Mga Kababayan
> Meron akong gustong ibahagi para sa ating lahat na mga
> PILIPINO.
> Simple pero parang mahirap gawin ng karamihan sa atin.
>
> Hindi ito makukuha sa puro daldalan lang or walang
> kabuluhang pagtatalo, kumilos tayo ngayon na.
>
> Sa ibang bansa: Pag nagkasala ang Pinoy, pinarusahan siya
> ayon sa batas.
>
> Sa PINAS: Pag nagkasala ang ang Pinoy, ayaw niyang
> maparusahan kasi sabi niya mali raw ang batas.
>
> Sa ibang bansa: Pinag-aaralan muna ng Pinoy ang mga batas
> bago siya pumunta roon, kasi takot siyang magkamali.
>
> Sa PINAS: Pag nagkamali ang Pinoy, sorry kasi hindi raw
> niya alam na labag sa batas iyon.
>
> Sa ibang bansa: Kahit gaano kataas ang bilihin at tax sa
> USA okey lang, katuwiran natin doble kayod na lang.
>
> Sa PINAS: mahilig ka sa last day para magbayad ng tax
> minsan dinadaya mo pa o kaya hindi ka nagbabayad.
>
> Rally ka kaagad kapag tumaas ang pasahe at bilihin imbes na
> magsipag mas gusto natin ang nagkukwentuhan lang sa
> munisipyo o kahit sa alinmang tanggapan.
>
> Sa Singapore: Kapag nahuli kang nagkalat or nagtapon ng
> basura sa hindi tamang lugar, magbabayad ka na 500 Singapore dollars.
>
>
> Sabi ng Pinoy, Okey lang kasi lumabag ako sa batas.
>
> Sa Pinas: Kapag nagkamali ang Pinoy katulad nang ganito,
> Sabi ng Pinoy, ang lupit naman ni Bayani Fernando, mali naman ang pinaiiral
> niyang batas eh akala mo kung sino. Ayun nag-rally na ang Pinoy gustong
> patalsikin si Bayani Fernando kahit na alam niyang mali siya.
>
> Mga igan, ilan pa lang iyan baka may iba pa kayong alam.
>
> Bakit ang PINOY, pwedeng maging "law abiding citizen
> sa ibang bansa ng walang angal" pero sa sarili nating bayang PILIPINAS
> na sinasabi ninyong mahal natin, eh hindi natin magawa, BAKIIITTTTT? ????????
>
> ETO PA, "Ang Pilipino NOON at NGAYON":
>
> NOON: Wow ang sarap ng kamote (kahit nakaka-utot)
> NGAYON: Ayaw ko ng kamote gusto ko French Fries (imported eh)
>
> NOON: Wow ang sarap ng kapeng barako
> NGAYON: Ayaw ko niyan gusto kong kape sa STARBUCKS
> (imported coffee 100 pesos per cup)
>
> NOON: Bili ka ng tela para magpatahi ng pantalon like maong
> NGAYON: Gusto ko LEVI'S, WRANGLER, LEE (Tapos rally
> tayo "GMA tuta ng KANO") Di ba tuta ka rin naman.
>
> NOON: Sabon na Perla OK ng pampaligo
> NGAYON: Gusto mo DOVE, HENO DE PRAVIA, IVORY, etc. may
> matching shampoo pa
>
> NOON: Pag naglaba ka batya at palopalo ok na, minsan banlaw
> lang sa batis pwede na
> NGAYON: Naka-washing machine ka na plus ARIEL powder soap
> with matching DOWNY pa para mabango
>
> Alam ko mas marami pa ang alam ninyo tungkol dito, pero
> ilan ilan lang iyan para bigyan ng pansin.
>
> Mga Pilipino nga ba tayo? O baka sa salita lang at E-Mail
> pero wala naman sa gawa.
No comments:
Post a Comment