IMPORTANT ANNOUNCEMENT
Gskers and friends please wag po maging praning sa coronavirus. Masyadong OA na po na panic buying ng surgical mask at alcohol.
Personally & professionally, hindi niyo kailangan mag mask kung pupunta ka sa lugar na walang infected ng coronavirus. Majority pa rin ng may ubo ay dahil sa allergic bronchitis, ordinary trangkaso, upper respiratory tract infection na tatlo singko sa Pinas. Medyo pinangdidirihan na kasi maski pangkaraniwan na ehem at singhot lang. Pati yung may GERD nga inuubo din.
At kung tutuusin kusang gagaling yang corona virus pagnahawaan kayo. Ang tigokabol po yung may very weak immune system na maski na yung ordinary pulmonya pwedeng ikamatay.
Ang gawin niyo po stay healthy to maintain a strong immunity by sleeping on time, no puyat, wag magpagod masyado, kumain ng tama, wag mag bisyo (alak, yosi, droga), avoid too much stress, drink plenty of water, regular exercise, proper hygiene. Pansinin niyo po panay sabi ng DOH maintain a strong immune system. Yan ang best thing to do. Take vitamins daw... multivitamin, vitamin C, vit. E and zinc. At kumain ng malunggay daw. Dapat kasi regular na ginagawa yan hindi pag may ganyan outbreak tsaka lang iinum at maging health conscious.
OA na kasi yung media na parang may “Scare The Public Campaign”. Napansin ko lang po.
No comments:
Post a Comment