tumutulong sa kanya si Brenda. Ang ina naman ni Dulce, si Cathy, ay nananahi.

Kapag dumating na ang asawa ni Cathy ay tumatayo na ito at ihahanda ang merienda o hapunan ng kabiyak. Malimit ay sinasaluhan ni Cathy ang asawa.

Naiinggit nang lihim si Brenda. Lalo na kapag sila ay naghahapunang sabay-sabay. Naroon din si Brenda na kasalo ng pamilya.

Minsan ay sinundo ni Ma’am Betty si Brenda pagka’t gabi na ay hindi pa umuuwi.

Naroon ang malakas na halakhakan ng pamilya. Nakita niyang masayang kasama sa katuwaan ang kanyang anak.

Kinabukasan wala na ang mga mesa ng mahjong sa kanilang bahay. Pinaganda ni Ma’am Betty ang buong bahay. Nilagyan niya ng altar sa sala. Naroon ang malaking krusipiho na regalo ng kapatid ni Maam Betty na nasa America. Katabi nito ay ang putting Biblia.

Ginandahan ni Ma’am Betty at nilagyan ng pala-muti ang sala at kainan. Nagkaroon ng biglang inspirasyon ang tatlong kapatid ni Brenda. Maaga nang umuuwi si Benjie.

Nakapasok sa wakas ang Panginoon sa tahanang iyon!



Kaibigan hulog ng Langit

by Bella Angeles Abangan

"The holy passion of friendship is of so sweet and steady and loyal and enduring a nature that it will last through a whole lifetime."

Ang sumulat ng maikling talata ay si Thomas Tusser. Naranasan niyang magkaroon ng kaibigan na dumamay sa kanya noong siya’y labis na nabigo sa kanyang pag-ibig at sa kanyang ambisyon.

Narito ang isang istorya tungkol sa dalawang magkaibigan na nagsimula noong sila ay nasa elementarya.

Maganda ang samahan nina Eloisa at Gladys.

Noong magkalayo ang magkaibigan ay nag-patuloy sila nang sulatan. Umuwi na sa Baguio ang pamilya ni Eloisa nang mawalan ng trabaho ang ama nito. Nagpatuloy ng haiskul sa Maynila si Gladys hanggang college.

Dumating ang panahon na kinukuha na si Gladys ng kanyang mga magulang. Kapag inabutan siya ng dalawampu’t isang taon ay hindi na siya makukuha.

Noong naghahanda si Gladys nang pagtungo sa America ay tumanggap siya ng sulat. Sinasabi sa sulat na darating siya ang kaibigan niya ng Linggo.

Ang liham ni Eloisa ay nagbigay kay Gladys ng malaking problema. Nagdadalangtao ito. Napikot ang ama ng bata. Ang naging desisyon ng ating maunawaing dalaga ay huwag nang tumuloy sa America. Naghanap siya ng mga katwiran kung bakit sa Pilipinas na lamang siya mananatili.
Sila ni Eloisa ang tumira sa malaking bahay. Ang kalahati nito ay pinaupahan ni Gladys.

Dumating ang panahon nang magluwal ng sanggol na lalaki si Eloisa.

Anong saya ng magkaibigan! Si Gladys ang naging ninang. Nagtatag ang magkaibigan ng isang negosyo na malaki ang kita – real estate.

Silang dalawa ang humubog kay Noel. Laging sinasabitan ng medalya si Noel. Hindi lamang isang karangalan ang nakakamit ni Noel. Kapwa umaakyat ng entablado ang dalawa dahil isa sa acedemic at ang isa ay best in extra curricular activities, best in writing at iba pa.

Noong maging ganap na doktor si Noel ay kapwa pasyente sila. Alagang-alaga ang kanilang kalusugan.

Naging maganda ang takbo ng buhay ng magkaibigan. Noong magbalikbayan ang pamilya ni Gladys ay malaking paghahanda ang salubong nina Gladys at Eloisa.

Pinaganda ng magkaibigan ang malaking bahay. Noon naniwala ang pamilya ni Gladys na maligaya ang kanilang anak. Ang nagpapaligaya kay Gladys ay ang kanyang mga spiritual activities na kanilang kayamanan.

Monday, October 10, 2005

Pinoy OPM old

AKO AY PILIPINO
by Kuh Ledesma


Ako ay Pilipino,
Ang dugo'y maharlika
Likas sa aking puso,
Adhikaing kay ganda

Sa Pilipinas na aking bayan,
Lantay na Perlas ng Silanganan
Wari'y natipon ang kayamanan ng Maykapal.

Bigay sa 'king talino,
Sa mabuti lang laan;
Sa aki'y katutubo
Ang maging mapagmahal.

Chorus:

Ako ay Pilipino
Ako ay Pilipino

Isang bansa, isang diwa
Ang minimithi ko,

Sa bayan ko't bandila,
Laan, buhay ko't diwa;
Ako ay Pilipino,
Pilipinong totoo.

Coda:

Ako ay Pilipino
Ako ay Pilipino
Taas-noo kahit kanino,
Ang Pilipino ay ako

AKO'Y NAGKAMALI
By: Cristy Mendoza

Akala ko'y wagas ang iyong pag-mamahal
Nagkamali ako ikaw pala'y mapaglinlang
Dusa't pag titiis kapiling ko araw gabi
Hanggang kaylan kaya ang pighati.

Iwanan man ako puso ko'y di masasaktan
Pag-suyong alay mo tunay na di totoo
Kahit mahal kita wala akong magagawa
Pag-ibig mo'y dapat limutin ko.

Ako'y nagkamali nang ikaw ay ibigin ko
Pag-ibig mong ito ay tunay lang sa salita
Sa puso at damdamin mo bakit di magawa
Sumpat pangako mo'y parang bula.

Iwanan man ako puso ko'y di masasaktan
Pagsuyong alay mo tunay na di totoo
Kahit mahal kita wala akong magagawa
Pag-ibig mo'y dapat limutin ko.

Ako'y nagkamali nang aikaw ay ibigin ko
Pag-ibig mong ito ay tunay lang sa salita
Sa puso at damdamin mo bakit di magawa
Sumpat pangako mo'y parang bula.


ALAALA
by: Rico J. Puno



(Narration)


Hey, you know
Everybody's talking about the good 'ol days right?
Everybody, the good 'ol days, the good 'ol days
Well let's talk about the good 'ol days
Ang sarap isipin ang mga bagay
Na nagpaligaya sa atin noon diba?
Katulad ng first love mo, naaalala mo pa ba?
Madalas kayong mamasyal, manood ng sine
Kumain sa labas, at kung anu-ano pa
Kung minsan nga, kulang ang isang araw
Para magkasama kayo
Madalas mo siyang halikan
Sa cheeks, sa lips, sa eyes, sa nose
May pahawak-hawak ka pa sa kamay
Tinitignan mo ang mata niya
Sinasabi mong "I love you"
Pero bakit ganoon ang panahon
Kung sino pa yung mahal na mahal mo
Siya pang nawawala sa iyo
Siya pa na kasing halaga pa ng buhay mo

Memories, light the corners of my mind
Misty waters colored memories
Of the way we were

Scattered pictures of the smiles we left behind
Smiles we gave to one another
For the way we were

Can it be that it was all so simple then
Or has time rewritten every line
And if we had the chance to do it all again
Tell me, would we, could we

Alaala, ng tayo'y mag-sweetheart pa
Namamasyal pa sa Luneta
Nang walang pera

So it's the laughter
We will remember
Whenever we remember
The way we were
Remember... the way we were

ALL I WANT THIS CHRISTMAS
By: Martin Nievera

All that I have, I give to you
All that is love, I see in you
All that I ask this Christmas
All that I need this Christmas
All that I want this Christmas is you

All that I am because of you
You are to me a dream come true
All that I ask this Christmas
All that I need this Christmas
All that I want this Christmas is you

You're here with me chasing our dreams
Chasing them everyday
Tomorrow may be so far away
We're together each step of the way

All that I pray, I pray for you
I have been blessed with all you do
All that I ask this Christmas
All that I need this Christmas
All that I want this Christmas is you (haaaaaaaa)

All that I want this Christmas is you

ANAK
By: Freddie Aguilar

Noong isilang ka sa mundong ito,
Laking tuwa ng magulang mo.
At ang kamay nila
ang iyong ilaw.

At ang nanay at tatay mo,
'Di malaman ang gagawin.
Minamasdan pati pagtulog mo.

Sa gabi napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo.
At sa umaga nama'y kalong
Ka ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo.

Ngayon nga'y malaki ka na,
Nais mo'y maging malaya.
'Di man sila payag,
Walang magagawa.

Ikaw nga'y biglang nagbago,
Naging matigas ang iyong ulo.
At ang payo nila'y,
Sinuway mo.

Hindi mo man lang inisip
Na ang kanilang ginagawa'y para sa iyo.
Pagka't ang nais mo masunod ang layaw mo,
'Di mo sila pinapansin.

Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong
sa masamang bisyo.

At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha.
At ang tanong,
"Anak, ba't ka nagkaganyan?"

At ang iyong mga mata'y biglang lumuha
Ng 'di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo,
Nalaman mong ika'y nagkamali.


ANG AKING AWITIN
By: Bong Gabriel

Bakit 'di ko maamin sa iyo?
Ang tunay na awitin ng loob ko
'Di ko nais mabuhay pa kung wala sa piling mo
Ngunit 'di ko pa rin maamin sa iyo

'Di malaman ang sasabihin pagkaharap ka
Ngunit nililingon naman pagdumaraan na
Oh, ang laking pagkakamali kung 'di niya malalaman
Kaya sa awitin kong ito'y madarama

La......
La......
Sa awitin kong ito madarama

At kung ako'y lumipas at limot na
Ang awitin kong ito'y alaala pa
Awitin ng damdamin ko sa 'yo maiiwan
Sa pagbulong ng hangin ang nakaraan
(Sa pagbulong ng hangin ang nakaraan)
Oh, sa pagbulong ng hangin ang nakaraan
(Sa pagbulong ng hangin)

La......
La......
Sa awitin kong ito madarama


ANG BAYAN KONG SINILANGAN (Timog Cotabato)
By: Asin
(Regional Song by C. Banares)

Ako'y isinilang sa isang bayan ng Cotabato
Kasing gulo ng tao, kasing gulo ng mundo
Dahil di magkasundo sa relihiyon at prinsipyo, nagkagulo.

Ang bayan ko sa Cotabato, kasing gulo ng isip ko
Di alam kung saan nanggaling, di alam kung saan patungo
Kapatid sa kapatid, laman sa laman
Sila-sila ang naglalaban, di ko alam ang dahilan ng gulo.

Bakit nagkaganon, ang sagot sa tanong ko
Bakit kayo nagkagulo, bakit kayo nag-away
Prinsipyo mo'y igagalang ko kung ako'y iyong nirespeto
Kung nagtulungan kayo, di sana magulo ang bayan ko.

Sa bayan kong sinilangan, sa timog Cotabato
Ako ay namulat sa napakalaking gulo
Dahil walang respeto sa prinsipyo ng kapwa tao
Kapwa Pilipino ay pinapahirapan mo, ang gulo.

Ako'y nananawagan, humihingi ng tulong n'yo
Kapayapaa'y bigyan ng daan, kapayapaan sa bayan ko
Bakit kailangan pang maglaban, magkapatid kayo sa dugo
Kailan kayo magkakasundo, kapayapaa'y kailan matatamo ng bayan ko?

Kung ako'y may maitutulong, tutulong nang buong puso
Gitara ko'y aking inaalay, kung magkagulo'y gamitin mo
Kung ang kalaba'y walang puso, puso na rin ang gamitin mo
Ituring mong isang kaibigan
Isipin mong siya'y may puso rin katulad mo.


Coda:

Sa bayan kong sinilangan (bakit may gulo...)
Sa timog Cotabato (sa timog Cotabato)
Ako ay namulat (kailan matatapos...)
Sa napakalaking gulo (ang gulo)
Dahil walang respeto (kailan magkakasundo...)
Sa prinsipyo ng kapwa tao (ang tao)
Kapwa Pilipino (kapwa Pilipino...)
Ay kinakalaban mo (bakit kinalaban mo)
Ang gulo

ANG BOYFRIEND KONG BADUY
By: Cinderella

Ang aking boyfriend
Mahilig sa disco
Lagi sa disco
Lahat ng Sabado

And when the kids go dancing na
Lagi pa siyang nauuna
At ang sayaw pala niya
Ay mashed potato

'Yan ang boyfriend ko
Di ko ma-take ang gusto
Siya ay "in" na "in"
Ngunit "out" pa rin
Ang boyfriend kong baduy, baduy

Ang aking boyfriend
Ang groovy magdamit
At kung sa porma
Mahirap lamangan
But when we go out "dating" na
Kulay ng polo niya'y pula
Berde pa ang sapatos niya
Asul ang medyas

'Yan ang boyfriend ko
Di ko ma-take ang gusto
Siya ay "in" na "in"
Ngunit "out" pa rin
Ang boyfriend kong baduy, baduy
Ang boyfriend kong baduy, baduy

Siya ay "in" na "in"
Ngunit "out" pa rin
Ang boyfriend kong baduy, baduy

'Yan ang boyfriend ko
Di ko ma-take ang gusto
Siya ay "in" na "in"
Ngunit "out" pa rin
Ang boyfriend kong baduy, baduy
Ang boyfriend kong baduy, baduy


ANG HULING EL BIMBO
By: Eraserheads

(G-A-C-G)X2
A
Kumukha mo si Paraluman
C G
Nung tayo ay bata pa
G A
At ang galing-galing mong sumayaw
C G
Mapa-boogie man o cha-cha
G A
Ngunit ang paborito
C G
Ay ang pagsayaw mo ng EL Binbo
G A
Nakaka-indak, nakakaaliw
C G G D(onF#)
Nakakatindig-balahibo



