Tuesday, February 27, 2024

Dentista

 MGA DAPAT TANDAAN BAGO MAGPABUNOT 

1. Ipaalam sa dentista kung kayo ay may allergies or karamdaman tulad ng sakit sa puso, dugo, diabetes, highblood at iba pa

2. Matulog ng at least 8 hours

 - Kapag kulang sa tulog, humihina ang resistensya ng katawan na maaaring mag resulta sa impeksyon pag katapos mabunutan at bumababa din ang sakit na kayang tiisin 

3. Huwag uminom ng alak at least 24 hours bago bunutan 

        - Maaring hindi talaban ng anesthesia o pampamanhid ang taong nakainom ng alak. Mas mabuti din na ipaalam sa dentista kung kayo ay malakas uminom ng alak upang mapag handaan din ang dami ng pamapamanhid na ilalagay.

4. Kumain ng madami bago ang appointment

       - Kailangan muna na antayin na tuluyang mawala ang pampamanhid bago kumain at asahan na mahihirapan kumain pag katapos mabunutan dahil may sugat sa bibig

5. Uminom ng pain reliever 30 minutes bago mag pabunot upang mas maging komportable ang magiging pag bunot ng ngipin

No comments: