Ang Tanging AlaySalamat sa Iyo
Aking Panginoong Hesus
Ako'y inibig Mo
At inangking lubos
Koro:
Ang tanging alay ko sa Iyo aking Ama
Ay buong buhay ko puso at kaluluwa
Di na makayanang maipagkaloob
Mamahaling hiyas O gintong sinukob
Ang tanging dalangin O Diyos ay tanggapin
Ang tanging alay ko nawa ay gamitin
Ito lamang Ama wala nang iba pa
Akong hinihiling
Di ko akalain
Na ako ay bigyang pansin
Ang taong tulad ko
Di dapat mahalin
(Koro)
Aking hinihintay
Ang Iyong pagbabalik, Hesus
Ang makapiling Ka'y
Kagalakang lubos
(Koro)
Sana Kahit MinsanBakit ikaw ang nais na matanaw nitong mga mata
Tunay kayang nabighani ako sa taglay mong ganda
Nais kong marinig malamyos mong tinig
Na sa akiy aliw at tila ba itoy hulog pa ng langit
Pag nakita ka nay ayaw nang kumurap o pumikit man lang
Dahil baka mawala kang bigla nang hindi ko alam
Minsay hinahagkan, yakap-yakap kita
Ngunit sa paggising ko ay tila ba tunay at
nanghihinayang na
Sana kahit minsan ay mapansin ako
Malaman kong ikay mahal at yan ang totoo
Huwag mong iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay sa yo
Pag nakita ka nay ayaw nang kumurap o pumikit man lang
Dahil baka mawala kang bigla nang hindi ko alam
Minsay hinahagkan, yakap-yakap kita
Ngunit sa paggising ko ay tila ba tunay at
nanghihinayang na
Sana kahit minsan ay mapansin ako
Malaman kong ikay mahal at yan ang totoo
Huwag mong iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay sa yo
Hanap ng puso ay laging ikaw
Tanging nais ko ang yong pagmamahal
Sana sabihing mahal mo rin ako
Ikaw ang nais ng damdamin ko
Sana ay mapansin ako, malaman mong kitay mahal at yan ang totoo
Huwag mong iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay
Ikaw ang nais sa habang buhay
Ang pag-ibig na alay ko sa yo tunay
Sa yoy tunay
Sa yoy tunay
Sana kahit minsan... minsan
Sana kahit minsan...
Sana kahit minsan...
Scarborough Fair?
Are you going to Scarborough Fair?
Parsley, sage, rosemary & thyme
Remember me to one who lives there
She once was a true love of mine
Tell her to make me a cambric shirt
(On the side of a hill in the deep forest green)
Parsely, sage, rosemary & thyme
(Tracing a sparrow on snow-crested ground)
Without no seams nor needlework
(Blankets and bedclothes a child of the mountains)
Then she'll be a true love of mine
(Sleeps unaware of the clarion call)
Tell her to find me an acre of land
(On the side of a hill, a sprinkling of leaves)
Parsely, sage, rosemary, & thyme
(Washed is the ground with so many tears)
Between the salt water and the sea strand
(A soldier cleans and polishes a gun)
Then she'll be a true love of mine
Tell her to reap it in a sickle of leather
(War bellows, blazing in scarlet battalions)
Parsely, sage, rosemary & thyme
(Generals order their soldiers to kill)
And to gather it all in a bunch of heather
(And to fight for a cause they've long ago forgotten)
Then she'll be a true love of mine
Are you going to Scarborough Fair?
Parsley, sage, rosemary & thyme
Remember me to one who lives there
She once was a true love of mine.
Bridge Over Troubled Waters When you're weary
Feeling small
When tears are in your eyes
I will dry them all
I'm on your side
When times get rough
And friends just can't be found
Like a bridge over troubled water
I will lay me down
Like a bridge over troubled water
I will lay me down
When you're down and out
When you're on the street
When evening falls so hard
I will comfort you
I'll take your part
When darkness comes
And pain is all around
Like a bridge over troubled water
I will lay me down
Like a bridge over troubled water
I will lay me down
Sail on Silver Girl,
Sail on by
Your time has come to shine
All your dreams are on their way
See how they shine
If you need a friend
I'm sailing right behind
Like a bridge over troubled water
I will ease your mind
Like a bridge over troubled water
I will ease your mind
Iwasan ang stress
"Stress can be a principal determinant in the development of various disabilities such as cancer and heart attacks."
Ang ipinagtapat na ito ni Dr. Ulla Kristina Laaks ay batay sa kanyang pag-aaral hinggil sa ibinubunga ng labis na damdaming negatibo at gayon din iyong mga problemang nakaaapekto ng ating kalusugan.
Kung tayo ay may sintomas ng cold, naapektu-han ang ating isip ng mga problema at tayo’y nininerbiyos – ang lahat ng mga ito ay bunga ng stress. Kung may mga sakit na bunga ng viruses, bacteria at toxin ay dapat din nating mabatid kung paano natin masusugpo ang stress sa ating buhay.
Ito ang ipinahayag ni Dr. Maxwell Maltz, sa kanyang artikulong "How to Stand Up Under Stress".
"All our disturb feelings – anger, hostility, fear, anxiety, insecurity – are caused by our own responses, not by any external stimuli. If we could learn to control these responses, wouldn’t we, in effect, be building our own ‘psychic screen’?"
Ang negatibong emosyong binanggit ni Dr. Maltz ay epekto ng masasamang pangyayari na makasasama sa ating kalusugan. Iyan ang stress na dapat iwasan.
Nang tanungin ang dating Pangulong Harry Truman noong mga huling araw ng World War II, kung paano niya nagagawang maging payapa ang kanyang sarili sa ganoong kahirap na mga pangyayari ay ito ang kanyang sinabi:
"I have a foxhole in my mind"
Kumalat sa buong daigdig ang sagot na ito ng Pangulong Truman. Ang ipinaliwanag niya na kung may "foxhole" na pinagtataguan ng sundalo sa sandali ng panganib ay gayon din siya. Kapag kailangang irelaks niya ang kanyang isip sa maseselang problema ay ipinahihinga niya ito sa kanyang "mental foxhole."
Ito ang sinulat ni Marcus Aurelius, isang bantog na philosopher:
"No where either with more quiet or more freedom from trouble, does a man retire than into his own soul."
Hahanap tayo ng ating sariling kapayapaan sa ating kaluluwa, iyan ang palagay ni Aurelius.
Narito ang ilang "tips" upang ating maiwasan o masugpo ang problemang stress sa ating buhay:
• Kalimutan ang mga di-magagandang pangyayari sa ating buhay. Iyung magaganda lamang ang ating gunitain;
• Iwasang magtanim ng galit o sama ng loob. Tayo rin ang biktima ng ating ginagawa. Tuwang-tuwa marahil ang ating kaaway ‘pagkat sila’y nagtagumpay;
• Alisin sa ating katauhan ang pagiging totoong maramot;
• Magkaroon ng magandang "mental room" na maaari nating pagpahingahan ng ating isip;
• Magbilang ng isa hanggang sampu bago magpasya sa isang maselang sitwasyon;
• Isaayos ang lahat ng iskedyul. Ayusin lahat ng mga gamit na mahahalaga. I-plano ang lahat ng gagawin sa araw-araw;
• Maglaaan ng panahon upang tumulong sa mga nangangailangan.
Magsimula sa maliit muna Ang isang magbubukid, upang maging matagumpay na magbubukid, ay dapat munang tamnan ng tamang kaisipan ang kanyang sarili bago magtanim sa lupa.
Lagi kong sinasabi at isinusulat na hindi nakukuha sa laki o liit ng lupa ang tamang kita para sa isang magbubukid. Bagaman at may kabutihang dala ang isang malawak na bukirin, lalo na nga at ito ay bukiring komersiyal, maaari rin namang kumita ang isang magbubukid kahit na maliit ang kanyang lupa. Sabi ko nga, nasa tamang paggamit ng lupa, iyon bang walang nasasayang na bahagi nito, at ang uri ng mga itinatanim na binhi at halaman, at ang tiyempo ng pagtatanim ang kadalasan ay nagbibigay ng malaking kita para sa isang ordinaryong magbubukid.
Kadalasan, pagkatapos na umani ng palay ang isang magbubukid, ay iniiwanan na lamang na nakatiwangwang ang kanilang lupa. Partikular ito sa mga bukiring palay o mais ang itinatanim. Ang iba naman ay laging sinasabi na wala silang sapat na puhunan upang magtanim pa kaya hinahayaan na lamang na nakatiwangwang ang kanilang lupa. .
Ang isang magbubukid, upang maging matagumpay na magbubukid, ay dapat munang tamnan ng tamang kaisipan ang kanyang sarili bago magtanim sa lupa. Dapat ay hindi nakakulong sa problema ang kanyang isip, manapa, dapat na ito ay malaya at at mapangahas.
Halimbawa nga, tanungin ninyo ang inyo ang sarili: kundi puwede ito, bakit hindi ko subukan ito? May lupa ako ngunit wala akong sapat na puhunan, bakit hindi ako magsimula sa maliit na taniman ? Iyon bang ikaw lang ang magtatrabaho at ang itatanim mo ay mga binhi o pananim na hindi naman nangangailangan ng magastos na pangangalaga. O kaya naman ay iyong uri ng pananim na maagang maaani upang maging pera kaagad.
Noong araw na ang Valenzuela ay hindi pa siyudad, may isang bakanteng lote doon na may kalahating ektarya ang luwang. Sa harapan nito ay may kanal na inaagusan ng tubig. Ang lupa ay inarkila ng isang tsino at kumuha ito ng dalawang tao na katulong. Inasarol lang nila ang lupa, gumawa ng mga kama (plot) na ang luwang ay isang metro at ang haba ay sampung metro, nilagyan ito ng binulok na ipa na madaling nakukuha sa mga rice mill at dumi ng hayop. Ang tubig sa kanal na mayaman sa organikong bagay ay pinadaloy niya sa pagitan ng mga kama o plot na tinamnan niya ng kangkong.
Ang ibang plot o kama ay tinamnan ng petsay, sibuyas na mura, kintsay at siling panigang at siling baguio (iyong malalaki). May apat na plot o kama rin siya na tinamnan ng kamote na tuwing ikalawang araw ay tinatalbusan... Tinanong ko ang tsino kung magkano ang kanilang benta sa isang araw at ako ay nagulat. Nakapagbebenta sila ng halagang P500.00 isang araw sa gayong tanim lamang. At noong panahong iyon ay l979 na ang halaga ng piso ay napakalaki.
Bakit ko isinulat ito? Dahil maaari ring gayahin ito ng isang magbubukid. Para na lamang siyang naglilibang: tuwing umaga, gagawa siya ng isang kama o plot. Sa hapon, maaari niya itong durugin at pinuhin upang maging mahusay ang pagtatanim. Sabugan niya ito ng abo ng ipa o kusot o anumang nabubulok na bagay o dumi ng hayop. Kung sa isang araw ay nakagagawa siya ng isang plot o kama, mayroon siyang pitong kama o plot sa isang linggo. Kung dalawang linggo siyang gagawa ng plot, mayroon siyang labing-apat na plot. Maaari na siyang magsimula rito.
Hatiin niya ang kanyang plot sa mga sumusunod na pananim: petsay (aanihin sa loob ng 30 araw); pipino, aanihin pagkatapos ng 45 araw; kamote na ang kukunin lang ay ang talbos,. Matatalbusan mo na ito sa loob ng 60 araw. Maaari ka ring magtanim ng kalabasa, talong o okra na maaani sa loob din ng 45 araw. Sa kalabasa, kapag namulaklak, maaari ka nang kumita dahil nabibili na kaagad ang bulaklak ng kalabasa. Pagkatapos maipagbibili mo na rin ang bunga.
Ang prinsipyo ay magtanim ng mga gulay o halaman na maagang aanihin o kaya ay tuluy-tuloy ang magiging ani mo. Kung umani ka na ng petsay, heto na ang pipino at aanihin mo na uli. Kung umaaani na ng pipino, makatatalbos ka na ng kamote at iba pa. Magiging tuluy-tuloy ang iyong ani at magiging tuluy-tuloy din ang iyong pagtatrabaho.
Kung labing apat na plot o kama lamang ang iyong gulayan, hindi magiging mabigat sa isang magbubukid ito. Maaari ring makatulong ang iyong maybahay o mga anak na para ba kayong naglalaro lamang. Libangan na ito, kumikita pa.
Ngayon, kung kayo naman ay may tamang kaalaman sa pagtatanim ng mga halamang tulad ng bawang, sibuyas, sibuyas na mura, litsugas, kintsay, kerot, repolyo bitsuwelas o mga katulad, subukin ninyong iyon ang itanim sa inyong mga plot o kama. Mas maganda ang presyo ng mga gulay na ito, bagama’t ang malalaking otel ay umaangkat na ng ganitong mga gulay na nagiging sanhi ng pagbagsak ng presyo ng mga gulay na ito..
Simulan ninyo sa maliit. Pagod at konting pera ang puhunan. May malaking pakinabang naman.
Organikong pamamaraan kontra peste
Dahil sa “shot gun” na pamamaraan ng paglutas ng problema sa pagsasaka, kahit na ang mabuting organismo at insekto ay napapatay
Tanungin ninyo ang mga organikong magbubukid kung problema nila ang peste sa kanilang bukirin, tiyak na sasabihin nilang problema rin, pero hindi naman masyado. Maaaring magtaka ang ibang magbubukid na nahirati o sinanay sa lasong kemikal. Kung sila nga naman na gumagamit na ng lasong kemikal ay problema ang peste, bakit hindi ang mga organiko o likas na magbubukid?
Una na rito, ang isang organikong magbubukid o likas na magsasaka, ay naniniwala na ang kalikasan mismo ay may kakayanang lutasin ang suliranin ng mundo ng kalikasan, huwag lamang itong pakikialaman ng tao. Pinakialaman kasi ng tao ang kalikasan. Partikular sa mga "makabagong magbubukid", gumamit sila ng mga pamatay na lasong kemikal at abonong kemikal. Resulta: winasak nito ang balanse ng "mabuti at masama" na buhay ng mga organismo sa lupa.
Dahil sa "shot gun" na pamamaraan ng paglutas ng problema sa pagsasaka, kahit na ang mabuting organismo at insekto ay napapatay. Nawalan nga ng balanse ang kalikasan kaya kailangang tulungan ng mga kemikal na sistema ang pagsasaka upang matugunan ang kailangan ng halaman at hayop. Nguni’t ang hindi alam ng mga “makabagong magbubukid”, patuloy silang natatali sa sistemang kemikal na pagsasaka hanggang sa dumating ang panahon na ang pinapatay mismo ng tao ay ang kanyang sarili. Ito ang nangyayari ngayon sa ating mundo.
Ayon sa mga mananaliksik, ang isang bukiring gumagamit ng sistemang organiko o likas na pamamaraan ng pagsasaka ay may balanseng sangkap ng mga mineral at maliliit na sangkap-mineral (micro-nutrient). Ang mga mineral na ito, bukod pa sa tatlong mahahalagang sangkap na kailangan ng halaman (npk), kasama na ang mga micro-nutrient ang kailangan ng halaman upang maging malusog at masigla. Ang isang halamang malusog, tulad din ng tao, ay bihirang kapitan ng sakit.
At ang pagpapalusog na iyon ng halaman na dulot ng balanseng mineral at mga micro-nutriet ay resulta ng patuloy na pagggamit ng mga likas na abono o kompost. Kaya dapat na maunawaan ng isang magbubukid na ang kanyang bukirin ay dapat na magkaroon ng mga likas na mineral at micronutrient. Ipunin niya ang mga dumi ng kanyang kalabaw, kambing, baka, manok at baboy at gawing kompost. Ipunin niya ang mga ginikan, ipa, dahon ng halaman, kusot at iba pang nabubulok na bagay at ibalik iyon sa kanyang bukid. Sa ganyang pamamaraan, nadadagdagan ng mga mineral at micro-nutrient ang kanyang lupa.
Bukod sa ganyang sistema, maaari ring gumawa at gamitin ng isang organikong magbubukid ang mga pangwisik na organikong abono. Sa isang sistema na ang organikong abono ay "papanisin" saka hahaluan ng mapulang asukal, magagamit niya ang mahusay na likidong abono na ito sa kanyang mga halaman, o diretsong idilig sa lupa upang yumaman sa likas na mga organismo ang inyong bukirin.
Sa aming karanasan ay gumagamit kami ng "pinanis" na guwano (taeng paniki). Maglagay sa sako ng tae ng paniki (maaari ring dumi ng baboy, manok, baka o compost) sa dram at lagyan ito ng tubig. Sa isang sakong guwano, nilalagyan ko ng kalahating dram na tubig. Papanisin ito ng dalawang lingo sa loob ng dram o platik na lalagyan. Maaari ring lagyan ng pulang asukal na limang kilo, maaari ring hindi lagyan. Kung gusto ng magbubukid, maaari rin niyang haluan ito ng katas ng madre kakaw o kakawate, dinikdik na bunga ng neem, bawang o sibuyas, bilang karagdagang pestesidyo sa inyong likidong abono.
Pagkatapos ng dalawang linggo, salain at ilagay sa boteng plastik at ilagay sa isang pook na hindi maaarawan. Mahalagang huwag maarawan o sa may madilim na lugar ito itago upang hindi mamatay ang mga microorganismong nabuhay sa panahon ng pagpanis ng likidong abono. Maaari na itong gamiting pangwisik sa inyong halaman o sa mga punong namumunga . Maaari rin itong iwisik sa inyong bukid sa panahong kayo ay nag-aararo at nagsusuyod. Nakapagpapayaman ito sa mga microorganismo, mineral at micro-nutrient na nasa inyong bukirin. Kung titingnan natin ang prinsipyong ito, makikita natin na pinayayaman natin ang mga mikrobyo, mineral at micro-nutrient sa ating bukirin, hindi binabawasan sa pamamagitan ng pagpatay sa mabubuting mikrobyo, amag at bacteria, mineral at micro-nutrient.
Ito ang tamang sistema na makakalikasan, at samakatwid, makasangkatauhan din.
Ampalaya: Mabisang Halamang Gamot
• Jyrvie J. Vargas •
Hango sa www.rain-tree.com/bitmelon.htm (Momordica_charantia_p.6.jpg)
Ang amplaya ay tinaguriang "himala ng kalikasan." Ito ay matapos na mapatunayan ng mga dalub-agham at manggagamot na nagtataglay ang halamang ito ng mga katangiang nakapagbibigay lunas sa sakit na diyabetes.
Makikilala ang ampalaya (Momordica charantia) bilang baging na namumulaklak at namumunga. Ang bunga at dahon ay kinakain na gulay. Ilan sa mga katawagan dito ay margoso, apalaya o ampalaya sa Tagalog; amargoso sa Kastila; palia sa Bisaya; bitter gourd, balsam apple, at balsam pear sa Inggles. Ito ay matatagpuan sa lahat ng bahagi ng bansa.
