From Gerald Hidalgo of Tanauan, Batangas.
"Observation at suggestion lang po para sa mga evacuation centers
Nag ikot kami kahapon sa iba’t ibang evacuation centers natin dito sa Tanauan at Santo Tomas at halos iisa ang systema na nakita ko po.
Darating ang relief goods na nakapack hiwa-hiwalay at per family ang distribution. Nakaplastic isa- isa ang bigas, de-lata, noodles, sardinas, tubig etc.
Eto po ang problema, wala pong kapasidad na magluto isa-isa ang mga evacuees, kaya ang nangyayari ay naka-stock sa bodega ng baranggay ang mga binibigay natin or sa mga evacuees mismo naka ipon lang ang mga ito.
Ang dating po nito ay may bigas (kanin) at ulam ka nga di mo naman makain. Dahil wala kang kakayahan na magluto.
Suggestion ko po sana ay ang mga sumusunod:
1) Magkaroon ng mobile kitchen ang bawat evacuation centers kung saan pwedeng tumulong sa pag prepare ng kanilang kakainin ang mga evacuees at volunteers.
2) Isama sa kwenta ng preparasyon sa pagkain ang mga volunteers, security at evacuees na nasa lugar. Karamihan sa nakikita at nakausap po namin ay gutom din sila.
3) Magkaroon ng head count bawat area pati mga nasa bahay dun sa Brgy at ng maisama sa listing. Mabigat magpakain ng 2-3 pamilya bawat bahay. Bale sa oras ng kain ay saka sila pupunta sa Center upang makikain upang hindi makastrain sa mga kamag anak or kaibigan
4) Ang dalhin na lamang sa center ay sako sako ng bigas/ asukal/ kape/ baboy / manok/ gulay at condiments suka, patis, toyo, MSG.
5) Gumawa ng committee sa bawat evacuation center na in charge sa inventory ng pagkain at meal planning para sa mga volunteers.
6) Gumamit ng water filters kesa mga bottled water ang binibigay to reduce trash. Provide na rin ng washable na baso.
7) Organize and give allowance or salary sa mga evacuees na tutulong para sa up keep ng area nila ( kusina/ banyo/ kitchen)
8 ) Gumamit ng washable na mga plato at tinidor para sa better sanitation kesa puro tapon ang gagawin bawat kain.
9) Mag post or maglagay ng bulletin sa schedule na pwede mag dala ng hot meals ang mga centers. Minsan ay nag sasabay sabay na papanisan ang ibang mga dinala.
Sa opinion ko po sa ganito paraan ay madaming benefits na maidulot po ito at hindi makakatulong sa recovery ng mga tao, magkakaron ng sense of purpose yun pag aantay nila bawat araw at hindi masayadong maiinip. Napakahirap ng nakabangla ka lang at naka-asa kung ano darating sa araw- araw.
Long term ang problem na ito kaya mas maganda na long term din ang solution na gagawin at i-plano.
Ang daming mga surplus na kitchen equipment po sa market sa nga nagsara or upgrade na resto na maari natin i-utilize para maset-up sa bawat evacuation center. Mura at doable po ito
#mobilekitchen
#freezers
Pasensya na kung mahaba, hindi po ako nagmamarunong nagbibigay lang ng kuro-kuro para mas ma manage ang problema."
Ctto
No comments:
Post a Comment