Em G
Pagkagaling sa eskweia
C D
Ay dideretso na sa inyo
Em G C D
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako




[REFRAIN]


G A
Magkahawak ang ating kamay
C G
At walang kamalay-malay

G A
Na tinuruan mo ang puso ko
C G

Na umibig na tunay



A
Naninigas ang aking katawan
C G
Kapag umikot na ang plaka
G A
Patay sa kembot ng beywang mo
C G
At pungay ng iyong mga mata
G A
Lumiliwanag ang buhay

C G
Habang tayo'y magkaakbay
G A
At dahan-dahan dumudulas
C G G D(onF#)
Ang kamy ko sa makinis mong braso

Em G C D
Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo
Em G C D
At kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko


[REFRAIN]:


G A C G
lalalala lalala....





A
At lumipas ang maraming taon
C G

Hindi na tayo nagkita
G A
Balita ko'y may anak ka na

C G
Ngunit walang asawa
G A C G
Tagahugas ka raw ng pinggan sa may Ermita
G A C G
At isang gabi'y nasagasaan sa isang madilim na eskenita



Em G C D
Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw
Em G C D
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw




[REFRAIN]: X2

G A C G
lalalala....



ANG TANGI KONG PAG-IBIG
Traditional

Ang tangi kong pag-ibig ay minsan lamang
Ngunit ang iyong akala ay hindi tunay
Hindi ko lilimutin magpakailan pa man
Habang ako ay narito at may buhay

Malasin mo't nagtitiis ng kalungkutan
Ang buhay ko'y unti-unti nang pumapanaw
Wari ko ba sinta
Ako'y mamamatay
Kung 'di ikaw ang kapiling habang buhay


ARAW-ARAW GABI-GABI
By: Didith Reyes

Araw-araw gabi-gabi
Ay naghihintay
Ng ligayang 'di malasap
Ng sawi kong buhay


II.

Ba't di na matapos ang hirap ko
Sa gabi't araw
Hanggang kailan matitiis
Ang luhang kay pait
Sa puso'y kay sakit


Chorus:

Araw-araw gabi-gabi
Ay nagdarasal
Na damayan ng giliw ko
Na tanging minahal
Pagka't ligaya na ng buhay ko
Makapiling ka lamang
Gabi't araw sa iyo'y naghihintay


Repeat Chorus:


AS STILL AS A PHOTOGRAPH
By: Cacai Velasquez

I used to say that I'd readily swim
The seven seas for you
Now, I can't reach the shore
I used to say that only I held the key to your heart
Now, I can't find the door
Slowly fading like a painting on your wall
Yet as clear as the sound of your laugh
Forever captured in my mind you'll remain
As still as a photograph
My shoes are now worn from walking too far
Still farther I go,
My hands are so tired from hiding the scar
Still I refuse to show
And though I know that it's wrong,
You're still my concern
Like a thorn in my side,
It's hard to be strong
When you've nowhere to turn
When you've nowhere to hide
Slowly fading like a painting on your wall
Yet as clear as the sound of your laugh
Forever captured in my mind you'll remain
As still as a photograph (2x)

Hay
Tu
Hu
Hahay
Yeah

And though the wound burns, it's mine to keep
To hold in my arms,
And to sing me to sleep,
For it's all that I have,
I now realize,
The memory lives when reality dies
When reality dies

Slowly fading like a painting on your wall
Yet as clear as the sound of your laugh
Forever captured in my mind you'll remain

As still as a photograph

Slowly fading like a painting on your wall
Yet as clear as the sound of your laugh
Forever captured in my mind you'll remain
As still as a photograph (4x)

BAHAY KUBO


Bahay kubo, kahit munti
ang halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong
Sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani
Kundol, patola, upo't kalabasa
At saka meron pang
Labanos, mustasa
Sibuyas, kamatis
Bawang at luya
Sa paligid nito puno ng linga.


BAKA SAKALING MAHALIN MO RIN AKO
By: Rey Valera

Pag-ibig kong lubos
Kulang pa rin
Malamig ang iyong ngiti
Mayroong pagkukunwari
At kahit na kasama ka
Sadyang hindi ko madama
Na ako'y iyong mahal sinta

Kailangan mo ako
Sa buhay mo
Hinahanap mo ako
T'wing ika'y nag-iisa
Sandalan mo ako
Kapag sa 'yo'y walang nagmamahal
Ngunit 'di ko madama
Na ako'y iyong mahal sinta
Hah...

At lihim kong nababatid
Na ako'y sadyang 'di mo iniibig
Ngunit kailangan ko itong tanggapin
'Pagkat mahal kita
At ako ngayo'y
Narito pa rin
At nagbabakasakali
Na ako ay iyong ibigin
Baka sakaling
Ako'y mahalin mo na rin

At lihim kong nababatid
Na ako'y sadyang 'di mo iniibig
Ngunit kailangan ko itong tanggapin
'Pagkat mahal kita
At ako ngayo'y
Narito pa rin
At nagbabakasakali
Na ako ay iyong ibigin
Baka sakaling
Ako'y mahalin mo na rin

Baka sakaling
Ako'y mahalin mo na rin


BAKIT BA
By: Siakol

Intro: G-Em-C-D-; (2x)

G Bm
Nag-aaliw sa usok at beer lang ang kasama
Em Am
D7
Mas okey pang laging gan'to, nalilimutan ka
G Bm
Hindi ko malaman sa 'yo kung ano ang drama mo
C Am D
Bakit lagi mo na lang sinasaktan ang puso ko?

G Bm
Tandang-tanda ko pa noong tayo'y namamasyal
Em Am D
Napasulyap lang sa iba, bigla mo na 'kong sinampal
G Bm
At sa kaseselos mo nga'y lalong minahal kita
Em Am D
Subalit nasaan ka na, sumama sa iba.


Chorus:

G Em C D
Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa
G Em C D
Bakit, bakit ba, sa akin ba'y nagsawa na
C D C D
Sinusunod naman kita kahit ano, kinakaya
C D (Intro)
Wala pa ring k'wenta, bakit ba?

G Bm
Ano ba ang nakita mo at pinagpalit mo 'ko
Em Am D
Nakasisiguro ka ba ngayon sa bago mo
G Bm
Sana ay mahalin ka n'ya at wag kang sasaktan
Em Am D
Kahit di na tayo, problema mo'y sabihin lang.

G Bm
Pilit ka mang limutin ay naghihintay pa rin
Em Am D
Nagbabakasakali na muli kang dumating
G Bm
Bakit ba kayhirap ng kalagayan ko ngayon
Em Am D
Kaya sa 'king sarili ay laging nagtatanong.


Repeat Chorus

Ad lib: G-Em-C-D-; (2x)
C-D-; (3x)
Em-E-


Repeat Chorus: except last line, moving chords 2 frets (A) higher


Repeat Chorus moving chords 2 frets (A) higher

Finale: A-F#m-D-E-; (2x)


BAKIT KUNG SINO PA
Song by: Lloyd Umali

Mula nang mawalay ka na Damdamin kong ito sa
`yo'y di na mapalagay Tinatanong nitong
aking puso Bakit biglang nagbago ka
Ako ba'y nagkulang sa iyo
Sayang lang ang pagmamahal
Na inalay ko sa `yo
Bakit ikaw ngayon ay biglang naglaho
Bakit kung sino pa
Ang siyang marunong magmahal
Ay siyang madalas maiwan Nang di alam ang dahilan
Bakit kung sino pa
Ang siyang marunong magmahal
Ay siyang madalas maiwan Nang di alam ang dahilan
Sayang lang ang pagmamahal
Na inalay ko sa `yo
Bakit ikaw ngayon ay biglang naglaho

Naaalala ko ang nagdaan Kahapong lumipas na
Di na malilimutan tayong dalawa noo'y nagsumpaan
Na sadyang ikaw lang at ako
Ang siyang magmamahalan
Sayang lang ang pagmamahal
Na inalay ko sa `yo
Bakit ikaw ngayon ay biglang naglaho
Bakit kung sino pa
Ang siyang marunong magmahal
Ay siyang madalas maiwan Nang di alam ang dahilan
Bakit kung sino pa
Ang siyang marunong magmahal
Ay siyang madalas maiwan Nang di alam ang dahilan
Sayang lang ang pagmamahal
Na inalay ko sa `yo
Bakit ikaw ngayon ay biglang naglaho

Bakit kung sino pa
Ang siyang marunong magmahal
Ay siyang madalas maiwan Nang di alam ang dahilan
Bakit kung sino pa
Ang siyang marunong magmahal
Ay siyang madalas maiwan Nang di alam ang dahilan
Bakit kung sino pa Ay siyang madalas maiwan
Nang di alam ang dahilan

BAKIT LABIS KITANG MAHAL
By: Boyfriends

Intro: C-Bm (2x)
C-Am-

G Am
Mula ng makilala ka aking mahal
C Em C D
Di ako mapalagay sa kakaisip ko sa 'yo
G Am
Lagi na lang ikaw ang alaala ko
C Em C D
Kahit nasan ka man larawan mo'y natatanaw
G Am
Maging sa pagtulog napapangarap ka
C Em C D-G
Pagkat ang nais ko sana kapiling ka sa tuwina

G C G C
Ano bang nakita, subok ito sa 'yo
G C G D
Na pag ika'y kasama, ligaya ko sinta


Chorus

G-D Em G C Em C D
Bakit labis kitang mahal? Ganda mo'y di ko malimutan
G-D Em G C G C D
Bakit labis kitang mahal? Sumpa man iniibig kita.