Hindi lamang ang pagiging halamang gamot nito ang pinahahalagahan ng marami kundi pati na rin ang pagiging masustansiya nito. Ang bunga at dahon ng uring ito ay mayaman sa bakal (iron), kalsiyo (calcium), phosphorus at mabuting tagapagbigay ng bitamina B. Isa sa mga lutong gulay na pangkaraniwang nilalangkapan ng bunga ng ampalaya ay ang pinakbet. Napaulat din na ang mga dahon nito ay ginagamit na panlinis ng mga metal.
Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa, ang bunga ng ampalaya na inihanda bilang tsaa ay epektibong dietary supplement na ginagamit na panggamot sa diyabetes. Isa ito sa sampung halamang gamot na dumaan sa siyentipikong pag-aaral at kinikilala ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) at Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care.
Napatunayan na ito ay nagtataglay ng phytochemicals. Ang phytochemicals ay nagpapataas ng produksiyon ng mga beta cell sa lapay (pancreas). Dahil dito, napapataas din ang kakayahan ng katawan na makagawa ng insulin (Polypeptide-p) na nakatutulong sa pagbaba ng asukal sa dugo.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang mga komersiyal na tsaa mula sa bunga at buto ng ampalaya na mabibili sa mga pamilihan. Hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo napatunayan ang kakayahang ito ng ampalaya.
Hindi lamang panlunas sa diyabetes ang kahalagahan nito. Ang bahaging baging nito ay ginagamit bilang pampurga, pampasuka at panlunas sa ulser. Ang ugat, kasama ng bunga o prutas at buto, ay ginagamit na panlunas sa duming lumalabas sa palaihian o urethral discharge.
Ang dahon din ay tinuturing na antipyretic o pampawala ng lagnat. Ang buong halaman na pinulbos ay mainam na panlunas sa ketong, malalang ulser at mga karamdaman sa balat. Ginagamit din ang dahon bilang panapal sa ulo kapag sumasakit.
Ang bunga na ibinabad at pinalambot sa asin ay ginagamit na panlunas sa ubo ng bata at pamamaga o implamasyon sa ilong o lalamunan na nagiging dahilan ng sipon.
Ilan lamang ito sa mga gamit-panlunas na naibibigay ng ampalaya.
Narito naman ang ilang alituntunin sa simpleng paghahanda at paggamit ng ampalaya bilang panlunas sa diabetes mellitus:
Hugasang mabuti ang mga dahon at tadtarin. Magsukat ng isang basong dahon at dalawang basong tubig. Pakuluan ito sa isang palayok sa loob ng 15 minuto sa lutuang may mahinang apoy. Huwag po nating takpan ang palayok. Pagkatapos maluto ay palamigin at salain. Uminom ng 1/3 baso tatlong beses maghapon, mga 30 minuto bago kumain. Ang murang dahon ay maaring pasingawan at kainin (kailangan ng kalahati o 1/2 baso dalawang beses maghapon).
Simple lamang ano po? Maaari tayong magtanim ng ampalaya sa ating mga bakuran upang makatipid. Ganito lamang po: Itanim ang mga magugulang na buto. Maaring alalayan sa pag-usbong ng mga tukod.
Itaguyod natin ang paggamit ng halamang gamot na ligtas at mabisa laban sa pangkaraniwang mga karamdaman.
Talasaligan:
Gabay sa Paggamit ng 10 Halamang Gamot (leaflet na inilathala ng Philippine Institute of Traditional and Applied Health Care) Medicinal Plants of the Philippines ni Dr. Eduardo Quisumbing. Katha Publishing Inc., 1978.
Plants of the Philippines. Second edition. Pundasyon sa Pagpapaunlad ng Kaalaman sa Pagtuturo ng Agham, Ink., 1996.
Paraan ng pagluluto ng mga sumusunod:
Pitse-pitse
Isang masarap na pagkain ang aming handog sa inyo na kapana-panabik maging pang agahan o minindal.
Mga sangkap:
1 pirasong niyog
1 kilong kamoteng kahoy
1 kilong asukal na pula
3 pirasong dahon ng pandan
1 1/2 tumbas ng baso tubig
Ang paraan ng pagluto:
Kudkurin ang kamoteng kahoy at niyog. Magpakulo ng tubig kasama ang dahon ng pandan. Pagkakulo, ibuhos ang kinudkod na kamoteng kahoy at asukal. Haluin mabuti hanggang lumapot na parang madikit na pandikit. Tanggalin sa init ang lutuan at palamigin. Buuin sa inyong nais na hugis ang pinaghalung kamote at asukal. Ilatag at ibabad ng pabali-baligtad hanggang tuluyang mabalutan ng kinudkod na niyog.
Ihain na sa hapag kainan at tiyak maiibigan ninuman. Huwag pabayaang nakatiwangwang. Iyong bantayan, kundi ikaw ay mauubusan.
Madali lamang di ba? Hala, tumigil na sa kabibili ng junk foods, mag pitse-pitse na lang. Bukod sa masustansya at mura na, ligtas ka pa.
Gulay na mais
ni Nancy Lopez
Mga sangkap:
Bawang, pinitpit
1 pirasong talong
4 pirasong mais,ginayat
3 tasang tubig
malunggay
asin
Paraan ng pagluluto:
1. Ilagay ang ginayat na mais, tubig at bawang sa kaldero.
2. Hintaying kumulo ang tubig bago ilagay ang talong.
3. Ilagay ang malunggay.
4. Timplahan ng asin.
Ang pagkaing ito ay puwedeng ihain sa 6 hanggang 8 katao.
Ang kahanga-hangang Malunggayni Ria L. Buenavista
Alam n'yo ba na ang malunggay ay nagtataglay ng samu't saring kapangyarihan? Na bukod sa paborito itong sangkap sa tinolang manok at ginisang munggo ay nakapagpapagaling ito ng halos 300 karamdaman?
Ewan ko na lamang kung hindi ito pipiliin ni Popeye kapag nalaman niyang tatlong beses na higit na maraming bakal (iron) ang malunggay kaysa spinach. Gayundin, pitong beses na higit na marami itong Bitamina C kaysa sa kahel (orange), apat na beses na higit na dami ng Bitamin A kaysa sa carrots, apat na beses na higit na dami ng Calcium kaysa sa gatas, tatlong beses na higit na dami ng potassium sa saging at mas maraming protina kumpara sa itlog.
Napakadaling patubuin ng punong ito. Kalimitan itong makikita sa tabi ng mga bahay, ginagawang pambakod bukod pa sa pinagkukunan ng pangsahog sa ulam. Subukan mong mamutol ng sanga, itanim ito sa lupa at diligan araw-araw, tiyak na magkakaroon ka na ng puno ng malunggay.
Ang malunggay (Moringa oleifera) ay kilala sa marunggay o balungai sa Ilokano, kamalogan o kalamungai sa Bisaya, dool at kalunggay sa Bikol, at horseradish tree naman sa Inggles. Tinatawag din itong Drumstick tree (United Kingdom), Ben aile (Pransiya), Sajna (Indiya), Murunkak-kai (Sri Lanka), Mlonge (Kenya), Nebeday (Senegal) and Benzolive (Haiti).
Ang halamang ito ay katutubo sa Kanlurang Indiya. Noon pa man, kilala na ito ng mga matatandang manunulat ng Sanskrit bilang halamang gamot. Ang kahalagahan ng malunggay ay kilala sa sibilisasyong Romano, Griyego at mga taga- Ehipto. Ito ay dahil sa masarap na lasa ng langis na kinatas mula sa buto ng malunggay. Naitala pa nga ang paggamit nito bilang pabango at pamprotekta sa balat.
Hanggang ngayon ang dahon, buto, bunga, bulaklak at ugat ng malunggay ay nakakain.
Ang talbos ng malunggay ay mahusay na galactogogue o pampalakas ng daloy ng gatas ng ina.
Hango sa National Movement for Civil Liberties, Bulletin Board 2001
Bola-bolang Malunggay1 tasa ng dahon ng malunggay, tinadtad
1 tasa ng gabi, kinudkod
1 pirasong itlog
1 pirasong kamatis, tinadtad
1 kutsarang asin
1 pirasong sibuyas, tinadtad
1 pirasong carrots, tinadtad
2 tasa ng mantikang may pinalakas ng Bitamin A
Paraan ng pagluluto:
(1) Paghalu-haluin ang sangkap.
(2) Ihugis ito ng pabilog
(3) Iprito sa mainit na mantika hanggang maging tustado
(4) Ihanda ng may matamis at maasim na sarsa (sweet and sour sauce) o kaya ay catsup.
Guinumis
MGA SANGKAP
2 basong lutong sago
3 basong gata
2 basong gulaman, hiniwang pakuwadrado
kinaskas na yelo
kalahating basong tostadong pinipig
TINUNAW NA PANOCHA
1 pirasong panocha o 1 basong asukal na pula
2 basong tubig
PARAAN NG PAGGAWA
1. Ilagay ang 2 basong tubig sa maliit na kaldero at ilagay ang panocha o kaya ang isang basong asukal na pula.
2. Hintaying matunaw ang panocha o arnibal. Haluin nang haluin hanggang lumapot.
PAG-AAYOS NG MGA BAHAGI
1. Lagyan ang isang mataas na baso ng 2 kutsarang sago at gulaman at ng tinunaw na panocha o arnibal.
2. Idagdag ang kinaskas na yelo.
3. Lagyan ng gata.
4. Palamutian ng tostadong pinipig.
Sa Sakit ng Tiyan, Tsaang Gubat Ang Kailanganni Jyrvie J. Vargas
Kilalanin ang isang uri ng palumpong na mabisa at ligtas na panlunas sa sakit ng tiyan. Ito ay ang tsaang gubat na tinatawag ding tsaang bundok.
Ang tsaang gubat (Ehretia microphylla) ay isang palumpong na tumatas hanggang limang metro. Mayroon itong maliliit na dahong matingkad ang pagkaluntian. Matatagpuan ito sa Pilipinas at maging sa India, Timog Tsina, Formosa at Malaya. Sa Pilipinas, kilala ito bilang alibungog, kalabonog, taglokot, kalimunog at marami pang iba.
Napaparami ang uring ito sa pamamagitan ng mga buto. Maari ring itanim ang mga pinutol na sanga na may habang 20 sentimetro at may tatlong buko.
Sa ating bansa, ang tsaa mula sa tsaang gubat ay ginagawa mula sa mga dahon nito. Ang tsaa mula rito na ginagamit panlunas sa sakit ng tiyan ay kasintulad din ang kulay at amoy ng mga ordinaryong tsaa na iniinom natin.
Bilang paghahanda, narito ang paraang itinuturo ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITACH): Hugasang mabuti ang mga dahon at tadtarin; magtakal ng 2 basong tubig at dahon (Ang dami ng dahon ay ayon sa edad ng iinom: para sa matanda, 4 kutsara sariwang dahon at 3 kutsarang tuyong dahon. Para sa 7-12 taon, ang dami ay kalahati ng sa matanda,); pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto; huwag takpan ang palayok, palamigin at salain. Samantala, ito naman ang paraan ng paggamit: hatiin sa 2 bahagi ang pinaglagaan at inumin ang bawat bahagi tuwing ika-4 na oras. Madali lamang ano po?
May mga ulat din na ang ugat mula sa tsaang gubat ay ginagamit sa Timog India bilang panggamot sa sakit na sipilis. Isang pang kapakinabangan nito ay maari palang ipangmumog ang tsaa upang tumibay ang ngipin.
Hanggang ngayon ay marami pa rin ang gumagamit ng halamang gamot dahil sa bisang taglay. Ipagpatuloy natin ito, kaya't sa sakit ng tiyan, tsaang gubat ang asahan.
Dinengdeng
Mga Sangkap
1/2 kilong Agaya ( buto ng sitao )
bawang
sibuyas
hinimay na tinapa
bulaklak ng kalabasa
mantika
Paggawa
Lagain ang agaya hanggang lumambot. Itabi sandali. Gisahin ang bawang, sibuyas at tinapa. Ibuhos ang pinalambot na agaya sa iginisang bawang, sibuyas at tinapa. Timplahan ng asin. Hintayin kumulo, at ilagay ang bulaklak ng kalabasa.
