Para sa kaalaman ng lahat…
Wag natin icompare ang HP ng aircon natin kaya lumalaki o bumababa ang bill ng kuryente.. Marami pwedeng iconsider kaya iba iba ang bill.. pag walang blinds ang bintana, pag hindi nag lilinis ng air filter, pag ang outdoor eh nakatapat sa araw, depende sa brand syempre, pwedeng sa lugar, sa mga gamit na appliances, mga hangin na lumalabas.. sa pag gamit ng aircon kung anong oras or anong load, kung inverter or non-inverter po ba ang gamit nyong aircon, kung hindi nililinis ang unit, kung high or low ceiling kaba, kung nasa condition pa ba ang unit.. or higit sa lahat kung undersized or kung nasunod ba ang capacity ng room to unit ng HP sa location na pinaglagyan ng aircon at too many to mention po..
Sa aircon kasi need isurvey hindi pwede bili na lang ng bili at ipapakabit marami po muna tayo need pag aralan lalo na sa loading capacity..
Kaya hindi pwede mag compare ng bill ng isat isa isa.. parang sa kotse depende sa road condition at sa quality ng driving habits..
Always remember na ang inverter aircon is for longest hours usage hindi for shortest period of time.. gumagamit sya ng variable frequency drive (VFD) Once na ON mo po naka max speed ang compressor na tinatakbo nito ngayon po nag set po tayo ng desired temperature natin sa remote so yun po ang gagawin satin ng AC na desired temp.. once it reaches hoping na hindi nakabukas ang bintana or open area.. pag nareach nya na ang desired temp mag slow down napo ang compressor pero hindi po mamatay it will maintain the desired temp natin dahil bumagal napo ang ikot nito at once nakuha na nya yung level na yon yoon na po ang LOW CURRENT NYA! Pasok na po yung INVERTER Benefits. Inverter works to maintain the temperature and faster in cooling down the place..
Non-inverter ang isang maganda sa kanya is matibay pero hindi ko sinabing hindi masisira lalo na pag di nyo nilinis! Ang non-inverter is naka fixed speed ang compressor. Once na reach nya ang desired temp natin mag off sya at pag nauubos na ang napundar nya hahataw ulit ang compressor meaning mag ON ulit.. non inverter works to regulate the temperature but takes time to cool down the place..
Sana makatulong kahit paano👀🌞
No comments:
Post a Comment