Thursday, October 05, 2023

Teach the truth.

 Attendee: Pastor, pwede ba prayer request?

Pastor: Oo naman, ano 'yun?

Attendee: Yung kamag anak ko namatay na. 

Pastor: Anong gusto mo ipag pray? 

Attendee: Namatay siya last week. Ipag pray sana na ma guide siya ni God sa kabilang buhay. 

Pastor: Ay... kunwari may exam, kailan ka dapat mag pray, bago mag exam o pagkatapos? 

Attendee: Syempre bago mag exam po... 

Pastor: Tama. Ganito kasi iyan, kapag nag pray ka after na mag exam, parang sinasabi mo sa Dios na baguhin ang grades. Hindi iyan pwede dahil tapat ang Dios. Hindi niya pwedeng dayain ang resuta. 

Ganun din naman kapag namatay tayo, natapos na din ang exam. Hindi na natin pwedeng baguhin ang resulta ng ating desisyon nung tayo ay nabubuhay pa. Hindi na natin mababago ang ating destiny. 

Sabi sa Hebrews 9:27, we are to die once and then we will face the judgment after that.

Ibig sabihin wala ng second chance. I'm sorry, but that is the truth.

Attendee: Ay? Ganun pala iyon? Habang tayo ay nabubuhay pa, ayusin na agad? 

Pastor: Yes. Sorry sa kamag anak mo. Hindi na siya pwedeng ipag pray pa. Iyan ang reason kung bakit kailangang maunawan ng tao ang Gospel habang sila ay nabubuhay pa. Kailangan nilang tanggapin si Hesus bilang Panginoon at Tagapagligtas bago pa mahuli ang lahat. 

Attendee: Okay, pastor.

__________

Churches that teach there is still salvation after death are teaching what is contrary to Scripture and are deceiving their members. 

People who believe they can be saved after death will get the greatest shock of their lives when they find out the Truth that there is NO salvation after death.

Teach the Truth because that's the only thing that can set people free! (John 8:32)


- ctto

Credit to the owner.

No comments: