Monday, October 17, 2005

The beauty of the Philippines

Mayon Volcano is one of the beautiful scenery in the Philippines. You can see this perfect cone volcano at Bicol province.



2005 Ms International - THE WINNING ANSWER

Atin 'to! Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang mga Filipino!

Alam niyo na nanalo ang pinas sa Ms. International!

"MABUHAY! representing the democratic and freedom loving people of the pearl of the orient, I am Precious Lara Quigaman, from the beautiful country of THE PHILIPPINES"

Grabe nga ang tanong sa kanya.

Q: "What do you say to the people of the world who have typecasted
filipinos as nannies?" (means: housemaids, yaya, caregiver, etc..)

A: "I take no offence on being typecasted as a nanny. But i do take offence that the educated people of the world have somehow denegrated the true sense and meaning of what a nanny is. let me tell you what she is. she is someone who gives more than she takes. She is someone you
trust to look after the very people most precious to you - your child, the elderly, yourself. she is the one who has made a living out of caring and loving other people. so to those who have typecasted us as nannies, thank you. it is a testament to the loving and caring culture
of the Filipino people. and for that, i am forever proud and grateful of my roots and culture."

super lakas ng palakpakan! grabe!

Salamat sa kopya ng lakbay diwa ni Sister Bella Abangan............

Magagawa mong bahay o tahanan

by Bella Angeles Abangan

What is Home?

A world of trials shut out, a world of love shut in.

The only spot on earth were faults and failings

Of fallen humanity are hidden under the mantle of charity.

The father’s kingdom, the children paradise, the mother’s world,

Where you are treated the best

And grumble the most.

Hindi nagpakilala ang kumatha ng maikling tula. Ang tahanan ay kaharian ng isang ama at paraiso ng mga anak. Ito ang munting daigdig ng isang ina. Lahat ng negatibo ay ipinalalabas at ang tinatanggap ay pag-ibig. Lahat ng mga kamalian at kabiguan ay itinatago. Dito ay maganda ang trato sa iyo at sa tahanan ay maaari mong buksan ang iyong dibdib at ibuhos lahat ng sama ng loob.

Narito ang isang istorya tungkol sa dalawang pamilya na magkapitbahay.

Ang mga ina ng tahanan ay magkaibigan simula sa kanilang pagkabata.

Maliit pa si Dulce ay masinop na sa bahay. Hinu-bog siya sa buhay na umiikot ang mga katangiang sipag, kusa, unawa at buti. Pinagsama kay Dulce ang sipag sa trabaho at sipag sa pag-aaral.

Maliit ang bahay ni Dulce kaysa sa bahay ni Bren-da. Malaki ang bahay ni Brenda na may mahjungan sa loob. Walang kaayusan ang bahay ni Ma’am Betty dahil nakikipaglaro lagi siya ng mahjong. Dumarating isa-isa ang mga anak na hindi niya naaasikaso.

Maging ang kanyang mister na pagod sa trabaho ay dumarating na gutom na gutom.

Hindi man lamang tumitindig sa madyungan si Ma’am Betty upang asikasuhin si Sir Teddy.

Maghapon halos si Brenda sa bahay ni Dulce kung walang pasok sila. Si Dulce ang nagluluto ng tanghalian at tumutulong sa kanya si Brenda. Ang ina naman ni Dulce, si Cathy, ay nananahi.

Kapag dumating na ang asawa ni Cathy ay tumatayo na ito at ihahanda ang merienda o hapunan ng kabiyak. Malimit ay sinasaluhan ni Cathy ang asawa.

Naiinggit nang lihim si Brenda. Lalo na kapag sila ay naghahapunang sabay-sabay. Naroon din si Brenda na kasalo ng pamilya.

Minsan ay sinundo ni Ma’am Betty si Brenda pagka’t gabi na ay hindi pa umuuwi.

Naroon ang malakas na halakhakan ng pamilya. Nakita niyang masayang kasama sa katuwaan ang kanyang anak.

Kinabukasan wala na ang mga mesa ng mahjong sa kanilang bahay. Pinaganda ni Ma’am Betty ang buong bahay. Nilagyan niya ng altar sa sala. Naroon ang malaking krusipiho na regalo ng kapatid ni Maam Betty na nasa America. Katabi nito ay ang putting Biblia.

Ginandahan ni Ma’am Betty at nilagyan ng pala-muti ang sala at kainan. Nagkaroon ng biglang inspirasyon ang tatlong kapatid ni Brenda. Maaga nang umuuwi si Benjie.

Nakapasok sa wakas ang Panginoon sa tahanang iyon!



Kaibigan hulog ng Langit

by Bella Angeles Abangan

"The holy passion of friendship is of so sweet and steady and loyal and enduring a nature that it will last through a whole lifetime."

Ang sumulat ng maikling talata ay si Thomas Tusser. Naranasan niyang magkaroon ng kaibigan na dumamay sa kanya noong siya’y labis na nabigo sa kanyang pag-ibig at sa kanyang ambisyon.

Narito ang isang istorya tungkol sa dalawang magkaibigan na nagsimula noong sila ay nasa elementarya.

Maganda ang samahan nina Eloisa at Gladys.

Noong magkalayo ang magkaibigan ay nag-patuloy sila nang sulatan. Umuwi na sa Baguio ang pamilya ni Eloisa nang mawalan ng trabaho ang ama nito. Nagpatuloy ng haiskul sa Maynila si Gladys hanggang college.

Dumating ang panahon na kinukuha na si Gladys ng kanyang mga magulang. Kapag inabutan siya ng dalawampu’t isang taon ay hindi na siya makukuha.

Noong naghahanda si Gladys nang pagtungo sa America ay tumanggap siya ng sulat. Sinasabi sa sulat na darating siya ang kaibigan niya ng Linggo.

Ang liham ni Eloisa ay nagbigay kay Gladys ng malaking problema. Nagdadalangtao ito. Napikot ang ama ng bata. Ang naging desisyon ng ating maunawaing dalaga ay huwag nang tumuloy sa America. Naghanap siya ng mga katwiran kung bakit sa Pilipinas na lamang siya mananatili.
Sila ni Eloisa ang tumira sa malaking bahay. Ang kalahati nito ay pinaupahan ni Gladys.

Dumating ang panahon nang magluwal ng sanggol na lalaki si Eloisa.

Anong saya ng magkaibigan! Si Gladys ang naging ninang. Nagtatag ang magkaibigan ng isang negosyo na malaki ang kita – real estate.

Silang dalawa ang humubog kay Noel. Laging sinasabitan ng medalya si Noel. Hindi lamang isang karangalan ang nakakamit ni Noel. Kapwa umaakyat ng entablado ang dalawa dahil isa sa acedemic at ang isa ay best in extra curricular activities, best in writing at iba pa.

Noong maging ganap na doktor si Noel ay kapwa pasyente sila. Alagang-alaga ang kanilang kalusugan.

Naging maganda ang takbo ng buhay ng magkaibigan. Noong magbalikbayan ang pamilya ni Gladys ay malaking paghahanda ang salubong nina Gladys at Eloisa.

Pinaganda ng magkaibigan ang malaking bahay. Noon naniwala ang pamilya ni Gladys na maligaya ang kanilang anak. Ang nagpapaligaya kay Gladys ay ang kanyang mga spiritual activities na kanilang kayamanan.

No comments: