Monday, March 04, 2024

Sikreto ng meralco.

 ANG SECRETO NG MERALCO!


Hindi ako masyado nagpopost ng mga issue, pero I think I should post this one para maging aware tayo. Lumipat ako ng bahay last April lang, at ang monthly billing namin ay nag aaverage ng 3,500 kasi every night talaga nag aaircon kami at bumili kami ng ref (inverter), sa dati namin bahay ang monthly billing namin kapag nag aaircon mga 2800, pero wala kami ref dahil sira. Last month (June 12 to July 13) ang bill namin 3,470.99 binayadan ko sya, kahit may mga gabi kami hnd nagaaircon (mga 4 na araw siguro) naisip ko baka sumubra lang kami ng konsumo sa ibang appliances. Pero nag tag ulan at hindi kami nag aircon simula July 28 to Aug 11, meaning 2 weeks, kaya all the while nag eexpect ako ng mababang bill ngayon month ng August. Ng dumating ang bill nagulat ako na 3,263.81 halos 200 lang ang nabawas sa mga nakaraang billing. Sabi ng asawa ko baka nagtaas lang ang presyo ng kuryente, pero hnd ko maisip kung anong dahilan at almost the same ang bill ko mag aircon man ako or hindi. Pinacheck ko sa electrician, wala nman sya makita problem, pero sabi nya parang may problema ang metro kelangan daw itawag sa meralco, minsan daw kasi si meralco nageestimate lang at hnd nagbabasa. So tinawag ko sa meralco, at ayun nga nagestimate lang daw sila dahil malabo daw ang metro, kaya hnd na nagbasa ang reader. Wag ko muna daw bayadan at icacalibrate daw. bibisitahin daw para macheck ang metro kung kelangan palitan. Lumalabas na nandadaya ang meralco, dahil kung nagkataon pala na wala ako time magtawag mababayadan sila ng maling amount. Nagsorry lang sila sakin, ngayon lang daw sila nag estimate. Kaya be vigilant sa billing natin, mandaraya ang meralco.

Ctto

Like and share Day by Day Music Production

No comments: