Sunday, November 26, 2006

Edad at Kasarian

Sa pananalita lang, marami na tayong mapupunang mapangmatang pagtrato batay sa kasarian at edad.

Pamilyar na ang uri ng diskriminasyon sa mga babae.

Matatandaan ang popular na komentaryong "Eh kasi, babae!" Kahit walang karugtong, napakarami nang kahulugan nito.

Sakop ng mga salitang ito ang paniniwalang mas mahina ang kasariang babae. At taglay din nito ang mga tipikal na paglalarawan sa kahinaan - papalit-palit ng isip, emosyonal sa halip na lohikal, mahina sa larangan ng teknolohiya at agham. Kaya naman madalas marinig sa kalsada ang komentaryong, "Babae kasi ang driver" kapag may palpak sa pagmamaneho.

Pero maliban sa kasarian, may iba pang anyo ng diskriminasyon batay naman sa edad. ‘Di marahil napupuna nang husto, pero nagiging natural na bigkasin ang ilang pananalitang nanghuhusga o nang-iinsulto sa matatandang babae. Tulad ng "wala nang asim" o "tuyot na" na kapwa patungkol sa paglaho ng kanilang sekswalidad.

Ang babaeng umabot sa edad 30 pataas at nananatiling dalaga ay binabansagan ng kung anu-anong nakaiinsultong pananalita. Napag-iwanan ng tren.

Matandang dalagang masungit at bugnutin. Wala nang ‘market value’ (‘di na makakaakit ng lalaki). Walang lalaking nagtiyaga kaya ‘di nakapag-asawa.

Lahat ng pangmamata’y tila nakaugnay sa pagkakaroon ng lalaki sa buhay ng babae. Para bagang ang pahiwatig ay ‘di kumpleto ang pagkababae kapag walang esposo o katipang lalaki. Pero ang lalaking binata sa katandaan ay ‘di dumaranas nito. Walang panlalait na kasing dalas ng ginagawa sa matandang dalaga. Maliban na lang sa kantyaw na ang lalaking edad 40 at wala pang asawa ay malamang ‘di tunay na lalaki. Pero mas madalas na positibo pa rin ang pagturing sa matandang binata. Pangunahin ang paghanga na malamang mayaman siya sa karanasan at higit na kanais-nais.

Sa aspeto naman ng edad, may mga palasak na pangmamaliit batay sa pagiging bata o matanda. Nariyan ang mga kasabihang "may gatas pa sa labi" o "marami ka pang kakaining bigas". O kaya ‘yung, "Papunta ka pa lang sa simbahan, pauwi na ako". Lahat ito’y paghusga sa bata na wala pang alam sa buhay at walang kakayahang makaunawa sa mga kumplikadong usapin.

Kung tutuusin din, ngayon ay maaring maghusga nang ganito. Marami nang pagkakataong ang mga bata pa nga ang higit na matino at may kakayahang mabuhay at makaraos sa mga pagsubok. Sila pa minsan ang nag-aalaga at "nagpapalaki" sa kanilang mga magulang.

Kapag matanda naman, may mga karaniwang pananaw na sila’y wala nang silbi. Masakit ang paglarawan sa kanila bilang ulyanin, pabigat at pasanin. Madalas rin, sila’y ‘di na binibigyan ng pagkakataong ipagpatuloy ang mga gawaing pinagsanayan na nila at nananatiling mahusay pa rin. Tulad ng pagtuturo o ibang hanapbuhay.

May ilang samahang pribado ang tumututok sa mga usaping ito at sinisikap na baguhin ang mentalidad ng mga tao. Layon ng mga itong patunayang nananatiling makabuluhan ang kanilang sektor at ‘di nararapat imaltrato o ituring na mas mababa ang estado sa buhay.

Lahat naman tayo’y dumaan sa pagkabata at hahantong din sa katandaan. Mga normal na yugto ng ating buhay ang mga ito kaya’t walang saysay ang diskriminasyon.

Wednesday, November 22, 2006

WHY EMPLOYEES LEAVE ORGANISATIONS ?

- Azim Premji, Wipro

Every company faces the problem of people leaving the company for better pay or profile.

Early this year, Arun, a senior software designer, got an offer from
a prestigious international firm to work in its India operations developing specialized software. He was thrilled by the offer.

He had heard a lot about the CEO. The salary was great. The company had all the right systems in place employee-friendly human resources (HR)policies, a spanking new office, and the very best technology, even a canteen that served superb food.

Twice Arun was sent abroad for training. "My learning curve is the sharpest it's ever been," he said soon after he joined.

Last week, less than eight months after he joined, Arun walked out of the job.

Why did this talented employee leave?

Arun quit for the same reason that drives many good people away.

The answer lies in one of the largest studies undertaken by the Gallup Organization. The study surveyed over a million employees and 80,000 managers and was published in a book called "First Break All The Rules". It came up with this surprising finding:

If you're losing good people, look to their immediate boss. Immediate boss is the reason people stay and thrive in an organization. And he's the reason why people leave. When people leave they take knowledge,experience and contacts with them, straight to the competition.

"People leave managers not companies," write the authors Marcus Buckingham and Curt Coffman.

Mostly manager drives people away?

HR experts say that of all the abuses, employees find humiliation the most intolerable. The first time, an employee may not leave, but a thought has been planted. The second time that thought gets strengthened. The third time, he looks for another job.

When people cannot retort openly in anger, they do so by passive aggression.
By digging their heels in and slowing down. By doing only what they are
told to do and no more. By omitting to give the boss crucial information.
Dev says: "If you work for a jerk, you basically want to get him into
trouble. You don't have your heart and soul in the job."

Different managers can stress out employees in different ways - by being too controlling, too suspicious, too pushy, too critical, but they forget
that workers are not fixed assets, they are free agents. When this goes on
too long, an employee will quit - often over a trivial issue.

Talented men leave. Dead wood doesn't.

Monday, November 20, 2006

Francisco Colayco Wealth Within Our Reach

Francisco J. Colayco relates the story of the female caller on his radio program. The woman has no savings to show for all the 23 years she had been working as an OFW in Hong Kong. It was the same story of hard-earned bucks being spent on new dresses, changing cell phone models, jewelry, good time.

"I told her if she cut her unnecessary expenses, she would have savings," recalls Colayco. Nine months later, the same caller would report P175,000 in savings, a typical story but with a happy ending on Colayco's radio chat.

Heartwarming was how this white-haired veteran of many a corporate battle described the episode. He was a professional manager up to the age of 40 before making the shift to being an entrepreneur. Now in his late 50s, he is facing his next big challenge: changing a mindset among OFWs and tapping their earnings to make them save for their future.

"I want to generate a mindset epidemic among the expatriates and even among small-income earners here. I want Filipinos to imbibe an appreciation of laying money in store for the future," Colayco tells Planet Philippines in an interview.

It was his interaction with listeners on his Saturday radio program (simulcast to Hong Kong from the RMN station in Metro Manila) that spurred Colayco into compiling his callers' experiences and his insights in book form. The result is "Wealth Within Your Reach: Pera Mo, Palaguin Mo," a 232-page tome now on it sixth printing in just over one year, a rarity in local publishing.

"I have always believed in sharing," writes Colayco in the foreword. "Sharing thoughts, experiences, discoveries, news." Having lost his father when he was barely four months old (father Manuel Colayco, a guerrilla leader, died liberating the UST concentration camp from the Japanese in 1945), Colayco knew what it was to be the beneficiary of kind and generous souls who helped his mother put him and six other children through school (in his case the Ateneo de Manila, where he earned his AB in Economics and MA in Business Management).

Colayco's own wealth of experience began to pile up when he managed a local construction and shipbuilding firm and turned it by the early 70s into the first Filipino service contractor to do business in the Middle East. After ten years and several other firms later, he capped his stint as a professional manager by becoming president and CEO of the international arm of one of the largest Philippine conglomerates at the time, First Philippine Holdings Corp.

Since turning self-employed in 1984, Colayco has had his shares of successes and failures, distilling lessons along the way. For the past two years, what he now considers his personal advocacy has been to reach out to the OFWs through his radio program, sharing his thoughts with ordinary workers and small business owners eager to learn how they can keep earnings or make them multiply.

He set up the Kalayaan sa Kakapusan Movement to reflect his advocacy. In November 2003, KsK held its first seminar on personal finance in Hong Kong, with 400 paying participants showing up. "For four hours I lectured at walang tumatayo (no one took a break)."

Colayco believes most everyone is driven by the desire to earn money. "Yet how many have real understanding of how to keep and manage money?" he asks.

Taking the case of OFWs, he notes how they tend to change lifestyles as soon as they draw their first pay checks. "They are unprepared for the sudden abundance," he laments. Mention to them the need to save, or the meaning of financial planning, and what comes to their mind is something that is complicated, something for the experts.

He continues: "People do not seriously understand why they should save, what they should do. Fifty percent of OFWs don't have savings. They have barely any idea how they should prepare for the future."

Some venture into business but ask the wrong people for advice, often a favorite relative or a friend with his own agenda. Financial literacy, the simple way, is what Colayco hopes to instill in them.

"The sad fact is that 85 percent of start-up business ventures end up as failures," he notes and ticks off some examples he has encountered in the course of his radio program and seminars.

"One OFW put his meager savings into buying a tricycle, failing to reckon with the fees for permits, association dues and other expenses. Another placed her savings into a supposed bakery in her hometown, only to find out upon returning to the country that the business was not running. She went back to being an OFW to recover her losses."

One OFW he had counseled was sending 90 percent of her earnings to relatives back home to meet their needs. "I advised her, your first obligation is to yourself," recalls Colayco. "Don't foster mendicancy by your relatives." For the last nine months, that OFW has been sending only 30 percent of her savings. " Mayroon bang umangal (Did anyone complain) ? I asked her and she replied, ' Wala po (No one).'"

The launch of his book in June 2004 led to more requests for him to conduct seminars, especially from corporations. "Recognition came from sectors I did not expect -- banks, some of the top 500 corporations. Tinamaan kami (We were affected), they told me. They needed an awakening among their own employees, how they can supplement their incomes while staying with the company."

He found a lot of interest, too, among ordinary people who wished to multiply their savings. He admits that mantra is easier said than done. But as a start, he advises people about being financially literate -- knowing and understanding what one wants for himself and how to match his resources to meet future wants.

"I tell them, even an employee can look at himself as 'You, Inc.' Financial independence does not mean having so much money and assets. It is simply having the means to maintain the lifestyle one chooses to have without having to actively work," Colayco explains.

He writes: "If you are to become financially independent, you will have to accumulate earning assets or investments that will generate earnings and allow you to maintain your current level of lifestyle by the time you retire. You need to plan for it."

No lotto or pyramid schemes for Colayco. But treasury bonds or high-earning financial instruments are sure things for him. "It is easier to earn money than to keep it," he enthuses.

Colayco admits to having been remiss himself in his business ways before he came up with his advocacy. "I was impulsive. I did not look at the negatives of projects I went into. I was not personally involved in some. Nasama lang . (I just went along). Kaya ko (I can do it), I would tell myself."

In the late 80s, he guaranteed the loans for a major project with some partners. " Nag-coup si Honasan and the project went down. Because of my guarantees on the loans, I had to do a lot of sacrifice like selling some of my investments that were doing well."

Those experiences, he says, taught him valuable lessons in managing personal and corporate finances. Asked if social or political factors are a deterrent to what he is advocating, he replies: "If all of us will feel disheartened, walang mangyayari sa ating bansa "(nothing will happen to our country).

Ultimately, it boils down to the individual: his willingness and his discipline. "Understand yourself. If you are not seriously or personally committed to something, nothing will come out of it. Have the passion. Your heart must be in your venture."

These days, Colayco busies himself running the Colayco Foundation for Education and the Kalayaan sa Kakapusan Multipurpose Cooperative which he incorporated in the Philippines to avoid conflict with the laws of the OFWs' country of employment. He is into a sequel to his book that will contain specifics on how to 'grow' your money.

"My wish is for an OFW to return home not to a failed investment or another round of job-hunting but to a place in a company owned by his own cooperative."

Small loans to poor can change the world, says Nobel winner

WASHINGTON (AFP) - Declaring credit a human right, Nobel laureate Muhammad Yunus said on Monday that the successful micro-lending bank he launched in his native Bangladesh showed wiping out world poverty was a goal within reach.

Yunus said Grameen Bank's miniscule loans to the destitute have allowed people to launch their own small businesses and lift themselves out of poverty without any massive infusion of outside aid.

"Poverty is an artificial creation of a system. Poverty is not in the person," Yunus said in a speech in Washington.

The economics professor was awarded the Nobel Peace Prize last month jointly with Grameen Bank, which began with a loan of 27 dollars and now lends nearly a billion dollars a year to the poorest of the poor.

"Fifty-eight percent of Grameen borrowers have moved out of poverty, and every year, every month more and more people are getting out of poverty," Yunus told an audience at the National Press Club.

"If people can do business and get out of poverty, what happy news for the whole world," he said. "We can create a world completely free of poverty."

He said conventional financial institutions and services were closed to most of the world's population, depriving people of a means to help themselves.

"Credit should be accepted as a human right," Yunus said. "Human beings are very creative beings. All kinds of creativity and ingenuity is built into the person," he said. And micro-credits were about "unleashing that creativity."

Yunus set out to help the poor after famine struck Bangladesh in the 1970s, shaking his assumptions about economics.

"I started to dread my own lectures," Yunus wrote in his autobiography, "Banker to the Poor". "What good were all my complex theories when people were dying of starvation on the sidewalks and porches across from my lecture hall?"

After learning that 42 people in the nearby village of Jobra were locked in deep poverty for want of 27 dollars, Yunus eventually established a bank that lent small sums of money at modest interest rates without demanding collateral in return.

Now the bank has close to seven million borrowers and has expanded its services, including education and pension funds as well as loans, to street beggars.

Yunus said the bank's wide reach has helped reduce poverty in Bangladesh and that by 2015, the country would likely meet a United Nations goal of cutting poverty in half. According to a recent joint study by the World Bank and the Bangladeshi government, the proportion of poor fell to 40 percent from 49 percent in the past five years.

Yunus reiterated his recent criticism of the World Bank, saying it should focus projects more on empowering local communities instead of channeling aid through governments. But the World Bank says it is committed to micro-credit projects.

While the idea of micro-finance had received widespread attention previously, the Nobel prize has given Grameen Bank's work a whole new level of interest and publicity, Yunus said.

"I am amazed at what one recognition of that nature can transform everything overnight," said Yunus, who earned a doctorate in the United States.

He said he was especially pleased that the Nobel prize had linked the fight against poverty to peace efforts. "This is one message that kind of gets lost ... that poverty is a threat to peace," he said.

The Grameen Bank provides an example of what Yunus called a new category of "social business", a venture designed to address a social problem while generating no dividends but no losses either.

"The present narrow view of business has to be expanded. You can have two kinds of businesses, one is business to do good to people and the other is to make money."

Thursday, November 16, 2006

"Utang"

Itinanghal ng Probe
Oktubre 25, 2006

Natural daw sa tao ang may utang -- pero paano kung nabaon at hirap nang makabayad? Paano nga ba tayo makakaahon sa utang?

Pabor man na ipinagkaloob o materyal na bagay na tinanggap, walang taong walang utang. Madalas, sa materyal na utang nagkakaroon ng problema tulad ng naging karanasan ni Connie Sitac.

“For me kasi ang pera dumarating tapos talagang ginagastos lang,” ani Connie.

Ito ang tingin ni Connie sa pera. Mayroon dalawang anak at nangungupahan. Umaabot ng P40,000 kada buwan ang kita nilang mag-asawa na kapwa empleado. Hindi raw pumapasok sa isip niya ang pagbabadyet

“ 'Di ako nagkaroon ng financial background of how to manage your finance. Basta may kailangan ako, kung may gusto akong bilhin, kahit mas malaki pala ‘yung ginagastos ko kesa kinikita,” ani Connie.

" 'Pag may kulang siyempre mag-go into credit card ako,” aniya.

Lima ang credit card ni Connie.

“Parang status symbol siya. Parang ang sarap mamasyal sa mall kasi ‘pag may nagustuhan ka, madali mo siyang mabibili. Tapos ano siya… ginamit ko siya parang cash eh. ‘Yun ang purpose niya, pinambibili ko siya sa lahat ng gusto ko though ‘di ko naman nababayaran. So kahit ‘di mo kailangan bumili ng bag, may shoes ka. ‘Pag nakita mo pang sale mapapadaan ka,” kwento ni Connie.

Tuwing darating ang credit card bill, nagbabayad si Connie kung magkano ang kaya niyang halaga.

“Nangyari na ‘di ko naman na-track kung magkano na ang balanse ko dun,” aniya.

Nagpatong-patong ang utang ni Connie. Kung magkano ang talagang inutang, hindi na niya alam. Parang sa interes lang napunta ang lahat ng ibinabayad niya.

Dito na nagsimulang magkaroon ng problema si Connie. Tinatawagan at sinusulatan siya ng mga kompanya ng credit card. Umabot ng P120,000 ang utang niya.

“Naalarma ako kasi nung kinompute ko siya isipin mo saan ka kukuha ng P120,000 na monthly nagku-compound ‘yun so habang ‘di ko siya na-pay off lumalaki siya, ‘yung dapat kong bayaran,” ani Connie.

Mayroon pang mga utang si Connie sa ibang tao. Sinimulan niya itong unti-unting bayaran pero naging prayoridad niya ang utang na umaani ng interes -- ang kanyang mga credit card.

“For a month meron na kong pambayad ng utang tapos lahat ng sobra binabayad ko pa. I checked ‘yung bahay namin kung may gamit na ‘di ko naman kailangan sobra-sobra pwede ko siyang ibenta for my other living expenses or pambayad ng utang,” ani Connie.

Sa libro ni Francisco Colayco na “Making Your Money Work,” ang pinakamahal na utang ay ang credit card loan. Kung may utang ka ng P37,000 na may 3.5 porsyento na buwanang interes at ang kaya mong bayaran ay P2,000 lamang kada buwan, tatlong taon bago mo matapos ang pagbabayad ng utang. Ang kabuuang naibayad mo ay P60,627 o P23,672 para sa interes lang.

Hindi hamak na mas malaki ang utang ni Connie kumpara sa halimbawa ni Colayco. Habang nagbabayad, nadadagdagan pa rin ang utang niya dahil sa interes.

Halos makuba si Connie sa bigat at hirap ng pagbabayad ng utang. Ni hindi na raw niya matikman ang bonus at sobrang kita. Tatlumpung porsyento ng sweldo nilangg mag-asawa ay napupunta sa pagbabayad ng utang. Mabilisan daw ang kanyang ginawang pagbabayad para hindi na lumaki ang interes nito.

Binantayan na ni Connie ang gastos ng kanyang pamilya sa araw-araw. Wala raw silang binibiling extra. Madalas na ang dalawang beses sa isang buwan na pagmu-mall ng pamilya. Kailangan buso na sila bago mamasyal.

“The whole household talaga ‘yung nag-uusap kung papano namin pagkakasyahin ‘yung budget. In-itemize ko ‘yung mga dapat na bilhin kahit na ‘yung sabong powder kina-calculate ko kung gaano ko mauubos,” ani Connie.

Ayon kay Dennis Erasca, isang sociologist, hindi lang si Connie kundi milyong Filipino pa ang may matinding problema sa utang.

“Kung ikakabit natin ‘yung konsepto ng pangungutang ang Pinoy kasi nangungutang dahil malaki ang kanyang pangangailangang material. So kahit anong culture naman ganyan ang pwedeng gawing explanation, so kaya ang Pilipinas pwede nating sabihin na sa kahirapan kaya may mga taong tinatawag nating nababaon sa utang,” ani Erasca.

Sa paraan ng paggamit sa perang hiniram daw nagkakaiba ang mga nangungutang

“Sociologically speaking, ang problema raw ng mga Filipino ‘pag umutang sa kanya ng pera ‘yung propensity to pay way back mawawala. Worst ‘yung perang inutang napupunta sa consumption na ‘di lumalago. Para sa akin, you want to consume, borrow pero gamitin mo sa lalago,” ani Colayco.

Ilan sa mga ipinapayo ni Colayco ay ang pamumuhunan sa negosyo o paglalagay ng pera sa bangko.

“Walang utang na masama eh. Ang problema sa atin ‘yung mindset. ‘Pag umutang ako sa ‘yo ‘yung perang nakuha ko na in my mind akin na eh. Kaya ang laki ng incidents of nonpayment,” dagdag ni Colayco.

Walang gaanong alam si Connie pagdating sa paghawak ng pera.

“All of us are obligated to really uh... take care of our finances. Dapat pala alam mo kung nasaan ka eh. So nung nalaman ko na nasaan ako dun ako nag-start. ‘Yun ang naging first move ko. Nalaman ko na ang dami-dami ko palang utang. I’m spending more than I’m earning,” ani Connie.

“I call it invest debt. Kung gusto mong magpalago bayaran mo ‘yung utang mo. Halimbawa apat na credit cards ang pinagkakautangan ko ‘yung isa P200, ‘yung isa P400, whatever uunahin ko yung ‘madali ko i-zero dahil pag nai-zero ko ‘yung isa meron akong success eh. Ngayon susundan ko uli ‘yun pero ‘pag inuna mo ‘yung pinakamataas at ‘di mo nakaya ‘di mo na itutuloy,” ani Colayco.

Huli na nang maisip ni Connie na kailangang sabayan ng pag-iipon ang paggastos.

“Dapat mag-save muna. I mean ‘yung savings unahin siya as part of the expense. Kasi ‘di ba tayo, inuuna natin kung ano matira ‘yun ang isa-save natin eh definitely ‘pag may natira marami kang maiisip na gastahin,” paliwanag ni Connie.

“Kapag wala, ‘di nag-iipon talaga, nangungutang. ‘Yun ang trend eh. ‘Pag wala, nangungutang. ‘Pag meron its either nangungutang or nag-iipon. So ‘yung utang present dun sa wala at meron. Pero ang pagse-save nandun sa meron pero wala sa walang pera,” ani Erasca.

“Wala naman magic sa pera eh. It all goes down dun sa pwede mong itabi. Ngayon kung sobrang liit ng kita mo, siguro sabi nga nila in finance follow the money and ‘yung mga nakakausap ko even the small folks ‘pag sinusundan nila ‘yung ‘san nagagastos ‘yung pera kahit papano meron silang nakikita na ten percent. Nagagastos sa ‘di naman kailangan, discretionary. Sabi nga nila pambili ng magazine tapos chewing gum paglabas ng LRT, bili dito bili doon. Kahit papaano may natatapon,” ani Colayco.

Hindi raw kailangan ang malaking halaga sa pagsisimula ng pag-iimpok.

“I started as low as two percent. Talagang kung anong kaya ko pero nandun ‘yung action na kailangan ko mag-save,” ani Connie.

Mga bagay na dapat isipin sa pag-iipon:

· Piliin ang antas ng pamumuhay na kaya mong tustusan

· Bumili lang kapag talagang kailangan, ngunit bilhin ang pinakamahusay na kaya ng inyong bulsa.

· Alamin kung papano ka makakatipid sa ibat ibang paraan

Simulan mo na ngayon!

Simple lang ang dapat isipin sa pag-iipon – piliin ang antas ng pamumuhay na kayang tustusan, bumili ng mga bagay kapag kailangan lamang, alamin kung papano ka makakatipid sa tubig, kuryente at iba pa at ang higit sa lahat, dapat itong simulan ngayon.

“The reality is the number. Once an emergency can hit you for sure typhoon Milenyo, masira ang bahay n’yo saan ka kukuha ng pang-repair? ‘Pag hindi ka naghanda, mawalan ka ng trabaho at the age of 55, magsarado ang mga magbibigay ng pension ng separation pay but that’s not enough ngayon ang life span natin ay ‘di 65 we can survive up to 75, nag-retire ka ng 50 to 60 in 16 years sa’n mo kukuhanin ‘yung panggastos?” paliwanag ni Colayco.

“Pina-plan ko na ‘yung expenses ko. I’ll use my card kasi ‘yung cash ko kumbaga nasa bahay lang or nasa bank,” ani Connie.

Ang kagustuhang makapag-impok at magbabayad ng utang ay dapat daw simulan sa ating sarili.

“Dapat lahat ng tao obligation nila ‘yun sa sarili nila, not for anybody, for themselves,” ani Connie.


"Ninegosyong edukasyon?"
Itinanghal ng Probe
Setyembre 27, 2006


Kailangan ba ang pre-school para maihanda ang mga chikiting sa Grade 1?

Parang kabuteng nagsulputan ang mga preschool sa iba’t ibang lugar. Marami rin ang reklamo rito. May mga nagtatanong, negosyo ba ito o serbisyo? Gaano nga ba kahalaga ang preschool eduation?

“Sumulat ako formally to request and ni-raise ko din ‘yung mga ilang concerns ko unang- una ‘yung mga materials na supposedly dapat nakukuha at nabayaran na namin ay ‘di pa nabibigay,” ani Jennifer Malonzo, ina ng isang pre-school pupil.

Uniporme at ID ng anak na si Nicole, isang nursery student sa Santol Learning Center, ang inirereklamo ni Jennifer. Kasama ito sa P9,200 na isang taong tuition na binayaran niya sa pre-school.

“Agosto na ‘yun ‘di pa nabibigay at bayad na kami sa mga materials na ito,” aniya.

Nang magpadala ng liham si Jennifer sa may-ari ng eskwelahan, saka lamang naibigay ang mga gamit. Pero ito lamang ang natugunan sa kanyang mga hinaing.

“Itong pinapasukan ng anak ko ay private siya, dahil pre-school siya dapat merong playground na malapit na space lang for the children to play ‘di ba? Wala ‘yun. So paglabas mo ng classroom na actually parang maliit na sala lang siya ng bahay na kinonvert sa classroom, paglabas mo gate ka na. Road na ‘yung ando'n at dahil maliit lang ‘yung room wala silang educational facilities. Halimbawa wala masyadong mailagay eh desk lang…hindi chairs lang tsaka ‘yung table ng mga bata ‘yun lang kasya tsaka ‘yung board,” reklamo ni Jennifer.

“Pinalampas ko na nga ‘yung grammar lapses ng teacher. Kahit nga ‘yung class ng anak ko ay six students lang sila or five lang yata kasi umalis na ‘yung isa ay cramped pa rin siya. ‘Yung teacher kailangan na ilabas pa ‘yung lamesa sa labas ng classroom para magkaroon ng space to move around,” dagdag ni Jennifer.

Maliit nga pero...
Aminado si Gng. Honorata Baquiran, may-ari ng learning center, na maliit ang espasyo ng kanyang pre-school pero iginiit niya na hindi sakop ng space requirement ng Department of Education (DepEd) ang kanyang eskwelahan.

Binigyan ng DepEd ng moratorium o palugit si Baquiran para makasunod sa kanilang pamantayan.

“In the next five years she has to comply with the requirements, that’s the only time she will be given recognition,” ani Teresito Inciong ng Bureau of Elementary Education ng DepEd.

Ang Bureau of Elementary Education ng DepEd ang nagbabantay at nagbibigay ng permit para makapagpalakad ang mga preschool.

Ilan lamang sa dapat nilang sundan na pamantayan mula sa DepEd ay:

Ang bawat guro ay may kasamang teacher aide. Di lalampas sa dalawampu’t limang estudyante and hahawakan nila.

Ang laki ng eskwelahan ay dapat di baba sa 500 square meters. Pero sa National Capital Region, 300 sq. meters lang. Pero di pa rin ito nasusunod.

May 48 taon nang nakatayo ang pre-school ni Gng. Baquiran. Sumunod daw ito sa pamantayan ng organisasyong National Federation of Women’s Clubs (NFWC), isang samahan ng mga babae na nagpapalakad sa kulang-kulang na 50 preschool sa bansa.

Pinabulaanan naman ng NFWC na may permisong nakuha ang eskuwelahan ni Gng. Baquiran sa kanila. Iba rin ang resibong ibinibigay ng learning center kay Jennifer -- walang tatak ng NFWC.

Kinumpirma ng NFWC na guro nila si Gng. Baquiran at iniimbestigahan na ang nasabing eskwelahan. Marami raw nalabag na regulasyon ang eskwelahan ni Gng. Baquiran.

“Dapat masasara na siya kasi that does not comply with the requirements,” ani Inciong.

Kwento ni Florencio "Butch" Abad, dating kalihim DepEd, hindi raw nasusubaybayan ng kagawaran ang lahat ng mga paaralan, lalo na ang mga preschool.
May sariling mundo?
“Sa totoo lang, hindi saklaw ng DepEd ‘yung pre-school eh. May sariling krisis ang DepEd. Hindi kayang pangasiwaang mismo ‘yung mga grade one to high school. Dapat talaga ang nangangasiwa diyan ‘yung mga LGU pero ‘di nga kaya. Sa regulasyon napunta sa DepEd ‘yung regulasyon ng pagtatayo at pagsasara ng preschools pero dahil nga sa dami ng… sa laki ng saklaw ng DEpEd, dami na siguro mga 19 million students, 5,000 high schools and so many thousands 42,000 elementary schools hindi na kakayanin ‘yung marami pang preschools,” ani Abad.

Pero may mas nakapagtatakang aspeto sa isyu ng preschool – hindi raw ito kailangan para makatuntong ng Grade 1 ang isang mag-aaral.

Tumatak sa isip ng mga magulang na kailangang ipasok ng pre-school ang mga bata upang payagang makatuntong ng Grade 1. Pero ayon sa Department of Education hindi ito isang rekisito.

Kadalasan sa mga pribadong paaralan, para matanggap sa Grade 1, hinahanapan muna ang mag-aaral ng patunay na dumaan sila sa pre-school. Pero pwedeng pumasok agad ang bata sa Grade 1 na hindi dumaan ng pre-school -- ito ang pinapairal sa mga pampublikong paaralan. Wala raw hawak ang DepEd sa mga pribadong paaralan na kailangang dumaan sa pre-school ang bata.

May programa o curriculum ang DepEd para sa mga batang diretsong Grade 1 agad.

“Meron kaming eight-week curriculum, kumbaga unang dalawang buwan ng Grade 1 na ang binibigay namin ay preschool experience. Mga readiness activities: How to color. Papano mag-identify ng hugis, laki, colors sizes and shapes.

“Malaki talaga ang agwat nung …’yung 'dapat,' saka ‘yung 'umiiral.' Magandang patakaran ‘yung 'dapat' eh pero walang kahandaan upang gawing lahat, ano sa lahat.. isipin mo taun-taon nadadagdagan ng tatlong daang libo ang mga preschoolers na nagiging grade 1,” ani Abad.

Naglabas ng isang Executive Order noong 2004 para isama ang pre-school sa bahagdan ng edukasyong dapat kunin ng bata. Nakikita nila itong solusyon para mapataas ang kalidad ng mga estudyante sa bansa.

Nagsulputan ang mga pre-schools. Nagmahal din ang mga tuition fee. May umaabot sa P90,000 o higit pa na tuition fee sa pribadong pre-school.

Mula sa 10,776 na eskwelahan na may pre-school noong 2004 lumobo sa 12, 989 ang eskwelahang naghahain ng preschool ngayong taon.

“Parang nagiging negosyo na ‘yung pre-schools. It’s a lucrative business. Pwede niyang sabihin na kung ‘di ka satisfied dito lumipat ka, pero ‘yun nga karapatan kong i-demand na ibigay n’yo kung ano'ng ‘yung dapat. Responsibilidad ng school na ibigay niya kung ano’ng tama kasi kung hindi dapat, sana ‘di na lang siya nag-operate ‘di ba? From the start kung ‘di rin pala niya maibibigay ang tamang serbisyo,” ani Jennifer.

Serbisyong kulang
Wala ring kontrol and DepEd kung magtaas ng tuition fee ang pribadong pre-school. Pagdating naman sa curriculum, maaaring magdagdag ang mga pribadong pre-school basta sundin ang basic curriculum na binibigay ng DepEd.

“Reading readiness. Kumbaga marunong ka nang mag-identify ng alphabet. Letters, marunong ka nang magbilang. Natututo silang maging handa para sa susunod na serious ‘yung Grade 1,” paliwanag ni Inciong.

Ayon kay Abad, hindi sapat ang pag-iisyu ng isang executive order para sundin ang gustong patakara na ipatupad ng pamahalaan. Parang ganito ang nangyari sa utos na inilabas noong 2004.

Sa Kamara ng mga Representante inihain ang House Bill 5495 o ang Pre-school Education Act of 2006. Layon nito na magkaroon ng ahensyang magbabantay at magbibigay ng mahigpit na polisiya sa mga preschools. Marami na raw kasing ‘di sumusunod sa mga regulasyon ng DepEd.

“Meron namang pamantayan na ginawa, pero kung iasa ‘yung halimbawa ‘yung pangmamatyag dun sa mga preschools na tinatayo ng DepEd palagay ko di mapapangasiwaan ng mabuti itong paglaganap ng mga preschools. ‘Yung mismong sinasaklaw nilang dami ng estudyante sa eskwelahan ng elementary at high school mahihirapan nga sila. Mas mahihirapan kasi lalung-lalo na para sa administrative officials ng DepEd. Dagdag trabaho ‘yun eh hindi naman talaga kasama ‘yun sa trabaho nila. So, maaasahan mo na ‘di mangyayari talaga,” ani Abad.

Dapat daw plantsahin ang gusot sa pagpapatakbo sa mga preschool.

“Kailangan pa rin talaga ang pre-school kasi nakikita natin sa ngayon marami sa ating mga estudyante hindi handang pumasok sa Grade 1 or ‘di kaya naman marami ang hindi pumapasok sa grade 1 nasa labas ng sistema,” ani Abad.

Gusto ng gobyerno na pormal nang gawing bahagi ng basic education ang pre-school gaya ng elemetarya at high school, na sa Konstitusyon natin ay libreng binibigay ng pamahalaan, ganun din dapat ang preschool.

“You’re rendering a service, education. Tapos binabayaran ka naman. Dapat ibigay mo ‘yung adequate service sa batang i-enroll sa school. Kaya din naman nagpo-proliferate ‘yung mga private kasi wala naman public ‘di ba? So ‘yung parents mapipilitan na dalhin ‘yung mga anak nila sa private schools so isang puna din ‘yun sa gobyerno na wala rn siyang… mag-e-encourage siya ng pre-school pero ‘di naman nagpu-provide,” ani Jennifer.