Repeat Chorus 2x while fading

LABIS KITANG MAHAL
By: Lea Salonga

Mula nang makilala ka, aking mahal
Di ako mapalagay
Sa kakaisip ko sa 'yo
Lagi na lang ikaw ang alaala ko
Kahit nasaan ka man
Larawan mo'y natatanaw

Maging sa pagtulog, ay panaginip ka
Pagkat ang nais ko sana
Kapiling ka sa t'wina

Ano ba'ng nakitaNg puso kong ito sa 'yo
Kapag ika'y kasama
Anong ligaya ko sinta

Refrain:

Bakit labis kitang mahal
Yakap mo'y 'di ko malimutan
Bakit labis kitang mahal
Sumpa man, iniibig kita

Mula nang makilala ka, aking mahal
Di ako mapalagaySa kakaisip ko sa 'yo
Lagi na lang ikaw ang alaala ko
Kahit nasaan ka man
Larawan mo'y natatanaw
Maging sa pagtulog, ay panaginip ka
Pagkat ang nais ko sana
Kapiling ka sa t'wina
Ano ba'ng nakitaNg puso kong ito sa 'yo
Kapag ika'y kasama
Anong ligaya ko sinta

Refrain:

Bakit labis kitang mahal
Yakap mo'y 'di ko malimutan
Bakit labis kitang mahal
Sumpa man, iniibig kita


BAKIT PA
By: Jessa Zaragosa


I.

Parang 'di ko yata kaya
Pag sa buhay ko'y wala ka
Aanhin ang pag-ibig kung puso ay nag-iisa


II.

Sinong aking tatawagin
Sinong aking hahanapin
Sino ang magpupuno sa 'king paglalambing


Chorus:

Bakit ka pa nakita
Kung ang puso ko ay iiwan lang at sasaktan
Kung si'yay higit sa akin
Naro'n man ang pagdaramdam
Ito ay aking kakayanin


Repeat All:


Adlib:

Kung ang puso ko ay iiwan lang at sasaktan
Kung si'yay higit sa akin
Naro'n man ang pagdaramdam
Ito ay aking kakayanin


Repeat Chorus (2x):

Ito ay aking kakayanin
BALATKAYO
By: Anthony Castello

Balatkayo lahat
Ang buhay sa mundo
Nakangiti kahit hindi totoo
Magandang bulaklak
Ang s'yang katulad mo
Nguni't paglapit ko'y walang bango

Balatkayo pala ang pag-ibig mo
Na natubog lang sa ginto
O kay-sakit naman
Nasayang lang ang pag-ibig ko

Balatkayo lahat
Ang buhay sa mundo
Nakangiti kahit hindi totoo
Magandang pangarap ang s'yang katulad mo
Nguni't sa isip lang ang lahat ng ito

Balatkayo pala ang pag-ibig mo
Na natubog lang sa ginto
O kay-sakit naman
Nasayang lang ang pag-ibig ko
Kaya ang buhay ko ngayo'y balatkayo

Balatkayo pala ang pag-ibig mo
Na natubog lang sa ginto
O kay-sakit naman
Nasayang lang ang pag-ibig ko
Kaya ang buhay ko ngayo'y balatkayo
Kaya ang buhay ko ngayo'y balatkayo...

BALELENG
by: Urban Flow


Yo muya ka baleleng ako'y naprapraning
Kapag nakita ako'y naduduling
Palitan ko na kaya may GF Luningning
Pagka't iba talaga ang iyuong dating o baleleng

The first time I saw her thought I could die
Naku d'yos ko day ako'y hinihimatay
Sa ganda ni Baleleng panis ang Bumbay
At ang dating nito'y puwedeng pang Miss Mabuhay

Kaya't everyday ako'y buhay na buhay
Baleleng is like fire she burn my sungay
Kaya ngayon ang buhay ko ay makulay
Coz Baleleng yo is my
I wanna be insane coz my world is full of pain
And when I met Baleleng
Ako'y nagka-insane in the brain


Chorus:

Ikaw lang ang aking mahal...
Ikaw lang ang aking mahal...

At nu'ng isang gabi'y hindi ako makatulog
'Di man lang inaantok at ang kati ng batok
Na lang ako'y may favorite slumbook
At ako'y napatulog sa sagling antok

Ngunit ako'y nabulabog sa tahol ng aking dog
Ako'y kinabahan at nangangatog
Dahil may narinig akong may kumakatok
Ako'y kabang kaba dahil ala-una na ng umaga

When I opened the door ako ay nagulat
Si Baleleng pala wow ang kinis ng balat
Come in pumaok ka baka makakuha ka pa ng
I can't control my feeling at atat na atat

Ako'y humiga tumabi siya sa akin
Para kaming pinagdikit na bituin
Baleleng mahal kita at wala nang iba


Repeat Chorus:

At noong gabing iyon I proposed to Baleleng
Just marry me and I'll give you everything
Do everything show you everything
Just to prove you how much I love you Baleleng

Coz you are the girl the girl that I want
The girl of my type and the girl that I like
And I will do what you like gustuhin ko man
Gagawin ko lahat ng gusto mo

Huwag na lang mawalay sa piling ko
Dahil dahil sa 'yo gumaganda ang buhay ko
Pati ugali ko ay binago mo
O Baleleng ang pag-ibig natin

Is never never ending you know what I'm saying
And I want you to know you're always in my heart
O Baleleng


Repeat Chorus: (3x)


Coda:

I love you Baleleng

BASTA'T KASAMA KITA
By: Dingdong Avanzado

Sa t'wing tayo'y magkakalayo
Hindi matahimik ang puso ko
Bawat sandali hanap kita
Di mapakali hanggang muling kapiling ka

Dahil kung ika'y makita na
Labis-labis ang tuwang nadarama
Magisnan lamang ang kislap ng 'yong mata
Kahit ano pa ay kakayanin ko na

Basta't kasama kita, lahat magagawa
Lahat ay maiaalay sa'yo
Basta't kasama kita, walang kailangan pa
Wala nang hahanapin pa
Basta't kasama kita

Giliw, sana ay ikaw na nga
Ang siyang mananatiling kasama ko
Dahil kung ika'y mawawala
Pati lahat sa buhay ko'y maglalaho

Basta't kasama kita, lahat magagawa
Lahat ay maiaalay sa'yo
Basta't kasama kita, walang kailangan pa
Wala nang hahanapin pa
Basta't kasama kita

Basta't kasama kita, lahat magagawa
Lahat ay maiaalay sa'yo
Basta't kasama kita, walang kailangan pa
Wala nang hahanapin pa
Basta't kasama kita

Walang kailangan pa
Wala nang hahanapin pa
Basta't kasama kita



BATIBOT
by: Batibot Theme


Pagmulat ng mata,
Langit nakatawa
Sa batibot,
Sa batibot

Tayo nang magpunta
Tuklasin sa batibot
Ang tuwa, ang saya

Doon sa batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa batibot
Maliksi, masigla. (2x)

Dali, sundan natin
Ang ngiti ng araw
Doon sa batibot (2x)

Tayo nang magpunta
Tuklasin sa batibot
Ang tuwa, ang saya

Doon sa batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa batibot
Maliksi, masigla. (2x)


BATO SA BUHANGIN
Song by: Cinderella

Kapag ang puso'y
natutong magmahal
Bawa't tibok ay may
kulay at buhay
Nguni't kung ang
pagsuyo'y lilipas din
Bagay kaya ang bato
sa buhangin

Kay hirap unawain
bawa't damdamin
Pangakong magmahal
hanggang libing
Sa langit may
tagpuan din
At doon hihintayin
Itong bato sa buhangin

Nguni't kung ang
pagsuyo'y lilipas din
Bagay kaya ang bato
sa buhangin

Kay hirap unawain
bawa't damdamin
Pangakong magmahal
hanggang libing
Sa langit may
tagpuan din
At doon hihintayin
Itong bato sa buhangin
Bato sa buhangin
Ooh ahh


BAWAL NA GAMOT
By: Willy Garte

Nawa't yugto ng sandaling halos 'di ko alam
Naglalakbay ang diwa sa ligayang nakamtan
Gamot na bawal ay ayaw ko nang tigilan
Hinahanap-hanap ko at inaasam

O, kay sarap ng buhay
Kung siya'y aking nalalanghap
akala ko ang mundo ay wala nang katapusan
At nang ako ay magising sa kasalanang nagawa
Kinabukasan ko ay nawala


Chorus:

Pangarap ko'y 'di maabot
Dahil sa bawal na gamot
Labis ko nang pinagsisihan
Ang aking kamalian


Instrumental:

O, kay sarap ng buhay
Kung siya'y aking nalalanghap
akala ko ang mundo ay wala nang katapusan
At nang ako ay magising sa kasalanang nagawa
Kinabukasan ko ay nawala


