Kapag may namamatay dapat nagluluksa at nagdadasal, bakit mas maraming nag-outing?
Maraming simbahan na malapit para doon manampalataya, bakit kelangang pumili ng malayo? Mas malakas ang signal?
Maraming araw para magsimba at magdasal, bakit tuwing may okasyon lang at mas gusto pa na sa malalayong lugar na kasabay ang mag-swimming?
Umaasa ng biyaya kapag may panatang pinagsikapang makumpleto. Bakit hindi pagsikapang maging mabuting tao, umiwas sa kasalanan at paghusayang magtrabaho para matupad ang gusto?
Nung nag-aaral pa ako ang intindi ko sa turo sa amin ay napipili lang from the "grace of God" ang makakaligtas at hindi lamang sa mabuting gawain. Lalo ako naguluhan kasi hindi ba mas uunahin nating maging mabuting tao? Hingi lang ng tawad tapos balik sa dating maling gawain ay ayos na uli kasi kasama ka sa nabasbasan ng grasya? Parang hindi naman yata patas. Kaya pala may sinasabing Ikaw na ang anak ng juice.
Kaya siguro kahit ilang ulit ko gustong magkaroon ng buhay ispiritwal ay hindi nangyayari kasi hindi ako anak ng juice at lalong dahil hindi ko talaga maintindihan.
Nirerespeto ko naman ang pananampalataya ng bawat isa, sana maintindihan ko rin bago pa maging huli ang lahat.
Happy Easter!
No comments:
Post a Comment