"Storytelling"
Itinanghal ng Probe
Oktubre 11, 2006

Hindi na raw pinapansin ngayon ng kabataan ang mga aklat lalo na ang pagbabasa kaya isang grupo ang nagtayo ng libreng aklatan para sa mga bata. Hindi kaya masayang ang pagod nila? Tunghayan ang kanilang kahangahangang istorya.

***

Sa kalye Mendoza sa Barangay Paltok, Quezon City, karaniwang tahimik at mangilan-ngilan lang ang nagdaraan. Pero tuwing Sabado ng 10 a.m., ang mga bata ay tila nagpipyesta.

Isa lang ang kanilang hinihintay: ang pagbubukas ng bahay-aklatan. Maging mga magulang, lolo’t lola, natutuwa sa pagpasok ng mga bata sa aklatan

Ang kinasasabikan ng mga bata ay ang storytelling session.

Minsan may iba’t ibang grupong bumibisita sa aklatan para magkwento sa mga bata

“Masaya pala makatulong sa iba lalo na ‘yung mga bata na gustong makarinig ng kwento at nahihikayat pa silang bumasa,” ayon sa isang kinatawan ng grupo.

Pati ang Probe ay nahikayat na ring magbasa ng istorya sa kanila.

Uhaw na uhaw ang mga tsikiting sa pakikinig ng kwento.

Isang lumang bahay sa Barangay Paltok ang aklatan. Itinayo ito ng organisasyong Eduk. Inc sa panungunguna ni Troy Lacsamana na dating librarian.

“Gusto po naming i-promote ‘yung reading at i-involve ‘yung community sa pag-establish ng library,” ani Troy, executive director ng Edukasyon Para Sa Kinabukasan Inc.

Nakakaalarma raw kasi ang sitwasyon ng mga kabataan ngayon pagdating sa pagbabasa.

“Nakakatuwa po yung interaction pero nalulungkot kami na ‘yung Grade 6 ‘di ganon ka…’di sila marunong magbasa in English and in Filipino,” ani Troy.

“Kasi ngayon puro TV lang po. Nagiging tamad na ‘yung bata na mag-aral. Mas maganda po kasi ang sources galing sa libro kasi parang tinuturuan mo ang sarili mo na magsikap na mag-aral,” aniya.

Malaking tulong sa mga kabataan ng Barangay Paltok ang maliit na proyektong ito

“Nagkakaroon po ang mga bata ng interes na magbasa, nakiki-participate po siya sa mga activities, nagiging open-minded po siya unlike nasa labas po sila at naglalaro lang,” anang isang nanay.

“’Pag nag-spend ka ng twenty minutes everyday sa mga bata maganda ‘yung effect. Nag-eenjoy sila eh dapat naman ganon para ma-expose sila sa reading,” ani Troy.

Isang taon na ang aklatang pambata sa barangay. Simula pa lang raw ito ng misyon ng grupo.

“Ginagawa naming mas involved talaga ‘yung parents. Sila na po talaga ang mag-manage ng library para naman kami po punta na kami sa ibang lugar kung saan kami kailangan para magtayo ng library,” ani Troy.

Sa pagsasara ng aklatan pagkatapos ng storytelling, ang karunungan at sayang naidulot nito sa mga bata ay malaking bagay para kina Troy.

Para sa mga bata, muli na naman nilang hihintayin ang pagbubukas ng aklatan sa susunod na Sabado.

"Uhaw"
Itinanghal ng Probe
Agosto 9, 2006


Ulat ni Ricky Carandang

Marumi na, kulang pa. Ito raw ang sitwasyon ng tubig dito sa ating bansa. May solusyon pa ba sa ating problema o tayo ang tunay na problema?

***
Papaano ba tayo makakasiguro na malinis ang tubig na iinumin natin?

“’Yung source ng tubig maaaring ma-contaminate ‘yan kung malapit sa mga poso negro, sa tubig-baha, malapit sa basurahan,” ani Joselito Regio de Dios ng Water and Sanitation Division ng Department of Health.

“Kung merong butas, may mga leak dun sa ating mga tubo, pwedeng pumasok 'yung contaminants, ‘yung tubig-kanal,” ani Jun Gomez ng Maynilad Water.

“Lahat naman tayo di nakakasiguradong malinis yan eh,” anang residenteng si Amy Catamora.

Sa tubig umiikot ang buhay ng pamilya ni Amy. Nabubuhay ang apat niyang anak sa P100 kita mula sa pagtatahong at pangingisda. Pero sa mismong bahay nina Amy, wala silang tubig. Bumibili pa sila tubig sa kapitbahay.

“Jug po, ano, limang piso. Tinitipid ko na ‘yan sa maghapon,” ani Amy.

Nagmula raw sa NAWASA ang tubig na iniinom ng pamilya ni Amy. Malinaw naman kaya hindi na nila pinapakuluan.

“Kapag hindi masama ang panahon, ‘di na ako nagpapakulo pero ‘pag ganyan, bagyo, talaga na nagbabaha diyan, nagpapakulo ako kasi Malabo. Halimbawa nga po naumpisahan na’yan ganyan may nagtatae o mababalitaan naming dito sa barangay na uso daw ngayon ‘yang nagtatae. Uso ‘yung sakit ng tiyan. Ito nga lang nakaraan, ito lang isang linggo lahat kami masakit ang tiyan, nagtatae,” ani Amy.

Ating alamin
Para alamin, kinumbinse ng Probe si Amy na ipasuri ang kanilang tubig. Bumili ang grupo ng pangsuri ng tubig. Sa loob ng bote, may isang klase ng papel na kung tawagoin ay “media.” Ito ang kinakain ng coliform bacteria.

Malalaman daw kung marumi ang tubig kung may coliform bacteria. Ito ang mikrobyong nanggagaling sa dumi ng tao at hayop.

Nag-ikot ang Probe sa iba pang bahay para makumpara ang kalidad ng tubig sa iba’t ibang lugar.

“Kung mayroon nga po siya ng coliform or ng e-coli nga po magte-turn into black siya,” ani Gina Lea Andres ng Aqualab Water Specialist.

Sa tatlong “sample” ng tubig na ipinasuri sa Aqualab, ang tubig galing sa bahay nina Amy ang may coliform bacteria.

“Ang tawag po naman diyan is charcoal black na kulay. Naglalaman na po talaga siya ng dumi ng tao o hayop,” ani Andres.

Bago pa man lumabas ang resulta ng pagsusuri, parang alam na ni Amy kung ano ang resulta.

Hindi na raw niya alam kung saan pa kukuha ang kanyang pamilya ng tubig na iinumin.

“Araw-araw nand’yan ang pagmumukha ko sa balon, sa poso. ‘Pag Malabo ang balon, sa poso ako pupunta,” ani Amy.

Kulang na kulang
Base sa pag-aaral ng World Bank, 35 porsyento ng mga Pilipino na tulad ni Amy ay walang napagkukunan ng tubig sa sariling bahay, 65 porsyento naman ay walang makuhanan ng malinis na tubig.

“’Yung mga tao takot na sa pag-inom ng direkta dun sa gripo. Kasi nga naiisip nila na meron ka nang access ng ganitong waterworks eh nagkakaroon pa ng ganitong sakit. Kaya dito parang nawalan sila ng kumpyansa dun sa tubig na nanggagaling sa gripo,” ani de Dios.

“Dapat po kasi ‘yung galing sa planta isa lang ang quality niyan, potable po ‘yan ‘pag nangggaling sa palnta. Ibig sabihin niyan ‘pag naging iba ‘yung quality niyan nagkaroon na siya, meron po sigurong leak yung tubo,” ani Gomez.

Sa Philippine Standards for Drinking Water, nakapaloob ang mga pamantayan na dapat sinusunod ng mga planta ng tubig upang masigurong ligtas ang iinumin ng tao. Pero minsan hindi raw maiiwasang may mga gustong makalamang.

“’Yung tubo po sa ibabaw ng kalsada dahil binubutas po ng mga tao gusto nila ng libreng tubig. Ang nangyayari po dun eh libre nga ang tubig mo ‘pag iinumin mo magkakasakit ka,” ani Gomez.

Bunga ng pangambang hindi ligtas ang tubig sa gripo, nauso ang bottled water. Pero hindi rin daw nakakasisigurong malinis ito.

“Hindi rin po. Kasi ang quality po ng mga ganyan ay is potable water quality. ‘Yung Philippine Drinking Water Standards din ‘yan kaya lang ‘yung treatment nila ‘di rin maayos, minsan positive din sa e-coli, sa mga bacteria kaya titignan din po niya kasi may mga lisensya po ‘yan na gina-grant ng munisipyo,” paliwanag ni Gomez.

Hindi na nga sigurado na malinis ang ating tubig, mayroon pang pangamba na mauubos ang supply nito.

“[The] Philippines is losing 1.3 billion [cubic liters] a year due to water pollution. So dapat malaki pa ang dapat i-address dahil ‘di nga conscious ang mga tao sa importance, sa pagkaimportanteng tubig,” ni Dr. Olivia La'O Castillo, miembro ng Advisory Board Member-Water and Sanitation ng United Nations.

Taning sa tubig
Sa Maynila pa lang, may takot na ang mga water company na darating ang panahong hindi na kakayanin na suplayan ng tubigt ang lumolobong populasyon.

Sa pagtataya ng mga experto, pagkalipas pa ng dalawa hanggang tatlong taon ay maaaring lubos na kulangin ang rasyon ng tubig sa Kalakhang Maynila.

Ang pagkuha ng supply ng tubig mula sa Laguna de Bay ang pinupuntirya ngayon ng Metropolitan Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Gayunman, kung sisimulan na ngayon ang pagtatayo ng planta para sa kumbersyon ng tubig sa Laguna ay aabutin din ito ng dalawa hanggang tatlong taon.

Ang habol na lang ng mga nagrarasyon ng tubig ay maibsan ang inaasahang pagkakaroon ng kakapusa ng suplay ng tubig sa Kalakhang Maynila.

Ang tubig sa Kalakhang Maynila ay nanggagaling sa Angat, Ipo at La Mesa dam. Malaki raw ang maitutulong sa pagrarasyon ng tubig kung idadagdag ang Laguna. Pero hindi pa rin ligtas ang tubig dito dahil tapunan ang lawa ng industrial at residential waste.

“The irony ano, we’re living around the bodies of water p[ero is it available,” ani Castillo.

Binabalewala raw ng marami ang problema sa tubig.

“Sabi nila, katabi lang naman ang ocean ano? Sabi namin eh hindi naman nanggagaling ang tubig n’yo diyan eh. ’Yung awareness talaga ng tao na imagine kung ilang liters ng water, gallons of water ‘yung aksayado, ‘yung bukas ang tubig the whole day even mag-brush ka lang ng ipin ang habit natin ‘yung iiwan mong bukas, ‘yung tubig kasi ‘yung habit mo ano, isa, dalawang baso ano madaming mase-save,” aniya.

Sinasabing ang tubig ay buhay. Kung hindi raw aaksyunan ang problemang ito, tiyak na lahat ay nasa peligro.

“The constitution of our body is really more of the liquid. Kaya importanteng-importante ang tubig, kung ‘di tayo makakainom. I think more than ay factor, mamamatay ang tao kaya importante na malinis ang tubig na iniinom niya,” dagdag ng doktora.

Tuesday, November 14, 2006

New Pictures


Hi Rose, see latest pictures.


You will see Rheena, Karen, Liza, Russel, Samuel anak ni Ti Lina at kaibigan nila.