Ginataang Ampalaya
Mga sangkap:
3-4 na kainamang laki ng ampalaya
3 butil ng bawang, dinikdik
1 na kainamang laki ng niyog, kinayod
asin (ayon sa panlasa)
Paraan ng Pagluluto:
Matapos hugasan, gayatin ang ampalaya na 3/4 na pulgadang parisukat. Huwag kalimutang alisin ang buto, hindi po ito kasama. Gatain ang kinayod na niyog sa 2 tasang tubig. Lutuin ang gata kasama ng dinikdik na bawang. Lagyan ng asin ayon sa panlasa. Isunod ang ampalaya kapag namuo na ang gata. Huwag lamang pong hahaluin, hintaying maluto. Kapag malambot na at naluto na ang ampalaya, hanguin at ihain.
Takot ka ba sa Bawang? Ayon sa mga kuwentong bayan, ang bawang ay kinatatakutan daw ng mga nilalang na aswang.
Totoo man ito o sabi-sabi lang, mahalaga ang papel na ginagampanan ng bawang bilang halamang gamot at sangkap pampalasa sa ating mga lutuin.
Ang bawang (Alluvium sativum) o garlic sa Ingles ay kabilang sa pamilyang Liliaceae. Pinaniniwalaan na ito ay mula sa Gitnang Asya. May tala ring nagsasabi na ito ay katutubo naman ng Timog Asya. Ang panlunas na kapakinabangan nito ay mauugat limang libong taon na ang nakakaraan sa Asya. Ayon sa mga tala, ginagamit ito ng mga tribong palaboy bilang pantaboy ng masasamang espiritu at pati rin sa pagpapaunlad ng kanilang kalusugan.
Sa kasalukuyan, ito ay itinatanim sa ating bansa para sa komersiyal na gamit. Ang mga taniman ng bawang ay matatagpuan sa Batangas, Mindoro, Nueva Ecija, Ilocos Norte at Cotabato.
Maraming gamit ang bawang. Ang buong halaman ay maaaring kainin bilang gulay. Ang tuyong kabo (clove) ng bawang ay paboritong pampalasa sa mga lutuing Pilipino.
Pinaniniwalaan na mahusay itong magpababa ng presyon ng dugo at mahalagang kagamutan para sa sakit sa puso. Maraming kagamutan ang taglay ng uring ito nguni’t binibigyang pansin ngayon ang kakayahan ng bawang na magpababa ng kolesterol sa katawan.
Narito ang ligtas at mabisang paraan ng paggamit sa bawang na ipinapayo ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care. Maaaring igisa (may kaunti o walang mantika) ang butil, ihawin, ibabad sa suka sa loob ng 30 minuto, o kaya’y banlian ng pinakulong tubig hanggang limang minuto. Kumain lamang ng dalawang butil tatlong beses isang araw upang hindi magkasugat ang tiyan at bituka.
Samantala, narito ang isang alamat ukol sa pinagmulan ng bawang.
Noong unang panahon na kakaunti pa ang naninirahan sa Pilipinas ay may magandang babae na nagngangalang Kulala. Dahil sa kagandahang taglay, maraming anak ng datu ang nais na maging kabiyak si Kulala. Lingid sa dalaga, nakipagkasundo ang ina nitong si Uganda sa isang datu upang maging kabiyak ng anak ng huli ang dalaga. Antura ang pangalan ng anak ng mayamang datu. Ang pakikipagkasundo ay nabalitaan ni Madur, isang manliligaw ng dalaga. Dahil dito ay pinatay ni Madur si Antura. Nguni’t napatay naman ng alipin ni Antura si Madur bilang ganti.
Nang mabalitaan ito ni Kulala, isinumpa niya ang maganda niyang mukha na naging dahilan ng lahat. Tumakbo siya sa bundok at hiniling kay Bathala na kunin ang buhay niya. At ito’y natupad nga.
Inilibing ni Uganda ang dalaga sa kanyang hardin at hiniling kay Bathala na bigyan ng kapalit ang yumaong anak. Isang araw na lang ay nakita ni Uganda ang isang animo’y damong tumutubo sa ibabaw ng puntod ng anak. Nagulat pa siya dahil ang buto nito ay katulad ng ngipin ni Kulala. Isang tinig mula sa itaas ang nagsabi: "Iyan ang mga ngipin ng iyong anak." Bilang pag-alala sa anak, itinanim ni Uganda ang mga buto upang maparami.
( Talasaligan: Ang alamat ng pinagmulan ng bawang ay nilagom sa The First Garlic mula sa aklat na The Myths, Philippine Folk Literature Series: Vol. II ni Damiana L. Eugenio, UP Diliman Press. 1993)
Ang sukang maaasahan
Sa hapag-kainan ang suka ay kinagigiliwan. Paborito itong sawsawan maging panlahok sa ulam. Nguni't ang sukang maasim ay may iba pang kakayahan na tila kayo ay ‘di alam. Halina’t ngayon ating subukan ang galing ng suka kahit saang paraan. Tiyak kayo’y sasang-ayon, ang suka ay sadyang kapaki-pakinabang.
1. Upang hindi gaanong sumipsip ng mantika ang ipiniprito, lagyan ng isang kutsaritang suka ang langis na pamprito.
2. Upang hindi mangitim ang inilalagang patatas, lagyan ng ilang patak ng suka ang tubig na pinaglalagaan.
3. Kapag nagluluto ng itlog na wala sa balat, lagyan ng isang kutsaritang suka ang tubig sa pagluluto nito.
4. Upang manatiling buo ang butil ng bigas, lagyan ng isang kutsaritang suka ang tubig sa pagluluto nito.
5. Mapapadali ang pagpapalambot ng karne kung lalagyan ng isang kutsaritang suka ang pinakukulong karne.
6. Upang maalis ang amoy ng mga bote o garapon, banlawan ito ng tubig na may suka.
7. Kapag ibinabad ang damit sa mainit-init na suka, mawawala ang mantsa ng pawis dito.
8. Maaalis ang mantsa ng pagkasunog sa isang damit kung kukusutin ito nang may suka.
9. Isang kutsaritang suka na isinama sa pagbabanlaw ng medyas na nylon, ay makapagpapanatili ng pagka-elastik nito.
10. Isang kutsaritang suka sa dalawang tasa ng barnis ay makadadagdag sa kintab nito.
11. Maaalis ang amoy ng pintura sa kuwarto kung maglalagay ng suka sa isang platito sa kuwartong ito.
Halaw sa Agricultural and Industrial Life ng Department of Science and Technology.
