Thursday, November 16, 2006

"Utang"

Itinanghal ng Probe
Oktubre 25, 2006

Natural daw sa tao ang may utang -- pero paano kung nabaon at hirap nang makabayad? Paano nga ba tayo makakaahon sa utang?

Pabor man na ipinagkaloob o materyal na bagay na tinanggap, walang taong walang utang. Madalas, sa materyal na utang nagkakaroon ng problema tulad ng naging karanasan ni Connie Sitac.

“For me kasi ang pera dumarating tapos talagang ginagastos lang,” ani Connie.

Ito ang tingin ni Connie sa pera. Mayroon dalawang anak at nangungupahan. Umaabot ng P40,000 kada buwan ang kita nilang mag-asawa na kapwa empleado. Hindi raw pumapasok sa isip niya ang pagbabadyet

“ 'Di ako nagkaroon ng financial background of how to manage your finance. Basta may kailangan ako, kung may gusto akong bilhin, kahit mas malaki pala ‘yung ginagastos ko kesa kinikita,” ani Connie.

" 'Pag may kulang siyempre mag-go into credit card ako,” aniya.

Lima ang credit card ni Connie.

“Parang status symbol siya. Parang ang sarap mamasyal sa mall kasi ‘pag may nagustuhan ka, madali mo siyang mabibili. Tapos ano siya… ginamit ko siya parang cash eh. ‘Yun ang purpose niya, pinambibili ko siya sa lahat ng gusto ko though ‘di ko naman nababayaran. So kahit ‘di mo kailangan bumili ng bag, may shoes ka. ‘Pag nakita mo pang sale mapapadaan ka,” kwento ni Connie.

Tuwing darating ang credit card bill, nagbabayad si Connie kung magkano ang kaya niyang halaga.

“Nangyari na ‘di ko naman na-track kung magkano na ang balanse ko dun,” aniya.

Nagpatong-patong ang utang ni Connie. Kung magkano ang talagang inutang, hindi na niya alam. Parang sa interes lang napunta ang lahat ng ibinabayad niya.

Dito na nagsimulang magkaroon ng problema si Connie. Tinatawagan at sinusulatan siya ng mga kompanya ng credit card. Umabot ng P120,000 ang utang niya.

“Naalarma ako kasi nung kinompute ko siya isipin mo saan ka kukuha ng P120,000 na monthly nagku-compound ‘yun so habang ‘di ko siya na-pay off lumalaki siya, ‘yung dapat kong bayaran,” ani Connie.

Mayroon pang mga utang si Connie sa ibang tao. Sinimulan niya itong unti-unting bayaran pero naging prayoridad niya ang utang na umaani ng interes -- ang kanyang mga credit card.

“For a month meron na kong pambayad ng utang tapos lahat ng sobra binabayad ko pa. I checked ‘yung bahay namin kung may gamit na ‘di ko naman kailangan sobra-sobra pwede ko siyang ibenta for my other living expenses or pambayad ng utang,” ani Connie.

Sa libro ni Francisco Colayco na “Making Your Money Work,” ang pinakamahal na utang ay ang credit card loan. Kung may utang ka ng P37,000 na may 3.5 porsyento na buwanang interes at ang kaya mong bayaran ay P2,000 lamang kada buwan, tatlong taon bago mo matapos ang pagbabayad ng utang. Ang kabuuang naibayad mo ay P60,627 o P23,672 para sa interes lang.

Hindi hamak na mas malaki ang utang ni Connie kumpara sa halimbawa ni Colayco. Habang nagbabayad, nadadagdagan pa rin ang utang niya dahil sa interes.

Halos makuba si Connie sa bigat at hirap ng pagbabayad ng utang. Ni hindi na raw niya matikman ang bonus at sobrang kita. Tatlumpung porsyento ng sweldo nilangg mag-asawa ay napupunta sa pagbabayad ng utang. Mabilisan daw ang kanyang ginawang pagbabayad para hindi na lumaki ang interes nito.

Binantayan na ni Connie ang gastos ng kanyang pamilya sa araw-araw. Wala raw silang binibiling extra. Madalas na ang dalawang beses sa isang buwan na pagmu-mall ng pamilya. Kailangan buso na sila bago mamasyal.

“The whole household talaga ‘yung nag-uusap kung papano namin pagkakasyahin ‘yung budget. In-itemize ko ‘yung mga dapat na bilhin kahit na ‘yung sabong powder kina-calculate ko kung gaano ko mauubos,” ani Connie.

Ayon kay Dennis Erasca, isang sociologist, hindi lang si Connie kundi milyong Filipino pa ang may matinding problema sa utang.

“Kung ikakabit natin ‘yung konsepto ng pangungutang ang Pinoy kasi nangungutang dahil malaki ang kanyang pangangailangang material. So kahit anong culture naman ganyan ang pwedeng gawing explanation, so kaya ang Pilipinas pwede nating sabihin na sa kahirapan kaya may mga taong tinatawag nating nababaon sa utang,” ani Erasca.

Sa paraan ng paggamit sa perang hiniram daw nagkakaiba ang mga nangungutang

“Sociologically speaking, ang problema raw ng mga Filipino ‘pag umutang sa kanya ng pera ‘yung propensity to pay way back mawawala. Worst ‘yung perang inutang napupunta sa consumption na ‘di lumalago. Para sa akin, you want to consume, borrow pero gamitin mo sa lalago,” ani Colayco.

Ilan sa mga ipinapayo ni Colayco ay ang pamumuhunan sa negosyo o paglalagay ng pera sa bangko.

“Walang utang na masama eh. Ang problema sa atin ‘yung mindset. ‘Pag umutang ako sa ‘yo ‘yung perang nakuha ko na in my mind akin na eh. Kaya ang laki ng incidents of nonpayment,” dagdag ni Colayco.

Walang gaanong alam si Connie pagdating sa paghawak ng pera.

“All of us are obligated to really uh... take care of our finances. Dapat pala alam mo kung nasaan ka eh. So nung nalaman ko na nasaan ako dun ako nag-start. ‘Yun ang naging first move ko. Nalaman ko na ang dami-dami ko palang utang. I’m spending more than I’m earning,” ani Connie.

“I call it invest debt. Kung gusto mong magpalago bayaran mo ‘yung utang mo. Halimbawa apat na credit cards ang pinagkakautangan ko ‘yung isa P200, ‘yung isa P400, whatever uunahin ko yung ‘madali ko i-zero dahil pag nai-zero ko ‘yung isa meron akong success eh. Ngayon susundan ko uli ‘yun pero ‘pag inuna mo ‘yung pinakamataas at ‘di mo nakaya ‘di mo na itutuloy,” ani Colayco.

Huli na nang maisip ni Connie na kailangang sabayan ng pag-iipon ang paggastos.

