Friday, May 10, 2024

Payo

 𝗣𝗔𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗔𝗞

Mga Anak ko,kung dumating man ang panahon na malalaki na kayo at meron na kayong sariling mundo.

Sana piliin mo parin umuwi sa bahay at tabihan ako sa pagtulog


Kung dumating man yung panahon na, makisuyo ako sa mga bagay na hindi ko na kayang gawin sana sundin mo ako.


Kung dumating man yung panahon na mabagal na ako maglakad, sana alalayan mo ako sa aking paglalakad.


Kung dumating man yung panahon na, hirap na ako bigkasin ang mga salita at di ko masabi ng maayos sana pilitin mo akong intindihin.


Kung dumating man ang panahon na makakalimutin na ako.

Sana ipaalala mo sakin lahat ng maayos.

Kung dumating man ang panahon na hindi na maintindihan ang ugali ko.

 Anak, sana pakihabaan mo ang pasensya mo at wag mo ko pagagalitan. 


Sana habaan mo ang pang unawa mo.Gaya ng mga panahon na hinabaan ko ang pasensya ko tuwing hindi kita mapatulog nung sanggol ka pa.

Tuwing karga lang kita dahil ayaw mo magpalapag.


Nung panahon na inaaalalayan kita sa paglalakad, hindi ako umaalis sa tabi mo sa bawat hakbang mo upang maalalayan kita kung ika'y matumba.


Nung mga panahong hindi ako makatulog pag hindi ikaw ang katabi ko. Dahil gusto ko yakapin kayo.

Kumutan kayo.


Pag gising sa umaga kayo ang una kong makikita.

Nung mga panahon na, bulol ka pa magsalita.

 Pero pinipilit kong intindihin at turuan ka ng tama, Anak ko.


Nung mga panahon na, ang dami kong ginagawa pero gusto mong makipaglaro.

 May mga gusto kang kunin na hindi mo kaya.


Mga Anak.Huwag nyo sana kakalimutan lahat ng aking itinuro. Ipamana mo pa ito sa aking magiging apo.


Dumating man ang panahon na wala na ako.. Lagi mong iisipin na ikaw ang pinakamamahal ko sa mundong ito, dahil mahal kita anak ko!

No comments: