To all Gen Z's out there,
Kapag hindi nyo pa kayang bilhin wag nyong pilit abutin to the point na sa magulang nyo hihingiin kahit hindi nila kaya!
Wag kayong ambisyosa antayin nyo yung time na nakakapag trabaho na kayo at kaya nyo ng bilhin lahat ng mga luho nyo‼️
Storytelling:
I have this client yesterday they approached my experience table then ask me "Ate may Iphone 11 po ba kayo? Yung 128gb ba yun" ate doesn't look like na may alam sa mga phone and I tell them "Yes po maam meron po naka promo kami ngayon 27,990 nalang po pag cash" then nag tinginan silang magkakasama then aalis na kasi parang namahalan then I ask ulit kung ano po bang hanap nila and ate said "Miss ganto kasi yung panganay ko gusto ng Iphone kaso budget namin ni mister 8k lang" so I offered them installment ways such as credit card or home credit inexplain ko isa isa ng maayos then sabi nya yung pinsan nya is meron kaya umalis sila and after an hour bumalik sila sakin Installment nalang daw ng 24 month (2years) para 1k+ lang daw monthly and nung mag unbox na nung unit ate doesn't look so happy kaya inask ko sya kung bakit kasi matanong talaga ako sa costumers ko ayoko sila maboring and ang sumagot yung kasama ni ate "Yung anak nyan kasi kaka 18 lang at graduate gusto ng iphone 11 128gb pa eh hindi naman nila kaya ang ginawa hindi umuwe ng isang linggo sakanila tapos hindi sila kinakausap" na shock ako grabe! And I ask si costumer "Ano po ba trabaho ng asawa nyo maam?" Sinagot nya agad "Tricycle driver lang tapos nag uupa pa kami ng bahay at yung bunsong kapatid nila nag gagatas pa" and pinutol kona agad yung conversation about dun nag proceed nalang ako sa demo kasi diko kinakaya yung naririnig ko. And mas lalo syang nagulat nung nalaman nya na pati yung adapter for charging is bibilihin pa na worth 1,200 "Pambigas nalang namin natira dito eh tsaka na siguro yan" sabi ni costumer.
Grabe diko akalain na makaka encounter ako ng ganto na nababasa ko lang sya sa facebook dati. Sobrang naiinis ako sa anak ni maam. Nakaka loka isip isip ko samantalang ako from 18 years old nag start ako mag work upto this year na 21 nako tsaka lang ako naka bili ng Iphone tapos XR pa tapos sya nakuha nya yung gusto nya dahil sa pagmamaktol🤦♀️
Guys ang mga luho hindi inaasa sa magulang pinaghihirapan yan! Wag kayong makipag sabayan sa mga mayayaman nyong kaibigan kung hindi kaya isantabi nyo yang inggit nyo mas mahalagang may nakakain araw araw kaysa sa nga luho na hindi nyo pa naman totally kailangan.
Tama po.
No comments:
Post a Comment