Tayo nang mag-ehersisyo
ni Ria L. Buenavista
Para sa mga madalas nakaupo at walang mailaang panahon upang igalaw ang kanilang katawan, mistulang kay hirap ibanat ng kanilang buto at harapin ang araw na masigla at magaan.
Nguni’t di dapat isiping mahirap ang mag-ehersisyo. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang simpleng galaw lamang, ay makatutulong na upang maging masigla at aktibo ang ating pamumuhay. Kabilang sa mga payak na galaw na iminumungkahi ng WHO ay ang paglalakad ng 10 minuto sa patag na sahig, 10 minutong gawain sa bahay, at 10 minutong pagpipintura o paglalaro ng golf, o pagsasayaw araw-araw.
Matatandaang ang pangunahing sakit na kumikitil sa buhay ng mga Pilipino ay nauugnay sa kakulangan ng pisikal na gawain, labis na paninigarilyo at di-tamang pagkain. Mataas ang bilang ng mga taong may karamdaman sa puso. Ayon pa sa Kagawaran ng Kalusugan, 50 bahagdan ng ating populasyon ay hindi gaanong nagkikikilos at isa sa sampung Pilipino ang may labis na timbang. Gayundin sa buong mundo, isa sa sampung pangunahing sanhi ng kamatayan at pagkalumpo ay ang pagiging "sedentary" o ang ‘di pagkikilos.
Ang tamang pag-eehersisyo kasabay ng tamang pagkain at pag-iwas sa labis na paninigarilyo ay tumutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng kanser sa bituka, diabetis, pagkakaroon ng labis na timbang, sakit sa puso at osteoporosis o pagkarupok ng mga buto. Nakapagpapasigla rin ito ng katawan at nakawawala ng pagod.
Bukod sa pag-iwas sa mga sakit na nabanggit, ang pag-ehersisyo ay makatutulong pa upang gumanda ang hubog ng katawan. Pinanunumbalik nito ang tiwala sa sarili ng mga kabataan at pati na rin sa mga matatanda dahil sa pagpapaunlad nito ng kakayahang kumilos mag-isa.
Sa pagdiriwang ng World Health Day na may temang "Move for Health", nanawagan ang WHO sa lahat na mag-ehersisyo. Inirerekomenda ng WHO ang pagkakaroon ng gawaing pisikal kahit 20 hanggang 30 minuto lamang tatlong beses isang linggo. Ilang halimbawa ay ng paglalaro ng badminton, pagsasayaw, pagbibisikleta at mabilis na paglalakad sa patag na lugar, paghahalaman, paglalaro ng golf, volleyball, pagpupunas ng sahig, at iba pa.
Samantala, ang mabibigat namang ehersisyo na maaaring tumagal lamang ng kahit 10 minuto ay pagbabasketbol, pagbibisikleta sa pataas na lugar, paglangoy, pagbubuhat ng mabigat na kasangkapan, pagtakbo. Hinihikayat lamang na alamin ang bilis ng tibok ng puso lalo na sa mga taong may mataas na presyon ng dugo, sakit sa puso, hika, pagbubuntis, problema sa buto, paninikip ng dibdib at iba pang sakit upang malaman ang tamang ehersisyong nababagay sa kanila.
O, ano pang hinihintay ninyo, hataw na!
Pinaksiw na Laing
Mga sangkap:
12 pirasong dahon ng gabi
3 butil na bawang
1 maliit na sibuyas
5 gramo ng dilis
1 kutsaritang asin (o ayon sa inyong panlasa)
1/2 tasang suka
3 tasang tubig
Paraan ng pagluluto:
Hatiin ang 12 dahon ng gabi sa apat na bahagi (tig-tatlong dahon bawat bahagi). Lagyan ng dilis ang bawat bahagi at ibalot. Talian ng makapal na sinulid para di maghiwalay (Huwag gumamit ng panaling plastik). Ilagay sa isang kaserola at timplahan ng mga sangkap. Takpan at pakuluin hanggang sa maluto.
ambag ni Jose Cornel, Jr.
________________________________________
Kalabasang Ukoy
Mga sangkap:
1 tasang niyadyad na hilaw na kalabasa
3 kutsarang harina
asin (ayon sapanlasa)
1 itlog (batihin)
1 kutsarang ginayat na berdeng sibuyas
1 kutsarang siling pula (ginayat)
mantika (tantiyahin ang dami)
Paraan ng Pagluluto:
Paghaluing mabuti ang lahat ng sangkap sa isang lalagyan. Kumuha ng katamtamang dami, gawing bola-bola. Prituhin at dyaraaan, may masarap na tayong minindal.
ambag ni Mario Atienza
Bayabas
ni Jyrvie J. Vargas
Ang bayabas (Psidium guajava) ay isa sa pinakakilala at pinaka-karaniwang puno sa Pilipinas. Lahat halos ng bahagi ng puno nito ay may taglay na kapakinabangan.
Ang uring ito ay matatagpuan sa buong bahagi ng Pilipinas. Ang prutas na bigay nito ay paborito ng mga Pilipino at kalimitang ginagawang jellies o jam. Ang prutas na ito ay mayaman din sa bitamina C. Ginagamit din ang bungang magulang o hinog bilang panghalo sa sinigang.
Kilala sa ibang katawagan bilang kalimbahin, guyabas, bayawas, bayabo at marami pang iba, ang uring ito ay tumataas ng hanggang apat o limang metro at namumulaklak ng kulay puti. Ang bunga ay bilog na may maliliit na buto.
May mga tala na nagsasabi na ang balat ng puno (bark) at dahon nito ay astringent at pag pinakuluan ay mainam pangontra sa pagtatae o diarrhea. Ito ay nagpapabuti din sa maayos na pagdaloy ng dugo lalo sa buwanang dalaw ng mga kababaihan.
Sa bansang Costa Rica ay may ulat na ang pinakuluang bukong bulaklak o flower buds nito ay ginagamit ding lunas sa pagtatae. Maraming kagamutan ang uring ito at pinakakaraniwan na nga ay ginagamit para sa panlinis ng sugat, impeksiyon sa bibig, magang gilagid at bulok na ngipin.
Para sa karaniwang karamdamang nabanggit, narito ang paraan ng paghahanda na mungkahi ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care: Hugasang mabuti ang mga dahon gumamit ng mga murang dahon) at tadtarin; magpakulo ng 2 basong dahon sa 4 na basong tubig sa loob ng 15 minuto sa mahinang apoy; huwag takpan ang palayok. Paggamit: para sa sugat, ipanghugas ang pinaglagaang tubig 2 beses maghapon at bilang pangmumog naman gamitin ang maligamgam na pinaglagaan. Pinaalalahan lamang ng PITACH na 'yung mga katutubong (native) puno lamang ang gamitin, sapagka't ito lamang ang dumaan sa pananaliksik.
Paggawa ng Lomi
Sangkap:
bawang
sibuyas
miki
paminta
itlog
asin
cassava powder
Pagluluto ng Lomi
1. Ilagay ang kaldo o pinaglagaan ng karne.
2. Kapag kumulo na ay ilagay ang miki
3. Lagyan ng tinadtad na sibuyas, bawang at paminta
4. Kapag medyo luto na ang miki, ilagay ang tinunaw na cassava powder.
5. Lagyan ng binating itlog upang magkalasa.
6. Ilagay sa mangkok at idagdag ang bola-bola ( karne ng baboy), hiniwang karne at atay.
Upang mas masarap ito, lagyan ng toyong may kalamansi at sili, sahugan pa ng tinadtad na sibuyas na puti at tiyak, gaganahan na kayo sa pagkain ng lomi.
Si Buboy at ang Kastanyas
Isang batang nagngangalang Buboy ang minsang naglaro sa labas ng kanilang bahay.
Nakakita siya ng isang pitsel ng kastanyas na nakapatong sa isang mesa sa garahe. At dahil mahilig siya sa kastanyas, agad niya itong pinuntahan at inilagay niya ang kanyang kamay sa loob ng pitsel. Gusto niyang makakuha ng marami sa minsanang pagdukot kaya’t pinuno niya ng kastanyas ang kanyang kamay. Kaya lang, nang subukan na niyang tanggalin ang kamay niya mula sa pitsel, natuklasan niyang hindi pala puwede. Masikip ang leeg ng pitsel. Ayaw bitawan ni Buboy ang mga kastanyas pero hindi rin niya mahugot ang kamay niya mula sa pitsel.
"Ano na ngayon ang gagawin ko?" iyak ni Buboy. "Bakit ko ba naipasok ang kamay ko sa pitsel?"
Nagkataong dumaraan naman ang isang magbobote at nakita nito ang kalagayan ni Buboy.
Naawa ito at nilapitan ang bata para tumulong.
"Matatanggal mo ang kamay mo riyan kung babawasan mo ang hawak-hawak mo," sabi ng magbobote. "Sa halip na punuin mo ang iyong palad ng kastanyas, bawasan mo ng kalahati."
Sinunod ni Buboy ang payo ng magbobote at natanggal nga niya ang kanyang kamay mula sa pitsel. Nakahinga nang maluwag ang bata at ito’y nagpatuloy sa paglalaro.
Leksiyon ng kuwento: Huwag magtangkang pasukin ang masyadong maraming gawain nang minsanan.
Si Selwyn Hughes, ang Kristiyanong may-akda ng devotional na pinamagatang Everyday with Jesus, ay nagkomento nang ganito: Hindi maganda para sa isang tao ang mahulog sa bitag ng sobrang kaabalahan.
Ngayon kasi’y parang mas nagiging sikat ka kapag tinanong ka ng "Kumusta ka na?" at pagkatapos ang sagot mo ay "Naku, grabe. Sobrang busy ang schedule ko this week." At pagkatapos ay ililitanya mo na ang lahat ng mga bagay na pinasukan mo. Sunud-sunod na overtime sa opisina, outing ng mga kabarkada, picnic sa school ng mga anak mo, volunteer work sa isang institusyon para sa mga pipi at bingi, mga aktibidad sa simbahan, pag-aaral ng masters degree tuwing Sabado, badminton tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes para manatiling matipuno ang katawan, negosyong buy and sell ng mga damit para kumita ng extra, etsetera, etsetera. (Binabasa ko pa nga lang ang nakasulat e napapagod na ako.)
Maraming pag-aaral na ang lumabas tungkol sa sanhi ng mabibigat na mga sakit na tulad ng kanser. Isa sa mga natuklasan ay ito: Ang kakulangan sa pahinga ay nagpapababa ng resistensiya ng isang tao at nagpapahina ng kanyang immune system.
Mas madali kang tatamaan ng matitinding sakit kung ganu’n.
Kahit ang Panginoong Hesukristo ay hindi pumasok sa mga bagay na hindi Niya kailangang pasukan. Noon ay inaasahan ng mga Israelita na ang magiging Mesias nila ay isang rebolusyonaryong lider na mamumuno sa kanila sa paglaban sa imperyong Romano. At bagama’t sinabi ni Hesus na Siya nga ang Mesias, hindi Niya pinatulan ang gayong mga udyok sa Kanya. Klarung-klaro kay Hesus kung ano ang misyon Niya rito sa lupa. Dahil dito, buong kumpiyansa Niyang binigkas ang mga salitang ito sa Kanyang Ama:
"Inihayag Ko rito sa lupa ang Iyong karangalan; natapos Ko na ang ipinagagawa Mo sa Akin" (Juan 17:4).
Marami sa atin ang nag-aakalang mas matutuwa ang Diyos sa atin kung marami tayong pinagkakaabalahan para sa Kanya. Totoong natutuwa Siya kapag pinagsisilbihan natin Siya. Pero ang tanong ay ito: Sigurado ka ba na ang ginagawa mo ngayon ay yaong mga bagay na ipinagagawa nga Niya sa iyo?
Huwag tayong magpatihulog sa bitag ng sobrang kaabalahan. Tularan natin si Hesus. Naging mapili Siya sa Kanyang mga papasukang gawain, at sinigurado Niyang matatapos Niya ang ipinagagawa sa Kanya ng Kanyang Ama.
Manalangin tayo: Diyos Ama, ipakita N’yo po sa amin kung ano ang mga bagay na makakapagbigay-kasiyahan sa Inyo. Turuan N’yo po kaming bumitiw sa mga bagay na hindi naman namin kailangang gawin, nang sa gayon ay magkaroon kami ng mas maraming oras para makilala namin Kayo at ang Inyong Anak na si Hesus. Maraming salamat po sa gabay na ibinibigay Ninyo sa amin sa pamamagitan ng Inyong Banal na Espiritu. Amen.
***
In everything you do put God first.Do it Right the First Time.
"In Everything give thanks; for this is the will of God in Christ Jesus concerning you." I Thessalonians 5:18
A good book are those book that teaches men how to live.