"CONSTRUCTION WORKERS"
Pag may Bagong Tayong building,Ang atensyon natin ay nakatuon sa ganda,Laki at taas ng building at Nakakalimutan natin kung sino Ang gumawa ng building na iyon.
SINO ba sila?
●Sila yung mga taong nakapagtapos ng elementary o high school na may mababang uri ng pamumuhay kung ituring ng Ilan.
●Sila yung nagtatrabaho sa ilalim ng tirik na araw o sa mataas at delikadong building .
●Sila yung Hindi iniisip na baka mahulog o malaglagan ng mabigat na bagay pagkat Ang iniisip nila ay May maipakain sa Kanilang pamilya.
●Sila yung Isa pinaka Mahirap at mabigat na trabaho pero Maliit Ang sahod pero nagtitiis para sa pamilya. Ganyan nila ka Mahal ang pamilya nila.
●martilyo,lagari at pala Ang nagsisilbing ballpen nila.
●Sila yung madalas magbaon ng sardinas,lucky me at Kape na 3n1.pero masaya na sila.
●Isa sila sa pilit pinagkakasya Ang sahod at minsan delay pa Ang sahod.
●proud sila sa trabaho nila.
●Sila yung construction worker kung tawagin
SALUDO Po ako sa kanila dahil proud sila sa trabaho nila.yung iba minamaliit sila dahil sa uri ng trabaho nila.Bawat pokpok ng martilyo,Halo ng semento,Hatak ng bakal kinabukasan ng pamilya Ang Iniisip nila.sila Ang isa sa dahilan kung bakit may Tulay,Bahay Kalsada,At maging sementeryo kaya dapat Proud tayo sa kanila.
At Sana dumating Ang araw na Itaas din Ang SAHOD nila.
ctto
No comments:
Post a Comment