Naisip mo na ba to?
After 100 years (2123) nakalibing na tayong lahat kasama ang mga kamag-anak at kaibigan natin.
Ang mga tao na hindi natin kilala, nakatira na sa mga bahay natin. Sila na ang may-ari ng lahat ng mayroon tayo ngayon.
Ang ating mga inapo ay hindi na halos alam kung sino tayo, ni hindi nila tayo maaalala.
Pagkatapos nating mamatay, maaalala pa tayo ng ilang taon, tapos nasa portrait ka na lang ng bookshelf ng isang tao, at pagkaraan ng ilang taon pa, pakonti na ng pakonti ang makaka alala, at mas bihira ka nang mapag uusapan.
Kung huminto tayo isang araw para isipin ang mga bagay na to, pwedeng mauunawaan natin kung gaano kaikli lang at kung gaano kapansamantala lang ang mga bagay na pinaghihirapan natin ngayon
Kung iisipin lang natin ito, siguradong magbabago ang ating mga diskarte, mga iniisip at magiging iba ang approach natin sa buhay.
Anomang titulo, kapangyarihan, karangyaan, katanyagan, ay hindi din permanente. Pero kung gusto mo man na may makaalala sayo after 100 years, isipin mo ngayon...
Paano mo gustong maalala?
Life is short...
No comments:
Post a Comment