“Dapat mag-save muna. I mean ‘yung savings unahin siya as part of the expense. Kasi ‘di ba tayo, inuuna natin kung ano matira ‘yun ang isa-save natin eh definitely ‘pag may natira marami kang maiisip na gastahin,” paliwanag ni Connie.

“Kapag wala, ‘di nag-iipon talaga, nangungutang. ‘Yun ang trend eh. ‘Pag wala, nangungutang. ‘Pag meron its either nangungutang or nag-iipon. So ‘yung utang present dun sa wala at meron. Pero ang pagse-save nandun sa meron pero wala sa walang pera,” ani Erasca.

“Wala naman magic sa pera eh. It all goes down dun sa pwede mong itabi. Ngayon kung sobrang liit ng kita mo, siguro sabi nga nila in finance follow the money and ‘yung mga nakakausap ko even the small folks ‘pag sinusundan nila ‘yung ‘san nagagastos ‘yung pera kahit papano meron silang nakikita na ten percent. Nagagastos sa ‘di naman kailangan, discretionary. Sabi nga nila pambili ng magazine tapos chewing gum paglabas ng LRT, bili dito bili doon. Kahit papaano may natatapon,” ani Colayco.

Hindi raw kailangan ang malaking halaga sa pagsisimula ng pag-iimpok.

“I started as low as two percent. Talagang kung anong kaya ko pero nandun ‘yung action na kailangan ko mag-save,” ani Connie.

Mga bagay na dapat isipin sa pag-iipon:

· Piliin ang antas ng pamumuhay na kaya mong tustusan

· Bumili lang kapag talagang kailangan, ngunit bilhin ang pinakamahusay na kaya ng inyong bulsa.

· Alamin kung papano ka makakatipid sa ibat ibang paraan

Simulan mo na ngayon!

Simple lang ang dapat isipin sa pag-iipon – piliin ang antas ng pamumuhay na kayang tustusan, bumili ng mga bagay kapag kailangan lamang, alamin kung papano ka makakatipid sa tubig, kuryente at iba pa at ang higit sa lahat, dapat itong simulan ngayon.

“The reality is the number. Once an emergency can hit you for sure typhoon Milenyo, masira ang bahay n’yo saan ka kukuha ng pang-repair? ‘Pag hindi ka naghanda, mawalan ka ng trabaho at the age of 55, magsarado ang mga magbibigay ng pension ng separation pay but that’s not enough ngayon ang life span natin ay ‘di 65 we can survive up to 75, nag-retire ka ng 50 to 60 in 16 years sa’n mo kukuhanin ‘yung panggastos?” paliwanag ni Colayco.

“Pina-plan ko na ‘yung expenses ko. I’ll use my card kasi ‘yung cash ko kumbaga nasa bahay lang or nasa bank,” ani Connie.

Ang kagustuhang makapag-impok at magbabayad ng utang ay dapat daw simulan sa ating sarili.

“Dapat lahat ng tao obligation nila ‘yun sa sarili nila, not for anybody, for themselves,” ani Connie.


"Ninegosyong edukasyon?"
Itinanghal ng Probe
Setyembre 27, 2006


Kailangan ba ang pre-school para maihanda ang mga chikiting sa Grade 1?

Parang kabuteng nagsulputan ang mga preschool sa iba’t ibang lugar. Marami rin ang reklamo rito. May mga nagtatanong, negosyo ba ito o serbisyo? Gaano nga ba kahalaga ang preschool eduation?

“Sumulat ako formally to request and ni-raise ko din ‘yung mga ilang concerns ko unang- una ‘yung mga materials na supposedly dapat nakukuha at nabayaran na namin ay ‘di pa nabibigay,” ani Jennifer Malonzo, ina ng isang pre-school pupil.

Uniporme at ID ng anak na si Nicole, isang nursery student sa Santol Learning Center, ang inirereklamo ni Jennifer. Kasama ito sa P9,200 na isang taong tuition na binayaran niya sa pre-school.

“Agosto na ‘yun ‘di pa nabibigay at bayad na kami sa mga materials na ito,” aniya.

Nang magpadala ng liham si Jennifer sa may-ari ng eskwelahan, saka lamang naibigay ang mga gamit. Pero ito lamang ang natugunan sa kanyang mga hinaing.

“Itong pinapasukan ng anak ko ay private siya, dahil pre-school siya dapat merong playground na malapit na space lang for the children to play ‘di ba? Wala ‘yun. So paglabas mo ng classroom na actually parang maliit na sala lang siya ng bahay na kinonvert sa classroom, paglabas mo gate ka na. Road na ‘yung ando'n at dahil maliit lang ‘yung room wala silang educational facilities. Halimbawa wala masyadong mailagay eh desk lang…hindi chairs lang tsaka ‘yung table ng mga bata ‘yun lang kasya tsaka ‘yung board,” reklamo ni Jennifer.

“Pinalampas ko na nga ‘yung grammar lapses ng teacher. Kahit nga ‘yung class ng anak ko ay six students lang sila or five lang yata kasi umalis na ‘yung isa ay cramped pa rin siya. ‘Yung teacher kailangan na ilabas pa ‘yung lamesa sa labas ng classroom para magkaroon ng space to move around,” dagdag ni Jennifer.

Maliit nga pero...
Aminado si Gng. Honorata Baquiran, may-ari ng learning center, na maliit ang espasyo ng kanyang pre-school pero iginiit niya na hindi sakop ng space requirement ng Department of Education (DepEd) ang kanyang eskwelahan.

Binigyan ng DepEd ng moratorium o palugit si Baquiran para makasunod sa kanilang pamantayan.

“In the next five years she has to comply with the requirements, that’s the only time she will be given recognition,” ani Teresito Inciong ng Bureau of Elementary Education ng DepEd.

Ang Bureau of Elementary Education ng DepEd ang nagbabantay at nagbibigay ng permit para makapagpalakad ang mga preschool.

Ilan lamang sa dapat nilang sundan na pamantayan mula sa DepEd ay:

Ang bawat guro ay may kasamang teacher aide. Di lalampas sa dalawampu’t limang estudyante and hahawakan nila.

Ang laki ng eskwelahan ay dapat di baba sa 500 square meters. Pero sa National Capital Region, 300 sq. meters lang. Pero di pa rin ito nasusunod.

May 48 taon nang nakatayo ang pre-school ni Gng. Baquiran. Sumunod daw ito sa pamantayan ng organisasyong National Federation of Women’s Clubs (NFWC), isang samahan ng mga babae na nagpapalakad sa kulang-kulang na 50 preschool sa bansa.

Pinabulaanan naman ng NFWC na may permisong nakuha ang eskuwelahan ni Gng. Baquiran sa kanila. Iba rin ang resibong ibinibigay ng learning center kay Jennifer -- walang tatak ng NFWC.