Repeat Chorus:


BAWA'T SANDALI
by: Paola Luz


Hindi ko na alam
Kung paano sasabihin
Na mahal kita
Wala nang mamahalin pa
At hindi ko na alam
Ano ba itong damdamin?
Sa tuwing ika'y kapiling
Mundo ko'y nagniningning


Chorus:

Bawat sandali
Ikaw lang ang nasa isip
Bawat sandali
Pati na sa panaginip
At hindi ko lang alam kung ako ba'y mahal mo rin
Bawat sandali sana'y kapiling ka

Saan man, kailan pa man
Mukha mo ang nasa isip
Tinig lang ng 'yong pangalan
Puso ko'y nananabik
Hindi na magunita ang mabuhay nang wala ka
Ito lamang ang asahan, pag-ibig ko'y walang hangganan


Repeat Chorus: (2x)


BAYAN KO
By: Freddie Aguilar

PASAKALYE: Fm-Cm-G7-Cm-;(2x) Cm-

Cm
Ang bayan kong Pilipinas
G7
Lupain ng ginto't bulaklak

Pag-ibig na sa kanyang palad,
Cm
Nag-alay ng ganda't dilag,
Cm
At sa kanyang yumi at ganda,
C7 Fm
Dayuhan ay nahalina;
Fm Cm

Bayan ko, binihag ka,
G7 Cm-G7-
Nasadlak sa dusa


KORO:

C G
Ibon mang may layang lumipad
G C
Kulungin mo at umiiyak
C Dm7
Bayan pa kayang sakdal-dilag
G7
C
Ang 'di magnasang makaalpas?
C G7
Pilipinas kong minumutya,
G7 C
Pugad ng luha at dalita
F C
Aking adhika,
G7 C
Makita kang sakdal laya.


PALABOK:


Ang bayan ko'y tanging ikaw
Pilipinas kong mahal
Ang puso ko at buhay man
Sa iyo'y ibibigay


Tungkulin kong gagampanan
Na lagi kang paglingkuran
Ang laya mo'y babantayan
Pilipinas kong hirang.

C-G7--C-
C-
G7-D-G7-
C-Dm7-G7-C
C-F-C,G7-C-


(Ulitin ang Koro maliban sa huling salita)


C-Eb-F-C-
...laya.


PAMBANSANG AWIT
LUPANG HINIRANG


Bayang magiliw
Perlas ng silanganan
Alab ng puso
Sa dibdib mo'y buhay

Lupang hinirang
Duyan ka ng magiting
Sa manlulupig
Di ka pasisiil

Sa dagat at bundok
Sa simoy at sa langit mong bughaw
May dilag ang tula at awit
Sa paglayang minamahal

Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma'y di magdidilim

Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta
Buhay ay langit sa piling mo
Aming ligaya na 'pag may mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sa iyo.

BE MY LADY
By: Martin Nievera

Be my lady
Come to me and take my hand
And be my lady
Truly, I must let you know
That I'm in love with you
All I want is you
How I need you, so please...

Be my lady
Maybe you could lose the pain
If you just tell me
Say the words you long to whisper
That I want to hear
Something's on your mind
Is it hidden in your smile

Be my lady
Just forget the past
It's time to mend your broken heart
Let no walls divide us now
(So) dry the tears in your eyes
Nothing can stop us now
I'll give you all I have

Be my lady
You're the one that I adore
So please believe me
I can never find the courage
To resist your charm
Nothing's more divine
Than each moment you are mine

Be my lady
Just forget the past
It's time to mend your broken heart
Let no walls divide us now
(So) dry the tears in your eyes
Nothing can stop us now
I'll give you all I have

Be my lady
Let the sunshine through your heart
And make a brand new start
Stay with me each night and day
Through the rest of my life
Just like a work of art
My love will last until forever


Coda:

Just like a work of art
My love will last until forever





LOVE WITHOUT TIME
Song by: Nonoy Zuniga

What is time without love What is love without time
What's the highest mountain like
without a valley nestled at its feet
What's a river without a bend
to guide its flow to where
it should end What am I without you
What is life without love
Well it's me with all the time
Time to think about the love
We hardly had the time to share
Now my life's without love
Our love just never had time
Now we've run out of moments
to save our love in time
What is pleasure without pain
What is sunshine with no rain
What's the moon without the sun
to take its place when night is gone
If the sea were without sky
just where would the horizon lie
What's hello without goodbye
What is life without you
Well it's me with all the time
Time to think about the love
We hardly had the time to share
Though my life's without love
You are my love for all time
Though we've run out of moments
to save our love in time
Though my life's without love
You are my love for all time
Though we've run out of moments
To save our love in time