Ang atake sa puso, kilala din bilang acute myocardial infarction, o AMI. Ito ay isang apurahang mensahe mula sa iyong puso na nagkukulang ito ng oxygen. Kapag ang namuong dugo ay bumara sa ugat na papunta sa puso (coronary artery), ang dugong mayaman sa oxygen ay hindi makararating sa bahagi ng iyong puso o sa iyong buong puso. Ang kalamnan ng puso ay magsisimulang mamatay. Nagiging sanhi ito ng mga sintomas ng atake sa puso. Kung ikaw ay madadala sa ospital sa lalong madaling panahon, mas madaling mauumpisahan ang gamutan upang mailigtas ang iyong buhay at ang iyong puso.
Mga babalang sinyales ng atake sa puso:
Kawalan ng pagkakomportable sa dibdib. Karamihan sa mga atake sa puso ay may kawalan ng pagkakomportable sa gitnang bahagi ng dibdib na tumatagal nang higit sa ilang minuto, o nawawala at bumabalik. Ito ay maaaring madama na parang di komportableng pagbigat, pinipiga, kapunuan, paninikip, o pananakit. Kadalasan nang inilalarawan ito na may mabigat na bagay na nakadagan sa iyong dibdib.
Kawalang ginhawa sa ibang bahagi ng itaas na katawan. Kabilang sa mga maaaring sintomas ay ang pananakit o kawalang ginhawa sa isa o parehong bisig, sa likod, leeg, panga o tiyan.
Kakapusan sa hininga na mayroon o walang pananakit ng dibdib.
Ang iba pang mga senyales na maaaring kabilang ay ang pagpapawis ng malamig, pagduduwal o kawalan ng balanse.
Share share share this post.
Help other people understand.
No comments:
Post a Comment