(5:45 am)
May nakasabayan ako kanina nag aabang ng jeep, nung una di ko sila pinapansin pero naririnig ko sinasabi ni tatay kasi ang iniisip ko malelate na ako sa trabaho.
Tatay : anak, subukan natin sumakay ng jeep. Limang piso na lang hawak kong pera.
Anak : kulang ata yan
Tatay : susubukan lang natin, kung ayaw wala tayo magagawa
Ayun nakasakay na kami ng jeep, saka lang nakuha nila buong attention ko.
Tatay : manong, okay lang Limang piso bayad (sabay abot)
Walang imik si driver at tinanggap ang pamasahe nila. Babayaran ko na sana kulang nilang pamasahe ng biglang,
Pasahero : kuya ako na magbabayad
Napahaaayy salamat Lord may mabubuti pa din talagang tao.
Ako sa sarili ko gustong gusto ko mag abot ng tulong. Kaso saktong wala ako dalang extra na pera ang tanging panalba na meron ako ay asa gcash ko pa at ang 15 pesos sa pitaka ko. Inisip ko, pagbaba kaya nila sasakay pa ba sila? Paano na ulet sila makikiusap sa driver, paano na pagkain nila. Hindi ko alam paano ko sila abutan ng tulong, nanahimik ako saglit at nagdasal kasi naniniwala akong prayer works. At yun na nga, real quick....
Pasahero : (eto yung nagbayad ng kulang na pamasahe nila tatay) manong para sa tabi, (sabay abot ng isang daan kay tatay)
Nabuhayan ako kahit papano, dahil ang bilis ni Lord umaksyon🥰
Si tatay walang tsinelas tas halatang antok na antok pa anak nya kaya pinatulog nya ito sa kanya at sabay yakap🥺🥰
Wala man akong perang naitulong or kahit pagkain, taos puso ko kayo pinagdasal na maging safe kayo. God will provide because He is EVERYTHING😇🤍
Talagang walang katumbas magmahal ang isang ama🥺🤍
Naantig ang puso ko kay tatay🥺. gagawin lahat para sa anak🥰.
No comments:
Post a Comment