Kinumpirma ng NFWC na guro nila si Gng. Baquiran at iniimbestigahan na ang nasabing eskwelahan. Marami raw nalabag na regulasyon ang eskwelahan ni Gng. Baquiran.

“Dapat masasara na siya kasi that does not comply with the requirements,” ani Inciong.

Kwento ni Florencio "Butch" Abad, dating kalihim DepEd, hindi raw nasusubaybayan ng kagawaran ang lahat ng mga paaralan, lalo na ang mga preschool.
May sariling mundo?
“Sa totoo lang, hindi saklaw ng DepEd ‘yung pre-school eh. May sariling krisis ang DepEd. Hindi kayang pangasiwaang mismo ‘yung mga grade one to high school. Dapat talaga ang nangangasiwa diyan ‘yung mga LGU pero ‘di nga kaya. Sa regulasyon napunta sa DepEd ‘yung regulasyon ng pagtatayo at pagsasara ng preschools pero dahil nga sa dami ng… sa laki ng saklaw ng DEpEd, dami na siguro mga 19 million students, 5,000 high schools and so many thousands 42,000 elementary schools hindi na kakayanin ‘yung marami pang preschools,” ani Abad.

Pero may mas nakapagtatakang aspeto sa isyu ng preschool – hindi raw ito kailangan para makatuntong ng Grade 1 ang isang mag-aaral.

Tumatak sa isip ng mga magulang na kailangang ipasok ng pre-school ang mga bata upang payagang makatuntong ng Grade 1. Pero ayon sa Department of Education hindi ito isang rekisito.

Kadalasan sa mga pribadong paaralan, para matanggap sa Grade 1, hinahanapan muna ang mag-aaral ng patunay na dumaan sila sa pre-school. Pero pwedeng pumasok agad ang bata sa Grade 1 na hindi dumaan ng pre-school -- ito ang pinapairal sa mga pampublikong paaralan. Wala raw hawak ang DepEd sa mga pribadong paaralan na kailangang dumaan sa pre-school ang bata.

May programa o curriculum ang DepEd para sa mga batang diretsong Grade 1 agad.

“Meron kaming eight-week curriculum, kumbaga unang dalawang buwan ng Grade 1 na ang binibigay namin ay preschool experience. Mga readiness activities: How to color. Papano mag-identify ng hugis, laki, colors sizes and shapes.

“Malaki talaga ang agwat nung …’yung 'dapat,' saka ‘yung 'umiiral.' Magandang patakaran ‘yung 'dapat' eh pero walang kahandaan upang gawing lahat, ano sa lahat.. isipin mo taun-taon nadadagdagan ng tatlong daang libo ang mga preschoolers na nagiging grade 1,” ani Abad.

Naglabas ng isang Executive Order noong 2004 para isama ang pre-school sa bahagdan ng edukasyong dapat kunin ng bata. Nakikita nila itong solusyon para mapataas ang kalidad ng mga estudyante sa bansa.

Nagsulputan ang mga pre-schools. Nagmahal din ang mga tuition fee. May umaabot sa P90,000 o higit pa na tuition fee sa pribadong pre-school.

Mula sa 10,776 na eskwelahan na may pre-school noong 2004 lumobo sa 12, 989 ang eskwelahang naghahain ng preschool ngayong taon.

“Parang nagiging negosyo na ‘yung pre-schools. It’s a lucrative business. Pwede niyang sabihin na kung ‘di ka satisfied dito lumipat ka, pero ‘yun nga karapatan kong i-demand na ibigay n’yo kung ano'ng ‘yung dapat. Responsibilidad ng school na ibigay niya kung ano’ng tama kasi kung hindi dapat, sana ‘di na lang siya nag-operate ‘di ba? From the start kung ‘di rin pala niya maibibigay ang tamang serbisyo,” ani Jennifer.

Serbisyong kulang
Wala ring kontrol and DepEd kung magtaas ng tuition fee ang pribadong pre-school. Pagdating naman sa curriculum, maaaring magdagdag ang mga pribadong pre-school basta sundin ang basic curriculum na binibigay ng DepEd.

“Reading readiness. Kumbaga marunong ka nang mag-identify ng alphabet. Letters, marunong ka nang magbilang. Natututo silang maging handa para sa susunod na serious ‘yung Grade 1,” paliwanag ni Inciong.

Ayon kay Abad, hindi sapat ang pag-iisyu ng isang executive order para sundin ang gustong patakara na ipatupad ng pamahalaan. Parang ganito ang nangyari sa utos na inilabas noong 2004.

Sa Kamara ng mga Representante inihain ang House Bill 5495 o ang Pre-school Education Act of 2006. Layon nito na magkaroon ng ahensyang magbabantay at magbibigay ng mahigpit na polisiya sa mga preschools. Marami na raw kasing ‘di sumusunod sa mga regulasyon ng DepEd.

“Meron namang pamantayan na ginawa, pero kung iasa ‘yung halimbawa ‘yung pangmamatyag dun sa mga preschools na tinatayo ng DepEd palagay ko di mapapangasiwaan ng mabuti itong paglaganap ng mga preschools. ‘Yung mismong sinasaklaw nilang dami ng estudyante sa eskwelahan ng elementary at high school mahihirapan nga sila. Mas mahihirapan kasi lalung-lalo na para sa administrative officials ng DepEd. Dagdag trabaho ‘yun eh hindi naman talaga kasama ‘yun sa trabaho nila. So, maaasahan mo na ‘di mangyayari talaga,” ani Abad.

Dapat daw plantsahin ang gusot sa pagpapatakbo sa mga preschool.

“Kailangan pa rin talaga ang pre-school kasi nakikita natin sa ngayon marami sa ating mga estudyante hindi handang pumasok sa Grade 1 or ‘di kaya naman marami ang hindi pumapasok sa grade 1 nasa labas ng sistema,” ani Abad.

Gusto ng gobyerno na pormal nang gawing bahagi ng basic education ang pre-school gaya ng elemetarya at high school, na sa Konstitusyon natin ay libreng binibigay ng pamahalaan, ganun din dapat ang preschool.

“You’re rendering a service, education. Tapos binabayaran ka naman. Dapat ibigay mo ‘yung adequate service sa batang i-enroll sa school. Kaya din naman nagpo-proliferate ‘yung mga private kasi wala naman public ‘di ba? So ‘yung parents mapipilitan na dalhin ‘yung mga anak nila sa private schools so isang puna din ‘yun sa gobyerno na wala rn siyang… mag-e-encourage siya ng pre-school pero ‘di naman nagpu-provide,” ani Jennifer.

"Storytelling"
Itinanghal ng Probe
Oktubre 11, 2006

Hindi na raw pinapansin ngayon ng kabataan ang mga aklat lalo na ang pagbabasa kaya isang grupo ang nagtayo ng libreng aklatan para sa mga bata. Hindi kaya masayang ang pagod nila? Tunghayan ang kanilang kahangahangang istorya.

***

Sa kalye Mendoza sa Barangay Paltok, Quezon City, karaniwang tahimik at mangilan-ngilan lang ang nagdaraan. Pero tuwing Sabado ng 10 a.m., ang mga bata ay tila nagpipyesta.

Isa lang ang kanilang hinihintay: ang pagbubukas ng bahay-aklatan. Maging mga magulang, lolo’t lola, natutuwa sa pagpasok ng mga bata sa aklatan

Ang kinasasabikan ng mga bata ay ang storytelling session.

Minsan may iba’t ibang grupong bumibisita sa aklatan para magkwento sa mga bata

“Masaya pala makatulong sa iba lalo na ‘yung mga bata na gustong makarinig ng kwento at nahihikayat pa silang bumasa,” ayon sa isang kinatawan ng grupo.

Pati ang Probe ay nahikayat na ring magbasa ng istorya sa kanila.

Uhaw na uhaw ang mga tsikiting sa pakikinig ng kwento.

Isang lumang bahay sa Barangay Paltok ang aklatan. Itinayo ito ng organisasyong Eduk. Inc sa panungunguna ni Troy Lacsamana na dating librarian.

“Gusto po naming i-promote ‘yung reading at i-involve ‘yung community sa pag-establish ng library,” ani Troy, executive director ng Edukasyon Para Sa Kinabukasan Inc.

Nakakaalarma raw kasi ang sitwasyon ng mga kabataan ngayon pagdating sa pagbabasa.

“Nakakatuwa po yung interaction pero nalulungkot kami na ‘yung Grade 6 ‘di ganon ka…’di sila marunong magbasa in English and in Filipino,” ani Troy.

“Kasi ngayon puro TV lang po. Nagiging tamad na ‘yung bata na mag-aral. Mas maganda po kasi ang sources galing sa libro kasi parang tinuturuan mo ang sarili mo na magsikap na mag-aral,” aniya.

Malaking tulong sa mga kabataan ng Barangay Paltok ang maliit na proyektong ito

“Nagkakaroon po ang mga bata ng interes na magbasa, nakiki-participate po siya sa mga activities, nagiging open-minded po siya unlike nasa labas po sila at naglalaro lang,” anang isang nanay.

“’Pag nag-spend ka ng twenty minutes everyday sa mga bata maganda ‘yung effect. Nag-eenjoy sila eh dapat naman ganon para ma-expose sila sa reading,” ani Troy.

Isang taon na ang aklatang pambata sa barangay. Simula pa lang raw ito ng misyon ng grupo.

“Ginagawa naming mas involved talaga ‘yung parents. Sila na po talaga ang mag-manage ng library para naman kami po punta na kami sa ibang lugar kung saan kami kailangan para magtayo ng library,” ani Troy.

Sa pagsasara ng aklatan pagkatapos ng storytelling, ang karunungan at sayang naidulot nito sa mga bata ay malaking bagay para kina Troy.

Para sa mga bata, muli na naman nilang hihintayin ang pagbubukas ng aklatan sa susunod na Sabado.

"Uhaw"
Itinanghal ng Probe
Agosto 9, 2006


Ulat ni Ricky Carandang

Marumi na, kulang pa. Ito raw ang sitwasyon ng tubig dito sa ating bansa. May solusyon pa ba sa ating problema o tayo ang tunay na problema?

***
Papaano ba tayo makakasiguro na malinis ang tubig na iinumin natin?

“’Yung source ng tubig maaaring ma-contaminate ‘yan kung malapit sa mga poso negro, sa tubig-baha, malapit sa basurahan,” ani Joselito Regio de Dios ng Water and Sanitation Division ng Department of Health.

“Kung merong butas, may mga leak dun sa ating mga tubo, pwedeng pumasok 'yung contaminants, ‘yung tubig-kanal,” ani Jun Gomez ng Maynilad Water.

“Lahat naman tayo di nakakasiguradong malinis yan eh,” anang residenteng si Amy Catamora.

Sa tubig umiikot ang buhay ng pamilya ni Amy. Nabubuhay ang apat niyang anak sa P100 kita mula sa pagtatahong at pangingisda. Pero sa mismong bahay nina Amy, wala silang tubig. Bumibili pa sila tubig sa kapitbahay.

“Jug po, ano, limang piso. Tinitipid ko na ‘yan sa maghapon,” ani Amy.

Nagmula raw sa NAWASA ang tubig na iniinom ng pamilya ni Amy. Malinaw naman kaya hindi na nila pinapakuluan.

“Kapag hindi masama ang panahon, ‘di na ako nagpapakulo pero ‘pag ganyan, bagyo, talaga na nagbabaha diyan, nagpapakulo ako kasi Malabo. Halimbawa nga po naumpisahan na’yan ganyan may nagtatae o mababalitaan naming dito sa barangay na uso daw ngayon ‘yang nagtatae. Uso ‘yung sakit ng tiyan. Ito nga lang nakaraan, ito lang isang linggo lahat kami masakit ang tiyan, nagtatae,” ani Amy.

Ating alamin
Para alamin, kinumbinse ng Probe si Amy na ipasuri ang kanilang tubig. Bumili ang grupo ng pangsuri ng tubig. Sa loob ng bote, may isang klase ng papel na kung tawagoin ay “media.” Ito ang kinakain ng coliform bacteria.

Malalaman daw kung marumi ang tubig kung may coliform bacteria. Ito ang mikrobyong nanggagaling sa dumi ng tao at hayop.

Nag-ikot ang Probe sa iba pang bahay para makumpara ang kalidad ng tubig sa iba’t ibang lugar.

“Kung mayroon nga po siya ng coliform or ng e-coli nga po magte-turn into black siya,” ani Gina Lea Andres ng Aqualab Water Specialist.

Sa tatlong “sample” ng tubig na ipinasuri sa Aqualab, ang tubig galing sa bahay nina Amy ang may coliform bacteria.

“Ang tawag po naman diyan is charcoal black na kulay. Naglalaman na po talaga siya ng dumi ng tao o hayop,” ani Andres.

Bago pa man lumabas ang resulta ng pagsusuri, parang alam na ni Amy kung ano ang resulta.

Hindi na raw niya alam kung saan pa kukuha ang kanyang pamilya ng tubig na iinumin.

“Araw-araw nand’yan ang pagmumukha ko sa balon, sa poso. ‘Pag Malabo ang balon, sa poso ako pupunta,” ani Amy.

Kulang na kulang
Base sa pag-aaral ng World Bank, 35 porsyento ng mga Pilipino na tulad ni Amy ay walang napagkukunan ng tubig sa sariling bahay, 65 porsyento naman ay walang makuhanan ng malinis na tubig.

“’Yung mga tao takot na sa pag-inom ng direkta dun sa gripo. Kasi nga naiisip nila na meron ka nang access ng ganitong waterworks eh nagkakaroon pa ng ganitong sakit. Kaya dito parang nawalan sila ng kumpyansa dun sa tubig na nanggagaling sa gripo,” ani de Dios.

“Dapat po kasi ‘yung galing sa planta isa lang ang quality niyan, potable po ‘yan ‘pag nangggaling sa palnta. Ibig sabihin niyan ‘pag naging iba ‘yung quality niyan nagkaroon na siya, meron po sigurong leak yung tubo,” ani Gomez.

Sa Philippine Standards for Drinking Water, nakapaloob ang mga pamantayan na dapat sinusunod ng mga planta ng tubig upang masigurong ligtas ang iinumin ng tao. Pero minsan hindi raw maiiwasang may mga gustong makalamang.

“’Yung tubo po sa ibabaw ng kalsada dahil binubutas po ng mga tao gusto nila ng libreng tubig. Ang nangyayari po dun eh libre nga ang tubig mo ‘pag iinumin mo magkakasakit ka,” ani Gomez.

Bunga ng pangambang hindi ligtas ang tubig sa gripo, nauso ang bottled water. Pero hindi rin daw nakakasisigurong malinis ito.

“Hindi rin po. Kasi ang quality po ng mga ganyan ay is potable water quality. ‘Yung Philippine Drinking Water Standards din ‘yan kaya lang ‘yung treatment nila ‘di rin maayos, minsan positive din sa e-coli, sa mga bacteria kaya titignan din po niya kasi may mga lisensya po ‘yan na gina-grant ng munisipyo,” paliwanag ni Gomez.

Hindi na nga sigurado na malinis ang ating tubig, mayroon pang pangamba na mauubos ang supply nito.

“[The] Philippines is losing 1.3 billion [cubic liters] a year due to water pollution. So dapat malaki pa ang dapat i-address dahil ‘di nga conscious ang mga tao sa importance, sa pagkaimportanteng tubig,” ni Dr. Olivia La'O Castillo, miembro ng Advisory Board Member-Water and Sanitation ng United Nations.

Taning sa tubig
Sa Maynila pa lang, may takot na ang mga water company na darating ang panahong hindi na kakayanin na suplayan ng tubigt ang lumolobong populasyon.

Sa pagtataya ng mga experto, pagkalipas pa ng dalawa hanggang tatlong taon ay maaaring lubos na kulangin ang rasyon ng tubig sa Kalakhang Maynila.

Ang pagkuha ng supply ng tubig mula sa Laguna de Bay ang pinupuntirya ngayon ng Metropolitan Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Gayunman, kung sisimulan na ngayon ang pagtatayo ng planta para sa kumbersyon ng tubig sa Laguna ay aabutin din ito ng dalawa hanggang tatlong taon.

Ang habol na lang ng mga nagrarasyon ng tubig ay maibsan ang inaasahang pagkakaroon ng kakapusa ng suplay ng tubig sa Kalakhang Maynila.

Ang tubig sa Kalakhang Maynila ay nanggagaling sa Angat, Ipo at La Mesa dam. Malaki raw ang maitutulong sa pagrarasyon ng tubig kung idadagdag ang Laguna. Pero hindi pa rin ligtas ang tubig dito dahil tapunan ang lawa ng industrial at residential waste.

“The irony ano, we’re living around the bodies of water p[ero is it available,” ani Castillo.

Binabalewala raw ng marami ang problema sa tubig.

“Sabi nila, katabi lang naman ang ocean ano? Sabi namin eh hindi naman nanggagaling ang tubig n’yo diyan eh. ’Yung awareness talaga ng tao na imagine kung ilang liters ng water, gallons of water ‘yung aksayado, ‘yung bukas ang tubig the whole day even mag-brush ka lang ng ipin ang habit natin ‘yung iiwan mong bukas, ‘yung tubig kasi ‘yung habit mo ano, isa, dalawang baso ano madaming mase-save,” aniya.

Sinasabing ang tubig ay buhay. Kung hindi raw aaksyunan ang problemang ito, tiyak na lahat ay nasa peligro.

“The constitution of our body is really more of the liquid. Kaya importanteng-importante ang tubig, kung ‘di tayo makakainom. I think more than ay factor, mamamatay ang tao kaya importante na malinis ang tubig na iniinom niya,” dagdag ng doktora.

13 comments:

Benson finances said...

Kayo ay may masamang credit?
Kailangan mo ng pera upang bayaran ang kuwenta?
Kailangan mong simulan ang isang bagong negosyo?
Ave at hindi natapos na proyekto sa mga kamay, dahil sa kakulangan ng pera?
Kakailanganin mo ng pera sa ilan sa mga kasanayan? Tatanggap ka at mag-invest? At hindi? Alam ko kung ano ang gagawin.

I Mr. Benson bill, isang pribadong pinagkakautangan. Nagbibigay ng mga pautang sa isang interes rate ng 2% sa bawat taon para sa isang halaga ng € 500.00 sa € 20,000,000.00 bilang nag-aalok ng utang. Proyekto Ascension garantiya 100% Pananalapi at mga bukas na port pautang na magagamit. Hindi sigurado ng pagbibigay ng pinansiyal na serbisyo sa aming mga kliyente sa buong mundo. Gamit ang aming mga pakete lending nababaluktot pautang maasikaso at mga pondo ng utang ay maaari agad. Trabaho namin sa malinaw na mga termino? At madaling gawin? Naiintindihan at nag-aalok ng mga pautang sa lahat ng mga customer at, negosyo, mga interesado sa mga kumpanya at ang lahat ng uri ng mga organisasyon? Ii-negosyo, mga indibidwal at mga real estate mamumuhunan. Mangyaring magpadala sa amin ng isang email, at? Naghihintay forward sa iyong prompt at direktang tugon.
Sumulat sa amin sa: bensonfinances@outllook.com o bensonfinances04@gmail.com

Solusi Cepat Kaya said...

,,.,KISAH NYATA , , , ,
Aslamu alaikum wr wb..Allahu Akbar, Allahu akbar, Allahu akbar
Bismillahirrahamaninrahim,,senang sekali saya bisa menulis dan berbagi kepada teman2 melalui room ini, sebelumnya dulu saya adalah seorang pengusaha dibidang property rumah tangga dan mencapai kesuksesan yang luar biasa, mobil rumah dan fasilitas lain sudah saya miliki, namun namanya cobaan saya sangat percaya kepada semua orang, hingga suaatu saat saya ditipu dengan teman saya sendiri dan membawa semua yng saya punya, akhirnya saya menaggung utang ke pelanggan saya totalnya 470 juta dan di bank totalnya 800 juta , saya stress dan hamper bunuh diri anak saya 2 orng masih sekolah di smp dan sma, istri saya pergi entah kemana dan meninggalkan saya dan anakanaknya ditengah tagihan utang yg menumpuk, demi makan sehari hari saya terpaksa jual nasi bungkus keliling dan kue, ditengah himpitan ekonomi seperti ini saya bertemu dengan seorang teman dan bercerita kepadanya, Alhamdulilah beliau memberikan saran kepada saya, dulu katanya dia juga seperti saya stelah bergabung dengan KI JAMBRONG hidupnya kembali sukses, awalnya saya ragu dan tidak percaya tapi selama satu minggu saya berpikir dan melihat langsung hasilnya, saya akhirnya bergabung dan menghubungi KI jambrong di No 0853-1712-1219. Semua petunjuk AKI saya ikuti dan hanya 3 hari Astagfirullahallazim, Alhamdulilah Demi AllAH dan anak saya, akhirnya 5M yang saya minta benar benar ada di tangan saya, semua utang saya lunas dan sisanya buat modal usaha, kini saya kembali sukses terimaksih KI JAMBRONG saya tidak akan melupakan jasa AKI. JIKA TEMAN TEMAN BERMINAT, YAKIN DAN PERCAYA INSYA ALLAH, SAYA SUDAH BUKTIKAN DEMI ALLAH SILAHKAN HUB AKI JAMBRONG DI 0853-1712-1219. (TANPA TUMBAL/AMAN)

Unknown said...

Narito ang pinakamahusay na solusyon sa pinansiyal na kalayaan, gawin ang iyong taon ng isang matagumpay sa pamamagitan ng pagbisita sa mga serbisyo ng christian morgan loan kung saan maaari kang makakuha ng isang pautang upang simulan ang iyong pangarap bussiness walang stress at makakuha ng iyong utang na inaprubahan sa loob ng ilang araw .. Naghahanap ka ba ng isang pautang ? O ikaw ba ay tinanggihan ng utang sa bangko o institusyong pinansyal para sa isa o higit pang mga dahilan? Mayroon kang tamang lugar para sa iyong mga solusyon sa utang dito! Nagbibigay kami ng mga pautang sa mga kumpanya at indibidwal sa isang mababang at abot-kayang rate ng interes na 2%. Mangyaring makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng e-mail ngayon sa pamamagitan ng christianmorganloanservices@gmail.com

APPLICANT DATA:

1) Buong Pangalan:
2) Bansa:
3) Tirahan:
4) Bansa:
5) Kasarian:
6) Katayuan ng Kalagayan:
7) Trabaho:
8) Numero ng Telepono:
9) Ang posisyon sa lugar ng trabaho:
10) Buwanang kita:
11) Kinakailangan ang Halaga ng Pautang:
12) Tagal ng Pautang:
13) Mga Interes Loans:
14) Relihiyon:
15) Na-apply mo dati;
16) Petsa ng kapanganakan;

Salamat,
Mrs Christian

AMISHA said...

MAHUSAY BALITA PARA SA LAHAT

Gusto kong ipaalala sa lahat ng mga naghahanap ng internet loan na mag-ingat, may mga online scam loan sa lahat ng dako, magpapadala sila ng mga pekeng dokumento sa iyo at sasabihin nila na walang bayad, hihilingin ka nila na magbayad ng bayad sa lisensya at mga pagbabayad sa transfer, kaya maingat.

Ang lahat ng mga pekeng nagpapahiram ay may maraming pagkakatulad na nakikita ko at inilista sa ibaba

Karamihan sa kanila ay mayroong mga gmail account

Ang bawat tao'y may nakakumbinsi na kapangyarihan

Ang bawat tao'y may pekeng larawan sa profile ng isang babae na may suot na belo

Lahat sila ay nagbibigay ng isang 2% rate ng interes

Walang limitasyon sa halagang maaari mong hiramin

Ang mabuting balita ay natagpuan ko ang isang wastong online lending firm. Hindi ako narito upang mangaral ngunit upang matulungan ang mga tao na makakuha ng tunay na pautang. Kung ikaw ay interesado sa pagkuha ng pautang, makipag-ugnayan lamang sa kanila (dailypayloan@yahoo.com) o padalhan ako ng personal na e-mail (zaradam@yahoo.com).

Unknown said...

We Offers Financial Consulting To Client, Companies Seeking Debt / Loan Financing And Seeking For Working Capital To Start A New Business Or To Expand Existing Business. Interested Parties Should Contact Us For More Information Through Via E-mail: SuiteCapitals@gmail.com ( SuiteCapitals@post.com )

Do You Need A Loan To Consolidate Your Debt At 1.0%? Or A Personal Loans * Business Loans etc. Interested Parties Should Contact Us For More Information Through Via E-mail: SuiteCapitals@gmail.com ( SuiteCapitals@post.com )

We Have Loan Programs Tailored For Any Profile And You've Come To The Right Place To Satisfy Your Business Needs. If Your Company Or You Know Of Any Company With Viable Projects / Proposals That Needs Financing, Kindly Write Us With The Loan Requirement. Please, Contact Us For More Information: SuiteCapitals@gmail.com ( SuiteCapitals@post.com )

Do You Need A Loan To Consolidate Your Debt At 1.0%? Or A Personal Loans * Business Loans etc. Interested Parties Should Contact Us For More Information Through Via E-mail: SuiteCapitals@gmail.com ( SuiteCapitals@post.com )

We Offers Financial Consulting To Client, Companies Seeking Debt / Loan Financing And Seeking For Working Capital To Start A New Business Or To Expand Existing Business. Interested Parties Should Contact Us For More Information Through Via E-mail: SuiteCapitals@gmail.com ( SuiteCapitals@post.com )

Kindly write us back with the loan information;
- Complete Name:
- Loan amount needed:
- Loan Duration:
- Purpose of loan:
- City / Country:
- Telephone:
- How Did You Hear About Us:

Do You Need A Loan To Consolidate Your Debt At 1.0%? Or A Personal Loans * Business Loans etc. Interested Parties Should Contact Us For More Information Through Via E-mail: SuiteCapitals@gmail.com ( SuiteCapitals@post.com )

We Offers Financial Consulting To Client, Companies Seeking Debt / Loan Financing And Seeking For Working Capital To Start A New Business Or To Expand Existing Business. Interested Parties Should Contact Us For More Information Through Via E-mail: SuiteCapitals@gmail.com ( SuiteCapitals@post.com )

Unknown said...

Are You A Business Man Or Woman? Are You In Any Financial Mess Or Do You Need Funds To Start Up Your Own Business? Do You Need A Loan To Start A Nice Small Scale And Medium Business? Do You Have A Low Credit Score And You Are Finding It Hard To Obtain Capital Loan From Local Banks And Other Financial Institutes?. - Intermediaries / Consultants / Brokers Are Welcome To Bring Their Clients And Are 100% Protected. Interested Parties Should Contact Us For More Information Through Via E-mail: CYSCredits@Post.com ( CYSCredits@Asia.com )

We Like To Inform You That Our Main Goals Are To Help Companies And Entrepreneurs Raise Their Business To New Heights By Investing, Consulting And Raising Capital Without Bank Lending. We Are Qualified In All Aspects Of Financing, Banks And Asset Based Lending. We Have The Ability To Handle All Aspects Of The Financial Needs And Challenges Of Our Clients, Including; Real Estate Investment And Any Other Large Variety Of Sectors That Need Financing. - Intermediaries / Consultants / Brokers Are Welcome To Bring Their Clients And Are 100% Protected. Interested Parties Should Contact Us For More Information Through Via E-mail: CYSCredits@Post.com ( CYSCredits@Asia.com )

WE OFFER ALL KIND OF LOANS - APPLY FOR AFFORDABLE LOANS.

Do You Need A Loan To Consolidate Your Debt At 1.0%? Or A Personal Loans * Business Loans etc. - Intermediaries / Consultants / Brokers Are Welcome To Bring Their Clients And Are 100% Protected. Interested Parties Should Contact Us For More Information Through Via E-mail: CYSCredits@Post.com ( CYSCredits@Asia.com )

- Complete Name:
- Loan amount needed:
- Loan Duration:
- Purpose of loan:
- City / Country:
- Telephone:
- How Did You Hear About Us:

Do You Need A Loan To Consolidate Your Debt At 1.0%? Or A Personal Loans * Business Loans etc. We Offers Financial Consulting To Client, Companies Seeking Debt / Loan Financing And Seeking For Working Capital To Start A New Business Or To Expand Existing Business. Intermediaries / Consultants / Brokers Are Welcome To Bring Their Clients And Are 100% Protected. Interested Parties Should Contact Us For More Information Through Via E-mail: CYSCredits@Post.com ( CYSCredits@Asia.com )

Amalia Amangkurat ( HOW I GOT MY DEBT AND BUSINESS LOAN FROM GENUINE MOTHER RIKA ANDERSON LENDER said...

Ang pangalan ko ay Gng. Amalia Amangkurat, isang biyuda at nawala ko ang asawa ko 4 taon na ang nakararaan at nagmamalasakit ako sa mga bata, ngayon ay gumawa ako ng pera upang magbayad ng upa at utang ngunit wala akong pera upang magbayad, kamakailan lamang, nakakita ako ng isang patotoo online tungkol sa isang kaibigan na nakuha ng isang hindi secure na utang mula sa Rika ina. Gumawa ako ng mga katanungan at ako ay sinabihan na siya ay isang matapat na ina, kaya nag-aplay ako para sa isang utang na $ 50 milyon kaya pagkatapos ng proseso ng pautang, ang aking pautang ay inilipat sa aking account sa bangko at ngayon, nagkaroon ako ng isang tindahan na pinapatakbo ko ang aking negosyo at ngayon ay nabayaran ko ang aking utang at lahat ng aking mga bayarin, lahat salamat sa Rika Anderson Loan Company ay isang mahusay at tapat na tagapagpahiram kaya pinangakuan kong magpatotoo at ibahagi ang aking mabuting balita din. makipag-ugnay sa kanyang email rikaandersonloancompany@gmail.com,
Whatsapp: +19147057484 makakuha ng impormasyon tungkol sa kung paano makakuha ng utang. Kung mayroon kang mga pagdududa o takot, maaari kang makipag-ugnay sa akin palagi sa pamamagitan ng amaliaamangkurat@gmail.com

RIKA ANDERSON LOAN INVESTMENT COMPANY said...

Interesado ka ba sa mga pautang? Sa RIKA ANDERSON LOAN COMPANY, nag-aalok kami ng lahat ng uri ng pinansiyal na tulong sa lahat ng indibidwal na "personal na pautang, mga pautang sa pamumuhunan, pautang sa pautang sa pautang at mga kumpanya sa pautang sa buong mundo, ang aming interes rate ay 2% kada taon. Nagbibigay din kami ng pinansiyal na payo at tulong sa aming mga kliyente at mga aplikante Kung mayroon kang isang mahusay na proyekto o nais na magsimula ng isang negosyo at kailangan ng pautang upang gastusin ito agad, maaari naming pag-usapan ito, mag-sign isang kontrata at pagkatapos ay pondohan ang iyong proyekto o negosyo para sa iyo kasama ng World Bank at Bank ng Industriya.

Makipag-ugnay sa RIKA ANDERSON LOAN COMPANY ngayon para sa anumang pera na gusto mo.

Kategorya ng Negosyo

Merchandising Business.
Negosyo sa paggawa
Hybrid Business.
Single pagmamay-ari
Partnership.
Kumpanya.
Limitadong kumpanya pananagutan.
mga personal na utang.
mga pautang sa pamumuhunan.
Utang na Utang.
Home Loan.

RIKA ANDERSON LOAN COMPANY

Ang iyong mga pangangailangan sa pananalapi Makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Email:
Email: rikaandersonloancompany@gmail.com
Whatsapp: +1 (914) 705-7484

Unknown said...

Kamusta, gusto kong ipakilala sa kumpanya na ito kung saan ako nakuha ng utang pagkatapos ng maraming mga pagsubok, nag-aalok sila ng mga pautang sa 3% na rate ng interes at nag-aalok ng iba't ibang uri ng mga pautang. pondohan ang maliliit at malalaking proyekto, pamumuhunan at maliliit na may-ari ng negosyo. Makipag-ugnay sa mga ito sa (capitalsfundingprestamos@gmail.com) o WhatsApp: +1 631 386 8061 kung kailangan mo ng pautang para sa anumang layunin at ipinapangako ko na hindi ka bigo.

Derek Douglas said...

Kamusta,

Kailangan mo ba ng komportableng utang para sa iyong kasiyahan? Nag-aalok kami ng isang abot-kayang 3% interest rate loan para sa mga lokal at internasyonal na mga borrower. Kami ay sertipikado, pinagkakatiwalaang, maaasahan, mahusay, mabilis at dynamic at nagtutulungan kami. bigyan kami ng pangmatagalang pautang mula sa 2 hanggang 50 taon sa pinakamarami.

Kailangan mo ba ng direktang, madali at abot-kayang utang upang magbayad para sa utang, magsimula ng isang negosyo o para sa ibang dahilan? Kung gayon, mangyaring makipag-ugnay sa amin sa iyong kahilingan sa pautang.

Ang alok na ito ay para sa mga seryosong tao.

Mangyaring makipag-ugnay sa amin, kung interesado ka, sa pamamagitan ng:
Email: easyloanfirm2020@gmail.com
WhatsApp: +16166222902

Kami ay sertipikado,
maaasahan, maaasahan, mahusay, mabilis at dynamic.

Pinakamahusay na Pagbati,
Derek Douglas
easyloanfirm2020@gmail.com



3% Simple at abot-kayang alok na pautang

Rahim Teimuri Kemala said...

MAGANDANG BALITA!!!

Ang pangalan ko ay si Rahim Teimuri Kemala mula sa Surabaya sa Indonesia, ako ay isang fashion designer at nais kong gamitin ang daluyan na ito upang sabihin sa lahat na mag-ingat sa pagkuha ng pautang sa internet, kaya maraming mga nagpapahiram dito ay mga pandaraya at narito sila. niloloko ka sa iyong pinaghirapang pera, nag-apply ako ng pautang na humigit-kumulang na Rp900,000,000 kababaihan sa Italya at nawalan ako ng halos 29 milyon nang hindi kumuha ng pautang, nagbabayad ako ng halos 29 milyong hindi pa rin ako nakakakuha ng pautang at ang aking negosyo ay Tungkol sa pag-crash dahil sa utang.

Bilang aking paghahanap para sa isang maaasahang personal na kumpanya ng pautang, nakita ko ang iba pang mga online na ad at ang pangalan ng kumpanya ay GLOBAL LOANS COMPANY. Nawalan ako ng 15 milyon kasama nila at hanggang ngayon, hindi ko natanggap ang pautang na iminungkahi ko.

Diyos ay maluwalhati, ang aking mga kaibigan na nag-apply para sa mga pautang ay tumanggap din ng mga pautang, ipinakilala sa akin sa isang mapagkakatiwalaang kumpanya kung saan nagtatrabaho si Ginang Alma bilang isang tagapangasiwa ng sangay, at nag-apply ako ng pautang na Rp900,000,000 at hiniling nila ang aking mga kredensyal, at pagkatapos natapos nila ang pagpapatunay ng aking mga detalye, inaprubahan para sa akin ang pautang at naisip ko na ito ay isang biro, at marahil ito ay isa sa mga aksyon na nanloko na nagawang mawala ako ng pera, ngunit natigilan ako. Kapag nakuha ko ang aking pautang sa mas mababa sa 6 na oras na may isang mababang rate ng interes ng 1% nang walang collateral.

Natutuwa ako na ginamit ng DIYOS ang aking kaibigan na nakipag-ugnay sa kanila at ipinakilala sa akin sa kanila at dahil na-save ako mula sa paggawa ng aking negosyo na tumalon sa hangin at likido at ngayon ang aking negosyo ay lumilipad nang mataas sa Indonesia at walang sasabihin na hindi niya alam tungkol sa mga kumpanya ng fashion.

Kaya payo ko sa lahat na naninirahan sa Indonesia at iba pang mga bansa na nangangailangan ng pautang para sa isang layunin o sa iba pang mangyaring makipag-ugnay
Gng. Alma sa pamamagitan ng email: (rebaccaalmaloancompany@gmail.com)

Maaari ka pa ring makipag-ugnay sa akin kung kailangan mo ng karagdagang impormasyon sa pamamagitan ng email: (rahimteimuri97@gmail.com). Ito ang mabuting ina na si Mrs Alma WhatsApp Number +14052595662

Salamat muli sa pagbabasa ng aking patotoo, at nawa’y patuloy na pagpalain tayo ng Diyos at bigyan kami ng isang mahaba at maunlad na buhay at nawa’y gawin ng Diyos ang parehong mabuting gawa sa iyong buhay.

Esteri Mumpung said...

Pagbati aking mahal
Hindi ko talaga alam kung saan sisimulan ang aking patotoo mula sa dahil napakasaya kong pangalan ay Esteri Mumpung, mula sa Phillipine, Mrs Rebacca Alma ay dumating upang mailigtas ako sa aking buhay at pinunasan ang lahat ng aking mga kalungkutan.
Nakapagtataka kung naisip kong natapos ang lahat sa akin, labis akong may utang na loob na ang mga taong hiniram ko sa gang ay nilaban ako at pagkatapos ay inaresto ako bilang isang resulta ng aking utang. nakakulong nang maraming buwan ang biyaya ay ibinigay sa akin nang ako ay ma-uli at pinakawalan upang pumunta at kumita ng pera upang mabayaran ang lahat ng mga utang na natanggap ko kaya sinabihan ako na mayroong mga lehitimong online na nagpapahiram kaya kailangan kong maghanap sa mga blog na ako ay ginulangan. ngunit nang matagpuan ko ang REBACCA ALMA LOAN COMPANY, inutusan ako ng Diyos sa kanya at sa isang blog dahil ang pag-akit ko sa ito ay tunay na isang himala siguro dahil nakita ng Diyos na marami akong pagdurusa na dahilan kung bakit niya ako iniuutos sa kanya. Kaya't nag-apply ako nang may masigasig pagkatapos ng ilang oras na inaprubahan ng Lupon ang aking pautang at sa 24 na oras ay na-kredito ako sa eksaktong halaga na aking nilalayon para sa lahat ng ito nang walang karagdagang garantiya ng mga Personal na Pautang habang nakausap ko ka ngayon limasin ang lahat ng utang ko at mayroon akong sariling supermarket at pamumuhunan na nangyayari sa Pilipinas at Indonesia, magbubukas lang ako ng isang mall sa Malaysia hindi pa matagal na at hindi ko kailangan ang tulong ng ibang tao bago ako magpakain o kumuha ng pananalapi, kahit anong desisyon ko ay walang negosyo sa Pulis, ngayon ay isang malayang babae na ako.
Nais mong makaranas ng kalayaan sa pananalapi tulad ko, mangyaring makipag-ugnay sa Ina sa pamamagitan ng email ng kumpanya: (rebaccaalmaloancompany@gmail.com) makipag-ugnay din kay Mrs. Rebbacca sa pamamagitan ng numero ng whatsapp 14052595662.

Hindi mo maipagdebate ang katotohanan na sa mundong ito ng mga paghihirap na kailangan mo ng isang tao na makakatulong sa iyo na malampasan ang turnover financial sa iyong buhay sa isang paraan o sa iba pa, kaya't binigyan kita ng utos na subukan at makipag-ugnay kay Mrs. Rebacca Alma sa address sa itaas kaya ikaw maaaring malampasan ang mga problemang pampinansyal sa iyong buhay.

Maaari mo ring makipag-ugnay sa akin sa pamamagitan ng aking email: (esterimumpung77@gmail.com)) Palaging pagiging positibo kay Gng. Rebacca Alma dahil makikita ka niya sa lahat ng iyong mga hamon sa pananalapi at pagkatapos ay bibigyan ka ng isang bagong pananaw sa pananalapi at kalayaan upang malampasan ang lahat ng iyong pagkabahala . Pagpalain nawa kayong lahat.

Anonymous said...

Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
mayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.